Dahil buntis si Lala, sumang-ayon na silang lahat sa kasal. Paano naman ako? Parang nakalimutan na ng lahat na ako iyong nobya ng lalaking iniuwi ni Lala sa family house namin. Sumang-ayon sila habang nasa dining room kaming lahat. Hindi nila hiningi ang panig ko. Sila na lang ang nagdesisyon kahit na luhaan ako sa sakit na idinulot ng mga manloloko.
Deserve ko ng explanation mula sa kanila, pero kahit isang salita ay wala silang sinabi. Ang sakit lang kasi sa isa ko pang tiyahin narinig na hayaan ko na lang daw, kasi buntis na.
Limang taon na relasyon iyong gusto nilang basta ko na lang bitiwan dahil buntis na ang hihinhin-hinhin kong pinsan.
Huwag na raw akong magalit o umiyak.
Palibhasa'y nasanay silang lahat na bawat sabihin nila ay sinusunod ko.
Kaya kahit masakit iyong ginawa ng pinsan ko'y 'hayaan' ko na lang daw.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Yolly sa akin pagkatapos kong i-zipper ang bag ko.
Ilang pirasong pares ng damit lang ang dala ko.
"Hindi ko alam. Hindi ko kayang mag-stay rito habang narito rin sa bahay na ito ang dalawang taong nananakit ngayon sa akin." Maluha-luhang ani ko sa pinsan ko. Dito pinatulog ni Tiya Carmelita ang anak n'yang si Lala at pati na rin si Edrik. Dahil magkakagulo raw sa kanilang bahay kapag umuwi si Lala roon. Tiyak na galit na galit si Tiyo Bogs sa ginawa ng anak n'yang makadiyos.
"Ewan ko ba naman kasi sa kanila. Dapat nga'y pinalayas na nila dahil sa kagagahan n'ya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Lala para ahasin ang boyfriend mo. Nanggigigil talaga ako sa mga iyan, Happiness." Obvious namang gigil na gigil ito. Dahil habang nasa hapagkainan kanina ay ito ang pasaring nang pasaring habang ako'y umiiyak.
"O-kay naman kami ni Edrik. Mahal n'ya ako, mahal ko siya. Pero bakit n'ya ako niloko? Bakit nagawa n'ya sa akin iyon? Ang dami-daming tanong sa utak ko. Pero kanina kahit kaunting paliwanag na maayos ay wala man lang silang ibinigay. Masama ba akong girlfriend? Masama ba akong pinsan, Yolly?"
Pati tuloy sa sarili ko'y nagdo-doubt ako. Baka nga masama talaga ako kaya nagawa nila iyon sa akin. Baka hindi enough iyong pagmamahal at effort ko kay Edrik.
"Listen to me, huwag na huwag mong kwekwestiyunin ang worth mo, Happiness. Sila ang nagkamali. Sila ang nagkulang. Mas tama ngang umalis ka muna at magpalamig. Pero ipangako mo sa akin na tatawagan mo ako palagi para hindi ako mag-alala, okay ba sa 'yo iyon?" tanong nito sa akin. Pinunasan ko ang luhang umalpas sa mga mata ko bago ako tumango.
Hindi lang si Edrik at Lala ang nang-betray sa akin. Pakiramdam ko'y buong pamilya ko, except kay Yolly.
Hindi nila dapat hayaan na gano'n na lang. Kaso pumayag agad sila sa kasal, pumayag agad sila porke sinabi ni Lala.
"Alis na ako." Luhaang ani ko sa pinsan ko.
"Hindi ka talaga magpapaalam kay Lola Carmen?"
"May tumatakas ba na nagpapaalam? Yolly, alam mong hindi ako papayagang ng mga iyon."
"Oo nga, sige na. Mag-ingat ka. Tawagan mo ako. Kasi kung hindi ka tumawag at ipaalam sa akin ang location mo ay itra-trace ko na lang. Huwag mo akong subukan."
"Ipapaalam ko sa 'yo kung nasaan ako." Yumakap ako rito bago isinukbit ang bag ko. Lahat naman ng mga importanteng gamit na kailangan ko ay narito. Pera, IDs, documents, hindi kasi tiyak kung makakabalik ako agad o kung babalik pa ba.
Pakiramdam ko talaga'y pinagtaksilan ako ng lahat. Ang sakit lang na parang napakadali nilang natanggap na ang sitwasyon. Tapos gusto pa nilang unawain ko na lang. That's not fair.
Tahimik akong inihatid ni Yolly sa labas ng gate. Minsan ko pang nilingon ang mansion kung saan ako lumaki sa pangangalaga ng lola't Lolo ko.
Kung sa bahay na iyan mananatili si Lala at Edrik, sigurado akong hindi ko kayang mag-stay sa mansion na iyan.
Paglulan ko sa taxi ay kinawayan ko si Yolly. Hindi ko tiyak kung saan ako pupunta. Pero nagpahatid ako sa terminal.
Kung anong lugar ang may available na biyahe ngayong gabi ay roon ako pupunta. Pagkarating sa terminal ay agad kong nakita ang bus pa-San Ildefonso. Hindi ako familiar sa lugar na iyon. Pero agad akong bumili ng ticket para makasakay sa bus ma iyon.
Nang itanong ko sa babaeng nagbebenta ng ticket kung ilang oras and biyahe ay medyo nagulat pa ako.
"6 to 7 hours po. Huwag lang maipit sa traffic."
"Salamat po." Sagot ko sa babae. Dumaan lang ako sa isang tindahan at bumili ng tubig at tinapay. Saka tinungo na ang bus. Pinayagan naman akong sumakay agad.
Nang sipatin ko ang relong suot ko ay 11:20 pm na. Mamayang 11:30 ay lalarga na ang bus.
Kailangan ko munang lumayo ng siyudad.
--
"Nasaan ka?" 5:20 am na. Si Lala ang tumawag sa akin at aksidente kong nasagot ko. "Bakit ka umalis? Nasaan ka? Hinahanap ka nila Lola, Happiness. Pwede bang huwag mo namang sirain ang kasiyahan namin ng boyfriend ko. Para kang nagta-tantrums."
"Hoy! Ang aga-aga pa pero ang kapal na ng mukha mo. Boyfriend mo? Gaga. Kailan mo pa naging boyfriend ang boyfriend ko? Ibang klase ka ring kumilos, Lala. Hindi ko man lang namalayan na inaahas mo na ang boyfriend ko at pwede ba, kung nasaan man ako ngayon ay wala kang pakialam doon. Mang-aagaw. Ang landi mo rin, eh no."
"A-ng sama mo, Happiness. B-akit mo ako pinagsasalitaan ng ganyan? Hindi naman namin sinasadya. Nagmahalan kami... ang problema lang ay nakapagitan ka sa aming dalawa."
Parang kasalanan ko pa?
"Gaga!" malutong na ani ko sa pinsan ko. Iyong mga ganitong salita ay hindi nila naririnig sa akin. Pero bakit ko pipigilan ang sarili ko kung deserve naman nito.
"Ang sama mo, Happiness."
"Mag-isip ka. Sinong mas masama, iyong babaeng walang kamalay-malay na inaahas na ang boyfriend n'ya, o iyong babaeng hihinhin-hinhin pero may ginagawa na palang milagro kasama ang boyfriend ng pinsan n'ya."
"Buntis ako, Happiness. Dapat maunawaan mo iyon---"
"Buntis ka sa lalaking may kasintahang iba. Ganyan siguro talaga kapag walang ibang lalaking pumapatol. Galit na galit ako sa 'yo. Huwag kang umasa na hihiling ako sa 'yo na maging masaya ka. Sinaktan n'yo ako. Hindi n'yo deserve maging masaya."
Ibinaba ko na ang tawag. Napahikbi pa nga pagkatapos. Saka ko lang din na realize na iyong mga pasahero ay nakatingin na sa akin. Mas lalo akong nahiya.
"Huwag kang mahiya sa amin, ineng. Kung naiiyak ka ay umiyak ka lang." Mahinahong ani ng ginang. Kaya ayon, naiyak na lang din ako. Hindi na pinansin kong nakakaabala ba ako sa mga katulad kong pasahero.
Gusto kong iiyak ito, kasi ang sakit-sakit. Hindi ko naman deserve ito.