Chapter 10

2412 Words
DELTA: AWANG ang labing napatitig ako dito na hindi makapaniwala. Napailing ako na napahawi sa buhok ko. Tahimik lang naman ang mga kapatid namin na nagpapakiramdaman sa isa't-isa kung sino ang papagitna sa sagutan namin ni Drake. "You can't take her away from me, Drake. Ako ang makakalaban mo sa oras na ilabas mo si Yumi dito sa pamamahay ko," maawtoridad kong saad na ikinailing nito. "So, what do you want me to do, Kuya? Panonoorin kitang mahibang sa batang 'yon?" sarkastikong tanong nito. "Hindi kahibangan ang nararamdaman ko kay Yumi, Drake. I love her." Madiing saad kong ikinatawa nito ng pagak. Nag-igting ang panga ko na naikuyom ang kamao. Kanina pa ako nasasagad ng pasensiya pero nagpipigil lang ako dahil ayokong mag-away ulit kami ni Drake o maski kahit na sino sa mga kapatid ko. Hangga't maaari ay ayokong may makaalitan ako sa kanila. Dahil ako ang Kuya. Ako ang dapat na nagga-guide at pumuprotekta sa kanilang lahat. Kaya nga inuuna ko sila sa sarili ko. Na halos isantabi ko na ang pansariling kagustuhan para mapangalagaan ko lang sila. Gano'n ko sila kamahal. Na kahit buhay ko ay handa kong isugal alang-alang sa kapakanan nila. "Enough, guys. Nagkakainitan na kayong dalawa," pagpapagitna ni Haden sa amin ni Drake. Napahinga ako ng malalim na napahilamos ng palad sa mukha. "How are you, Kuya? Ang sabi ni Yumi buong maghapon kang may lagnat. Napaengkwentro ba kayo kagabi?" paglilihis nito sa bangayan namin ni Drake. "Mas maayos na ang pakiramdam ko, Haden. Salamat. Yeah, napalaban kami kagabi. Nadaplisan lang ako dahil hinarangan nila kami sa daan," sagot kong ikinatango-tango ng mga ito. "Kaninong grupo ang nakalaban niyo?" ani Drake na mas kalmado na. "Black scorpion." "What? Buhay pa ang mafiang 'yan?" bulalas nito sa hindi makapaniwalang tono. "Yeah," tumatango-tangong sagot ko. "Akala ko nga nabuwag na sila o iniligpit na ng ibang kalaban ng Madrigal's mafia pero. . . nakasagupaan namin sila kagabi. Sinadya nila kaming tambangan. Nahihiwagaan lang ako kung bakit ngayon lang ulit sila umaatake at ako pa talaga ang binangga nila," pagkukwento ko. Napanguso naman ang mga ito na napapaisip sa sinaad ko. Naalala ko naman si Mikata na nagtungo dito noong nakaraan. Masyadong matalino ang mga kapatid ko lalo na si Drake. Tiyak akong malalaman at malalaman nitong nagkita na kami ni Mikata at pinuntahan pa ako dito sa bahay ko mismo. "What's bothering you, Kuya?" untag nito. Saka ko lang napansing nakatulala na pala ako at nakamata ang mga ito sa akin. Napahinga ako ng malalim na nagkamot sa kilay. "Uhm, do you think. . . may kinalaman kaya si Mikata kaya ako tinambangan ng black scorpion kagabi, dude?" tanong ko na kay Drake nakamata. Nagsalubong ang mga kilay nito na bakas ang katanungan sa kanyang mga mata. Napahilot ako ng sentido na ilang beses napahinga ng malalim. "Why? What do you mean, Kuya?" tanong nito sa nang-uusisang tono. "Ang totoo niya'n. . . nagkita na kami ni Mikata kahapon. Nanggaling siya kahapon. . . dito sa bahay," pagtatapat kong ikinatayo nitong namimilog ang mga mata. "Si Mikata?" "Oo." "Bakit ka niya pinuntahan, Kuya?" "I don't know. Gusto niyang makipag balikan. Pero tinanggihan ko." "Wow!" bulalas nito na napapalakpak ng kamay. Tila hindi makapaniwala sa nalaman. Bumaling ito sa akin na malamlam ang mga mata. "How are you, Kuya?" nag-aalalang tanong nito na naupo sa gilid ko at ginagap ang kamay ko. Pilit akong ngumiti dito na kita sa mga mata ang pag-aalala sa akin. "I'm okay, Drake. Matagal ng tapos 'yong sa amin ni Mikata." "Pero heto siya at ginugulo ka na naman, Kuya. Paano kung planado pala nilang lapitan ka, hmm? Alalahanin mong si Garret Barker ang namumuno ng black scorpion na mahigpit katunggali ng mafia natin. Paano kung ginagamit nilang pain si Mikata para mapaikot ka?" nag-aalalang saad nitong ikinailing ko. "Hindi na nila ako mapapaikot pa, Drake. Dahil matagal ng naibaon ko sa ilalim ng lupa ang nararamdaman ko kay Mikata. Pagkasuklam na lamang ang natitira." Sagot ko dito. "Paano si Yumi?" Napalunok akong napipilan na ibinalik nito ang usapan kay Yumi. Maging ang mga kapatid namin ay tahimik lang ding nakikinig sa aming mga Kuya nilang nag-uusap ng masinsinan. "Think about it, Kuya. Mas makakabuting mailayo sa'yo si Yumi. Magagamit ng mga kalaban si Yumi laban sa'yo para mapabagsak ka nila. At si Mikata. Paano kapag nalaman niyang nasa iyo ang anak niya? Kuya, sa batas ay si Mikata ang may karapatan kay Yumi dahil siya ang ina. Wala kang laban lalo na't minor pa lang si Yumi. At paano kapag nalaman ni Yumi ang lahat ng ito? Do you think mananatili pa rin siya sa tabi mo na parang walang nangyari?" nag-aalalang saad nito na marahang pinipisil-pisil ang kamay ko. Napahinga ako ng malalim na walang makaapuhap na sagot sa labi ko. Tinapik naman ng mga kapatid namin ang binti ko na ngumiti sa akin. "Nandidito kami, Kuya. Kapag kailangan mo kami ay magsabi ka lang," saad ni Haden na sinang-ayunan ng iba. Napangiti ako sa mga ito na sabay-sabay kaming napa-fistbump ng mga kamao. "Salamat. Salamat sa inyo. Hayaan niyo. Habang kaya kong i-handle ang problema ay gagawan ko ng paraan para unti-unting maresolba ito bago pa man lumala." Saad kong ikinangiti at tango-tango ng mga ito. ILANG minuto pa kaming nag-uusap-usap ng masinsinan bago nagpaalam na uuwi na ang mga ito. Napahinga ako ng malalim na nakangusong nakamata sa kisame. Pinag-iisipan ang mga bagay-bagay. Maingat akong bumangon ng kama na bumaba ng bahay at kumuha ng whiskey sa cellar na nagtungo sa may pool. Palakad-lakad ako na napapatungga direkta sa bote. Napapaisip sa mga napagtalunan namin ni Drake kanina. Naiintindihan ko naman ang punto ni Drake. Ikakapahamak din ni Yumi na nasa pangangalaga ko siya. Kahit alam kong kayang-kaya ko siyang protektahan ay malalagay pa rin sa panganib ang buhay nito dahil sa koneksyon nito sa akin. Maraming what if ang tumatakbong katanungan sa isipan ko pero. . . mas nananaig ang kagustuhan kong pangalagaan si Yumi. Iisipin ko pa lang na mawalay ito sa akin ay hirap na akong umusad. Paano na lang kung malalayo nga ito sa akin? Napahinga ako ng malalim na napatungga sa alak ko. "Boss?" Napalingon ako sa bagong dating na si Elton. Kimi itong ngumiti na lumapit sa gawi ko. "Kumusta 'yong pinapagawa ko sa'yo, Elton?" tanong ko pagkalapit nito sa akin na bahagya pang yumuko. "Nasa funeral na ang labi ni Flavio, boss. Mabuti na lang at hindi pa naagnas ang katawan. Nagawan pa ng paraan ng mga taga funeral na pagmukhain itong sariwa ang katawan mula sa make-up nito." Saad nitong ikinatango-tango ko. "That's good to hear. Ihanda mo ang sasakyan. Pupuntahan natin si Flavio," sagot kong ikinayuko nitong nagpaalam na. Inubos ko na muna ang alak na iniinom ko bago umakyat ng silid kung saan naroon si Yumi. Ilang beses akong huminga ng malalim bago kumatok ng pintuan. Mariin akong napapikit na damang-dama ko ang pagwawala ng puso ko. Para na itong lulukso sa sobrang lakas ng kabog! "Sir Delta?" Napabalik ang ulirat ko na bumukas ang pinto at napasilip mula doon si Yumi. "Ahem! Magbihis ka, Yumi. Mag-all black ka, okay? Hintayin kita sa baba," saad ko na hindi mapigilang haplusin ito sa ulo. "S-sige po, Sir." Pagkasara nito ng pinto ay nagtungo na ako ng silid ko at mabilis nagbihis ng all black. Kahit mabigat pa rin ang ulo at katawan ko ay pilit kong nilalabanan at umaktong normal. Pagkalabas ko ng silid ay sakto namang palabas na rin si Yumi. Lihim akong napangiti na hindi manlang ito nag-ayos. Pero kahit gano'n ay labas na labas ang kaputian nito at ang angkin niyang kagandahan sa suot na black dress na hapit sa katawan nito na pinaresan ng black doll shoes. Nakalugay lang din ang unat at itim nitong buhok na ikinabagay naman nito. Para siyang anghel na bumaba dito sa lupa sa amo at ganda ng kanyang mukha. "Okay ka na?" Napangiti itong malingunan ako na tumango-tangong hinintay akong makalapit. "Opo, Sir. Saan po ba tayo pupunta?" tanong nito habang inaalalayan kong bumaba ng hagdanan. "Sa pinangako ko sa'yo," sagot kong ikinatingala nito. "Pangako--ayt!" "Oh, watch out!" bulalas ko na mabilis nahapit ito sa baywang. "Fvck." Mahina akong napadaing at mura na naigalaw ko ang kanang braso kong may sugat. Muntik na kasi itong madulas ng hagdanan sa pagtingala sa akin kaya nawala sa isip ko at napahapit dito dala ng kabiglaan. Napapalunok kaming dalawa na magtama ang mga mata namin habang nakahapit pa rin ako sa baywang nito at mahigpit namang nakakapit ito sa polo ko. Para akong malulusaw sa puso ko na nalulunod sa mga mata nitong napakainosenteng nakatitig ng matiim sa mga mata ko. Maging ang pagtibok ng puso ko ay pabilis nang pabilis na para ng sasabog sa hindi ko mapangalanang emosyong nadarama. "Uhm, sorry po, Sir. Ang careless ko," saad nito na umayos ng tayo. "It's okay, Yumi. Nandito naman ako eh. Ako ng bahalang sumalo sa'yo," kindat kong ikinalapat nito ng labi. Wala sa sariling napaakbay ako dito. Mabuti na lang at hindi na ito umangal na napayapos pa sa baywang ko habang palabas kami ng bahay. "Careful," bulong ko na inalalayan itong makasakay ng kotse. Lihim akong napapangiti na dumukwang akong sinadyang ilapit ang mukha ko sa mukha nitong halos hindi humihinga habang mabagal kong kinakabit ang seatbelt nito. Dahan-dahan akong lumingon ditong ikinatama ng tongki ng aming mga ilong na ikinamilog ng mga mata nitong napapalunok na nakamata sa akin. Mahina akong natawa na para itong natuod sa kinauupuan na hinalikan ko siya sa pisnging ikinapula ng mukha nito. "Relax, Yumi. Normal lang namang. . . hinahalikan ng Tatay ang anak niya, hindi ba?" natatawang saad kong ikinalapat nito ng labi na nag-iwas ng tingin. Marahan kong isinara ang pinto na umikot sa harapan ng kotse. Kaagad namang napasunod ang mga tauhan ko na nagsisakay sa kani-kanilang kotse na sumunod sa aking lumabas ng garahe. "Uhm, Sir. Saan po ba tayo pupunta?" tanong nito habang palabas na kami ng village. "Sa Tatay mo," sagot kong ikinatigil nitong napalingon sa akin. "Po?" "As I promise to you, Yumi. Dadalhin kita sa ama mo." Sagot ko na inabot ang kamay nitong nakapatong sa kanyang hita at pinagsalinop ang mga daliri namin. Napapalunok itong nakamata lang sa akin na ikinasulyap ko sa kanya at kiming ngumiti dito. Para na naman akong malulunod sa mga inosenteng mata nitong matiim kung makatitig sa akin. Na ibang-iba ang dating sa akin at napapabilis nito ang pagtibok ng puso ko. Bagay na tanging si Yumi lang ang nakakagawa. There's something on her na hindi ko mapangalanan. Kusa na lamang akong napapasunod sa kanya sa lahat ng gustuhin nito. Bagay na. . . kay Yumi ko lang nadarama. "Bakit?" takang tanong ko na natutulala pa rin ito sa akin. "Totoo po?" "A huh? Pasensiya ka na, Yumi. Kaninang umaga pa dapat pero. . . hindi na kasi kaya ng katawan ko kaya ipinagpaliban ko ang pagpunta natin sa funeral," saad kong ikinalabi nitong tumango-tango na tumulo ang butil-butil niyang luha. "Salamat po, Sir. Akala ko hindi ko na makikita ang labi ng Tatay," humihikbing saad nito. Napangiti akong hinaplos ito sa ulo na pilit nitong ikinangiting kita ang pagkislap sa mga mata nitong napaka inosente. "Anything for you, Yumi." Sagot ko na marahang pinipisil-pisil ang kamay nitong hawak ko. PAGDATING namin ng funeral ay inalalayan ko itong makababa. Sarado nàman ang buong lugar para sa privacy at seguridad namin. Napayakap ito sa baywang ko habang akbay kong dahan-dahang humakbang papasok ng funeral. Tahimik lang akong pinapakiramdaman itong napapasinghot na nakamata lang sa harapan. Kung saan naroon ang puting parihabang kinasisilidan ni Flavio na napapalibutan ng bulaklak kalakip ang malaking picture frame nito sa gilid. "T-tatay," nanginginig ang boses na sambit nito. Mapait akong napangiti na namumuo ang luha sa mga mata kong parang pinipiga sa puso na naririnig ang impit nitong paghikbi. Damang-dama ko ang bigat at sakit na nadarama nitong. . . napayakap at hagulhol sa kabaong ng kanyang ama. Naikuyom ko ang kamao na nagpipigil tumulo ang luha habang nakamata ditong panay ang sambit ng Tatay na tila tinatawag nito ang ama at nakikiusap na bumalik ito. Pero kahit anong pigil ko ay nasasaktan ako para kay Yumi. At hindi mapigilang. . . tumulo ang luha. "Patawad, Flavio. Kung nakilala ko lang ng mas maaga ang anak mo? Hindi tayo aabot sa puntong 'to. Mapatawad mo sana akong. . . ako pa ang naghatid sa'yo sa huling hantungan mo. Pinapangako ko sa'yo. Hinding-hindi ko pababayaan si Yumi. Pangangalagaan at pakamamahalin ko. . . ang anak mo. Nawalan man siya ng ama pero. . . bibigyan ko siya ng bagong pamilya. Isang masayang pamilya na magbibigay muli ng kulay sa buhay ni Yumi. Magpahinga ka na, Flavio. Maraming salamat sa sampung taong paninilbihan sa akin." Piping usal ko habang nakamata sa malaking picture frame nitong nakangiti sa larawan. Mabibigat ang yabag na humakbang ako palapit kay Yumi na hinagod-hagod sa kanyang likuran. Mahigpit na nakayakap sa kabaong ng kanyang ama na humahagulhol. "Tahan na, Yumi. Nandidito akong karamay mo, okay?" saad ko. Dahan-dahan itong kumalas na tumuwid ng tayo. Pilit akong ngumiti na marahang pinahid ang naghalo-halong luha at sipon sa mukha nito. Namumula na rin ang ilong at namumugto ang mga mata nitong puno ng kalungkutan. "S-sir Delta," basag ang boses na sambit nito. Yumuko ako na pinagpantay ang aming mukha habang nakasapo ako sa magkabilaang pisngi nito. Napakapit naman ito sa kamay ko na nakipagtitigan sa aking mga mata. Para akong malulusaw sa puso ko na makipagtitigan sa mga mata nitong napaka inosente at luhaan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling pero. . . may kurot sa puso ko na makita itong umiiyak. Na nasasaktan din ako na makita itong nasasaktan at nahihirapan. Kung pwede ko lang dalhin ang bigat na dala-dala nito ay gagawin ko para 'di na siya masaktan pa. Dahil ang tanging gusto ko lang. . . ay makita siyang masaya. "Hwag kang mag-alala, Yumi. Hinding-hindi kita pababayaan, okay? Lahat ng kailangan mo ay ibibigay ko. Hwag ka ng malungkot. Nawala man si Flavio sa'yo? Nandidito akong kapalit niya. Hinding-hindi kita. . . iiwan." Pag-aalo ko na napahalik sa noo nito. Napalabi itong tumango-tango na umagos muli ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Sunod-sunod akong napalunok na niyakap ako nitong sumubsob sa dibdib ko at muling napahagulhol na ikinayakap ko din dito. "Tahan na, my little Yumi. Hindi naman kita. . . pababayaan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD