ALANA was not prepared for the sudden movement of the sleeping person. Kaya naman nang tuluyan niyang makita ang mukha ng lalaki ay ilang sandali pa muna siyang natulala sa kagwapuhan nito. Nakatalikod pa lang ang lalaki ay masasabi na ni Alana na may itsura ito.
The man has a dark brown Korean comma hairstyle that looks messy from rolling over the grass. His eyes were covered with short but thick eyelashes. He also has a pointed nose and that prominent cheekbone that could pass as a supermodel, including his height. Hindi lang iyon ang pang-modelo dahil maging ang nakakaakit din nitong mga labi na isang ngiti lang ay makalaglag na agad ng p*nty.
Isipin pa lang ni Alana kung paano pa kaya kung magmulat pa ng mga mata ang lalaki. Baka hindi na lang labi nito ang makalaglag p*nty. He’s definitely a handsome guy—one of the best. Even the best of the best that Alana remembered from all the handsome men she had seen in her first life.
Gusto pa sanang lumapit ni Alana para mas titigan pa ang mukha ng sleeping prince nang biglang parang kidlat na may na-realize siya pagkatapos ma-examine ang mukha ng lalaki.
Kaya pala ganoon na lang ka-OA at medyo familiar ang mga adjectives na ginamit niya para i-describe kung gaano ka-otherworldly ang kagwapuhan ng lalaki dahil isang beses niya na ring ginamit ang ilan sa mga iyon para ilarawan ang taong hawig ng bahagya rito.
Kung hindi lang dahil sa kilalang-kilala na talaga ni Alana ang itsura ng taong "iyon" ay baka mapagkakamalan niya ring ang lalaking natutulog sa harapan niya ngayon at ang taong "iyon" ay iisa. Lalo pa nga at may alaala siyang nakuha niya sa nakaraan man o hinaharap—basta mula sa unang buhay niya.
Mabuti na lang talaga at malinaw hindi lang ang mga mata niya kung ’di ang pag-iisip niya at alaala dahil mabilis niya ring na-identify kung ano ba ang kaibahan ng lalaking nasa harap sa lalaking "iyon".
First of all, this man has a C-form of hair, while the other one has a curly one. Mas darker din ang kulay ng lalaking ito samantalang may kaputian ang kutis nang isa. Maging sa height ay mas matangkad ang lalaking nasa harapan kaysa doon sa isa.
Yes, both are probably handsome in their own way, but because the man in front looks more mature, Alana preferred this man’s type of appearance. Maaari din naman kasing mas matanda ang lalaking ito kaysa sa isang kakilala niya pero hindi talaga maitatangging mas may dating ang sleeping prince sa harapan niya.
Kaya nga nahawigan ni Alana ang lalaking nasa harapan doon sa taong "iyon" ay dahil medyo may pagkakatulad ang mukha ng lalaki sa young adult na bersyon ng lalaking "iyon". And yet, Alana could rate it from one to ten with a perfect score of ten, saying that this man was three times more handsome than the other. No bias or prejudice is intended.
Now she tried to remember someone with the same features in her memories and one name quickly flashed in her head.
Muling inisa-isa ni Alana ang mga nakuhang lead at ikinumpara iyon sa kanyang alaala ay mukhang iisa nga lang ang lalaking nasa harapan niya at sa lalaking naiisip niya.
Kiero Esguerra is the twenty-five-year-old uncle of her supposed-to-be fiance. And she was also her ex-uncle when the man was still living as Gavin Domingo.
Para paiksiin ang kwento, katulad ni Alana ay inampon din ng mga magulang ng papa niya si Kiero mula sa isang ampunan. Mukhang nasa dugo na talaga ng mga Domingo ang pagiging maawain lalo na pagdating sa mga baby na nasa ampunan.
Pero hindi katulad ni Alana kung saan baby siya nang iniwan ng mga magulang niya ay sa loob pa ng simbahan siya nakuha ng mga madre na namumuno din ng nasabing ampunan. Ang kanyang Uncle Gavin naman ay mismong sa ampunan na pinanganak at naging orphan.
According to the news that Alana heard about Kiero Domingo’s chaotic family background in her first life, Kiero’s biological mother was the secretary intern of his biological father, Mr. Kieffer Esguerra. As an orphan who grew up in the orphanage, Kiero’s kind and gentle mother decided to escape before anyone knew of what happened between her and the older boss.
Ang hindi nito inasahan ay magbubunga ang nangyari sa kanila. Bumalik lang ang nanay ni Kiero sa orphanage na kinalakihan para sana doon ipanganak si Kiero pero wala silang alam na pagkapanganak niya kay Kiero ay kamatayan ang idudulot sa kanya. So as early as Kiero was born, he’s already an orphan.
Nasaktuhan naman na sa orphanage na iyon ay isa sa malaking shareholder noon pa man ang pamilya Domingo. Pagkakita pa lang ng mag-asawang Vicente Domingo at Gaia Domingo sa wala pang isang taong gulang na si Kiero ay naantig agad ang puso nila. Mabilis na prinoseso nila ang papeles at sa araw ding iyon ay naging Gavin Domingo na siya—ang bunsong anak ng mga Domingo.
At that time, Alana’s father, Guilberto Domingo, was still a bachelor but was secretly engaged to her mother, Elena Franchesca Gutierrez-Domingo. At ayon sa mga magulang niya, noong mag-isang taon siya at mag-birthday bilang anak ng mga magulang niya ay tuluyan na ring pumanaw ang lolo at lola niya kaya naman sa kanila na nakatira ang kanyang tiyuhin.
Marahil dahil bata pa noon si Alana pero ayon din sa mga magulang niya ay halos ang tiyuhin niya ang nagpalaki noon sa kanya. Hindi nga lang niya nalaman kung bakit nang mag-nine siya ay biglang umalis sa kanila para mag-aral umano sa ibang bansa si Kiero. Doon na siguro ito nagsimulang magpayaman dahil iyon na din ang huling beses na nakita niya sa personal ang tiyuhin.
The last time she had seen the man was through pictures that her father would brag about her. But the very last time she heard about him was the day she also died.
Nang mapansing nagsisimula na namang mapunta sa kung saan ang tahak ng utak niya ay walang pagdadalawang-isip na winaksi ni Alana ang tungkol doon sa isip.
Instead of walking in, Alana turned away and decided to just leave. Wala siyang balak na gisingin mula sa pagkakatulog ang lalaki. Hindi niya naman kasi alam kung paano ito kauusapin at kung ano ang sasabihin niya rito.
Katulad nga ng sabi niya, she shouldn’t know about him being adopted. At dahil na nga rin sa gap na nabuo sa pagitan nila dahil nga sa alaala niya sa unang buhay niya ay hindi rin niya alam kung paano itatrato ang dating tiyuhin.
In the end, mukhang wala talaga siyang choice kung ’di ang manatili sa kanyang kwarto at doon gawin ang pagpaplano niya. After all, she has no more time left to dwindle. Nakasalalay sa mangyayari mamayang gabi ang hinaharap niya.
THE DANCE hall, which was fully decorated with ribbons, curtains, and different decorative accessories, gives off a youthful sense in the well-lit hall. It was usually empty with decorations and displays but now the whole place looks well-pack even with people who dress in beautiful and elegant dresses and suits.
It was supposed to be a gathering to celebrate a debutant, but since the star of the event hasn’t shown herself yet, many people, especially those obsequious and sycophantic businessmen, took this chance to roam around to fawn, flatter, and s*ck-up to the people with big names or who came from different plutocratic, influential families.
Speaking of the star of the show, Alana, the debutant was still in her room. The paid make-up artist was doing her retouching.
“Is it really okay for me to change your make-up like this? Although your party’s theme is for youth, isn't this too mature for you?” the make-up artist worriedly asked after looking at her finished work.
“Yes, dear. I am not complaining that you even used another dress that I designed for another customer since it looks better on you. And please don’t tattle me to Mrs. Valdez,” the gay designer jokingly added.
Napatawa lang naman si Alana sa sinabing iyon ng baklang designer. Tiningnan naman niya ang make-up artist at nginitian.
“Don’t worry about it. I’ll make sure to explain to my parents that it was my capriciousness that resulted in this idea. They love me so much so it would be just fine.”
Just like that, Alana really got what she wanted. Hindi dahil sa spoiled siya pero katulad nga ng sabi niya, sa sobrang pagmamahal sa kanya ng mga magulang bilang nag-iisang anak ay nagtanong lang ang mga ito kung bakit biglang nagbago ang suot niyang dress at make-up pagkatapos ay okay na sa mga ito.
Hindi naman kasi talaga ganoong kalaki ang pinagbago ng suot at ayos niya ngayon mula sa napagplanuhan na nilang mga damit. At tsaka, para sa opening lang naman ang binago niya. The rest would be the same as planned.
Just as Alana remembered, when the night was up, her birthday celebration as a debutant started. Mabuti na lang talaga at pagbalik ni Alana kanina sa kwarto ay nakapag-isip na rin siya ng pwede niyang unang hakbang. May kakaunting loopholes pa nga lang sa plano niya, pero siguro naman ay pagdating niya mismo sa eksena ay magagawa niyang lusutan iyon.
And since she quickly lays out her plan, she also has time to rest after. Talaga namang naroon ang halo-halong negatibong emosyon pagkagising niya pa lang mula sa mala-bangungot niyang alaala. Pero dahil nga sa bilis niyang mag-adjust sa katotohanang nabigyan siya ng pangalawang pagkakataon sa kabila ng pagiging religious niya, hindi na kataka-taka kung paanong agad niyang natanggap ang tungkol sa mahiwagang bagay na iyon.
So when she woke up because she was told that it was time to transform her, she was a lot different. Mas kalmado na siya kaya naman lahat ng mga kilos at salita niya ay kalkulado. Not because she is starting to become shrewd and scheming. Natatakot lang siyang baka may makapansin sa biglaang pagbabago niya.
Na mukhang napansin pa rin talaga ng designer at make-up artist, kahit pa nga sa tuwing may okasyon lang niya nakakasama ang dalawa. Likely because she was so reserved and uptight that she had overdone it.
“Are you ready, my dear?” tanong ni Elena sa anak.
Nakangiting tumango si Alana. Inilingkis niya pa ang kamay sa braso ng kanyang ama na kanina pa tahimik at nakatingin lang sa kanya. Hindi nga rin ito gaanong nagreklamo dahil sa bago niyang damit at ayos.
“You look beautiful, my little princess,” her dad whispered.
“Thank you, Dad. Though I would appreciate it more if you'd no longer call me little. Just princess would do.”
Sabay na natawa si Elena at Guilberto sa tinuran na iyon ng anak.
“Sorry, but you will always be Daddy’s baby, even if you are married.”
Alana pouted, acting spoiled towards her parents. Kahit hindi sabihin ng ama ang sinabi nito, Alana also knew that they would really do it. Ganoon talaga siya kamahal ng mga magulang niya kaya ganoon na lang din ang guilt na nararamdaman niya para sa mga ito. Kaya ngayong may pangalawa siyang pagkakataon para baguhin ang future, ang tungkol sa mga magulang na ang unang gusto niyang baguhin.
Waiting for the call of the host they took to facilitate the whole event, Alana, her father, and her mother remained standing on top of the stairs. And when they heard Alana’s name, that’s only when they descended the stairs.
Hindi ito ang unang beses na maranasan ni Alana ang ganoong feeling kung saan lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya. At hindi rin iyon ang unang beses na maranasan ni Alana ang ganitong debutant celebration, kaya naman alam na niya kung paano haharapin ang mga ito.
She walked gracefully down the stairs with her father and mother by her side. Dahil nga sa pinalitan ang style ng opening dress niya, hindi na ito ganoon kalobo. But it was still a long and flowy dress, and once she twirled her body, the dress would follow.
Na hindi niya balak gawin dahil paniguradong makikita ang suot niyang panloob dahil sa mahabang slit sa bandang gilid ng kanyang suot na dress. It was a tube dress in dark green and on the back part, specifically two inches above her bu*t, is a see-through, emphasizing her young yet already matured body.
“Again, dear guests, let us all welcome the only daughter of Mr. Guilberto Domingo and Mrs. Elena Franchesca Gutierrez-Domingo, the birthday debutante, Ms. Alana Brielle Cara Domingo! Please give them a round of applause as the father and daughter will have the first dance opening for the eighteen roses.”
Pagka-announce noon ng host ay kanya-kanyang gilid ang mga tao hanggang sa makabuo iyon ng malaking bilog kung saan pumunta sa gitna ang mag-ama. A rose was already bitten between Mr. Guilberto’s lips. Wala naman na iyong mga tinik kaya walang kaso ang ginawa ni Mr. Guilberto.
They dance in tune to the sweet melodic music played by another well-known individual from the music entertainment industry. Mukhang ganoon na lang talaga ang pagpapahalaga sa kanya ng mga magulang. No one who assisted in her debut celebration is nameless and all were well-known in their field of work. Katulad na lang ng host sa birthday niya na award-winning hindi lang sa acting kung ’di maging sa hosting.
“Did I already tell you how beautiful you are, my baby princess?” biglang basag ni Mr. Guilberto sa nakakakalmang katahimikan.
Nasa kalagitnaan na sila ng pagsayaw nang maisipang magsalita ni Mr. Guilberto.
“Palagi naman po, Dad. You never missed telling me and Mom how beautiful we are.”
Napangiti si Mr. Guilberto bago hinalikan ng masuyo sa noo ang anak. Dahil napahinto sa pagsayaw ang kanyang ama ay huminto rin si Alana.
“Happy birthday, my princess. Always remember that no matter what you want or decide, we are always at your back, supporting you. I love you, my baby girl.”
Mabilis na pinamasaan ng mga mata si Alana pero pinigilan niya ang sariling pumatak iyon. She gave her father the sweetest smile she could ever give and hugged him tightly.
“Don’t worry, Dad. I promise not to be reckless anymore. I love you more, both of you and Mom.”