Chapter 7

2402 Words
DELTA: NAPAPANGUSO ako habang lulan ng black BMW ko na minamaneho ni Elton. Ayaw ko sanang iwanan si Yumi sa bahay mag-isa pero mahalaga rin ang lakad namin ngayong gabi ng mga tao ko. "Okay ka lang ba, boss?" tanong nito sa mahaba-haba kong katahimikan. Napapahimas ako ng baba na sa labas ng bintana nakamata at iniisip si Yumi. Kahit ibaling ko sa iba ang attention ko ay kusang lumilitaw sa isipan ko si Yumi. Ang maamo niyang mukha. Ang mapupungay at inosenteng mga mata nito. Kung paano siya ngumiti at tumawa. Napalunok ako na maalala ang kagustuhan nitong makita ang ama. "Uhm, Elton?" "Yes, boss?" Umayos ako ng upo na bumaling ditong pasulyap-sulyap sa akin habang nagmamaneho. "Saan niyo inilibing si Flavio?" "Ahem! Sa dati po, boss. Sa field natin sa Rizal kung saan inililibing ang mga tauhan mong walang pamilyang kukuha sa katawan nila," magalang sagot nitong ikinatango-tango ko. "Ipahukay mo." "Po?" Napahinga ako ng malalim na napakamot ng kilay. Bakas ang kabiglaan sa mukha nito na bahagyang nagsalubong din ang mga kilay. "Ipahukay mo si Flavio. Dalhin nila sa funeral para maayusan at mapaglamayan ni Yumi kahit ilang araw lang," saad kong ikinalunok nitong napasulyap sa akin. "Bakit?" "Sigurado po kayo, boss? Eh. . . nailibing na natin 'yong tao," saad nito na napapangiwi. Huminga akong malalim na pagod ang mga matang nakatitig dito. "Pwede pa nating hukayin. Nand'yan na si Yumi. Kahit 'yon manlang ang maibigay ko sa kanya. Malaking bagay kay Yumi ang tungkol doon. Maibsan manlang ang bigat at guilt sa puso niya na hindi na nakita ang ama o nakapag paalam kahit sa huling pagkakataon. Ayokong ipagkait 'yon kay Yumi kung kaya ko namang ibigay. Eh kung. . . kung pwede nga lang buhayin si Flavio kahit umabot ng bilyon ang gagastusin ko ay gagawin ko para kay Yumi," saad ko sa mababang tono. "Copy po, boss. Itatawag ko na lang sa bahay para mapuntahan na nila at madala sa funeral at maayusan," sagot nitong ikinatango kong nakahinga ng maluwag. Napahilot ako sa sentido na mariing napapikit. Napapasulyap naman ito na kitang maraming gustong itanong. "What? Sabihin mo na, Elton." Saad ko. Napakamot pa ito sa ulo na napangiwi ang ngiti. "Kabisadong-kabisado mo talaga ako, boss." "Tss. Ikaw rin naman ah. Kabisadong-kabisado mo rin naman ako." "Uhm, boss. Seryoso na." Saad nito na ikinalingon ko dito. "Si Yumi, paalalahanan lang ulit kita, huh? Mukha kasing mahuhumaling ka sa batang iyon. Alalahanin mong anak siya ni Flavio na trinaydor ka. Kapag nalaman ni Yumi kung paano namatay ang ama niya? Hindi kaya siya magiging problema, boss? Nagawa kang traydorin ni Flavio na halos isang dekada mong naging tauhan. Paano na lang kaya si Yumi?" saad nito na bakas ang pag-aalala sa tono at mukha. Napahinga ako ng malalim na napahilamos ng palad sa mukha. "Iba si Yumi, Elton. Saka. . . naiintindihan ko naman ang punto mo. Naiintindihan ko rin kung bakit 'yon nagawa ni Flavio. Nagnakaw lang siya ng pera dahil nasa bingit ng kamatayan ang nag-iisang anak niya. Ang rason kung bakit siya nagsusumikap. Walang ama ang hindi gagawin ang lahat para sa ikakabuti ng anak nila. Alam ko 'yon. Dahil lumaki akong. . . puno ng pagmamahal ng aking ama." Sagot ko. "Sabihin na nating hindi ka tatraydorin ni Yumi balang araw, boss. Pero. . . paano kung makilala siya ng mga kalaban ng mafia at gamitin ang batang 'yon laban sa'yo? Boss, alam nating kaya hindi ka mapatumba-tumba ng mga kalaban natin dahil wala silang alam na kahinaan mo. Kaya nga mga kapatid mo ang paulit-ulit nilang pinagtatangkahan kahit alam nilang hindi sila magtatagumpay. Pero si Yumi? Boss, paano kung makuha nila 'yon at gamitin laban sa'yo? Alam natin pareho na. . . may mga spy sa mga kasamahan ko kaya alam lahat ng kilos mo ng mga kalaban," pagpapayo pa nito. "Inaalala lang kita, boss. Kung hindi makakabuti si Yumi sa'yo? Pwede namang dalhin na lang natin siya sa orphanage niyo o kaya ay manilbihan siya sa mansion," dugtong pa nito. "Ayoko. Sa akin lang si Yumi. Kung kinakailangan ko siyang bigyan ng protection? Gagawin ko." Pinal kong sagot. Napahinga ito ng malalim na napakamot sa batok. "Ito na nga ba sinasabi ko eh." "Hindi ko siya iniibig kung 'yan ang pinupunto mo, Elton." "Sigurado ka, boss? Kilalang-kilala kita. Kung paano mo siya tignan ay ibang-iba. Minsan ko ng nasaksihan kung paano ka magmahal, boss. 'Yon lang naman ang inaaalala ko lalo na't. . . menor de edad pa lang si Yumi. Hwag sanang sumama ang loob mo sa akin, boss Delta, pero. . . ang bata-bata pa ni Yumi para maibigan mo," saad nito na halatang nahihiya sa huling sinabi. Napahinga ako ng malalim na napipilan. Tama naman kasi lahat ng sinabi ni Elton. Aminin ko man o hindi? Alam ko sa sarili kong. . . naiibigan ko na si Yumi. At hindi rin malabong maging kahinaan ko siya. PAGDATING namin sa pantalan kung saan namin kikitain ang mga foreigner na mula Russia para bumili sa akin ng mga armas ay kaagad ng pumalibot ang mga tauhan ko. Sa uri ng kalakalan namin ay hindi na bago ang mapaengkwentro kami kahit saan, kahit kailan. Swertehan na lang kung legit na buyer ang mga parokyano namin at hindi ang mga pirata o mafia din na nanggugulang. Nakapamulsa akong nakamata sa papalapit na speedboat na palayag dito sa gilid ng pampang. Kaagad nagsibabaan ang mga tauhan ng mga ito na katulad sa mga tauhan ko ay armado din sila. Napatuwid ako ng tayo na lumapit na sa gawi namin ang pinuno ng mga ito habang pumalibot sa kanyang likuran ang mga tauhan. "Good evening, Mr Delta Madrigal," pormal nitong pagbati na napayuko at naglahad ng kamay na inabot ko. "Good evening to, Mr Dimitri Smirnov. It's my pleasure to meet you," pagbati kong ikinangiti nitong tumango-tango. Kung susumain ay mas matanda siya ng 'di hamak sa akin. Balbas sarado ang mukha na naka-formal attire ng all black. "Have you brought my orders yet?" tanong nito na inakbayan ako. "Yeah. As you order, Mr Smirnov." Sagot ko na inakay ito sa kinaroroonan ng van ko kung saan nakalagay ang ilang kahon ng mga matataas na kalidad ng baril na bibilhin nila. Napatango-tango naman ito na isa-isang sinusuri ang mga baril kung original ba ang kalidad at hindi peke lang. Lahat ng kahon ay isa-isa nitong tinignan na sinisigurong walang nakahalong peke sa mga baril. "How is it? Did I make you satisfied?" tanong ko matapos ang ilang minuto nitong panunuri sa mga baril. Kimi itong ngumiti na napatango-tangong naglahad ng kamay na tinanggap ko. "I'm sorry, Mr Madrigal. I'm just checking if the money I'm going to spend on your products is worth it," anito na ikinangiti ko. "I understand, Mr Smirnov. It's part of our transaction." Sagot ko na ikinatapik nito sa balikat ko. Sinenyasan naman nito ang mga tao na ikinasunod ko ng tingin doon. Tumango at yumuko ang mga itong dinala sa kinatatayuan namin ng kanilang amo ang nasa anim na attache case kung saan nakalagay ang bayad nila. "You can double check it, Mr Madrigal." Saad nito na inilahad ang kamay. Sinenyasan ko si Elton na tumangong nilapitan ang mga tao nitong binuksan ang mga dala-dalang attache case at tumambad ang dollar na bayad ng mga ito. Isa-isang inusisa ni Elton ang bawat laman ng attache na hinayaan lang naman ng mga ito. Nang lumingon ito sa akin na marahang tumango ay bumaling na kami ni Mr Smirnov sa isa't-isa na naglahad ng kamay. "I hope this is not our last, Mr Madrigal." "Sure, Mr Smirnov. You can count on us. Just call us anytime if you need more of our product. It's our pleasure to deal with you," sagot ko habang magkahawak ang aming kamay na nakatitig sa mata ng isa't-isa. Matapos magpalitan ng kargamento ang aming panig ay muli din silang lumayag ng laot. Kaagad na rin kaming nagsisakay sa aming mga sasakyan ng mga tauhan ko at nilisan ang lugar. Mahirap ng may ibang makatiktik sa amin dahil paniguradong mapapalaban na naman kami at hindi maiwasang dumanak ang dugo. "Tara na, Elton," aniko na ikinatango nitong isinenyas na ilagay na sa sasakyan namin ang pera. Habang nasa daan iba ang nagpaparamdam sa akin. Normal lang naman na napapalaban kami. Kahit saan at kahit kailan ay walang pinipiling oras at lugar ang mga kalaban namin. Kapag nakakita sila ng pagkakataon na tambangan ako ay hindi sila magdadalawang isip na itumba ako. "Elton, masyadong tahimik," aniko. Napapasulyap naman ito sa rear view mirror na sinisilip ang mga tauhan kong nakasunod sa amin. "s**t!" bulalas nito na napa-uturn ng kotse. Napahigpit ang kapit ko sa seatbelt na napahugot na rin sa caliber ko. "Boss, yuko!" sigaw nito na ikinasunod ko dahil pinaulanan na kami ng bala ng mga armadong kalalakihan sa harapan naming humarang bigla sa daan! "Urghh, fvck!" Mahina akong napamura na naramdamang nadaplisan ako sa braso. Nang huminto na ang putukan ay saka lang kami nakabawi. Kaagad kaming napatalon ni Elton palabas ng kotse at nagpagulong ng talahiban. "Fvck you, asholes! Go to hell!" anas ko na nanggigigil pinasabog ang kinaroroonan ng mga kotse ng kalaban gamit ang bazukang hawak ni Elton. Nagsilabasan na rin ang mga tauhan ko na walang awang nakipag palitan ng putok sa kabilang panig. "Boss, may tama ka." "Daplis lang 'to. Sige na. Ubusin niyo sila," utos ko na ikinasunod nito. Napakapit ako sa braso kong dama kong umaagos na ang dugo mula doon. Mabuti na lang at makapal ang leather jacket ko at hindi masyadong napuruhan. "Demmit," anas ko na napatayo na nang makitang naubos na nila ang mga kalabang humarang sa amin. "Boss, humihinga pa ang isang 'to," pagtawag sa akin ni Elton. Tuwid akong naglakad palapit sa kinaroroonan nila kung saan pinalilibutan ang lalakeng naghihingalo na tanging natitirang buhay sa mga kasama. "Sinong amo mo?" ani Elton na tinapakan sa tyan ang lalakeng napadaing dahil doon ang tama nito. "Urghh." "Ayaw mong magsalita?" sarkastikong tanong ni Elton na lumuhod at ipinasok ang dulo ng baril sa sugat nitong ikinadaing ng lalake. "P-patayin niyo na lang ako," napapadaing asik nitong ikinahalakhak ni Elton. "Hwag ko kaming uutusan, bata. Kami ang magpapasya kung kailan ka namin lalagutan ng hininga," anas ni Elton na napapisil sa pisngi nito. Napaluhod ako na mapansin ang tattoo sa may dibdib nito na ikinahiklat ko sa polo nito at tumambad ang kabuoan ng tattoo nitong. . . scorpion. "Black scorpion," aniko. Nagkatinginan kami ni Elton na makilala ang tattoo nito. Iisa lang naman ang gumagamit ng markang iyon. Ang mafia ni Garret Barker na mahigpit kong katunggali noon. Nakapagtataka lang na muli na naman silang sumasalakay gayo'ng matagal tagal nang hindi ako kinakalaban ng grupo nito. "Tapusin mo na 'yan," utos ko na tumayo. Isang hakbang ko pa lang ay pumutok na ang baril ni Elton kasabay ng pagdaing ng lalake. "Linisin niyo ang lugar," utos ni Elton sa mga tauhan naming naiwan na napapayuko. Napanguso ako na napatitig sa harapan ng kotse ko. Basag-basag na ang mga salamin at tadtad ng bala. Tinapik naman ako ni Elton sa balikat. "Barya lang 'yan sa'yo, boss. Mas mahalaga pa rin ang buhay mo. Tara na. Bago pa makaamoy ang mga parak at makita tayo dito," anito. MAG-UIMAGA na nang makarating kami ng bahay. Dinispatsa naman kaagad ni Elton ang kotse ko dahil sira-sira na rin naman na iyon. Hindi naman na bago sa akin ang magsayang ng sasakyan. Lalo na sa tuwing napapalaban kami. Naniningkit ang mga mata kong inaantok na pumasok ng silid. Damang-dama ko ang unti-unting panghihina ng katawan ko mula sa tama ko. Sakto namang bumukas ang pinto ng silid ni Yumi na tila inaabangan ang pagdating ko. "Sir Delta!" bulalas nito na mapasadaan ako ng tingin. "I'm okay, Yumi," sagot ko na dinaluhan ako nitong inakay papasok ng silid ko. Napaakbay na lamang ako ditong iginiya ako sa kama at maingat na ipinahiga. Napangisi akong sinadyang itumba ito na napatiling napadagan siya sa ibabaw ko. "Ayt! Sir!" "Urghh, fvck." Impit akong napadaing na ikinataranta naman nitong napaupo ng kama at inalalayan akong mapaayos ng higa. "Diyos ko po! May sugat po kayo!" bulalas nito na makita ang dugong umaagos sa kamay ko. "Saglit lang po, Sir!" Natataranta itong pumasok ng banyo na nagdala ng bimpo at maligamgam na tubig. Nangingiti na lamang akong hinayaan itong kaagad na inasikaso ako. Maingat nitong hinubad ang leather ko na napasinghap pang makita ang braso kong punong-puno ng dugo. "S-sir." "Daplis lang 'yan, Yumi. Malayo sa bituka." Agap ko sa sasabihin nito. Nangangatal ang mga kamay nitong maingat na nilinisan ang sugat ko. Napahawak ako sa kamay nitong naninigas at nanlalamig na napalunok. "I'm okay, Yumi. Hwag ka ng mag-alala," mahinang saad kong ikinalabi nitong tumango-tango na nangilid ang luha. Matapos nitong linisan at lagyan ng gaza ang braso ko ay iniligpit na nito ang mga ginamit. Lihim akong nangingiti na pinapakiramdaman lang itong lumapit sa aking tabi at inayos ang kumot ko. "Come here, Yumi. Nilalamig ako," anas ko na marahang hinila itong humiga na napasunod. Hindi naman ito umangal na niyakap kong natigilan. Dinig na dinig ko pa ang malakas na kabog ng dibdib nitong kinasusubsuban ko habang hinahaplos naman ako nito sa ulo na napapalunok. Bagay na lihim kong ikinangingiting damang. . . kinakabahan ito na pilit niyang nilalabanan. "Stay here, huh?" inaantok kong saad dito. "Opo. Magpahinga na kayo, Sir. Babantayan ko po kayo." Napatingala ako ditong ngumuso na ikinakunot noo nitong napatunghay. "Where's my kiss?" ungot kong ikinalapat nito ng labi na pinamulaan ng pisngi. "C'mon, hindi mo ba hinahalikan ang Tatay mo kapag may sakit siya at inaalagaan mo?" paos kong saad. Yumuko naman itong mabilis na hinagkan ako sa noo na ikinangiti ko. "Dito pa," ungot ko na ngumuso. Nangingiti akong mabilis itong yumuko na sa gilid ng labi ko humalik na ikinadiwang ng loob ko. "Haist. Ayaw namang tawagin kong Tatay pero kung maka-demand," ingos pa nitong ikinahagikhik kong nagsumiksik dito. Unti-unting naging panatag ang loob ko na nagpatangay sa pagod at antok habang nakayakap ditong hinahaplos pa ako sa ulo. Ang sarap lang sa pakiramdam. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Oo nga't kaliwa't kanan ang mga naikama ko ng babae pero. . .wala pa sa kanila ang nakapag pagaan ng loob ko ng gan'to. Na komportableng kumportable ako na para akong. . . nasa tahanan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD