Bumaba ako sa mismong terminal ng San Ildefonso. Sinubukan kong maghanap sa internet ng mga pwedeng tuluyan dito. May mga resort naman at hotel. Maraming pwedeng options. Pero plano kong mag-agahan muna rito sa market bago ako magtungo sa isa sa mga hotel or resort.
Habang kumakain sa isang maliit na karinderya ay ngayon ko pa lang nare-realize iyong kahihiyan sa bus. Umatungal talaga ako nang iyak. Kaya bago bumaba ng bus kanina... alam na ng lahat ng mga taong nakasakay na brokenhearted ako.
"Nakakahiya." Anas ko. Natapik ko pa ang noo ko nang sampalin ako ng realization ko.
"Ito na po ang sinigang na baboy at kanin." Inilapag sa harap ko ang in-order kong ulam.
"Ate, pasama naman ng isang tubig at isang soft drinks."
"Sige po, ma'am." Ngumiti ako rito saka sinimulan ng kumain. Nakakadalawang subo pa lang ako'y nag-ring na ang phone ko. Sinagot ko agad iyon nang makitang si Yolly iyon.
"Yolly?" in-loud speaker ko na para naman maipagpatuloy ko ang pagkain ko.
"Nakarating ka na? Saan ka nagpunta?"
"Oo, nandito na ako sa bayan ng San Ildefonso."
"Saan iyon?" tanong ng babae na halatang hindi rin familiar sa lugar.
"Hindi ko rin alam. Basta ang pangalan ng lugar ay San Ildefonso." Sagot ko rito.
Sige lang sa pagsubo.
"Hinahanap ka na nila Lola Carmen." Alam ko naman iyon. Expected ko naman na iyon. Sa lahat ng tao sa mansion ay alam kong si Lola at Lolo ang maghahanap sa akin.
"Kapag tinanong ka'y huwag mo na lang sagutin. Gusto ko lang munang mapag-isa kaya ako lalayo."
"Nag-aalala ako sa 'yo. Dapat talaga sinamahan na lang kita."
"Huwag ka nang mag-alala. Sanay naman akong mapag-isa."
"Gaga!" ani nito na ikinabungisngis ko.
"Yolly, ngayon ko lang na realize. Ang lungkot pala talaga ng buhay ko 'no?"
"Ha? Hindi ah."
"Iniwan ako ng Nanay ko no'ng baby pa lang ako, ibig sabihin hindi n'ya ako mahal. Tapos ngayon niloko ako ng boyfriend ko. Hindi n'ya rin talaga ako tunay na minahal."
"Oh, dalawa lang iyon. Tapos marami pa rin kaming nagmamahal sa 'yo. Umayos ka nga, Happiness. Magpalamig ka lang muna d'yan. Pero huwag mong kalimutan na naghihintay kami sa 'yong pagbalik. Hindi naman magtatagal dito si Lala at Edrik. Mga bwisit na iyon. Alam mo ba, kaninang maaga. Nahuli ko iyang si Edrik na nagtungo sa kwarto mo. It's either kakausapin ka n'ya, or may balak siyang masama sa 'yo."
"Anong sabi n'ya? Kinompronta mo ba?"
"Sinampal ko."
"Ha? Bakit sinampal mo?" takang ani ko. Nahinto na ako sa pagkain dahil sa kwento nito.
"Eh kasi gigil na gigil ako sa tigas ng mukha, eh. Hindi mo deserve iyong lokohin. Hindi mo deserve na masaktan kasi ang pure ng heart mo, Happiness. Bakit ikaw pa ang kailangan nilang ganunin?" umiiyak na si Yolly. Tinanong ko na rin iyan, bakit ako pa?
Sa pagkakatanda ko ay maganda ang samahan naming limang magpipinsan. Close nga kaming lahat dahil malalapit din naman sa isa't isa ang mga tiyahin namin. Madalas naming silang ka-bonding. Si Lala ay madalas taong simbahan. Pero nakaka-bond pa rin namin. Never ko rin siyang nakitang malapit kay Edrik, kaya hindi ko alam kung paanong nagsimulang maging malapit sila at matukso silang lokohin ako. "Galit ako sa kanila, Happiness. Sinabunutan ko pa nga si Edrik eh. Tapos dumating si Lala."
"Oh, nahuli ka n'yang sinasaktan ang boyfriend ko na boyfriend din n'ya?" tanong ko rito. Medyo nalilito na rin tuloy ako kung ano ang dapat kong itawag sa lalaki.
"Oo. Sinabunutan n'ya ako. May kalmot din ako sa mukha. Sa totoo lang gustong-gusto ko nang patulan kanina. Kaso lang naaalala kong buntis siya. Gago siya, palagi kong naririnig sa kanya ang mga salita ng Diyos. Tapos aagawan ka lang ng boyfriend. I hate her."
"Yolly, kung may issues man kami ni Lala pwede bang sa amin na lang muna? Huwag mo nang idamay ang relationship n'yo---"
"No! Wala akong pinsan na malandi. From now on ay hindi ko na siya ituturing na pinsan. Cousin over na kaming dalawa. Ayaw kong makipaglapit pa sa kanya. Baka magulat na lang din ako na boyfriend na rin n'ya ang boyfriend ko."
Grabe! Paano nga ba sila nakasalisi? Hindi ko man lang naramdaman. Hindi man lang ako naghinala sa kanilang dalawa. Kapag nasa mansion si Edrik ay hindi ko nga nakikitang magkadikit iyong dalawa. Most of the time ay ako lang ang kinakausap ni Edrik, tapos iyong mga uncle ko, then si Yolly na close na rin n'ya.
I don't get it talaga.
"Inumin, miss." Inilapag ng server ang soft drinks and water na request ko.
"Thanks." Pasasalamat ko sa babae. Saka ko ipinagpatuloy ang pagkain.
"Ano nang nangyari pagkatapos?" curious na tanong ko.
"Naabutan kami nila lola. Nasampal na naman si Lala. Deserve."
"Sinong nanampal?"
"Si Lola. Nagdabog ba nga ang gaga. Bakit daw siya sinaktan ni Lola. Malamang... sinaktan siya dahil malandi siya. Bwisit na bwisit talaga ako sa kanya. Napakaarte."
"Hayaan n'yo na. Malayo naman na ako. Babalik ako d'yan kapag okay na ako. Siguro naman wala na sila d'yan after ko rito sa San Ildefonso."
"Sana nga. Pero galit na galit sina Tiyo kay Lala. Narinig ko pang nakikipag-usap si Tiya Carmelita kay Tiyo Bogs. Nakikiusap na pauwiin na lang muna sa bahay nila si Lala dahil nga buntis. Kaso galit si Tiyo Bogs. Masasaktan daw n'ya si Lala kapag umuwi sa kanila."
"Hayaan na natin sila. Basta umiwas ka na lang para hindi ka rin pagalitan ni Lola. Ako naman ay okay lang ako rito. Salamat, Yolly."
"Basta balitaan mo ako. Para hindi ako mag-alala sa 'yo."
"Oo, Sige. Ibababa ko na ang phone." Tinapos ko na ang tawag. Saka ako nagpatuloy sa pagkain.
"Miss, baka pwedeng maki-table iyong isang customer. Wala na kasing ibang pwesto pa." Nakikiusap ang tinig ng server na lumapit sa akin. Iginala ko ang tingin ko. Hindi ko man lang namalayan na puno na pala ang mga table.
"Sure." Pandalawahan naman ang mesang napili ko. Pwede pa ang isa. Iniusog ko na lang ang pagkain ko. Para may pwesto pa ang isang customer.
Naunang i-serve ang pagkain ng customer bago lumapit ang isang matangkad at gwapong lalaki. Medyo na amaze pa nga ako. Dahil parang out of nowhere ay nakakita ako ng gwapo. Kasi naman... parang itong ganitong klase ng lugar ay malabong makakita ka ng pogi.
Nang gumawi ang tingin nito sa akin ay bahagya lang itong ngumiti. Saka nagpatuloy na sa pagkain.
"Tititigan mo lang ba ako, miss?" biglang tanong nito. Nahiya naman ako kaya naman ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Pasulyap-sulyap pa rin ako. Hindi ko talaga maiwasang ma-amaze sa kagwapuhan nito. Pero obvious naman na mas matanda ito sa akin. "Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang ako." Seryosong ani nito. Saka nag-angat nang tingin sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa.
"Hindi kita tinititigan." Saka ako nagpatuloy sa pagkain.
"Mukhang bagong salta ka rito sa San Ildefonso." Hindi ako kumibo. Baka mabudol ako kapag kinumpirma kong bagong salta ako. "Bingi ka, miss?"
"Don't talk. I'm eating." Saka ako nagpatuloy sa pagkain ko. Tumango naman ito at nagpatuloy sa pagkain.
Halos sabay lang kaming natapos. Sabay pang nagbayad. Tapos sabay na lumabas. Feeling ko'y nananadya lang ito, eh.
"Sinusundan mo ba ako?" hindi ko na napigil na tanong sa lalaki.
"No, miss. Sasakyan ko iyan." Sabay turo nito sa isang sasakyan na nakaparada malapit sa akin. May tatak ng isang resort iyon kaya nang pasakay na ito at isasara na sana ang sasakyan ay mabilis kong pinigilan iyon.
"Bakit?" tanong nito sa akin.
"Naghahanap ako ng hotel or resort na pwedeng pagtuluyan. May available ba sa resort n'yo?" sabay turo ko sa nakamarka sa sasakyan na pangalan ng hotel.
"It's a private resort, miss. Kailangan magpa-online reservation ka pa. Hindi pwede ang direct check-in."
"Ang arte naman ng resort n'yo. Wala akong matutuluyan, manong. Baka pwede naman matulungan mo ako. May pera naman ako't siguradong makakapagbayad." Nakikiusap na ani ko sa lalaki. Waring nag-isip pa ito. Bago lumabas ng sasakyan saka dumukot sa buksan n'ya. Inilabas n'ya mula roon ang phone n'ya at may tinawagan. Lumayo pa ito saka habang nakikipag-usap ay palinga-linga sa akin. Mukhang tinatanong n'ya kung may available pang room or cottage. Ilang saglit pa'y bumalik ito. Saka lumapit sa akin.
"Sakay." Hindi na ako nag-alinlangan pa. Dali-daling binuksan ko ang backseat at inilagay roon ang bag ko. Saka ako umikot sa passenger seat at lumulan. Mapagkakatiwalaan naman siguro ito.
Bata pa lang ako ay itinatak na sa aking isipan na umiwas sa mga estranghero.
Siguro naman ngayon na matanda na ako'y pwede nang makipaglapit. Lalo't kailangan ko nang tulong.
"Kinausap mo ba iyong boss mo?" tanong ko rito. Umuusad na ang sasakyan. Iyong datingan ng lalaki ay parang pasok na pasok siyang maging mukhang boss. Pero dahil sa pormahan nito ngayon ay naisip ko na baka tauhan lang din siya roon.
Nakarating kami sa resort. Papasok pa lang ay mahigpit na ang security, pero nakalusot pa rin naman. Pagdating sa lobby ng hotel ay iniwan na ako ng lalaki. May tumawag kasi rito kaya ako na lang ang nakipag-usap sa receptionist.
Isang cottage lang daw ang available ngayon. Kaya iyon lang daw ang maio-offer sa akin. Medyo pricey ang cottage pero tinanggap ko na. Kaysa wala akong matuluyan ngayon.
Ang ganda at ang linis. Wala nga rin akong nakitang ibang guest. Inihatid ako sa cottage na tutuluyan ko.
"May restaurant po sa banda roon. Doon po kayo pwedeng kumain. Pwede rin po kayong magpa-deliver. Itawag n'yo lang po sa amin."
"Sige." Tipid na sagot ko.
"Kung may kailangan pa po kayo ay magsabi lang po kayo sa amin para matulungan namin kayo."
"Okay. Nagse-serve ba kayo ng alak?"
"Opo, ma'am. Iba't ibang klase ng alak ay available po. Tawag lang po kayo para maihatid namin sa cottage n'yo."
"Thanks." Narating kaming ang natatanging cottage na available. Medyo malayo iyon. Pinakadulo. Medyo malapit sa batuhang parte. Pero sa tingin ko'y ito iyong pinakamagandang part. Binubuksan na no'ng staff ang cottage nang maisipan kong magtanong.
"May nauna nang magpa-reserve ng mga rooms and cottages?" tanong ko sa babae.
"Ay, kapag po narito ang boss namin ay hindi po talaga tumatanggap ng mga guest ang private resort na ito."
"Really?" medyo nagulat na react ko rito.
"Opo, kaya nga po kanina ay nagulat ako na may isang guest na pinayagan."
"Ah, buti na lang pala'y pinayagan ako. Close siguro no'ng boy na nakausap ko iyong boss n'yo." Tumango-tango pa ako. Nang mabuksan ang cottage ay pumasok kami. Itinuro nito iyong mga parte ng cottage na obvious naman kung ano ang purpose. Pero nakinig na lang din ako.
Nagpasalamat pa nga nang matapos itong magsalita.
"Ma'am, tawag lang po kayo kapag may kailangan kayo sa amin. Ia-assist po namin kayo."
"Ah, pwede na siguro akong mag-order. Alak. Dalhan n'yo ako ng alak dito." Hindi ata nito inasahan na iyon ang una kong request. Pero tumango naman siya.