PROBLEMADO ang mukhang halos mapahilamos si Alana. Kung ihahalintulad sa isang makasining at pampanitikang salita ang nararamdaman at kasalukuyang mukha ni Alana habang nakatingin lang sa dingding ng kanyang kwarto at pabalabag na nakahiga sa kama, saktong-sakto sa kanya ang maharayang kataga na 'pinagbagsakan ng langit at lupa'.
Iyon kasi ang kasalukuyang nararamdaman ni Alana nang malaman niya ang kasalukuyang taon pagkatapos nang muli niyang pagkabuhay. Parang gusto niyang kuwestyunin ang Diyos kung bakit binigyan pa siya ng pangalawang pagkakataon.
Katulad nang naibulalas niya pagkakita niya sa taon ay huli na nga ang lahat. Well, technically not. Sadyang nadismaya lang talaga si Alana nang malamang ang kasalukuyang taon ay ang taon din kung kailan nagsimula ang lahat.
Tandang-tanda pa ni Alana kung ano ang mangyayari sa taon na ito, lalo na ang okasyon na mayroon sa araw ding ito.
Kung noon ay sa tuwing dumarating ang ika-labing-pitong araw ng Hulyo ay tanging excitement at pananabik lamang ang nararamdaman niya. Iyon ay dahil lang naman sa ito din ang araw ng kanyang kaarawan.
And if this was like before her rebirth, July 17, 20** is also her eighteenth birthday. So technically speaking, today, the day that she’s reborn, is also her eighteenth birthday celebration and the start of everything.
Kung katulad nga nang hinuha niya kaninang hindi pa niya alam ang kasalukuyang date at taon, hindi sana siya makararamdam ng panghihinayang. Pero mukhang nakalimutan din ni Alana noon kung gaano ka-deceiving ang mukha niya. Na kapag sinabing mukha siyang sixteen-year-old, ibig sabihin lang noon ay nasa legal na edad na siya.
Because, just like she said, she will have enough time to plan the changes in her future. Sa loob lang ng ilang sandali na iyon ay nakapag-isip na agad si Alana ng mga unang hakbang niya. Katulad na lang ng gagawin niyang pagkumbinsi sa mga magulang na lumipat sila ng bahay kahit pa nga kakalipat pa lang nila sa mansyon na iyon.
Dahil nga ang unang goal niya ay ang makalayo sa mga taong nagdulot sa kanya ng lahat ng paghihirap na dinanas niya, natural lang na unahin niyang planuhin ang kung paano siya makakalayo sa mga ito.
Sa oras na makalayo na nga siya ay doon pa lang siya pormal na makakapagplano kung paano maghihiganti. She’s not a saint. Despite her religiousness, she couldn’t remove the thought of revenge from her.
Patawarin nawa siya ng Diyos pero hindi maaaring palagpasin ni Alana ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng Diyos para makapaghiganti. The only thing she could promise to God is that she would be more merciful than those people who ruined her in the past, even though they didn’t deserve it.
Magpasalamat na lang sila dahil malaki ang takot ni Alana sa Diyos dahil kung hindi, baka hindi lang niya tuturuan ng leksyon ang dalawa kung ‘di ibabalik niya pa ng triple sa mga ito ang ginawa nila sa kanya.
And it seems like God had anticipated those thoughts within the deepest part of Alana’s heart that the chance He had given her was different from what she expected. Iyon nga at imbes na may higit isang taon pa siyang panahon para makapagplano ay ginawa ni Lord na isang araw na lang iyon.
Kahit pa nga dalawa o isang taon lang ay sapat na para kay Alana para makabuo ng malawakang plano kung paano niya sasalungatin ang kanyang tadhana. Pero ang isang araw ay hindi sapat sa kanya.
Ni wala na ngang isang araw iyon kung tutuusin!
Hindi tuloy maiwasan ni Alana ang mag-panic at mataranta dahil sa nalaman. Ano naman ang magagawa niya sa kulang-kulang isang araw? Baka ang maging labas pa noon ay siya ang maging kulang-kulang dahil sa pag-iisip!
Parang gusto tuloy humagulgol ni Alana sa Diyos. Hindi sa kinukwestyon niya ang Panginoon sa ginawa nito, pero maaaring slight na kinukwestyon niya nga. Hindi lang niya mapigilan dahil nga sa umasa siya eh.
Kumbaga sa relationship, umasa si Alana sa isang lalaki pero kung kailan balak na niyang sagutin ito at bigyan ng chance ay tsaka naman ito aatras at sasabihing joke lang pala ang lahat.
Tanging malakas na buntonghininga lang ang napakawalan ni Alana at pagod na napaupo ulit sa kanyang kama. Blaming or looking for someone to blame is not a good thing. Lalo pa kaya ang magreklamo sa Diyos na parang sinisisi pa niya ang Panginoon ay talagang mali.
Wala na rin naman siyang magagawa pa. Buti nga at binigyan pa siya ng Panginoon ng pangalawang pagkakataon para itama ang mga mali niyang ginawa. Sa ngayon ay iyon ang dapat pagtuusan niya ng pansin.
“Maybe I should relax myself,” she muttered to herself.
Sa palagay niya ay hindi siya makakapag-isip masyado kapag nanatili siya sa kanyang kwarto. Baka kapag nakapaglakad-lakad siya at muling nakalanghap ng hangin at nakakita ng mga pamilyar na tanawin ay kumalma na ang kanyang pag-iisip.
And since she already knew that today was her eighteenth birthday, Alana was also sure that the whole mansion was busy with preparation. That’s why she can’t go and take a look around the mansion.
Mabuti na lang at may isang lugar na pumasok sa kanyang isipan na nasisiguro niyang makatutulong sa kanyang makapag-isip-isip.
Naghilamos muna si Alana ng kanyang mukha at nagpalit ng komportableng damit. Then she came out of her room and familiarly wandered around the mansion. Bawat katulong na makakasalubong niya at bumabati sa kanya ay babatiin din ni Alana.
Sa paglalakad niya pa lang palabas ng mansyon ay nakita na niya kung gaano ka-busy ang lahat sa pag-aayos. Kaliwa’t kanan ang mga katulong bitbit-bitbit ang mga pangdekorasyon na isinasabit o idinidik nila sa dingding.
Hindi man kabilang sa mga bigatin at mayayamang tao sa buong mundo ang pamilya Domingo, pero sapat na ang kanilang yaman para mapabilang sa tanyag na pamilya sa Pilipinas.
Kung hindi lang isasama sa rankings ang mga taong kabilang sa mayayaman sa buong mundo, masasabing ang pamilya ni Alana ang nangunguna sa Pilipinas bilang pinakamayaman.
Kaya naman ang tumira lang sa Golden Palace, at magkaroon ng sariling manor sa pinakamalaking residential community na ito ay sapat nang patunay kung gaano kayaman ang pamilya ni Alana.
Ang Golden Palace ay isang maliit na private residential community area kung saan imbes mga malalaking bahay at lupa ang ibinibenta ay malalawak na manor ang mabibili rito.
Natawag lang itong maliit dahil sa mabibilang lang sa mga kamay ang manor na mabibili dito. Most of the manor owners inside the Golden Palace have a raging hundred billion dollars of net worth that they could easily earn in a year.
So most of the manor owners are either part of the wealthiest conglomerates or high-ranking net-worth billionaires around the world. There are even those people who are wealthy for owning businesses in the underworld, just like the owner of the Golden Palace himself.
If Alana remembered it right, the reason that it took them years before they decided to buy the remaining manor in the Golden Palace was that her father, Guilberto Domingo, didn’t want to let go of their family mansion that had been left since his great grandfather’s grandfather's era, like a family heirloom.
Coincidentally, Alana felt ashamed when she also remembered what and who was the reason why, after so many years, her father finally agreed to let the family mansion go. Iyon ay walang iba kung ‘di si Alana mismo.
Isipin pa lang niya ang dahilan kung bakit niya pinilit nang pinilit ang kanyang ama na tumira sa loob ng Golden Palace ay parang gusto na lang itali ni Alana ang naive self niyang iyon at itapon sa dagat.
Alana frantically shook her head to shake her thoughts away. Bago pa nga mapunta sa kung saan ang utak niya ay nagmamadaling tinungo na ni Alana ang malaking garden.
However it was not where she wanted to go since the garden was also being reorganized for the afterparty for all the youth that she and her parents invited to celebrate with her.
Ang tunay na lokasyong gustong puntahan ni Alana ay ang malaking garden sa sentro ng buong residential area. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwasan ni Alana ang mamangha sa kung sino man ang nakaisip ng design ng buong Golden Palace.
Ang ayos kasi ng Golden Palace ay parang malaking garden sa gitna ng malawak na maze. Samantalang nakapalibot naman sa malawak na maze ay ang sampong manor. Kung hindi lang dahil sa Neighborhood na karugtong ng pangalan ng Golden Palace ay aakalain ni Alana na ang main attraction ng residential community ay ang garden.
But she could never deny that she really liked the design. Whoever designed it would be called a genius by Alana. Hindi lang basta genius kung ‘di aesthetically genius pa!
Alana walked consciously towards the end of their manor’s garden. Pagdating niya sa dulo ay ang malaki at mataas na hedge wall na gawa sa berdeng-berdeng mga halaman.
Dahil pamilyar na siya roon ay walang kahirap-hirap na nahanap ni Alana ang parte kung nasaan maaari siyang makadaan para makapasok sa napakalaking maze. Bawat garden ng bawat manor sa Golden Palace ay may kanya-kanyang daan papasok sa maze. At bawat daan ay may ilang panggulong daan at tanging isa lang doon ay diretso papunta sa garden sa gitna ng maze.
Kaya kung hindi ka pa naman pamilyar sa loob ng maze ay huwag mo na lang balakin pang pumasok dahil baka kung saan ka lang dalhin ng walang sense of direction mong mga paa.
Habang naglalakad sa loob ng hedge maze ay hindi mapigilan ni Alana ang mapangiti. She can’t deny that she also missed this place. Ang lugar na ito kasi ang madalas na puntahan ni Alana noon sa tuwing malungkot siya o kung ano pang negatibong pakiramdam. While the garden in the middle of the maze became her safe haven.
The only thing that gives Alana a good feeling of remembering memories related to the manor are those moments that she’s inside the said garden.
Maaaring dahil nga sa tanging mga bilyonaryo lamang ang may sariling manor sa buong residential community ay karamihan sa mga ito ay matatanda na o kaya naman ay halos wala din sa loob ng kani-kanilang manor.
If they have brought their families to the Golden Palace, they are probably all mature, despite being brought up by wealthy parents. O baka pwede ring masyado silang spoiled dahilan para wala silang oras para lang halughugin ang malaking maze marating lang walang kasiguraduhang dulo nito.
Maging ang isang galawgawing bata na tulad niya ay inabot pa nang isang taon bago niya malaman ang tungkol sa not-so-secret passage door papasok sa maze maging ang malaman ang tamang daan papuntang garden sa gitna. So for all the times that Alana lived in the manor, aside from her, she hadn’t seen anyone else reach the center garden. Not even entering the maze itself.
Kaya ganoon na lang talaga ka-espesyal para kay Alana ang parteng ito ng Golden Palace. Mula bawat sulok, bawat daan kahit pa nga alam ni Alana na dead-end ang dulo noon ay talagang nilakad ni Alana na para bang namamasyal lang siya sa park.
Tsaka lang tinahak ni Alana ang tamang daan patungong garden na binigyan niya ng sariling pangalan. Hindi na niya pinahirapan pa ang sarili sa pagbibigay ng pangalan at bininyagan na niya ito bilang bagong Garden of Eden.
Being familiar with the place, Alana quickly entered the Garden of Eden. Nasa bungad pa lang siya ay hindi na agad niya napigilan ang mamangha hindi dahil sa napakagandang tanawin ang bumungad sa kanya. Namangha si Alana dahil sa wala pa ring pinagbago ang itsura at ayos ng garden.
It was as beautiful and magical as she had remembered it. Mula sa sari-saring kulay ng mga bulaklak na maayos na nakatanim sa mabermudang lupa. The place is more than eye candy. It was really a fantastic place that Alana couldn’t even find the exact adjectives to describe it.
Gusto pa sanang busugin ang sariling mga mata sa ganda ng tanawin nang mapahinto si Alana sa kinatatayuan at napatingin sa isang banda ng garden.
If Alana described the place as magical, then the person sleeping in the midst of it just completed the magical sense of the place. Para bang lugar sa isang princess novel kung saan bigla na lamang lumitaw ang kahanga-hangang prinsipe.
Dahil may kalayuan pa ang lalaki mula kay Alana at bahagyang nakatagilid ito patalikod sa kanyang banda ay hindi niya maaninag nang maiigi ang itsura ng lalaki. But with her sharp eyes, she could at least describe some notable features of the sleeping figure.
Dahil sa simpleng pares ng damit na suot ng lalaki ay kapansin-pansin na may kahabaan ito. So Alana noted that the man is very tall compared to her 5'5 height. Probably between 5'8 and 5'9.
With his simple black sleeveless shirt, the effortlessly flexed muscles could be seen in his shoulders, arms, and doubtlessly the unseen back and front.
There is this voice speaking inside Alana. Boses na gustong makita ang mukha sa likod ng katangi-tanging katawan. At mukhang ganoon na lang talaga siya kalapit kay Lord dahil mabilis na napagbigyan ang mumunting hiling niya nang parang naalimpungatang nagbago ng pagkakahiga ang lalaki.
And there, an unexpected face was revealed in Alana’s unsuspecting figure. It was none other than the face of his young ex-uncle who was now the young uncle of her supposed-to-be fiance.