4

1516 Words
Iniisip ko kung anong nagawa kong kasalanan sa past life ko para parusahan ako ngayon. Pero paano ko naman malalaman? Nakasalampak ako sa buhanginan. Papadilim na. Ang sarap sa lugar na ito. Private na private talaga. Wala nga akong nakitang tao, bukod doon sa boy na nagwawalis. Pero kanina pa iyong tanghali. Pagkatapos mai-deliver ang mga kailangan ko ay umalis na rin agad ang staff. Then iyon na ang huli. Ito iyong kailangan ko. Mapag-isa... I mean, ako at ang alak against the world. Sobrang lamig na, kahit papadilim pa lang. Relax na relax nga ako kanina habang pinapanood ang paglubog ng araw, eh. Saka ko lang sinimulang uminom no'ng papadilim na. Pero nakadalawang bote na ako nitong alak na sumisipa iyong kabayo. Malakas daw ang tama kapag ito ang ininom ko. Alanganin pa nga ang staff na ibigay sa akin iyon. Pero wala naman siyang choice. Gusto kong magpakalunod sa alak. Pero nakadalawa na ako, pero saan iyong sumisipa? Umihip ang hangin na mula sa karagatan. Malamig. Iyong lamig na nakakanginig. Ang balabal na bulaklakin ay iniayos ko sa balikat ko. Saka muling tumungga sa mapait na alak. Humahagod sa lalamunan ang init. Habang nilulunod ko ang sarili ko sa alak ay biglang nag-ring ang phone ko. Si Yolly. Mukhang may isang hindi mapakali sa pag-alis ko. Sinagot ko agad iyon. "Yolly?" "Happiness, kumusta ka? Sayang naman at wala ka rito. Magluto si Lola ng kare-kare. Favorite mo iyon, 'di ba?" "Oo. Damihan mo ang kain. Para maubos. Malulungkot si lola kapag may natira." "Kagabi ka lang umalis, miss na agad kita." Himutok ng babae sa kabilang linya. "Isipin mo na lang nasa malayo ako... isinasalba ang sarili." Iyon lang naman ang pwede kong sabihin. Mag-aalala ito kapag nalaman n'yang nilulunod ko ang sarili ko sa alak. Nakakatikim naman kami ng alak, kaming magpipinsan. Pero kapag nasa mansion lang. Iyong nakabantay pa rin si lola at kontrolado lang ang dami na iniinom namin. Hindi tulad ngayon na nakadalawang bote na ako. Isinasalba? Ganito ba iyong klaseng pagsalba na tinutukoy ko? Sa totoo lang ay nagpapakalunod nga ako. Pero hindi n'ya dapat pang malaman iyon. "Kumukulo na naman ang dugo ko." Biglang ani ni Yolly. "Bakit?" curious na ani ko. Saka ko iginilid ang bote ng alak na may kaunti pa namang laman. Medyo iniayos ko pa upang hindi iyon matumba. "Open cam ka, girl. Ipapakita ko sa 'yo kung bakit kumukulo ang dugo ko." Binuksan ko naman gaya nang utos nito. Saka ko pinagmasdan ang phone ko. Nakita ko agad ang mukha ni Yolly. Nakasimangot ito. Then napalitan ang nakikita ko. Tumutok ang camera ni Yolly sa garden ng mansion. Tumambad doon si Lala at Edrik. Malawak ang ngiti ni Lala habang minamasahe n'ya ang sintido ni Edrik. Parang ang bilis naman taya nang panahon. Parang pumikit lang ako... ako iyong gumagawa no'n palagi kay Edrik. Tapos ngayon ay si Lala na. "Ang sweet-sweet ng mga tengene." Halos pabulong pero may gigil pa rin sa tinig ni Yolly. Nakikita ko iyong 'sweet-sweet' na sinasabi ng pinsan ko. "Parang kailan lang... ako iyong gumagawa n'yan sa nobyo ko. Ngayon ay si Lala na." Hindi ko inalis ang tingin ko sa screen ng cellphone ko. "Hindi pa rin ako makapaniwala, Happiness. Ang inaasahan ko pa namang next move n'yo ni Edrik ay wedding na. Tapos break-up pala? Ano iyon? Joke?" Sana nga. Sana joke na lang. Para naman pagkatapos ay babalik sa dati ang lahat. Sana joke kung saan pwede pa kaming tumawa pagkatapos. Pwede ring prank, na katulad sa napapanood ko sa social media. Kunwari'y nagche-cheat iyong lalaki. Pero ang totoo ay may surprise siya sa kasintahan n'ya. Sana nga gano'n na lang. May pumatak na luha sa mga mata ko. Agad kong pinunasan iyon. Saka ipinagpatuloy ang panonood. "Takang-taka talaga ako, Happiness. Paanong nakasalisi si Lala sa relasyon ninyo ni Edrik?" "I don't know the answer. Sa totoo lang ay gusto ko ring malaman kung paano. Pero paano ko makukuha ang sagot? Tikom din naman ang bibig nila." Alam kong alam ni Yolly na nagsisimula na naman akong umiyak. Kaya bahagya n'yang iniwas ang camera sa dalawang lovebirds. "Ibalik mo sa kanila, Yolly. Baka sakaling mamanhid ako sa sakit na nararamdaman ko." Utos ko sa pinsan ko. Ibinalik naman nito. Naglalambingan ang dalawa. Kumandong si Lala sa hita ng nobyo ko... nobyo n'ya. Paano ko ba dapat i-address si Edrik? Ex-boyfriend? Paano iyon, hindi naman kami nag-break. Kahit paliwanag ay wala rin. Nobyo ni Lala. Iyon na siguro ang dapat. Magpapakasal na sila. Kahit nasasaktan ako... tiyak na matutuloy pa rin iyon. Ang sweet... ganyan na ganyan kami eh. Hindi naman nanlamig ang nobyo ko sa akin. Kapag may chance siya ay tinitiyak n'yang nasa akin ang atensyon n'ya. Tapos nagsasabi siya kapag busy siya. Understandable na hindi maka-reply sa ilang messages ko dahil nagtratrabaho. So, paano silang nakalusot? Nang hawakan ni Edrik ang kamay ni Lala ay mariin akong napapikit. Alam ko na kasi ang susunod nitong gagawin. Papatakan nito nang halik ng tatlong beses. Saka iyon bibitiwan. "Tatlong beses na hinalikan tapos binitiwan." Bulong ni Yolly. See. Kabisado ko si Edrik. "Tengene n'ya, ginagawa n'ya sa 'yo iyon, 'di ba?" diring-diri na tanong ni Yolly. "Alam mo?" "Oo naman. Very observant kaya ako. Madalas mo ring gawin iyong pagmasa-masahe sa sintido ni Edrik. Aba'y matinik din itong si Lala. Mukhang kinabisado n'ya ang lampungan n'yo ni Edrik." "B-aka nagkataon lang." "Walang nagkataon sa k**i na naghahanap nang kakamot sa kati." Sa aming limang magpipinsan, si Yolly talaga ang pinakabalahura ang bibig. Sa bibig n'yang iyon ay madalas siyang mapagalitan ng Lola Carmen namin. Bastos daw ang bibig nito. Kaya madalas siyang maikumpara kay Rose. Kapatid ni Yolly si Rose. Mas mabait ang tabas ng bibig ng isang iyon. "Sa ating lahat ay kay Lala ako nag-expect ng bongga, Happiness. Si Carmelita ang pinakaistriktong ina at tiya sa balat ng lupa. Wagas kong magbantay. Kulang na nga lang bulatlatin n'ya ang mga k**i natin para lang ma-check na virgin pa tayo. 'Di ba, lagi n'yang bilin sa atin. Kasal muna bago ang titi." "Yolly, kasal muna bago ang pakikipagtalik. Masyadong bastos naman---" itinatama ko lang naman kaso pinutol na nito ang sinasabi ko. "Eh, ano naman? Mas bastos pa ang ginawa ng pinsan natin na iyan. Pinatikiman agad ng k**i si Edrik kaya nakalimutang Ikaw ang kasintahan. Punyeta talaga. Nakakainit talaga ng ulo. Oh, tignan mo. Tignan mo." In-zoom pa nito ang camera ng phone. Ang dalawang tao sa garden ay naghahalikan na. Never naman naming ginawa iyan sa spot na iyan. Malaki ang respeto namin ni Edrik sa lugar. Saka takot din ako... baka mahuli kami ni Lola Carmen. "Ayan, tignan mo! Naglaplapan na ang mga tengene." Para siyang nagvo-voice over. "Naku! Mukhang d'yan nadali si Edrik kaya nakalimutan ka. Magaling sigurong umibabaw itong si Lala." "Tama na, Yolly." "Ay, hindi! Panoorin mo para mas mabilis mong ma-realize kung gaano kagago iyang Edrik Kruz na iyan. Saka kahit pigilan mo ako... titiyakin ko ring mabwibwisit si Tiyo Obet sa kanila. Hindi sila pwedeng sumaya. Inagrabyado nila ang pinsan ko. Ako ang gaganti. Mga tengene nila." Hindi ako kumibo. Hindi na lang sa alak ako nagpapakalunod ngayon. Pati na rin sa napapanood kong tagpo sa garden. Halos hindi na makapagpigil ang dalawa. Kung saan-saan na dumapo ang palad ng dalawa. Maya-maya pa'y tumayo na si Lala. Hinila ang lalaki. "Iskapo na ako." Dinig ko si Yolly. Kapag hindi siya umalis doon ay makikita siya ng dalawa. "Don't worry. I'll make sure na pareho silang mabibitin." Dinig ko pa si Yolly habang tumatakbo paalis. Maya-maya pa'y narating nito ang couch. "Wait ka lang d'yan, Happiness." Pabulong na ani ni Yolly. Nanahimik lang naman ako. "Oh, Lala! Buti nakita kita. Sabi ni Lola ay hugasan mo raw iyong mga pinaglutuan n'ya." Iyong dalawang akmang aakyat na sa hagdan ay natigilan. "What?" dinig ko na para itong nagrereklamo. "Bakit ako?" "Kasi magaling kang magmalinis... I mean, maglinis ng mga kaldero. Ayaw mo ba? Sasabihin ko na lang kay lola." Parang natakot si Lala. "A-ako na. Huwag mo nang sabihin. Edrik, hintayin mo na lang ako sa kwarto." Ang nakakainis sa tagpong iyon... mahinhin pa rin si Lala. Akala mo'y hindi makabasag pinggan. "You're pregnant. Hindi ka dapat inuutusan---" "Buntis siya. Pero hindi naman siya imbalido. Sasabihin ko na ba kay Lola?" "K-ikilos na." Kahit may mga kasambahay sa mansion. Basta naroon kaming magpipinsan ay required kaming tumulong. Walang prensisita lalo na sa pagtulong sa kusina. Kasi kahit si Lola ay kumikilos pa rin. Si Edrik na iniwan na ni Lala sa ibaba ng hagdan ay walang nagawa kung 'di pumanhik na. "Libog na libog na pero nahadlangan pa." Tatawa-tawang ani ni Yolly. Ang sarap sanang sabayan ang tawa nito. Pero hindi ko iyon magagawa sa ngayon. Wasak na wasak ako sa panloloko ng lalaking limang taon kong naging nobyo. Limang taon kong minahal. Double pa lalo ang sakit, dahil sa pinsan ko ako ipinagpalit. Doon sa taong malaki ang tiwala ko. "Huwag kang mag-alala, Happiness. Habang wala ka rito. Akong bahala sa kanilang dalawa. Hindi sila liligaya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD