Chapter 6

2102 Words
YUMI: NANGINGITI ako habang magkaharap kami ni Sir Delta na naghahapunan. Mabuti na lang at naging kalmado at makulit na ulit siya matapos mailabas ang galit. Hindi ko naman alam kung bakit siya nagalit na nagawang magwala sa opisina niya dito sa loob ng bahay. Ayaw din niyang linisan ko ang opisina niyang nagkalat ang mga sira-sirang gamit dahil mapapagod daw ako. Pakiramdam ko ay nakalaya ako sa nakakasakal na mundong kinagisnan ko sa piling nila Tiyang Susan. Kahit maging katulong ako ni Sir Delta dito sa bahay niya ay okay lang sa akin. Paulit-ulit na mas pipiliin kong manirahan dito kaysa sa bahay nila Tiyang na higit pa sa alipin ang turing nila sa akin. At ngayong wala na ang Tatay na nagbibigay ng pera sa kanila ay tiyak na palalayasin o mas pahihirapan pa nila ako doon. Mabuti na lang at napakabait ni Sir Delta. Hindi ko man siya gaanong kakilala pero. . . damang-dama ko sa puso kong mabuti siyang tao. Marami akong katanungan tungkol sa kanya pero. . . pinanatili ko na lamang sa isipan ko. Ayokong pagdudahan si Sir lalo na't napakabait nito sa akin. Inaalagaan at inaasikaso niya ako kahit hindi naman na kailangan. Nakakatuwa nga na may mga katulad niya pa palang tao. Na lumaki sa mayamang pamilya pero napakabait kahit sa mga katulad kong mahirap na ulila. Sa kabila ng lahat ng kamalasan at hirap na pinagdaanan ko mula pagkabata ay napakaswerte ko pa ring dumating si Sir Delta sa buhay ko. Para siyang knight in shining armor ko na dumating noong panahong kailangang kailangan ko ng tulong nito. "You want some, Yumi?" Napabalik ang naglalakbay kong diwa na magsalita ito. "Huh?" "I'm talking about our dessert, Yumi. Gusto mo ba nito?" tanong nito na ikinasunod ko ng tingin sa tinutukoy nito. Napatitig ako sa chocolate cake na nasa harapan ko. Mapait akong napangiti na hindi ko mapigilang mangilid ang luha. Para akong pinipiga sa puso ko na nakamata sa cake. "Hey, what's wrong, huh?" anito na nag-aalalang pinahid ang luha ko. Pilit akong ngumiti na nahihiyang nag-iwas ng tingin. Pero napapisil ito sa baba ko na pinagsalubong ang mga mata namin. "Anong problema, Yumi?" tanong nito na nakatitig ng matiim sa mga mata ko. "Naalala ko lang po si Tatay, Sir." Sagot kong ikinalunok nito. "Naalala ko noong bata pa po ako. Sa tuwing birthday ko ay ito ang hinihingi ko sa kanya. Na bilhan niya ako ng isang buong cake. Pero dahil may kamahalan at wala kaming pera ay isang cupcake lang ang binibili niya. Nilalagyan ng candle at 'yon ang hihipan ko para mag-wish. Buong buhay ko ay isa lang ang hinihiling ko sa tuwing birthday ko, Sir. Pero hindi na 'yon matutupad. Ang sakit lang po," pagkukwento ko na panay ang tulo ng luhang pinapahid naman nito. "Ano bang hiling mo, Yumi?" tanong nito. Pilit akong ngumiti na napatitig sa chocolate cake sa harapan ko. "Hinihiling ko na sana. . . sa susunod na birthday ko ay cake na ang ibo-blow ko. . . kasama ang Tatay. Ang simple, noh? Pero ang daya-daya ng tadhana. Dahil kahit ang simple ng kahilingan ko ay hindi niya ibinigay sa akin," aniko na napahagulhol. Kaagad naman ako nitong dinaluhan na mahigpit na niyakap. Bawat paghagod ng mainit niyang palad sa likod ko ay parang winawalis no'n ang bigat sa dibdib ko. Pinapadama niyang hindi ako nag-iisa dahil nandito siya. "I'm sorry for your lost, Yumi. Hayaan mo. . . hindi man matutupad ang kahilingan mong iyon na kasama ang Tatay mo? Tutuparin natin sa ibang paraan. Ako nga lang ang makakasama mo," saad nito na ikinakalas kong nagpahid ng luha. "Parang kayo na ang magiging Tatay ko, gano'n po ba, Sir?" tanong ko na ikinanganga naman nito. "What?" Napakamot ako sa ulo na napapangiwi ang ngiti dahil nalukot ang gwapong mukha nito na tila hindi nagustuhan ang narinig. "Eh. . . sorry po, Sir. Masyado lang pong palagay ang loob ko sa'yo. Na pakiramdam ko ay may bagong Tatay ako sa kalinga niyo," nahihiyang sagot ko. "Yumi naman. Hindi naman ako gano'n katanda para maging Tatay mo. Pwede namang Kuya ah," reklamo nito na ikinalapat ko ng labing nagpipigil mapahagikhik. "Eh. . . kaedaran niyo naman po ang Tatay ah." Mahinang sagot kong nag-iwas ng tingin na naningkit ang mga mata nitong nakatitig sa akin. "Fvck! Bakit kasi ang tagal mong naipanganak eh," maktol nitong nag-slice na sa cake na lihim kong ikinangiti. Isa sa mga nagustuhan kong katangian ni Sir Delta ay hindi siya mapang maliit na amo. Na tipong hindi niya ipaparamdam sa'yo ang laki ng agwat niyo sa buhay. Katulad na lamang kung paano niya ako asikasuhin. Tama nga si Tatay. Napakabait ng amo niya. "Kumain ka na nga lang." Anito na ipinaglagay pa ako ng na-slice nitong cake sa plato ko. "Salamat po, Sir." "Hmm. . . hindi ba dapat kapag nagpapasalamat ka sa Tatay mo may kiss?" nanunudyong tanong nitong ikinainit ng pisngi ko. "Po?" Itinuro naman nito ang pisngi na mas inilapit sa akin ang mukha. "Halikan mo si Tatay. Dali," utos nito na nangingiti. Natatawa na lamang akong sumunod na mabilis siyang hinagkan sa makinis niyang pisngi. Para tuloy lumukso ang puso at kaluluwa ko sa aking katawan na dumampi ang mga labi ko sa mala-porselanang balat nito! Mas makinis at maputi pa siya sa akin ng 'di hamak! "Very good. That's my little Yumi," natatawang saad nito na umayos ng upo sa tabi ko. Lihim akong nangingiti habang kumakain kami ng dessert. Napakalambot at balanse ang tamis ng cake na gawa nito mismo. Hindi ko alam pero may bahagi sa puso ko ang natutuwang gumawa pa siya nito para sa akin. Na napaka-memorable ng unang beses kong makakain ng cake. Hindi ko man kasama ang Tatay? Meron naman itong naging kapalit na inaaruga din ako. Si Sir Delta. "Siya nga pala, baby?" "Baby po?" "Ahem! Hindi ah. Yumi kaya ang sinabi ko," anito na ikinakurap-kurap ko. Napakamot ako sa ulo na napangiwi ang ngiti. "Baby po kasi narinig ko." Pinaningkitan naman ako nito na ikinangiti ko. Mahirap ng magalit ko siya. "Hmm. . . mukhang kailangan mo ng maglinis ng tainga mo, Yumi. Nabibingi ka eh," natatawang ingos nito na ikinaismid ko. "Anyway. . . lalabas ako mamaya. May mga bantay naman d'yan sa labas para bantayan ka. Magpahinga kang maaga para makabawi ka na ng lakas mo," seryosong saad nitong ikinatitig ko dito. "Saan ka po pupunta, Sir?" "Uhm, hindi ko pwedeng sabihin eh. Hindi mo rin maintindihan," sagot nito na ikinabusangot ko. "Di na lang kasi sabihing makikipag-date," mahinang bulong ko na ikinataas ng kilay nitong nilingon ako. "Silly. Paano ako makikipag-date kung wala akong girlfriend, hmm?" Namilog ang mga mata ko na nag-init ang mukha sa sinaad nito. Nahihiya akong mapatitig dito kahit nangingiti siyang nakamata sa akin ng matiim. "Kung gano'n saan po kayo pupunta, Sir?" "Trabaho." "Pero gabi na po ah." "Soon. Sasabihin ko rin. Pero sa ngayon? Magpalakas ka na muna, Yumi. Sa susunod na buwan na ang enrollment. Dapat malakas-lakas ka na no'n para mapasok kita," kindat nitong ikinangiwi ko. "Mali ka po ng grammar, Sir. Baka naman para makapasok na ako. Hindi para mapasok mo na ako," pagtatama kong ikinahagikhik nitong napailing. "Yon din 'yon, Yumi." "Magkaiba po 'yon, Sir." MATAPOS naming kumain ay ito rin ang nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan namin. Nahihiya man ay hindi pa naman ako marunong kulikutin ang mga gamit niya dito bahay. Bago ang lahat sa akin kaya kailangan ko pang matuto kung paano gamitin ang mga iyon ng hindi ako makaperwisyo sa kanya. Napakalaking bagay na nga na kinupkop niya ako at pinatira dito sa bahay niya. Open ako sa mga gamit at pagkain dito. Tumutuloy sa malaki at magarang silid na dinaig pa ang nga room hotel at higit sa lahat? Pag-aaralin pa niya ako. Sobra-sobra na ang ginagawa niyang pabor para sa isang katulad ko. Bonus pang napakabait niyang amo na hindi pinapadama sa akin kung gaano ako kababa kumpara sa kanya. Kahit nga mga damit, sandals at personal needs ko ay siya ang bumili. At hindi lang basta-basta ang presyo ng mga iyon. "Sige na. Magpahinga ka na, huh?" saad nito na inihatid ako ng silid. Napanguso akong ikinangiti nitong hinaplos ako sa ulo. "Magpahinga ka na." "Mag-iingat ka po, Sir. Goodnight po." Lalo namang napangiti itong halos magsarado na ang mga singkit niyang mata. "Opo, boss. Goodnight," sagot nito na tuluyan ng isinarado ang pinto. Napahinga ako ng malalim na bagsak ang balikat na nagtungo sa maluwag kong kama. Hindi ko rin alam kung bakit ako nalungkot bigla sa kaalamang aalis si Sir Delta ngayong gabi. Naupo ako sa gilid ng kama na nahaplos ito. Dati ay pangarap ko lang na magkaroon kahit manipis na kutson ang higaan kong papag noon sa amin. Na hindi maibigay-bigay nila Tiyang dahil wala daw pera para doon. Mahirap lang kami alam ko. Pero malaki-laki din naman ang pinapadala ni Tatay kina Tiyang. Napaganda nga nila ang bahay nila at napag-aaral sa magandang eskwelahan ang anak nila. Habang ako ay kung anong matitira sa padala ni Tatay? 'Yon lang ang ibibigay sa akin na pagkakasyahin ko sa loob ng isang buwan. Nakakabili sila ng magagandang gamit nila at mga appliances sa bahay. Mga masasarap na pagkain pero. . . hindi ako kabilang. Dahil kahit sa hapag kainan ay hindi nila ako isinasabay. Para akong aso doon na nahuhuling kumain. Kung saan tira-tira na lang ang iniiwan. Madalas nga ay wala na silang itirang ulam kahit pera ng Tatay ko ang pinangbili nila ng mga iyon. Hindi ko mapigilang tumulo ang luha na inaalala ang mga paghihirap ko sa bahay na iyon. Pero kung kailan naman ako nakalaya? Saka naman nawala si Tatay. Ni hindi manlang kami nagkaroon ng pagkakataon na magyakapan sa huling pagkakataon. Mis na mis ko na ang Tatay ko. Minsanan lang siya umuwi noon ng probinsya. Isa o dalawang araw lang siya kaya hindi kami nakakapag sarilihang mag-ama. Mapait akong napangiti na niyakap ang malaking teddy bear ko dito sa silid na iniisip na siya si Tatay habang inaalala ang huling tagpo namin sa hospital. Kung saan nag-aagaw buhay na ako pero para siyang anghel na dumating para sagipin ako. Napapikit akong mahigpit na niyakap ang teddy bear ko. Inaalala ang huling gabing nasilayan ko pa ang Tatay. **** "YUMI, anak. Hwag kang umiyak. Magpalakas ka. Nandidito na ang Tatay, hmm?" Sa nanlalabong paningin ko ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha. . . ng aking ama habang mahigpit na hawak-hawak ang kamay kong may suero. "Tay," halos pabulong sambit kong ikinatango-tango nitong ngumiti sa akin at hinaplos ako sa ulo. "Ligtas ka na, anak ko. Magaling ka na. Magpalakas ka na lang, ha? Hindi kita iiwan." Saad nitong ikinangiti at marahang tango ko. "Tay, dito ka lang, ha? Hwag mo na akong iiwan." Nanghihinang saad kong ikinatango-tango nitong mariing hinagkan ako sa noo. Naalala ko naman na aabot ng kalahating milyon pesos ang kakailanganin para sa operasyon ko na ikinatitig ko kay Tatay. "Tay, saan ka po nakakuha ng pera?" mahinang tanong ko. Pilit itong ngumiti na muli akong hinagkan ng mariin sa noo ko habang hinahaplos ako sa ulo. "Sa amo ko. Mabait si Sir Delta, anak. Sa kanya ko nakuha ang pera. Kaya kailangan mong magpalakas, ha? Utang na loob natin sa kanya ang pagkakadugtong ng buhay mo, anak ko. Pagsisilbihan natin siya habang buhay kapalit ng perang nagamit sa operasyon mo ngayon. Naiintindihan mo ba ako?" maalumanay nitong saad na ikinatango-tango ko. Napahinga ito ng malalim na maingat akong niyakap sa ulo ko. Napapikit ako na napakapit sa braso nito na may ngiti sa mga labing yakap ako ngayon ng aking ama. "Anak, kapag may nangyaring masama kay Tatay? Hwag mong isisisi kay Sir Delta, ha? Dahil sa uri ng trabaho ko bilang bodyguard niya ay delekado ang buhay ko. Kung sakali at mamamatay ang Tatay at kunin ka ng amo ko? Sumama ka sa kanya, anak. Mabait si Sir Delta. Nakakasigurado akong. . . hindi ka niya pababayaan," saad nito na tila nagpapaalam. "Opo, Tay." Tanging sagot ko na nakaidlip na sa bisig nito. ***** NAPAHAGULHOL akong mas niyakap ang teddy bear ko na iniisip na siya ang ama ko. "Tay. Mahal na mahal po kita. Sana sinabi ko 'yon. Sana sinabi ko ang katagang iyon kung alam ko lang na iyon na ang huli nating pagkakita. Sana sinulit ko na ang sandaling iyon na kasama kita. Kung alam ko lang. Kung alam ko lang ay hindi na sana ako natulog ng gabing iyon. Mahal kita, Tatay. Mahal na mahal po kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD