DELTA:
NANGINGITI ako habang hinihintay ang secretary kong si Leanne na dumating. Siya kasi ang inutusan kong bumili ng mga damit ni Yumi dahil hindi ko naman maiwan itong mag-isa ngayon dito sa bahay. Ayaw naman niyang magpadala sa hospital at tinutusok tusok lang daw siya ng karayom doon. Kaya naman tinawagan ko na lamang ang family doctor namin to check on her.
Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa. I took Yumi here to be my slave but. . . the opposite happens. I feels like I was her slave because. . . she's the ones who followed among us two. And the worst was. . . I don't see her as my maid instead. . . I see her as the one I'm to be with for the rest of my life. Bagay na hindi pwede. Hindi ko siya pwedeng pangarapin. Hindi ko siya pwedeng maibigan pero. . . Why do I feels like. . . I was started to like her now. And want her to be mine.
Napahinga ako ng malalim na pilit binabaking sa iba ang attention ko. Maraming mabibigat na tungkulin ang nakapatong sa balikat ko. Ang mafia namin na pinamumunuan ko. At ang Madrigal's Corporation na pinamana sa akin ni Daddy. Hindi ako pwedeng magpabaya. Hindi ako pwedeng malingat sa ibang bagay. Isang maling maling galaw ko lang ay maaaring magamit iyon ng mga kalaban ko para maging alas laban sa akin.
Napatayo ako na marinig ang pag-doorbell ng secretary ko mula sa labas. Kakamot-kamot ako sa ulong lumabas ng bahay.
"Leanne, what took you--"
"Babe!"
Nanigas ako na natigilan nang hindi ang babaeng inaasahan ko ang dumating na nandidito sa labas ng gate! Natuod ako sa kinatatayuan na mahigpit itong napayakap sa akin na kalauna'y. . . napahikbi sa balikat ko. Naikuyom ko ang kamao na nanatiling nakatuwid ng tayo hanggang sa kusa itong tumahan na nagpahid ng luha.
"Babe, hindi mo ba ako namis?" luhaang tanong nito na nagtatampo ang tono.
Pagod ang mga mata na napatitig ako dito. Napapalabi pa itong nakamata sa akin na nagsusumamo ang itsura.
"What brings you here after all this years, Mikata?" walang emosyon kong tanong dito.
"I want you back, Delta."
Pagak akong natawa sa narinig na diretsahang sagot nito. Pero tila hindi manlang ito nakadama ng hiya na natawa lang ako sa pagbabalik niya.
"You want me back? Are you kidding me, hmm?" sarkastikong tanong kong ikinalunok nitong matiim na nakatitig sa aking mga mata.
"I understand that you are mad at me. Naiintindihan ko, babe. Pero nandidito na ako oh? Pwede na nating ituloy ang kasal natin," saad nito na akmang hahawakan ang kamay ko pero iniiwas kong ikinalunok nito.
"And what's make you think that nothing's changed after you left me for almost ten f*****g years ago, huh!?" may kadiinang asik ko ditong namutla.
Natawa akong napailing na nagpamewang. Nanatili naman itong nakatayo sa harapan ko na matiim na nakatitig sa akin ang mga nangungusap nitong mga mata.
"Wala na, Mikata. Wala ka ng. . . babalikan," saad ko sa nang-uuyam na tono.
Akmang tatalikuran ko na ito pero bigla akong niyakap mula sa likuran na napahikbi sa likuran ko. Napakuyom ako ng kamao na mahigpit nitong iniyapos ang mga braso sa baywang ko.
"Alam kong mahal mo pa rin ako, Delta. Ako pa rin ang nasa puso mo. Dahil kung nakalimutan mo na ako? 'Di sana may girlfriend o asawa ka na ngayon. Pero wala. Alam kong. . . hinihintay mo pa rin akong bumalik kaya nanatili kang single. Hwag ka ng magalit, babe. Nandidito na ako. Nagbabalik na ako," humihikbing saad nito.
Sumilay ang matabang ngiti sa mga labi ko na nag-init ang mga mata. Mariin akong napapikit na pinipigilan ang pangingilid ng luha ko. Pilit kinakalma ang puso kong nagwawala sa loob ng ribcage nito. Ilang beses akong huminga ng malalim bago malakas na kinalas ang mga braso nitong nakayakap sa akin.
"Delta, please?" malat ang boses na pakiusap nito.
"Umalis ka na, Mikata. Hindi kita kailangan. Matagal ng. . . ibinaon ko sa ilalim ng lupa ang nararamdaman ko noon sa'yo. Matagal ka ng. . . burado sa buhay, isipan at puso ko," madiing saad ko na tuluyang tinalikuran ito at pinagsarhan ng gate.
"Delta! Mag-usap naman tayo, please!?" patuloy nitong pagngangawa na kinakalampag ang gate.
Mapait akong napangiti na napailing na lamang at malalaki ang hakbang na pumasok ng bahay. Nagpupuyos ang loob ko na tumuloy sa office room ko na dumampot ng whiskey sa cellar.
"Urghh! How dare you!" pagwawala ko na hindi ko na napigilan pa.
Para akong sasabog sa galit na nadarama at pinaghahablot ang lahat ng gamit ko at inihahagis kung saan-saan!
"After ruining my life!? Babalik ka na parang walang nangyari!? Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko na pinagsusuntok ang dingding!
Nanghihina akong napasalampak ng sahig na mailabas lahat ng galit sa puso ko. Nagkalat na rin ang sira-sirang gamit dito sa loob na parang dinaanan ng malakas na bagyo. Napayuko ako sa mga tuhod ko na hindi mapigilang ang pagtulo ng luha na sumasariwa sa isipan ko ang nakalipas.
FLASHBACK ten years ago:
HINDI ko mailarawan ang sayang nadarama habang nakamata kay Mikata na nahihimbing sa kama ko. Nandidito kami ngayon sa private island namin sa Batanes para masolo ko ito. Ayaw ni Daddy kay Mikata dahil balitang may mag-ama na ito sa probinsya. Pero mahigpit nitong itinanggi ang bagay na iyon kaya sa kanya ako naniwala at kinalaban ang Daddy.
Naniwala ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya dahil mahal ko siya. Na tipong lahat ay kaya kong gawin at ibigay sa kanya ang lahat-lahat ng meron ako. Walang pagsidlan ang sayang nadarama ko na nasa akin na ang babaeng minimithi ko. Unang kita ko pa lang sa kanya noon sa Bar kung saan siya nagtatrabaho ay nabihag na niya ako. Kaya naman binili ko siya sa kanyang amo sa Bar para mailabas ko at hindi na mamasukan pa sa Bar na iyon kung saan kung sino-sinong lalake ang bumibili sa kanya para maikama.
Napakaganda at sexy ni Mikata. Mabait at maasikaso itong babae na kahit sinong lalake ay hindi matanggihan ang alindog niya. Akala ko napakaswerte kong napaibig ko siya. Pero. . . akala ko lang pala. Binibigay ko ang lahat ng gusto ni Mikata. Branded clothes, bags, gadget, car, even condo unit binigyan ko siya. Dinadala ko siya sa lahat ng lugar na gustuhin niyang puntahan namin kahit sa abroad pa 'yan. Napapabayaan ko na rin ang kumpanya at mafia ko dahil lahat ng oras at attention mo ay nakalaan kay Mikata. Sa kanya. . . umiikot ang lahat sa akin.
Hanggang isang araw. Nalaman ko mula sa kapatid kong si Drake na nakita niya ang babaeng pinagmamalaki ko sa kanila sa isang exclusive restaurant na may kasamang ibang lalake. Si Garret Barker na matinding kalaban ng mafia ko. Nagkasira kami ni Drake dahil hindi ako naniwala sa kanya at nabugbog ko pa siya noon.
Kahit iba na ang nagpaparamdam sa akin noon ay naniwala pa rin ako kay Mikata. Dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.
Pero isang malaking sampal ang katotohanang ako mismo ang nakasaksi ng mga paratang nila Daddy at Drake sa girlfriend ko. Tama nga sila. Niloloko lang ako ni Mikata dahil namamangka nga ito. . . sa dalawang ilog. Pinagsabay niya kami ni Garret Barker.
Kahit nasaksihan mismo ng mga mata ko ang panloloko niya sa akin ay sinubukan ko pa rin siyang pagpaliwanagin. Binigyan ko pa rin ng pagkakataon na mamili sa aming dalawa ni Garret. Pero mas pinili niya si Garret sa akin at ibinalik ang proposal ring na binigay ko sa kanya. Durog na durog ako noon na parang masisiraan ng bait sa pag-iwan niya sa akin.
Pero ang pinaka masakit sa lahat? Totoo ang paratang ni Daddy sa kanyang. . . may iniwan siyang mag-ama niya sa probinsya nila. Dahil hindi niya kayang mamuhay. . . na mahirap lang sila. Kaya siya lumuwas ng syudad at nagtrabahong prostitute sa mga kilalang Bar. Para makabingwit ng mayamang mag-aahon sa kanya sa kahirapan. Sa sobrang galit ko ay hindi ko na inalam ang mag-amang iniwan nito. Wala na rin naman akong. . . pakialam pa sa kanya.
Dahil sa nangyari sa amin ay lumayo ang loob ko sa mga babae. Lahat sila ay marurumi at bayaran ang tingin ko. Na wala ng matino pang babae sa mundo maliban sa mga kaibigan at pamilya ko. Kaya naman laro lang din. . . ang pinapalasap ko sa kanila. Pagkatapos ko silang pagsawaan? Pinapamukha ko sa kanila kung anong gaano sila kababang uri ng babae.
END OF FLASHBACK.
NAPAANGAT ako ng mukha na maramdaman ang paghaplos ng kung sino sa ulo ko. Sa nanlalabo kong paningin ay unti-unting luminaw ang pigura ng maamong mukha na nakamata sa akin. Pilit itong ngumiti na marahang pinahid ang luhaan kong pisngi.
"Yumi," mahinang sambit kong ikinangiti nito.
"Hwag ka na pong umiyak, Sir. Anuman ang pinagdadaanan mo ay malalagpasan mo rin. Palaban po kayo, hindi ba?" malambing saad nito na hinahaplos ako sa ulo.
Napapikit ako na dinadama ang mainit nitong palad na humahaplos sa ulo ko. Unti-unti ay nagiging palagay ang loob ko at nawawalis ang galit sa puso ko dahil sa paghaplos nito sa akin. Na para niyang pinapaamo ang isang mabangis na lobo mula sa paghaplos nito.
"Hindi ka ba natatakot sa akin, Yumi?" tanong ko na dahan-dahang nagdilat ng mga mata.
Napangiti naman itong inalalayan akong makatayo at inakay sa sofa sa gilid.
"Bakit naman po ako matatakot sa inyo, Sir? Hindi naman kayo masamang tao." Sagot nito pagkaupo namin na naigala ang paningin. "May first aid kit po ba kayo dito, Sir? Gagamutin ko lang po ang sugat niyo sa kamay."
Napasunod ako ng tingin sa kamao kong kumikirot na nga at saka lang napansing dumudugo pa rin ito mula sa pagsusuntok ko sa dingding.
"Nasa bookshelves," saad ko na inginuso ang office table ko.
Napasunod naman ito ng tingin doon na tumayo. Naiiling na lamang akong sumunod dito na hindi nito maabot-abot ang first aid kit box ko na nakapatong sa ibabaw ng bookshelves kahit tumatalon-talon na ito.
"Ako na," anas ko na tumayo sa likuran nito at walang kahirap-hirap na inabot ang kit.
Napanguso naman ito na ikinailing kong ibinaba sa mesa ang box at naupo ng swivel chair ko na kinalong ito.
"S-sir," anas nito.
"Gagamutin mo ang kamay ko, hindi ba?"
Pilit itong ngumiti na tumango. Lihim akong nangingiti na nakamata ditong binuksan ang kit at nagsimulang linisin ang kamay kong dumudugo. Para siyang anghel sa paningin ko na pinadala ng kalangitan para bigyan liwanag ang madilim kong mundo.
Para akong hinahaplos sa puso sa tuwing hinihipan nito ang kamao ko sa tuwing pinapahiran niya ng alcohol na ikinapapawi ng kirot mula doon.
"Hindi mo ba tatanungin kung bakit ako nagwala, Yumi?" tanong ko matapos nitong linisan at lagyan ng gaza ang kamay ko.
Ngumiti ito na iniligpit na muna ang mga ginamit bago bumaling sa akin.
"Hindi po, Sir. Hindi naman ako marites eh," sagot nitong ikinakunot ng noo ko.
"What marites?"
Napahagikhik itong ikinahawa kong natatawa na rin.
"Ahem! Marites po. 'Yong chismosa, ganern." Sagot nitong ikinatango-tango ko.
"Oh," singhap ko.
Napahawak ito sa kamay ko na maingat nitong hinaplos ang gaza no'n. Napalunok ako na bumilis ang t***k ng puso ko nang maingat nito iyong iniangat at hinagkan ang likod ng palad kong ikinalunok ko.
"Y-Yumi."
"Hwag mo na ulit sasaktan ang sarili mo, Sir Delta. Kung galit ka o nahihirapan ka? Pwede ka namang magwala na ilabas ang galit sa puso mo. Mapapalitan ang mga masisirang gamit. Pero ang buhay natin ay iisa. Ang katawan natin ay iisa. Kaya ingatan mo ang katawan mo, Sir." Saad nito na napakalambing sa pandinig ko.
"Copy, my boss." Sagot kong ikinahagikhik nito.
"Pero."
"Hmm?"
Napatitig ito sa mga mata kong ikinalunok kong lalong nagkarambola ang pagtibok ng puso ko habang nakikipagtitigan sa mga inosente niyang mga mata.
"Okay ka lang po ba, Sir? Kung may problema ka ay pwede kang magsabi sa akin. Hindi ko naman ipagkakalat 'yan anuman ang sasabihin mo. Ang sabi kasi ni Tatay? Mas gumagaan ang bigat sa dibdib ng isang tao kapag may napagsasabihan siya ng problema niya na alam niyang mapagkaka tiwalaan niya," maalumanay nitong saad na ikinangiti kong napatango-tango.
Parang may sariling pag-iisip ang kamay ko na umangat at napahaplos sa ulo nito.
"Ang bata-bata mo pa pero kung magsalita ka. . . parang mas matured ka pa sa akin ah," saad kong ikinangiti nito.
"Siguro po kasi. . . nakatatak na sa isipan ko ang mga payo ni Tatay. Isa pa ay lumaki akong malayo sa mga magulang ko. Maaga kaming iniwan ni Nanay kaya iniwan din ako ni Tatay sa malayong kaanak namin sa probinsya. Nagtrabaho si Tatay dito sa syudad at pinapadalhan lang ako ng pera. Pero dahil bata pa ako ay hindi binibigay nila Tiyang ang kabuoan ng perang padala ni Tatay para sa akin. Natuto akong magtipid at pahalagaan bawat sentimo na naiaabot sa akin. Sa murang edad ay nagtatrabaho din ako sa bahay. Gawain ko lahat mula sa pagluluto, paglalaba at paglilinis ng bahay. Kasi kung hindi ako susunod? Palalayasin ako nila Tiyang." Pagkukwento nitong ikinatigil kong napapalunok na nakamata dito.
"Bakit hindi ka nagsusumbong sa Tatay mo?"
Umiling ito na lumarawan ang lungkot at pangungulila sa mga mata.
"Sinasaktan nila ako sa bahay. Palaging tinatakot na kapag nagsumbong ako kay Tatay ay ipapamigay nila ako sa masasamang tao. Kaya hindi na lamang ako nagsasalita, Sir."
Para akong kinukurot sa puso na nakatitig ditong nangingilid ang luha.
"Pero. . . hindi ko naman sinisisi si Tatay na iniwan niya ako sa kaanak namin. Gusto lang niyang mabigyan ako ng magandang kinabukasan." Dagdag nito na nagpahid ng tumulong luha.
"Kahit kina Tiyang ay hindi ako nagalit o nagtanim ng galit sa pagpapahirap nila sa akin sa loob ng isang dekada kong paninirahan sa bahay nila. Alam mo po kung kanino ako mas nasusuklam, Sir?" saad nito na may matabang ngiti sa mga labi.
Napapalunok ako na hinaplos ito sa ulo na marahang umiling.
"Kanino ka naman galit kung gano'n?"
"Sa Nanay ko po, Sir. Kung hindi niya kami iniwan ni Tatay? Hindi aalis si Tatay at iiwanan ako sa kaanak namin. Hindi sana ako nagdusa at naghirap ng gano'n kung hindi kami iniwan ni Nanay. Hindi sana. . . namatay ang Tatay ko dahil sa paninilbihan sa inyo," puno ng pait nitong saad na tumulo ang luha at kita ang kakaibang galit sa mga mata.
Napapalunok ako na hindi makaapuhap ng maisasagot dito.
"Kinasusuklaman ko siya, Sir. Sa oras na makita ko siya? Sisingilin ko siya sa pag-iwan niya sa amin ni Tatay. Hindi ko man alam kung nasaan na siya ngayon o kung buhay pa pero. . . sa oras na magkrus ang landas naming dalawa? Ako ang sisingil sa kanya," madiing saad nito.
"Baka matulungan kitang mahanap siya, Yumi. Ano bang pangalan ng Nanay mo para maipahanap ko sa private investigator ko," alok kong ikinatitig nito sa aking tila nakakita ng pag-asa sa akin.
"Totoo po? Magagawa niyo po siyang mahanap?"
"Oo naman, Yumi. Sa mundong ito ay walang hindi nagagawa ang pera," sagot kong ikinatango-tango nito na magngitngit ang mga ngipin.
"Mikata. Mikata Fuentabela ang pangalan ng Nanay ko, Sir."
Nanigas ako sa narinig na parang lumubo ang ulo ko! Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan na napapalunok ng laway. Paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko ang pagsambit niya ng pamilyar na pangalan ng babaeng kabisang kabisa ko.
"M-Mikata?"
"Opo, Sir. Kinahihiya ko siya at isinusumpang. . . naging ina ko siya."
"Fvck!"