Chapter 12

2211 Words
YUMI: TAHIMIK akong umiiyak na napayuko sa kabaong ni Tatay. Mabuti na lang at kahit sandali lang ay nasilayan ko pa ang katawan nito. Naipaglamay at luksa ko pa siya bago namin ilibing ng tuluyan. Ang sakit lang bilang anak na wala akong kapamilya para ipagluksa ang ama ko. Mabuting tao ang Tatay. Alam ko 'yon. Dahil sa kabila ng pang-iiwan sa amin noon ni Nanay ay hindi niya ako pinabayaan. Ni minsan ay hindi ako nakatikim ng palo dito. Mahaba ang pasensiya ni Tatay at maunawaing tao. Masipag naman siya. Sadyang hindi lang nakuntento ang Nanay ko sa buhay na kayang ibigay ni Tatay noon sa probinsya. Kaya kahit ginagawa na ni Tatay ang lahat. Na halos gawin ng araw ang gabi sa kakakayod pero. . . hindi pa rin iyon naging sapat kay Nanay. Iniwanan niya pa rin kaming mag-ama niya at naghanap ng may kayang lalake na mag-aahon sa kanya sa kahirapan. Napaka walang kwenta niyang ina at asawa. Nasusuklam ako sa mga babaeng katulad niya. Kaya naman tumatak sa isipan kong hinding-hindi ako. . . tutulad sa kanya. "Sana nagsumbong kaagad ako sa inyo, Tatay. Para kinuha niyo ako ng mas maaga doon at hindi umabot sa punto na nagkaroon na ako ng sakit. Baka. . . buhay pa kayo ngayon," piping usal ko. Para akong pinipiga sa puso ko na wala na ang Tatay. Ang hirap tanggapin. Hindi ko alam kung saan at paano magsisimula ng bukas na wala na ang aking ama. Napakaraming masasamang tao dito sa mundo. Pero bakit ang Tatay ko pa ang kailangang mamatay? "Hindi manlang kita napasalamatan, Tatay. Sa pagligtas mo sa buhay ko. Sa lahat ng sakripisyo mo para sa akin. Sa pagmamahal mo sa akin. Tatay ko. Mahal na mahal po kita. Habang buhay kang mananatili sa puso ko, Tatay. Ang sakit po. Sobrang sakit tanggapin na wala ka na. Tatay ko, ang dami ko pong pangarap eh. Gusto kong makapag-aral at ialay sa'yo ang diploma ko. Gusto kong umakyat ng stage na kasama kayo. Magpakasal balang araw na kasama kayo. Magsusumikap ako at ipagpapatayo ka ng magandang bahay at doon manirahan kasama kami ng mga magiging apo mo. Tatay, sa lahat ng pangarap ko ay kasama ka doon. Pero wala pa akong natutupad sa mga iyon at heto ka na. Nakasilid ka na sa parihabang kahon na magiging permanenteng bahay ng iyong katawang lupa. Hindi ko na masisilayang muli ang mga ngiti mo. Ang pagningning ng mga mata mo. Hindi ko na maririnig ang maamo mong boses. Ang lutong ng mga halakhak mo. Hindi ko na madadama ang init ng yakap at halik at paghaplos mo sa akin. Tatay, paano na po ako ngayon? Ang aga mo namang iniwan ako. Hindi pa nga ako nakakabawi sa lahat ng sakripisyo mo sa akin. Hindi pa nga ako nakakapag tapos ng eskwela ko na alay ko sa'yo. Paano ako magpapatuloy ngayon na. . . na wala ang minamahal at idolo kong ama? Mahal na mahal po kita, Tatay Flavio. Habang humihinga ako ay mananatili ka sa puso ko. Gabayan mo ako, Tatay. Bigyan mo naman ako ng lakas na kayaning magpatuloy na kahit wala ka na." Usal ko na hindi ko na mapigilang mapahagulhol habang nakayakap sa kabaong ng ama ko. Natigilan ako na maramdamang may humagod sa likuran kong ikinaangat ko ng mukha. Sa nanlalabong paningin ko ay nabungaran ko ang isa sa mga tauhan ni Sir Delta na namumula din ang mga matang kitang kagagaling sa pag-iyak. Nahihiya ako na napalakas na pala ang paghagulhol ko na yakap-yakap ang kabaong ni Tatay. Maging sila tuloy ay nadadala sa pagdadalamhati ko. "Here," anito na ikinasunod ko ng tingin sa iniaabot nitong panyo. "Salamat po, Sir." Malat ang boses kong pasasalamat na inabot ang panyo nitong pinangpahid ko sa mukha kong naghalo-halo na ang luha, laway at uhog. "Drink this, Yumi. It help you," anito na iniabot sa akin ang bottled water na wala ng takip. Napapayuko ako na inabot iyon at napainom. Damang-dama ko nga na tuyong-tuyo na ang lalamunan ko sa pagod kakaiyak. "Salamat po ulit, Sir." Saad ko matapos makainom at nakahinga ng maluwag. "I'm sorry for your lost, Yumi. My condolences," anito na hinaplos ako sa ulo at bakas sa mga mata nito ang kakaibang lungkot. "Salamat po, Sir." "You can call me Kuya Elton. Elton is my name," saad pa nito na ikinatango-tango kong pilit ngumiti dito. "Salamat po, Kuya Elton." NAPAPALINGON ako sa labas na halos isang oras na pero hindi pa bumabalik si Sir Delta dito sa loob. Ang sabi niya ay magpapahangin lang siya kanina pero halos isang oras na ay 'di pa rin ito bumabalik. Parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko na humakbang palabas ng funeral. Kahit namumugto ang mga mata ko ay pilit akong napapatitig sa mga lalakeng nandidito. Halos pare-parehas kasi sila ng tangkad at laki ng pangangatawan. Idagdag pang iisa lang ang kasuotan nilang all black mula ulo hanggang paa. "Nasaan na ba 'yon?" usal ko na napapagala ng paningin sa mga nagkalat na kalalakihan ditong bodyguard ni Sir Delta. Hanggang sa nakarating ako sa gawi ng parking lot na ikinatuod ko sa nakitang. . . pares na mapusok na naghahalikan sa harapan ng kotse! Nangatog ang mga tuhod ko na hindi maalis-alis ang paningin sa kanilang dalawa na magkayakap at naghahalikan ng mapusok! Ni hindi nila alintana na may mga nakakakita sa kanila na naghahalikan sila in public! Tumulo ang luha ko na sumagi sa isipan ang namagitan sa amin ni Sir Delta kanina. Kung paano niya inangkin ang mga labi ko habang nagdedeliryo ito sa taas ng lagnat. Para akong pinipiga sa puso ko na hindi ko na nakayanan ang nakikita at tinalikuran na ang mga ito. Pero dala ng pagkataranta ko ay natapilok ako na napadaing sa pamimilipit ng binti ko! "Ahh," mahinang daing ko na nakasalampak ng semento. "Yumi!?" Mariin kong nakagat ang ibabang labi na marinig si Sir Delta at iglap lang ay heto at. . . karga-karga na niya akong ipinasok ng funeral. Napahagulhol akong sumubsob sa dibdib nito at sa inis ay mariin kong kinagat ang dibdib nitong impit nitong ikinadaing na mas napayakap sa akin. "Urghh, fvck. Yumi. Masakit, ano ka ba?" mahinang daing nito na ikinabitaw ko sa pagkakakagat dito. Maingat ako nitong inilapag sa mahabang upuan na lumuhod sa harapan ko. Napabusangot ako na napapairap nang mapatingala ito sa akin na ipinatong sa kanyang hita ang paa kong masakit. "Bitawan mo nga," pagsusungit ko na maalala ang babaeng kahalikan nito kanina. Yakap-yakap niya pa na para silang magnobya. Akala ko ba wala siyang girlfriend? Eh sino 'yon? Alangan namang nangtutuka na lang siya ng babaeng dadaan sa harapan niya? "Bakit nagsusungit ang Yumi ko, hmm? Masakit ba masyado?" saad nito na nanunudyo pa. "Oo. Ang sakit-sakit. Apakamanhid mong matanda ka. Sipain kita d'yan eh," pagpaparinig kong ikinanganga naman nitong napakurap-kurap sa akin. "Teka. . . galit ka ba? May nagawa ba ako?" nagtatakang tanong nito. Hindi ako sumagot na binawi ang paa ko pero muli nitong kinuha at ipinatong muli sa kanyang binti. "Let me check it, Yumi." Anito. Nag-iwas na lamang ako ng tingin dito na nakabusangot pa rin habang marahan nitong minamasahe ang paa ko. Kahit paano ay naiibsan naman ang kirot no'n sa kanyang pagmamasahe. "Uhm, boss. May naghahanap sa'yo sa labas," bulong ni Kuya Elton na ikinaikot ng mga mata kong nakita ni Sir Delta. Mahina itong natawa na napailing kaya napairap ako sa kanyang napalapat ng labi at nagpipigil matawa. "Pauwiin mo na, Elton. May batang nagtatampo dito na kailangan kong suyuin," pagpaparinig naman nitong ikinalapat ko ng labi. Aminado akong natuwa ako sa narinig. Para kasing ang dating ay. . . ako ang pinipili niya sa amin no'ng babaeng kahalikan niya lang kanina. "Sige po, boss." Iniiwasan kong mapasulyap dito dahil nakatingala siya sa akin na nanunudyo ang mga mata at ngiti habang marahan pa ring minamasahe ang paa ko. Unti-unti ring naibsan ang inis ko sa kanya na nakitang may kahalikang iba. "Still mad?" Hindi ko ito pinansin na parang wala akong narinig. Kahit nakikita ko naman ito sa gilid ng mga mata kong nakatingala pa rin sa akin na nangingiti. "S-sir," napasinghap ako na napatitig dito nang walang kahiya-hiyang hinalikan. . . ang paa ko! Napangisi ito na magsalubong ang mga mata namin at kitang-kita niya ang pamumula ng mukha ko sa kanyang ginawa. "Galit ka ba?" "Hindi po." "Galit ka eh." "Hindi po ako galit, Sir." "Galit ka. Hayan oh? Nakabusangot ka na nga napapairap ka pa," tudyo nito na ikinaikot ng mga mata kong hindi ko napigilan. Napahagikhik pa ito na tila tuwang-tuwa. Sa inis ko ay binawi ko ang paa ko at nasipa ito sa balikat. At dahil nakaluhod siya ay nawalan ito ng balanse na napasalampak sa sahig na ikinabungisngis kong nag-iwas ng tingin ditong namimilog ang mga mata sa akin. Maging ang mga kasamahan namin dito sa loob na tauhan nito ay mahinang natawa na nasipa ko ito. Hindi ko naman sinasadya. Nakakainis kasi siya. Pakiramdam ko. . . malandi siyang nilalang. Na lahat ng babaeng lalandi sa kanya ay papatulan niya. Siya ang first kiss ko pero. . . kung kani-kanino tumutuka. "Sinipa mo ba ako?" bulalas nito na tila hindi makapaniwala. Napalapat ako ng labi na hindi makatingin sa kanya ng diretso. Nag-iinit ang mukha ko na nahihiya na rin sa kaisipang. . . nasipa ko siya. Mabuti sana kung walang ibang nakakita. Nag-iinit ang mukha ko na napaiwas ng tingin dito. Kahit naman kasi especial ang pagtrato niya sa akin ay amo ko pa rin ito. "Lagot ka mamaya sa akin, Yumi. Mapapalo kita," bulong pa nito na hinaplos ako sa ulo at naupo sa tabi ko sabay akbay. Tinabig ko ang kamay nito pero muli din namang umakbay na kinabig pa ako pasandal sa kanya kaya hindi na ako makaangal. "Inaantok ka na ba? Matulog ka na muna kaya, Yumi?" bulong nito. "Ikaw kaya ang matulog na, Sir?" pabalik kong tanong na mahinang ikinatawa nito. "Damn. You're a death of my patience, Yumi." Bulong nito na ikinalapat ko ng labi. Sumusobra na nga ba ako? Hmfpt! Kinain niya nga ang pempem ko eh. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano bang tingin niya sa akin? Minsan pakiramdam ko especial ako sa kanya dahil 'yon ang pinapadama niya. Pero kanina naglahong parang bula ang kaisipan kong iyon na especial ako sa kanya na makitang may kahalikan siyang iba. Ibig sabihin ay hindi lang sa akin niya ginagawa ang mga sweetness niya. Pasimpleng manyak yata ang Tatang Delta na 'to eh. Sarap kalmutin ang makinis niyang mukha. Nakakainis na minsan ang kalandian niya. Mukha ngang. . . pasimpleng manyak ang Deltang 'to. At ang nakakainis. . . gustong-gusto ko kung paano siya pasimpleng nangmamanyak sa akin. "Matulog ka na muna, Yumi. Baka naman bumigay ang katawan mo bukas," bulong nito na pinasandal ako sa kanyang balikat. "Ayoko." Tanggi ko na umayos muli ng upo. "Ayt, Sir Delta, ano ka ba?" mahinang asik ko na pinandidilatan ito ng mga mata kong ngumisi lang sabay kindat habang. . . kalong ako na parang bata sa kandungan niya! "Matulog ka na. Batang makulit. Baka maparusahan kita sa paninipa mo sakin kanina," makahulugang bulong nito na mariing hinagkan ako sa noo na ikinapikit ko. "Magpahinga ka na muna, hmm? Kargahin kita hanggang paggising mo, my little Yumi miamor," bulong nitong ikinakunot ng noo kong napatitig dito. "Miamor? Ano po iyon?" Ngumiti naman ito na nagniningning ang mga matang matiim na nakatitig sa akin. Heto na naman tuloy ang puso kong tila tumatalon-talon sa loob ng ribcage nito. "Hmm. . . miamor. 'Yon ang tawagan ng mag-ama, Yumi. Kaya from now on? You should call me. . . Delta miamor," bulong nito na tila may ibang ibig sabihin. "Ano pong ibig sabihin no'n, Sir?" tanong ko na ikinatikhim nitong nangingiti ng hindi mapagkakatiwalaan. "It means. . . Daddy Delta," kindat pa nito na ikinangiwi ko. "Daddy? Tatay Delta na lang po." Namilog ang mga mata nitong namula ang pisngi na ikinalapat ko ng labing nagpipigil matawa. "Ayoko. Ang bantot pakinggan. Gusto ko miamor. Kaya tawagin mo akong. . . Delta miamor. Understand, hmm?" anito na napapisil pa sa baba ko. "Haist. Apakaarte. Oo na." "Say it, Yumi miamor." Nangingiting saad nito na nangingislap ang mga mata. "Tss. Oo na po. Delta. . . miamor," mahinang sagot kong ikinalapad ng ngiti nito. "Fvck. Ang sarap namang pakinggan," kinikilig nitong saad na pinamumulaan ng mukha. "Tss. Parang bata," ingos kong nagsumiksik na sa dibdib nitong napahagikhik pa. "Matutulog ka na ba, Yumi miamor?" bulong nito na sinisilip silip ang mukha ko. "Opo." "Wala bang kiss ang Delta miamor mo, hmm?" nanunudyong bulong pa nito na inilapit ang mukha. "Goodnight kiss ng Daddy, nasaan?" "Haist," ingos ko na mas isiniksik ang mukha sa dibdib nitong napahagikhik. "Pakiss na. Ang batang 'to," pangungulit pa nito. "Ayoko. Wala kang kiss sa akin. Kung kani-kanino ka nga humahalik eh," pasaring kong mahinang ikinatawa nito. "Fvck. But your kisses are the only one I wanted the most," bulong nitong ikinatirik ng mga mata kong ikinahalakhak nitong nayakap ako. "Hindi mo ako mauuto. . . Tatay Delta." "Fvck. Ayoko nga ng Tatay Delta. Delta miamor ang gusto ko." "Hmfpt. Bahala ka sa buhay mo." "Fvck!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD