Prologue
This story is a work of fiction. Names, characteristic, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events , or locales is entirely coincidental.
Prologue
ARIANA XIAMARA
PAGKAPASOK ko sa bahay, mahigpit kong hawak ang papel na para bang takot na takot akong mabasa iyon ni Felix. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
"Bawal kang mabuntis."
Iyon ang laging paalala niya—paulit–ulit, walang mintis. Pero heto ako, dalawang buwan nang nagdadala ng sikreto na hindi ko kayang itago pa.
Pag–akyat ko sa kwarto, inilapag ko ang bag sa gilid at humiga nang dahan–dahan. Inipit ko ang papel sa ilalim ng unan at pumikit, kahit pa alam kong kahit ilang oras akong nakahiga rito, hindi mawawala ang problemang dala ko.
Nakatulog ako, pero hindi rin nagtagal.
Nagising ako nang bumaliktad ang sikmura ko. Agad akong bumangon at dumiretso sa banyo, kung saan suka ako nang suka, ngunit wala akong maisuka. Binuksan ang gripo sa lababo at naghilamos at pagkatapos ay tinuyo ang mukha ko ng tuwalya mula sa towel rack. Tinitigan ang sariling reflection sa salamin.
Iniisip ko kung bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon. Una, nabuntis ako nang hindi inaasahan. Hindi naman ako nakipag–sex, at hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung sino ang ama ng batang dinadala ko noon. Ngayon, buntis na naman ako, at may ama na ang magiging anak ko, pero ang tanong—papanagutan ba ako? Araw–araw, galit siya sa akin. Pinaparamdam niyang wala akong halaga, at kulang na lang araw–araw akong pinaparusahan. Minsan, magulo ang isip ko, at pilit kong hinahanap sa aking isipan kung ano ba ang kasalanan ko sa kanya.
Kung nandito lang sana si Isaac, siguro may taga–pagtanggol ako ngayon. Nasaan ka na ba, Isaac? Bakit ang tagal mo nang nawawala? Makalipas ang ilang sandali, lumabas ako ng banyo at dumiretso sa kusina.
Ngunit, pagdating ko sa kusina, nasusuka na naman ako kaya nagsuka ako sa lababo. Naramdaman ko ang presensiya sa likuran ko.
"What's happening to you?"
Ang boses ni Azreal—cold, calm, pero may kung anong panganib sa bawat salita.
Napapikit ako saglit at pinunasan ang bibig. Nang humarap ako, sumalubong sa akin ang nanlilisik niyang mga mata. Nakasalubong ang makakapal niyang kilay, at ramdam ko ang pagpigil niya sa sarili.
I swallowed hard, pilit pinipigilan ang kaba sa aking dibdib. "F–Felix---" nauutal na sambit ko sa pangalan niya.
Lumapit siya, hinawakan ang braso ko nang mahigpit. "I asked you a question. What's wrong?"
"I...I'm pregnant."
Mahina ang boses ko, pero pakiramdam ko'y para itong paputok na sumabog sa buong kusina.
Nanlaki ang mga mata ni Felix. Binitiwan niya ako. Tumingin siya sa akin, matagal—parang iniisip kung tama ba ang narinig niya. Naningkit ang mga mata niya.
"You're what?"
"Pregnant. I'm pregnant, Felix."
Nanigas ang panga niya. Tumalikod siya, napahawak sa batok, at malalim na bumuntong–hininga. Hindi ko alam kung mas gugustuhin ko bang sumigaw siya kaysa manatiling tahimik ng ganito.
Muli siyang humarap sa akin. "How did this happen?"
Napayuko ako.
"Sagutin mo ako, Aria. How?" Medyo tumaas ang boses niya pero banayad na kalmado.
Hindi ko magawang makatingin sa kanya. "I didn't take the pills."
Biglang nagdilim ang mukha ni Felix. Tila hindi makapaniwala sa narinig. "What?" Bulalas niya.
"I stopped taking them..." mahinang sabi ko, kahit alam kong walang silbi ang pag–iwas.
Napahigpit ang kamao niya at nakita ko kung paano nanigas ang buong katawan niya sa pagpipigil.
"We had a deal, Aria. Ang linaw ng usapan natin. You can't get pregnant."
"I'm sorry."
"Sorry? That's all you have to say?!"
Ramdam ko ang galit sa boses niya, kahit pa hindi niya ito itinataas. Sa expression pa lang ng mukha niya, alam ko galit na galit siya.
"Bakit mo hindi iniinom? Bakit, Aria?"
Hindi ko na napigilan ang luha ko. "Felix, I didn't mean for this to happen—"
"Stop."
Sumilay ang mapait na ngiti sa labi niya.
"You know why I can't let you have this baby?"
Tumingin siya diretso sa mga mata ko. "Because I don’t want commitment, Aria. I made that clear from the start."
Nagpatuloy siya, at bawat salita ay parang kutsilyong humihiwa sa puso ko.
"Aside from that, it's not you. I don't want you to be the mother of my child. Not you. Not even in my dreams."
Napalunok ako, pero hindi nito nawala ang kirot na naramdaman ko.
"You're here because I needed you to be. I paid for you, Aria. You're here because I want you in my bed, not in my life."
Napapikit ako, pilit pinipigil ang panginginig ng mga balikat ko.
"Fix this, Aria."
Ang huling sinabi niya, at walang bahid ng pag–aalinlangan ang tinig niya.
"Before I fix it for you."
At gaya ng dati, iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng kusina—basag at walang kalaban–laban sa kanya.
Pero bago siya tuluyang mawala sa paningin ko, sumigaw ako.
"Ano ang gagawin mo kung gusto kong ipagpatuloy ang pagbubuntis ko?"
Bahagya siyang huminto, ang kamay niya'y nakasuksok sa bulsa ng slacks niya. Tumigil siya sa tapat ng pintuan, pero hindi niya ako hinarap.
Nakatingin lang ako sa likuran niya—umaasa, kahit kaunti, na may awa pa siyang natitira para sa akin.
Tumikhim siya, at narinig ko ang malalim na paghinga niya. Dahan–dahan siyang lumingon, at ang bumungad sa akin ay ang mga mata niyang puno ng lamig.
"I will bring you to the abortionist kung ipagpipilitan mo ang batang iyan."
Parang nabingi ako. Napatitig lang ako sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig ko. Nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko, tumingala ako sa taas, kumurap–kurap para lang pigilan na hindi tumulo ang mga luha ko. I gasp for air, parang naubusan ng hangin ang didbib ko.
"Ano?"
Tila ba hindi ko matanggap na si Felix mismo ang nagsabi noon. Si Felix na isang batikang doktor.
"Felix, doktor ka. You're supposed to save lives, not take them."
Hindi siya natinag. Walang kahit anong ekspresyon ang gumuhit sa mukha niya.
"Kung sa 'kin lang din, Aria... hindi ako manghihinayang. And then, anong pakialam ko, kung bubtis ka? Kasalanan ko ba?"
Napaatras ako, parang tinulak ng mga salitang binitiwan niya. Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang ideya na handa siyang ipalaglag ang anak namin o ang katotohanang wala siyang kahit anong nararamdaman tungkol doon.
"Felix..."
His jaw tigtened, at bumuntong–hininga siya na para bang nauubusan na siya ng pasensya.
"Huwag mo akong pilitin, Aria. Alam mong ayoko ng komplikasyon. This wasn't part of our deal."
"Komplikasyon?" Tumawa ako, mapait. "Bata ang tinutukoy mo, Felix. Hindi komplikasyon."
Pero hindi ko nakita ang kahit anong pagbabago sa ekspresyon niya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi ako ang babaeng matagal na niyang kasama sa kama.
"This ends now, Aria. You are free to leave my house."
At nang binitiwan niya ang mga salitang iyon, pakiramdam ko'y bumagsak ang mundo ko. Lumabas siya ng kusina na para bang wala lang.
Iniwan niya akong nakatayo roon, hindi malaman ang gagawin. Why this man so heartless and cold? Ano ba talaga ang maling nagawa ko? Nanlambot ang mga tuhod ko at dahan–dahan akong napaluhod sa sahig.
At sa pagkakataong iyon, alam kong hindi lang buhay ko ang basag.