Chapter 04
Ariana Xiamara
THE WAVES gently lapped against my feet as I walked along the shore, the orange hues of the sunset casting a warm glow over the sea. Ang dalampasigan ay tahimik, tila sinasabayan ang mabagal kong paglalakad. Bukas na ang alis ko, pero ang bigat sa dibdib ko, parang ngayon pa lang ako nagpaalam.
Hindi ko gustong lumayo. Kung ako ang masusunod, mas pipiliin kong manatili. Pero kailangan. May mga bagay na hindi ko kayang ibigay kung mananatili lang ako rito. Alam kong maiiwan si Lola Guada at si Alpha kay Nana Cynthia nang maayos, pero hindi pa rin iyon sapat para maibsan ang lungkot na nararamdaman ko.
Narinig ko ang maliliit na yabag sa likod ko. I looked over my shoulder and saw Alpha following closely, stepping into my footprints in the sand. Tahimik lang siya, pero halatang may gustong sabihin. Huminto ako, at sumabay rin siyang tumigil.
"Mama, aalis ka na po bukas?" tanong niya, ang maliliit niyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa laylayan ng palda ko.
Napangiti ako, kahit ramdam kong mabigat ang susunod kong sasabihin. Lumuhod ako sa harap niya, inalis ang buhangin sa pisngi niya. "Oo, anak. Pero hindi magtatagal. Babalik agad si Mama, promise."
"Pero bakit po kailangan ninyong umalis?" His small voice carried the weight of questions he couldn't fully understand.
Huminga ako nang malalim, pilit na pinapaliwanag kahit sa sarili ko. "Kailangan ni Mama magtrabaho sa ibang lugar, anak. Para sa'yo, para kay Lola. Para makapag–ipon tayo, makabili ng mas maraming pagkain, laruan..." Ngumiti ako kahit ramdam ko ang kurot sa puso. "Pagbalik ko, bibilhan kita ng ice cream, gusto mo ba 'yun?"
Tumango siya, pero bakas pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata. "Pero Mama...hindi ba pwedeng dito na lang po kayo magtrabaho?"
Niyakap ko siya nang mahigpit, hinayaang maramdaman niya ang t***k ng puso ko. “I wish I could, anak. Pero minsan kailangan nating magsakripisyo para sa mga mahal natin. Pero kahit malayo si Mama, nandito pa rin ako," I pointed to his chest. "Sa puso mo."
"Sa puso ko?" His small brows furrowed as he repeated the words, trying to understand.
Tumango ako, pinisil ang kanyang pisngi. "Hmm. Kahit anong layo ko, palagi akong babalik dito."
He smiled faintly, the kind of smile that made my chest ache. "Sige po, Mama. Pero mabilis lang ha? Promise?"
"Promise," sabi ko, pilit na ngumiti kahit pinipigil ang luha. "Bibilisan ko para sa'yo."
Habang naglalakad kami pabalik, mahigpit ang hawak niya sa kamay ko, as if he was afraid I'd slip away. Mahigpit din ang hawak ko sa kanya. For now, in this fleeting moment, it was enough. My love for him, and his for me, was our strongest anchor.
THE FIRST light of dawn crept through the small window, casting soft golden streaks across the wooden floor. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahihinang huni ng mga ibon sa labas.
Dahan–dahan akong bumangon, maingat na huwag makagawa ng ingay. Lumingon ako sa tabi ko, tulog pa si Alpha, nakayakap sa maliit niyang unan, bahagyang nakaawang ang labi. I brushed a few strands of hair from his forehead and kissed him softly.
"Good morning, anak," bulong ko, kahit alam kong hindi niya maririnig.
Bumaba ako sa kusina, nagsindi ng kalan, at sinimulang ihanda ang agahan. Sa bawat hiwa ng gulay at lagok ng kape, ramdam ko ang bawat segundo. The clock ticking on the wall felt louder than usual.
Hindi ko alam kung ano ang mas mahirap, ang pag–alis o ang pagpapaalam.
Nagluto ako ng paboritong itlog at hotdog ni Alpha, sinamahan ng sinangag. Ilang sandali pa, narinig ko ang mahihinang yabag pababa sa hagdan.
"Mama..." boses niya, paos pa sa antok.
Lumingon ako at ngumiti. "Good morning, love. Halika na, kakain na tayo."
Napakamot siya sa ulo at tumango, naupo sa upuan habang pinagmamasdan akong ilapag ang pagkain. "Mama, aalis ka na po mamaya?" tanong niya, dinudunggol ang plato niya gamit ang tinidor.
Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang likod niya. "Oo, anak. Pero hindi magtatagal. Uuwi rin si Mama."
"Ganoon po ba talaga kapag nagtatrabaho? Kailangan umalis?"
Tumango ako, pilit na nagpapaliwanag sa paraang maiintindihan niya. "Minsan, anak. Pero para sa'yo ito. Para kay Lola. Alam mo naman na mahal na mahal kita, 'di ba?"
Tumingin siya sa akin, saka dahan–dahang tumango. "Opo, Mama. Pero mami–miss kita."
I felt my throat tighten, but I smiled through it. "Ako rin, mami–miss kita. Pero babalik ako agad."
Habang kumakain siya, ako naman ay nag–aayos ng mga gamit ko. Siniguro kong kumpleto ang mga dala ko, mga papeles, passport, at ilang litrato namin na isinilid ko sa bag.
Alas otso na nang marinig ko ang pagtigil ng tricycle sa tapat ng bahay. Sumilip ako sa bintana at nakita kong si Perry na iyon, nakasandal sa tricycle habang nagpapaypay gamit ang maliit na papel.
"Aria! Ready ka na?" sigaw niya, halatang nasasabik.
"Halika na, Perry! Pasok ka muna," sagot ko, bago bumaling kay Alpha. "Anak, maliligo na si Mama, ikaw muna ang bahala kay Lola, ha?"
Tumango si Alpha, pero bago ako makalayo, hinila niya ang kamay ko. "Mama, you'll come back, right?"
Hinawakan ko ang mukha niya at tumango. "I promise, anak. Hindi kita pababayaan."
Habang bumubuhos ang tubig sa katawan ko, naroon ang halong excitement at lungkot. Alam kong ito ang simula ng bagong yugto ng buhay namin, pero kahit anong mangyari, Alpha would always be my reason to return.
"ALPHA, halika na...magpaalam ka na kay Mama mo," mahinang sabi ni Lola Guada habang mahigpit na hawak ang kamay ni Alpha.
Nakayuko si Alpha, hindi makatingin sa akin. His small fingers curled tightly around Lola's hand, knuckles turning white.
Lumuhod ako sa harap niya, pinunasan ang luha sa pisngi niya at pilit na ngumiti. "Magiging mabait ka kay Lola, ha? Tapos susulatan kita palagi. Mag–uusap tayo sa messenger."
Tumango siya, pero hindi niya pa rin ako tinitingnan.
"Alpha..." Hinawakan ko ang kanyang baba at itinaas nang dahan–dahan. "I'll come back, anak. Huwag ka mag–alala."
Doon niya ako tiningnan, at doon ko nakita ang lungkot na pilit niyang itinatago. "Babalik ka talaga, Mama?" mahina niyang tanong.
I swallowed the lump in my throat. "Oo, anak. Pangako yan."
Hinila niya ako papalapit, mahigpit ang yakap na parang hindi na ako pakakawalan. I closed my eyes, breathing in his familiar scent, the scent of home.
"Halika na, Anna," tawag ni Perry mula sa gilid.
Dahan–dahan kong inalis ang kamay ni Alpha mula sa akin at inilagay ito sa kamay ni Lola. "Alagaan mo si Lola, ha?"
Niyakap ako ni Lola Guada bago ko pa siya lingunin. "Mag–iingat ka roon. Huwag mong pababayaan ang sarili mo."
Tumango ako, pilit na hindi nagpapahalata ng lungkot. Lahat ng salita ay parang tinik na bumabara sa lalamunan ko, pero wala akong magawa.
Habang lumalakad ako papalayo, naririnig ko ang mahinang iyak ni Alpha.
"Mama! Mama, 'wag kang umalis!"
I bit my lip so hard I thought it would bleed.
Hindi ako lumingon. Alam kong kapag ginawa ko iyon, hindi ko na magagawang umalis.
Naririnig ko pa rin ang mga hakbang niya, nararamdaman ko ang pagtawag niya, pero tiniis ko ang lahat.
Pagsakay ko sa sasakyan, tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Habang papalayo kami, muli kong narinig ang sigaw ni Alpha. "Mama! I love you!"
I took a deep breath, pinikit ang mga mata. "I love you too, anak...sobra."
PAGDATING namin sa local airport sa Bohol, dumiretso kami ni Perry sa check–in counter. Tahimik lang ako habang inaayos niya ang mga papeles. The hum of conversations and footsteps echoed around us, but I barely paid attention.
"Relax ka lang, Aria. Lahat ng ito, para sa inyo ni Alpha," bulong ni Perry habang inaabot sa akin ang boarding pass.
Nginitian ko siya ng tipid. "Salamat, Perry. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa'yo."
"Walang anuman. Alam kong kayang–kaya mo ito," sagot niya, tinatapik ako sa balikat.
Ilang minuto lang, boarding na. Naupo ako sa tabi ng bintana. Habang tumataas ang eroplano, tinitingnan ko ang unti–unting lumalayo na tanawin ng Bohol—ang lugar na palaging tahanan para sa akin.
I silently whispered a prayer, hoping everything would turn out fine.
Makalipas ang isang oras na flight, lumapag kami sa Manila. Agad kaming dumiretso sa international departure area. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang unti–unting paglayo mula sa buhay na nakasanayan ko.
Sa boarding gate patungong Dubai, umupo ako sa tabi ni Perry habang naghihintay. "Perry, sigurado ka bang maayos ang trabaho roon?" tanong ko, hindi mapigilang mag–alala.
"Oo, Aria. Lahat 'yan inayos ko na. Walang dapat ipag–alala," sagot niya nang walang pag-aalinlangan.
Pagkasakay namin sa eroplano, hindi ko mapigilang sumilip sa labas ng bintana habang lumilipad ito. I held onto Alpha's small photo in my hand, as if it were my lifeline.
MAKALIPAS ang ilang oras na flight, lumapag kami sa isang airport, bumungad sa akin ang kakaibang init ng hangin na sumalubong sa paglabas namin ng airport. The bright city lights glimmered in the distance, a stark contrast to the quiet nights in Bohol.
"Aria, dito na tayo," tawag ni Perry, tinuturo ang paparating na van. Sumakay kami at naupo sa likuran.
Habang binabaybay namin ang kalsada, hindi ko maintindihan pero bumigat ang pakiramdam ko.
Napansin ni Perry ang pananahimik ko. "Okay ka lang ba? Mukhang hindi ka mapakali."
Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Oo, siguro naninibago lang."
Pero sa loob–loob ko, parang may bumubulong na mag–ingat.
Habang nasa loob ng van, tahimik akong nakaupo sa tabi ng bintana, pinagmamasdan ang madilim na kalsadang binabaybay namin. Sa halip na abala ng lungsod, puro kakahuyan at masukal na daan ang bumungad sa akin. The farther we went, the heavier the silence felt.
Kasama ko sa likuran ang tatlo pang babae na mukhang kabado rin. Paminsan–minsan, nagtitinginan kami, pero walang may gustong magsalita. I could feel the unspoken fear lingering in the air.
Sa harap, napansin kong apat na lalaki ang nag-uusap, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. It wasn't Tagalog. The roughness in their tone sent a chill down my spine.
Dahan–dahan kong tinapik si Perry na nakaupo sa tabi ko. "Perry...saan ba talaga tayo pupunta? Bakit parang...ang layo na?" bulong ko, pilit na pinakakalma ang sarili.
Ngunit hindi siya sumagot agad. Tumitig lang siya sa harap, tila iniwasang magtama ang mga mata namin. "Malapit na tayo. Huwag kang mag-alala," sagot niya sa wakas, pero hindi ako nakumbinsi.
The grip on my purse tightened. Alam kong may mali. Hindi ito ang itsura ng lugar na pinangako niya sa akin noon.
Maya–maya, napansin kong lumingon ang isa sa mga lalaki sa amin. His sharp gaze lingered longer than it should, making my heart race.
"Kanina pa tayo umaandar, hindi pa rin ba tayo malapit?" tanong ng isa sa mga babae, halatang pilit din ang tapang sa boses niya.
Ngumisi ang lalaking nagmamaneho. "Relax lang, malapit na talaga," sagot niya, pero ramdam ko ang lamig sa kanyang tinig.
My eyes darted towards the thick forest outside the window. Kung magpatuloy pa kami, baka lalo lang kaming malayo sa sibilisasyon.
Lumunok ako ng mabigat, pilit na nag–iisip ng paraan. "Perry...sigurado ka bang trabaho ang pupuntahan natin?" tanong ko ulit, this time mas madiin ang tono ko.
Huminga siya nang malalim. "Oo, Aria. Trust me."
Pero habang tumatagal ang biyahe, isang bagay lang ang sigurado ako.
I couldn' t trust anyone here, not even Perry. Mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko, parang may mali.
Huminto ang van sa harap ng isang mataas na gate na gawa sa bakal. Tumagos ang lamig ng kaba sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang makakapal na bard wire na nakapalibot sa itaas ng bakod. Parang kulungan. Mas lalong lumakas ang kaba ko nang bumukas ang gate, dahan–dahang nagkrikrik ang bakal na tila sumisigaw ng babala.
Tatlong lalaking may mahahabang baril ang bumungad at lumapit sa amin. My throat tightened. Tumigil ang van at walang sabi–sabing binuksan ng driver ang pinto.
Napatingin ako kay Perry, ang mga mata ko'y puno ng galit at takot. "Ano ito, Perry?" madiin kong tanong, pero nanatili siyang tahimik. I waited for an explanation, but all I got was silence.
"Baba na," utos ng isang lalaki sa harap, matigas ang boses at walang bakas ng awa.
Umiling ako, napaatras sa pagkakaupo. "Hindi. Hindi ako bababa."
Narinig ko ang buntong–hininga ni Perry, pero ni hindi siya lumingon sa akin. "Perry! Ano ito? Sabihin mo!" halos pasigaw kong tanong, pero yumuko lang siya, iniwasan ang mata ko.
Isang malamig na kamay ang biglang humawak sa braso ko, marahas akong hinila palabas. "Bitawan mo ako!" Nagpumiglas ako, pero mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak.
"Baba!" sigaw ng lalaki.
"Perry, hayop ka! Niloko mo ako!" Nanginig ang boses ko sa galit, pero ni isang sulyap ay hindi siya nagbigay.
Narinig ko ang click ng baril na tumapat sa akin. Tumigil ako. The cold barrel pressed against my side, and my knees nearly gave in.
I wanted to fight, but fear had already wrapped itself around me like chains. Wala akong nagawa kundi bumaba, nanginginig ang katawan habang pilit na pinapanatiling tuwid ang likod ko.
Perry finally stepped down, at nakita kong bahagyang ngumiti ang bakla habang humakbang patungo sa isang babaeng pababa ng hagdan sa loob ng malaking bahay. Pero hindi siya ordinaryong babae.
Maputi ito, naka–make up nang makapal, at kumakaway kay Perry na parang matagal nang magkaibigan. Pero nang magsalita ito, bumalik ang takot ko.
"Ohhh, Perry! Ang tagal mo naman! Sila ba ang mga bagong dala mo?" tanong nito, pero ang boses—malalim, buo, at walang bahid ng pagka–babae.
Napatitig ito sa akin, at dahan–dahang sumilay ang isang ngisi sa mga labi niya.
"She's very pretty. Mukhang patok ito sa mga parokyano."
My heart sank. Perry just laughed beside them. Wala siyang bahid ng pagsisisi. Tumingin ako sa kanya, but the person I once trusted was nowhere to be found.
Niloko niya ako. Dinala niya ako sa Casa.