Chapter 11

2107 Words
DELTA: KAMI-KAMI lang ang nandidito sa funeral kasama ang mga tauhan kong nakabantay sa labas. Tumahan na rin si Yumi na nakaupo sa tabi ng kabaong ng ama. Hindi nagsasalita na malayo ang tanaw habang nakatitig sa ama nitong nakasilid sa kabaong. "Yumi, nagugutom ka ba?" tanong ko na hindi ko na napigilang lapitan ito. Marahan lang itong umiling na nanatiling nakamata ng matamlay sa kanyang ama. Tila kinakabisa ang mukha nito at sinusulit ang mga nalalabing oras na kasama at nakikita pa niya ang ama niya. "Tubig? Nauuhaw ka ba?" muling tanong ko. Napahinga ito ng malalim na marahang umiling muli. "Okay lang po ako, Sir. Magpahinga na po kayo. Hindi pa maganda ang nararamdaman niyo. Ako na pong bahalang magbantay kay Tatay," mahinang saad nito. Iniusog ko ang upuan ko palapit dito na inakbayan itong napasandal ng dibdib ko. Napapalunok ako na bumilis ang t***k ng puso ko sa pagsandal nito sa aking ibang-iba ang dating sa aking puso. Lalo namang nagkarambola ang pagtibok ng puso ko na mapatitig kay Flavio. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan na parang lumulobo tuloy ang ulo ko na makadama ng kakaibang prehensya. Sinabayan pa na umihip ang malamig na hangin na ikinatindig lalo ng mga balahibo ko sa katawan! "Flavio. Bago ka namin ilibing muli. Gusto kong pormal na ipaalam sa'yo ang tungkol sa dalaga mo. Hindi ko alam kung matutuwa ka o hindi pero. . . ipapaalam ko pa rin sa'yo ang tungkol sa nararamdaman ko anak mo. Pasensiya ka na kung. . . u-umiibig ako kay Yumi. Alam kong masyado siyang bata para sa akin pero. . . tapat at malinis naman ang hangarin ko sa anak mo. Mahal ko siya kasi mahal ko siya. Hindi dahil. . . naaawa lang ako sa kanya. At ang tungkol sa namagitan sa amin ni Mikata noon. Pasensiya ka na minahal ko siya. Masyado akong nabulag ng pagmamahal ko sa kanya at hindi nakinig sa mga nakapaligid sa akin. Patawarin mo ako na. . . isa ako sa mga naging lalake ng dating asawa mo. Hindi ko intention na. . . na umibig sa mag-ina mo, Flavio. Pero si Yumi? Hwag mo na siyang alalahanin. Dahil si Yumi na. . . ang mahal ko ngayon. Poprotektahan ko ang anak mo sa lahat ng magtatangkang saktan siya." Piping usal ko habang nakamata sa mukha nito. Napahinga ako ng malalim na unti-unti ring naging panatag ang pagtibok ng puso ko. Maging ang kakaibang nararamdaman ko kanina ay naglahong parang bula. Napapikit akong naisandal ang pisngi sa ulo ni Yumi. Nahihilo at inaantok na rin ako dala ng lagnat pero pilit ko lang nilalabanan. Ayoko namang iwanan si Yumi na mag-isang luluksa sa ama niya. Kailangang kailangan ako ngayon ni Yumi. Kaya kahit abusuhin ko na ang katawan ko ay gagawin ko masamahan at madamayan ko lang ito sa pagluluksa niya sa kanyang ama. "Inaantok ka na ba? Gusto mong magkape na muna tayo?" bulong ko dito na panaka-nakang hinahagkan siya sa ulo. "Sige po, Sir. Magkape na muna tayo. Gusto ko po kasing. . . bantayan magdamag si Tatay eh," sagot nito na umayos ng upo. Napatayo ako na naglahad ng kamay ditong pilit ngumiti na inabot ang kamay ko at tumayo na rin. Binalingan ko naman si Elton na nakatayo dito sa may entrance ng funeral kasama ang ibang bodyguard ko. "Magbantay na muna kayo. Magkakape na muna kami d'yan sa tapat," saad ko na itinuro ang kalapit na coffeeshop. "Sigurado kayo, boss?" Tumango ako na ikinayuko ng mga ito. "Sige po, boss. Mag-iingat kayo," anito na lumapit na sa kabaong ni Flavio sa harapan. Inakbayan ko si Yumi na yumakap sa baywang kong iginiya ko patungo sa coffeeshop. Hatinggabi na rin at wala ng masyadong tao sa paligid. Pero kahit gano'n ay hindi kami pwedeng pakampante. Anumang oras kasi ay sumasalakay ang mga kalaban basta't makakuha ng tiempo na itumba ako. Pasimple akong napalinga sa paligid na. nagmamasid. Wala namang ibang sasakyan ang nakaparada sa kabuoan ng lugar. Mangilan-ngilan na rin ang mga taong palakad-lakad sa paligid. "Stay here, hmm? Ako ng mag-order ng kape natin," bulong ko matapos ihatid ito sa isang sulok kung saan walang katabi. "Sige po, Sir." Napahaplos ako sa ulo nito bago nagtungo ng counter ng coffeeshop. Napapairit pa ang dalawang babae na nakatoka dito na mamataan akong palapit. "Good evening po Sir," magiliw nilang pagbati ng mga ito na matamis na nakangiti sa aking ikinangiti at tango ko. "Good evening, ladies. Uhm. . . one frappucino and chocolate macchiato, please?" "Sure, Sir. Anything else?" tanong nito habang ginagawa naman ng isa ang order ko. "Uhm, chocolate cake, two slice." Dagdag kong ikinangiti at tango nito. "Copy, Sir. Cash or credit card?" "Credit card," aniko na iniabot ang golden card ko. Nangangatal pa ang kamay na inabot nito iyon at napapalunok na mabasa ang buong pangalan ko sa card. Matapos i-swipe ang card ko at makuha ang bayad ng order ko. "Thank you po, Sir." Nauutal nitong saad na iniabot ang card. Kimi akong ngumiti na napakindat na lamang ditong pinamulaan. Pagkatalikod ko ay dinig ko pang napapairit ito sa simpleng pagkindat ko dito. Naiiling na lamang akong nilapitan si Yumi na tahimik sa sulok at nakamata sa labas. Tinted glass wall ang buong shop pero kita pa rin naman ang mga tao sa labas maging ang katapat naming funeral kung saan nakaburol ang ama nito. "Hey," aniko na napatapik sa balikat nitong ikinabalik ng ulirat nito. Napahinga ako ng malalim na mapatitig ditong tahimik pa lang umiiyak. Inabot ko ang kamay nito na dinala sa labi ko at mariing hinagkan ang loob ng kanyang palad na napapikit. Dama ko naman ang matiim nitong pagkakatitig sa akin na hindi umangal sa paghalik ko sa kamay nito. Dahan-dahan akong nagdilat na tumitig sa kanyang mga mata ng diretso. Malamlam ang mga mata nito na nalulunod ng lungkot at pangungulila. Inabot ko ang pisngi nito na napasapo doong ikinangiti nito ng pilit na humawak sa kamay ko. "You are not alone, Yumi. Okay?" "Opo, Sir. Salamat po sa pagdamay sa akin at pagbibigay ng pagkakataon na maipagluksa ko pa ang Tatay," mahinang saad nito na ikinangiti at tango ko. "Anything for you, Yumi. Kung kaya ko nga lang siyang buhayin eh. Gagawin ko." Maalumanay kong sagot na ikinangilid ng luha nito. "Salamat po, Sir Delta." Napatuwid kami ng upo na lumapit na ang staff ng shop dala ang order ko. Maingat nito iyong inilapag sa mesa namin na ngumiti sa amin ni Yumi. "Enjoy your coffee, Ma'am, Sir." Magalang saad nito na ikinatango namin. "Thank you po, Ma'am." Sagot ni Yumi na ikinayuko nito sa amin bago kami iwanan. HABANG nagkakape kami ay pilit ko itong kinakausap para ilihis ang pagdadalamhati nito. Gusto ko mang magtapat sa kanya ng tungkol sa ugnayan ko sa ina niya at pagkamatay ng ama niya pero. . . tila naduduwag ako. Alam kong bata pa siya at durog na durog pa siya ngayon. Pero kung patatagalin ko ay baka sa ibang tao na niya malaman ang buong katotohanan. Bagay na inaalala ko dahil tiyak kong. . . mas masasaktan ito. "Let's go?" aniko matapos naming magkape at tumambay na muna ng ilang minuto sa shop. "Sige po, Sir." Napatayo akong inalalayan na itong kiming ngumiti na napayakap sa baywang ko habang palabas na kami ng shop. "Uhm, mauna ka na sa loob, Yumi. Magpapahangin lang ako saglit." Aniko pagkatapat namin sa funeral. "Hwag kang magtatagal, ha?" Napangiti akong hinaplos ito sa ulo. "Opo, my boss." Napangiti itong nag-iwas ng tingin na mahinang ikinatawa kong sinenyasan na itong pumasok. Napahatid ako ng tingin ditong pumasok ng funeral na nilapitan ang amang nakaburol sa harapan. Napahinga ako ng malalim na nagtungo sa kotse ko sa parking lot at naupo sa bumper na nagsindi ng sigarilyo. Pasimple akong napapamasid sa paligid kung may nakamanman sa akin. Mahirap ng masalisihan ako na kasama ko si Yumi. Nangunotnoo ako na may humintong grab sa tapat ko na ikinasunod ko ng tingin doon. Napalunok akong makilala ang supistikadang babae na bumaba mula sa grab na matamis na napangiti nang magtama ang aming mga mata. Pakembot-kembot pa itong naglakad palapit sa gawi ko na nanatiling prenteng nakaupo sa bumper ng kotse ko habang naninigarilyo. "Hi, babe. I knew it. Sabi na nga ba ikaw 'yan," malambing saad nito na matamis na nakangiti sa akin. "Tss. Do you think I'll believe your f*****g alibi, huh? Alam kong alam mong nandidito ako," diretsahang sagot kong ikinangiti pa rin nito na tila hindi manlang naapektuhan na masungit ako dito. Kaagad kong iniiwas ang mukha ko sa akmang paghalik nito sa akin na mahinang ikinatawa nito. "Playing hard to get, huh?" anas pa nitong ikinangisi ko. "Wala akong planong makipaglaro sa'yo, Mikata. Pwede ba? Umalis ka na nga," madiing asik ko na napahithit sa sigarilyo ko at naibuga sa harapan nito ang usok. "Hindi ka pa rin nagbabago, Delta. Alam kong. . . mahal mo pa rin ako. Na hinihintay mo pa rin ang pagbabalik ko. Naiintindihan ko na gusto mong magpasuyo. Handa naman ako eh. Handa akong suyuin ka," malanding saad nito na may pilyang ngiting naglalaro sa mga labi nitong pulang-pula. Napailing na lamang ako sa isipan ko na mapasadaan ang kabuoan nito. Mula sa red stilleto, red strapless dress at pulang-pula nitong lipstick. I was just wondering kung. . . kung alam ba niyang nandidito ang mag-ama niya? Na si Flavio ang pinaglalamayan sa loob ng funeral? Kumabog ang dibdib ko na maisip si Yumi. Galit na galit ito sa kanyang ina. Paano kung magkita sila nito? Paniguradong magkakagulo silang dalawa. "Bakit, nangangati ka ba kaya ka lumalapit, hmm? Hindi mo ba makalimutan kung paano kita. . . bayuhin na halos ikalumpo mo, hmm" pang-uuyam ko na nag-iwas ng tingin sa dibdib nitong halos nakalabas na sa lalim ng vline ng dress nito. Ngumisi naman ito na humakbang palapit sa harapan ko at bahagyang yumuko na tumitig sa mga mata ko. Nang-aakit ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin na may naglalarong matamis na ngiti sa mga labi. Wala pa rin siyang pinagbago. Napakaganda at sexy pa rin niya na kahit sinong lalake ay hindi siya matanggihan. Pero iba na ako. Natuto na ako. Wala na akong init na nararamdaman sa kanya kahit maghubad at bumuka pa siya sa harapan ko. Bagkus ay nandidiri ako dito. Kung paano niya nasisikmurang magpakama sa kung sino-sinong lalake. "I know you very well, babe. You can't resist me. I'm pretty sure of it," malanding anas nito na humaplos sa batok ko at halos ipagdiinan na ang mukha ko sa nakalantad nitong malusog na dibdib. "Really, huh? At sa tingin mo. . . hindi pa nagbabago ang taste ko, hmm? I'm sorry to disappoint you, Mikata. Pero. . . high-class na ang mga babaeng kinakama ko ngayon," pang-uuyam kong malanding ikinatawa nito. Napatitig ako dito na sumagi sa isipan ang engkwentro namin sa grupo nila Garret Barker kagabi. Kung tama ang hinala kong magkasabwat sila kaya sabay silang nagpaparamdam sa akin. Hindi malabong pinapain nila si Mikata para mapaibig ako at mapabagsak sa huli. "I miss you so much, babe. Bigyan mo naman ako ng chance oh?" anito na ikinakurap-kurap kong. . . nakayakap na ito sa akin na hindi ko namamalayan! Sunod-sunod akong napalunok na napakapit sa baywang nito na pilit nilalayo ang sarili pero mahigpit itong napayakap sa akin na mahinang ikinamumura ko. "Gusto mong makipaglaro, huh? Fine. Ibibigay ko," piping usal ko na unti-unting. . . niyakap itong natigilan. Dahan-dahan itong napakalas na bakas ang tuwa, kabiglaan at pag-asa sa mga mata nitong napatitig sa aking pinalamlam ang mga matang hinila ito sa batok at mapusok na hinalikang kaagad nitong ikinayakap sa batok ko at mas pinalalim ang pagtugon sa aking mga labi! "Uhmm. . . D-Delta. . . I knew it. Hindi mo pa rin ako nakakalimutan," malanding ungol nito sa pagitan ng mapusok naming halikang ikinangisi kong pinaglapat ang aming noo. Kapwa kami naghahabol hininga na napatitig sa mga mata ng isa't-isa na ikinangiti nitong napahaplos sa pisngi ko. Nagniningning ang mga mata nitong bakas ang tuwa sa mga iyon na matiim na nakatitig sa mga mata ko. "Admit it. You miss me too, right?" malanding anas nito. "Fine. You won. Sinong lalake. . . ang kaya kang tanggihan, Mikata." Pang-uuto ko na muli itong siniil na kaagad napatugon. Mariin akong napapikit na niyapos ito sa baywang at kinabig padiin sa aking napaungol sa mapusok naming halikan. Wala pa ring kupas ang galing nito. Na napaka eksperto gumalaw ng mga labi at dila nitong kahit sinong lalake ay malulunod sa galing nitong makipag halikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD