bc

SAVING HAPPINESS

book_age18+
4.2K
FOLLOW
34.2K
READ
billionaire
one-night stand
HE
age gap
powerful
stepfather
drama
bxg
enimies to lovers
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Brokenhearted si Happiness dahil sa panloloko ng nobyo at pinsan n'ya kaya siya naglayas. Pero sa pagtakas n'ya sa poder ng Lolo at Lola n'ya ay nakilala n'ya ang isang gwapong resort owner sa bayan ng San Ildefonso. Dala nang kalasingan ay may nangyari sa kanilang dalawa ng gwapong lalaki na iyon. Hindi lang isang beses. Dahil kahit wala nang impluwensya ng alak ay paulit-ulit nilang pinagsaluhan ang mga sekretong sandali na sila lang dalawa. Ngunit kinailangang umalis ni Happiness para bumalik sa siyudad. Ang lalaking ilang linggo n'yang nakasama ay iniwan n'ya. Pero sa pagbalik sa siyudad... nalaman n'yang ang lalaking iyon ay karelasyon ng kanyang ina na nang-iwan sa kanya pagkatapos siyang ipanganak. Labis siyang nagulat sa nalaman, na ang lalaking natutunan n'yang mahalin kahit na sandaling panahon pa lang na nagkakilala ay step-father pala niya. Step-father na handang piliin siya, pero paano naman ang kanyang ina? Inang kahit kailan ay hindi naging ina sa kanya? Magagawa ba n'yang agawin ang lalaki o mas piliin n'yang gawin ang tama? Maling mahalin ito. Bawal. Alam n'yang kasalanan iyon. Pero unti-unti siyang sa tukso. Tukso na mas lalong sisira sa kanilang mag-ina.

TITLE: SAVING HAPPINESS

AUTHOR: mis_annie

chap-preview
Free preview
1
"Love, busy ka pa rin ba? Miss na kita." Pagka-send ko ng mensahe ay tinignan ko ang mga kasama ko rito sa sala. Handang-handa na sila. Ipinatawag talaga ni Lala ang mga malalapit naming kamag-anak dahil may ipakikilala raw siya. Siyempre nandito ang mga tiyahin at tiyuhin ko. Sina Lola Carmen na nagpalaki sa akin, pati na ang mga pinsan ko. Halatang excited sila. Dahil sa limang magpipinsang babae, si Lala na lang ang wala pang nobyo. Malakas ang kutob ng mga pinsan at tiyahin ko na may ipakikila ng lalaki ang pinakamahinhin sa lahat ng mga apo ni Lola Carmen. "Love, balitaan mo ako kapag nakauwi ka na." Huling text ni Edrik ay nasa meeting pa ito. Ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil nasa ibang bayan ito at abala sa negosyo. Sa text ko lang tuloy siya nakukulit. Limang taon na ang relasyon namin. Ang mga lola at tiyahin ko'y nag-aabang ng kami ay magpakasal ni Edrik. Wala pa namang proposal. Hindi ko pa alam kung kailan n'ya planong hingiin ang kamay ko sa pamilya ko. Naghihintay rin ako. Umaasa na nga rin. Ngayon ang uwi ni Edrik. Pero dahil nga may ganap dito sa bahay ay hindi ko siya mapuntahan sa kanila. Miss ko na siya, pero bawal kasing umalis. Nagpaluto pa ang mga tiyahin ko ng mga masasarap na pagkain. Asang-asa na talaga silang may jowa na si Lala. "Reply ka naman, love." Naglagay pa ako nang paawa effect na emoji. "Kapag hindi ka nag-reply ay magtatampo na talaga ako." Pero hindi ko in-send iyong huli kong reply. Agad kong binura iyon. Saka pinalitan. "I miss you." Ayaw kong maging demanding sa kasintahan ko. Busy ito sa trabaho. Marami itong kailangan i-prioritize na para naman sa future namin. Wala pa ring reply, kaya itinago ko ang phone ko at nakipagkwentuhan na lang kay Yolly na pinsan ko, at siyang katabi ko ngayon. "Feeling ko talaga may dala ng jowa ang isang iyon. Tignan mo, oh! Excited ang lahat sa pasabog n'ya mamaya." Iginala namin ang tingin sa paligid. "Excited din ako para sa kanya. 24 na siya katulad natin. It's time na rin namang mag-jowa ang isang iyon. Halos tumira na sa simbahan eh." "Sinabi mo pa. Akala ko nga magma-madre ang isang iyon. Aba'y kitang-kita kasi ang devotion n'ya." Pareho kaming humagikgik. Tamang naupo si Tiya Carolina sa tapat ng couch na kinauupuan namin. "Happiness, mukhang masayang-masaya ka." Puna nito sa akin. "Masaya naman po, Tiya Carolina." Tugon ko rito. Pero may kutob ako na sa pag-upo nitong iyon ay magtatanong na naman ito nang magtatanong. "Matagal na kayo ni Edrik. Wala pa bang plano, hija?" see, sinimulan na ni Tiya. "Plano po saan, Tiya Carolina?" painosenteng tanong ko kahit na may idea naman ako kung ano ang tinutumbok ng tanong nito. "Kasal, hija. Hindi ka na bumabata. 24 ka na. Graduate na at may maayos na trabaho. Baka naman tumulad ka rin sa mga pinsan mo. Hanggang ngayon ay nobyo lang, wala pang balak magpakasal, at mag-anak. Bigyan n'yo naman kami ng apo." Dati ay sina Evangeline ang pine-pressure sa kasal. Pero may paninindigan ang mga pinsan ko. Masaya raw sila na wala pang iniisip na mabigat na responsibility. Mukhang sa araw na ito, ako ang balak nilang kulitin. Naupo na rin kasi si Tiya Carmelita. Nakaangat ang kilay sa akin. Si Tiya Carmelita ang nanay ni Lala. "Baka naman maunahan ka pa ng dalaga ko sa pag-anunsyo ng kasal, Happiness. Wala bang balak iyang nobyo mo?" gusto ko na rin naman... pero nakadepende pa rin iyon kay Edrik. "Tiya, pareho po naming inuuna ay ang makapag-ipon. Siyempre po kailangan ready kaming dalawa bago kami pumasok sa isang responsibility." "Tama naman." Tumango-tango pa si Tiya Carolina. "Kaysa hindi pa ready tapos mag-aanak. Then ipapasa ang responsibility. Tulad ng mama mo, Happiness. Kinse pa lang ay nagpabuntis na. Nang mailabas ka'y tumakas na at hindi na nagpakita pa." Ayon, sa bawat pagpupulong dito sa family house ay hindi talaga nakakalimutan na ipasok ang mama ko na never ko pang nakita. I mean sa mga picture, oo. Pero iyong makaharap ito sa personal ay hindi pa. Never pang umuwi at hinarap ako na kanyang anak. 24 na ako, pero hindi pa rin siya bumalik. Hindi ako kumibo. "Wala na ba talagang balita kay Tiya Hope, ma?" tanong ni Yolly na pasimpleng hinawakan ang kamay ko at bahagya n'yang pinisil. Sa lahat ng mga tao sa family house na ito, si Yolly talaga ang solidong kakampi ko. Alam na alam nito ang mga rant ko sa buhay. "Hindi ko sigurado. Nakwento lang ng amiga ko. Iyang si Hope raw ay may asawa na. Asawang mas bata sa kanya." Napalunok ako nang mariin sa sinabi ni Tiya Carolina. "Kasal ba?" "Aba'y paniguradong live in lang. Walang lalaking magpapakasal sa babaeng iyon. Ewan ko ba kay Hope. Sinira ang buhay dahil sa lalaki. Nang mabuntis ay lumayas at iniwan kina Mama Carmen ang responsibility. Naku! Kapag iyang babaeng iyan ay nabuntis ulit ay tiyak kong babalik iyan dito. Tapos iiwan na naman ang anak n'ya." Nakaingos na ani ni Tiya Carolina. "Kaya bilib ako rito kay Happiness. Tignan mo, 24 na. Maayos nating napalaki." Pagbubuhat ng bangko ni Tiya Carmelita. Ngumiti naman ako. Maayos akong napalaki ni Lola Carmen. Siya talaga ang nagpalaki sa akin katuwang si Lolo Obet. Ang mga tiyahin ko ay ilang taon ko lang na nakasama sa iisang bahay. Bata pa ako no'n. Sila ay bumukod agad no'ng nakapag-asawa na sila. "Hija, boto naman kami kay Edrik para sa 'yo. Kaya kung maisipang n'yong magpakasal na ay susuportahan namin kayo. Ako na ang bahala sa dalawang baboy." "Baka naman sa akin." Singit ni Tiya Theresa sa usapan. "Salamat po. Malay natin bago magtapos ang taon ay maisipan na n'ya. May pagkakataon po kasi na napagkwekwentuhan namin iyan." "Talaga?" biglang na excite na tanong nila. "Opo, kwentuhan pa lang naman po. Oras na magpakasal kami ay susubukan agad naming magkaanak. Alam n'yo naman po, 32 na si Edrik." "Iyon nga, ang laki nang agwat ng edad sa 'yo. Iyong gano'n edad ay nagpapamilya na talaga." Hindi ko naman pwedeng pilitin si Edrik. Hihintayin ko na lang siya na yayain ako. "Guys, bakit nga pala na kay Happiness na ang focus n'yo. Dapat kay Lala. Nasaan na ba si Lala?" tanong ni Yolly. Sinusubukan alisin sa akin ang atensyon ng mga tiyahin ko. "Oo nga po. Nasaan na po si Lala, Tiya Carmelita?" "Sandali at tatawagan ko. Naiinip na rin ang Lola Carmen n'yo. Naku! Iyong matandang iyon ay excited na ring malaman ang announcement nitong si Lala." Naiwan kami sa sala ni Yolly. "Hoy, ayos ka lang?" tanong nito. Tumango naman ako. "Bigla lang akong na pressure. Pero malakas naman ang kutob ko na may balak iyong boyfriend ko. Mahal na mahal ako no'n. Tiyak kong gusto no'n na makasama ako habambuhay." "Iyan! Tiwala rin akong kayong dalawa ang magkakatuluyan. Grabe! Bagay na bagay kaya kayo. Maganda ka, pogi si Edrik. Perfect match. No'ng nanliligaw sa 'yo iyon ay kilig na kilig pa ako. Sa ating limang magpipinsan ay ikaw talaga ang bakod na bakod nila Lola. Palibhasa'y ikaw ang lumaki sa kanila at favorite apo." "Hindi ah!" tanggi ko. Lahat naman kasi kami ay favorite ng grandparents namin. "Anong hindi? Favorite ka, girl. Pinahirapan nga nila si Edrik no'n. Pero dahil sobrang mahal ka ng lalaking iyon ay nagsumikap talaga siya." Napangiti ako't tumango. Sang-ayon ako sa sinabi nito. "Kitang-kita ko noon na kahit sobrang hirap i-please nila Lolo at Lola ay nagtiyaga talaga itong si Edrik. Grabe, hindi ko talaga inasahan na may gano'n klase ng lalaki na magmamahal sa akin." Dahil sa takbo nang usapan ay pareho kaming kinilig ni Yolly. Nang makarinig kami ng busina sa labas ay agad kaming napalingon sa pinto. "Nandyan na si Lala." Excited na ani ko. "Salubungin natin?" bulong ni Yolly sa akin. "Hindi na. Hintayin na lang natin." Sina Lola, Lolo, at ang mga tiyahin ko ay nagsiupo na sa sala. Excited kami sa pinsan kong hindi pa pumasok. "Ayan na si Lala." Napalingon kaming lahat at bumungad nga si Lala na mahinhing ngumiti sa amin. Mag-isa siya. Kaya iyong dalawang tiyahin ay napaangat ng kilay. "Lala, sabi mo'y may announcement ka?" "Opo, mama." Sagot ni Lala sa kanyang ina na si Tiya Carmelita. "Ano? Nagpahanda kami ng pagkain. Gusto mo bang sa dining room na tayo mag-usap?" "Hindi na po. Dito na lang po muna." Mahinhing sagot ng pinsan ko. Nang tignan ako nito'y malawak ang naging ngiti ko rito. Ngumiti ako para naman maiparating dito na hindi siya dapat kabahan. "Ano ba iyon?" inip na tanong ni Lolo. "Guys, m-ay boyfriend na ako." Isa ako sa pumalakpak dahil sa sinabi ni Lala. Tuwang-tuwa kami para sa kanya. "Nasaan? Nasa labas ba? Papasukin mo na." Excited na ani ng mama ni Lala. "May isa pa akong announcement bago ko siya papasukin." Natahimik kaming lahat. Sumunod ang tingin namin sa kamay ng babae na sumapo sa kanyang tiyan. "I'm pregnant." This time, wala nang pumalakpak sa pangalawang anunsyo nito. Agad kong tinignan si Tiya Carmelita. Bigla itong namutla. Napasapo pa sa dibdib dahil sa ibinalita ng kanyang anak. Sinong hindi mabibigla? Ngayon pa lang nito sinabing may nobyo siya. Tapos buntis na agad. "A-nong sabi mo, Lala?" hindi makapaniwalang ani ni Tiya Carolina. "Buntis po ako... at magpapakasal kami ng nobyo ko kaya siya narito ay para hingin ang aking kamay sa inyo." "Tawagin mo ang nobyo mo, Lala." Utos nu lolo. Tumango naman ang babae. Muling tumingin si Lala sa akin. Saka siya lumakad patungo sa malaking pinto. Naghintay kaming makabalik ito. Nang bumungad si Lala, halos hindi ako makahinga nang makita kung sino ang hila-hila nito. "s**t!" dinig kong bulong ni Yolly sa tabi ko. Ako... gulat na gulat habang nakatitig sa dalawang taong papasok ng sala. Nakaalalay kay Lala ang lalaki. Si Lala naman ay mahinhin ang kilos na lumakad pabalik sa pwesto n'ya kanina. "Anong kalokohan ito, Lala?" malakas na sigaw ng Lolo kong napatayo. Si Lala na kanina ay nakukuha pang ngumiti ay yukong-yuko na. Gano'n din ang lalaking kasama nito. Gano'n din si Edrik Kruz na nobyo ko... nobyo rin ng pinsan ko. A-nong kalokohan ito? Ano ito prank nila sa akin? Hinihintay kong tumingin si Edrik sa akin. Pero hindi talaga ito tumingin kaya naman tumayo ako't humakbang palapit sa dalawa. Agad humarang si Rose sa akin, hindi ko namalayan na sunod-sunod nang pumapatak ang luha ko. Hindi naman ako mananakit, eh. Hindi ako nito kailangan harangan. "T-abi." Mahinang ani ko sa pinsan ko. "Lala, anong kalokohan itong pinagsasabi mo?" tumayo na si Tiya Theresa. Lahat ay napatayo na. Naghihintay kaming lahat na dagdagan ni Lala ang sinabi n'ya. Waiting akong marinig iyong, 'It's a prank' na linyahan. Pero ilang segundo ang lumipas, wala pa rin kaming narinig mula rito... mula sa kanila. "Magsalita kayo!" nag-e-echo ang tinig ni Tiya Carolina. Nanlilisik din ang tingin nito sa dalawa. "Calm down, guys!" biglang tayo ni Tiya Carmelita. Humakbang siya, at humarang kina Lala at Edrik. Pareho sila ni Edrik. Parang pinoprotektahan nila si Lala. "Edrik!" tawag ko sa nobyo ko. Hinawi ko si Rose. Inilang hakbang, at ng nasa harap na ako ng lalaki ay mariin kong hinawakan ang kwelyo ng damit nito. Pero mabilis akong itinulak ni Lala. Dahilan para bumagsak ako sa sahig. Mabilis akong dinaluhan ni Yolly. Pati na ni Tiya Carolina at Tiya Theresa. Si Lola Carmen ay lumapit kay Lala. Natahimik ang lahat nang sampalin ng matandang babae si Lala. Hindi nga naharangan ni Tiya Carmelita at napigil eh. "Mama Carmen!" gulat na ani ni Carmelita. "Anong kagagahan iyang pinagsasabi mo, Lala. Buntis ka at ang ama ay itong nobyo ni Happiness?" duro nito sa binatang walang bayag dahil hindi makuhang tumingin sa amin ng deretso. "Nobyo ko po, Lola. Nobyo ko na po si Edrik." Luhaang ani ng babae saka yumakap sa lalaki na hindi pa rin makatingin nang diretso kahit man lang sa isa sa amin. "Nagmamahalan po kami." "Nagmamahalan?" agad akong tumayo. Akmang susugod sa pinsan ko. Pero pinigilan ako ng mga pinsan at tiyahin ko. "Nobyo ko iyan, Lala. Paanong nagmamahalan kayo kung kami ang magnobyo at nagmamahalan? Lala, sabihin mo namang nagbibiro ka. Dahil hindi ko matatanggap iyan." Sinubukan ko pa ring lumapit pero pigil-pigil talaga nila akong lahat na akala mo'y ako iyong may kakayahang manakit. "Ano ba? Bitawan n'yo nga ako. Hindi ako iyong dapat n'yong pigilan dito." Atungal ko nang iyak. "Nobyo ko iyan oh! Inaahas ng pinsan ko. Ano ba?" pilit pa rin akong pumalag. "Hoy, Lala! Hihinhin-hinhin ka. Tapos ipapaalam mo sa lahat ngayon kung gaano ka kalandi?" ani ni Yolly. "Hindi malandi ang anak ko. Umayos ka sa pagsasalita mo, Yolly." Kontra ni Tiya Carmelita. "Ano palang tawag sa anak mo, Tiya? Nagpabuntis sa nobyo ng pamangkin mo. Eh 'di malandi. Makati. Makadiyos nga, makati naman." Mataray pa ring ani ni Yolly. "Tama na!" nagkakagulo na. Nakuha kong makatakas sa pagkakahawak nila. Nang tignan ako ni Edrik tamang nag-landing na sa pisngi nito ang palad ko. "Huwag mong saktan ang boyfriend ko!" agad humarang si Lala. Pero dahil sa ginawa n'ya ay nagkaroon din ako nang pagkakataon na sampalin ito. Isa, dalawa, nakatatlo pa. Muling may tumulak sa akin. This time ay si Edrik na iyon. Nanlalabo ang paningin ko sa labis na galit at luha. "E-drik!" sobrang sakit. Parang sinaksak ang puso ko. Hindi ko napigil ang mapahagulhol nang iyak. "P-aano mong nagawa ito?" tanong ko rito. Disappointed. N-agmahal lang naman ako, bakit ako niloko? Bakit nila ako sinasaktan ng ganito? Kami iyong nagmamahalan, 'di ba? Ano ito? Bakit ganito? Ang dami kong tanong. Pero masasagot ba ang mga iyon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook