KABANATA 4

2237 Words
YELENA P.O.V Kinagabihan, halos hindi ko na maitago ang ngiti ko habang papasok ako sa bahay namin. Galing ako sa bukid, at medyo pagod, pero mas nangingibabaw ang excitement ko. Si tatay nasa labas pa, inaayos ang gamit sa palayan, habang si nanay naman nasa kusina, nagluluto ng hapunan. Si Marlon, ang bunso kong kapatid, ay naglalaro sa tabi ng mesa. Inilapag ko ang mga gamit ko at tumayo sa pintuan, pinagmamasdan sila. “Anak, kumusta ang trabaho mo kanina sa bukid?” tanong ni nanay, habang inaayos ang kaldero sa kalan. “Okay lang po, 'Nay. Medyo mainit, pero natapos naman namin. Pero…” Hindi ko mapigilan ang excitement ko. Hindi ko na kayang patagalin pa ang balita. “Pero ano?” tanong ni tatay habang papasok na rin sa bahay, bitbit ang lumang sombrero niya. Ngumiti ako, halos hindi ko alam kung paano sisimulan. “Nay, Tay, may magandang balita ako.” Napatigil si nanay sa ginagawa at tumingin sa akin. “Ano 'yon, anak?” “Binigyan po ako ni Mayor ng trabaho!” halos napasigaw ako sa tuwa. “Magiging assistant po ako niya sa municipal hall!” Biglaang naging tahimik ang paligid, tila hindi nila agad naintindihan ang sinabi ko. Si Marlon naman ay tumigil sa paglalaro at napatingin sa akin. Pero ilang segundo lang, sumabog ang saya sa buong bahay. “Ano? Anak! Totoo ba 'yan?” Halos malaglag ang sandok ni nanay, at si tatay naman ay napalapit sa akin, hawak-hawak ang balikat ko. “Assistant sa municipal hall? Anak, totoo ba ang naririnig namin?” Tumango ako, hindi mapigilang ngumiti nang malapad. “Opo, Tay! Kanina lang po, habang nag to-tur kami sa bukid, Binigyan po niya ako ng alok na maging assistant niya, at ang laki po ng sweldo! Hindi na po tayo maghihirap masyado!” Halos di makapaniwala si nanay. “Ay Diyos ko, salamat sa Diyos!” Napaupo siya sa maliit naming upuan, tila naiiyak sa tuwa. “Ang tagal ko nang pinapangarap na gumaan ang buhay natin. Anak, ang galing mo! Hindi ko akalain na mangyayari ito.” Napatakbo si Marlon sa akin, halos tumatalon-talon sa tuwa. “Ate! Assistant ka na ni Mayor? Ibig sabihin, makakapunta ka na sa malaking building? 'Yung malapit sa plaza?” Tumango ako, at tinapik ang ulo ni Marlon. “Oo, Marlon. Sa malaking building na ‘yon. Saka, alam mo ba, ang laki ng sweldo! Mas makakatulong tayo kina nanay at tatay.” Nagpatuloy ang saya sa loob ng bahay. Si tatay, na madalas tahimik lang, ngayon ay halata ang saya. "Anak, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko inaasahan na bibigyan ka ng ganitong pagkakataon. Pero anak, proud kami sa’yo. Kung hindi dahil sa sipag mo, hindi ka mapapansin ni Mayor." “Salamat po, Tay.” Lumapit ako kay nanay, na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala. "Nay, hindi po ako makakarating dito kung hindi dahil sa inyo. Kayo po ang nagturo sa akin na magsikap, kahit mahirap." “Anak, grabe... ang saya-saya ko.” Hinaplos ni nanay ang pisngi ko, tila gustong siguraduhin na totoo ang naririnig niya. “Pero anak, baka naman mahirapan ka sa trabaho doon? Hindi ka sanay sa mga ganoong bagay.” Napalunok ako nang marinig ang sinabi niya, kasi alam kong totoo iyon. Hindi ako sanay sa mga trabaho sa opisina, pero alam ko ring hindi ako pwedeng umatras. “Opo, Nay. Alam ko pong hindi madali, pero tutulungan daw po ako ni Mayor na matutunan ang mga kailangan ko. Kakayanin ko po.” “Aba, syempre kakayanin mo 'yan!” sagot ni tatay, sabay tapik sa balikat ko. “Lahat ng hirap mo dito sa bukid, mas matindi pa sa anumang trabaho sa opisina. Madali lang ‘yan para sa’yo.” “Oo nga, Ate!” sabat ni Marlon, na hindi pa rin mapakali sa excitement. “Tsaka, siguro matututo ka pa ng maraming bagay doon. Baka matutunan mo kung paano mag-computer!” Napatawa ako sa sinabi ni Marlon. “Oo nga, Marlon. Mag-aaral din ako doon. Tsaka... may pagkakataon ako na makapag-ipon para sa kinabukasan natin.” Habang patuloy kaming nagkukwentuhan, naramdaman ko ang init ng pagmamahal ng pamilya ko. Oo, maliit lang ang bahay namin, at hindi magarbo ang buhay namin, pero hindi ko ipagpapalit ang kahit anong bagay sa mundo para sa mga oras na ito. Hindi mahalaga kung gaano kaliit o kalaki ang bahay—basta masaya kami at magkakasama, sapat na iyon para sa akin. “Anak, sigurado akong magtatagumpay ka,” sabi ni nanay habang inilalapag ang sinigang sa hapag-kainan. “Ang importante, huwag kang makakalimot sa mga pinanggalingan mo. Ang puso mo, palagi mong itanim dito sa ating bayan.” “Opo, Nay. Hinding-hindi ko po makakalimutan ang Eldraesia, lalo na kayo.” Sabay kuha ko ng mangkok para magsandok ng sabaw. Natawa si tatay habang naglalagay ng kanin sa plato niya. "Eto na! Mukhang kailangan na nating mag-celebrate. Sa mga ganitong balita, parang dapat maghanda tayo ng konting espesyal!" “Pritong bangus lang po ang handa natin, Tay,” biro ko. “Pero ayos lang, special na ito kasi masaya tayo lahat.” Tumawa silang lahat, at tila sa gabing iyon, wala kaming iniintinding problema. Nakaupo kami sa hapag-kainan, kumakain ng simpleng pagkain, pero dama ko ang saya at pagmamahalan. Kahit maliit ang bahay namin, ramdam ko na mas malaki ang pagmamahalan namin kaysa sa anumang yaman. Habang kumakain kami, hindi ko mapigilang isipin ang mga darating na araw. May halong kaba at excitement, pero ang pinakamahalaga, alam kong hindi ko hahayaang sayangin ang pagkakataong ito. Para sa pamilya ko, para sa sarili ko, at para sa kinabukasan namin. "Salamat po, Nay, Tay. Gagawin ko po ang lahat para maging maayos ang trabaho ko." Sabi ko habang tinutulungan si nanay sa kusina matapos kaming kumain. “Alam naming kaya mo, anak,” sagot ni tatay habang inaayos ang mga plato. “Ikaw pa ba? Wala kang hindi kayang gawin para sa amin. Basta, mag-ingat ka palagi, ha?” “Opo, Tay. Gagawin ko po ang best ko.” Napangiti ako at tumulong sa pagliligpit ng pinggan, habang si Marlon ay tumatawa pa rin sa tabi, hindi pa rin nawawala ang saya sa mukha. Sa gabing iyon, habang nakahiga ako, nakatingin sa kisame ng aming maliit na bahay, naisip ko kung gaano kabilis ang pagbabago ng buhay. Mula sa simpleng pag-aani sa bukid, ngayon ay assistant na ako ng Mayor. Hindi ko man alam ang lahat ng mangyayari, pero alam kong kakayanin ko. ********** Kinabukasan, unang araw ko sa trabaho. Hindi ko alam kung excitement o kaba ang nararamdaman ko habang papalapit ako sa municipal hall. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil iniisip ko kung ano ang mga gagawin ko. Ito na nga ba talaga ‘yon? Assistant ng Mayor? Pagpasok ko sa building, ramdam ko agad ang malamig na aircon, na sobrang layo sa init ng bukid. Pansin ko rin ang mga tao sa paligid—may mga empleyado na abala sa kani-kanilang gawain, pero halos lahat sila ay tumingin sa akin. Ramdam ko ang mga mata nila, para bang sinusuri ako. “Good morning, ma’am!” bati ng isang staff habang papasok ako. Medyo nagulat ako kasi hindi ko inaasahan na tatawagin akong “ma’am.” Hindi naman ako sanay na ganoon ang tawag sa akin. “Ah, good morning din,” bati ko pabalik, medyo nahiya ako. Nakakapanibago ang pakiramdam na parang mataas ang tingin nila sa akin. Tiningnan ko ang mga tao sa paligid at napansin ko na parang naglalapit-lapit sila sa akin, nagbubulungan pa. “Ma’am Yelena, dito po ang office ni Mayor,” sabi ng isang babae na nakasalamin, na mukhang secretary. “Ako nga pala si Grace. If you need anything, sabihin niyo lang po.” “Ah, thank you po,” sagot ko nang medyo naguguluhan. Pakiramdam ko, para akong VIP, pero hindi ko alam kung bakit ganoon. Ako lang naman ito, simpleng babae mula sa bukid, tapos ngayon tinatawag akong “ma’am” ng mga tao dito. Habang papasok ako sa loob ng office, may isa pang empleyado na lumapit sa akin, dala-dala ang isang tray ng kape. “Ma’am, coffee po? O may iba po kayong gusto?” Napahinto ako. “Uh, hindi na po. Okay lang ako, salamat.” Muntik na akong matawa. Hindi ako sanay sa ganito—sanay akong magtrabaho sa ilalim ng araw, hindi umuupo sa aircon at nagpapaserbisyo. Pagkarating ko sa opisina ni Mayor, nakita ko siyang nakatayo sa likod ng kanyang desk, busy sa pagbabasa ng ilang dokumento. Nang mapansin niya akong pumasok, ngumiti siya at lumapit. “Good morning, Yelena,” bati niya, kaswal ang boses niya pero may lambing. “Pasok ka. Welcome sa unang araw mo.” Medyo kinabahan ako pero pilit kong pinakalma ang sarili ko. “Good morning din po, Mayor.” “Vlad na lang, di ba?” paalala niya, sabay ngiti. “Wala kang kailangan ikatakot dito. Ako na ang bahala sa’yo.” “Ah, oo nga po pala… Vlad.” Nakakapanibago pa rin para sa akin ang tawagin siyang Vlad, pero sinubukan kong maging relaxed. Pinapasok niya ako sa loob ng opisina at itinuro ang upuan sa harap ng kanyang desk. “Okay, simulan na natin,” sabi ni Vlad habang nakaupo siya. “Alam kong bago ka pa lang sa ganitong trabaho, kaya tutulungan kita step by step. Hindi naman ito ganun kahirap, kaya huwag kang mag-alala.” Tumango ako. “Opo, salamat po.” “Naku, Yelena, ‘wag na ‘yung ‘po’ at ‘opo,’ ha? Para namang hindi tayo magkaibigan niyan.” Nakangiti siya habang sinasabi iyon, at hindi ko maiwasang mapangiti rin. “Sorry, sanay lang po... ay, sorry! Sanay lang ako kasi sa amin, respeto talaga sa matatanda.” Tumawa si Vlad. “Matanda na pala ako, ha?” “Hindi naman po… este, hindi ka naman mukhang matanda,” agad kong bawi, at pareho kaming natawa. Sa sandaling iyon, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Hindi siya mahirap pakisamahan tulad ng inaasahan ko. Para lang kaming magkaibigan na nagkukwentuhan. Sinimulan ni Vlad ipaliwanag ang mga gagawin ko bilang assistant. “Ang trabaho mo mostly ay tungkol sa pag-oorganize ng schedules ko, meetings, at pag-follow up ng mga projects na pinapagawa ko. Medyo madali lang, pero kailangan ng focus. Sa simula, tutulungan ka ni Grace, ‘yung secretary ko, para masanay ka. Pero alam ko namang mabilis kang matututo.” Habang nag-eexplain siya, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka-polite. Hindi siya tulad ng ibang politiko na naririnig ko sa mga kwento—may respeto siya at hindi siya bossy. Ramdam ko na gusto niyang matuto ako, hindi lang para sa trabaho, kundi para sa sarili kong growth. “Okay po... este, Vlad. Mukhang kaya ko naman ‘yan,” sagot ko nang may ngiti. “I’m sure kaya mo. Ikaw pa ba?” Ngumiti siya at tinapik pa ako sa braso, tila nagbibigay ng dagdag kumpiyansa. “Ang isa sa mga dahilan kaya kita pinili bilang assistant ay dahil nakita ko kung gaano ka kasipag sa bukid. ‘Yung sipag at tiyaga mo, ‘yan ang kailangan ko sa office.” Napatingin ako sa kanya, medyo nagulat. “Talaga po?” “Oo naman. Hindi ka madaling sumuko, at ‘yun ang mahalaga. Ngayon, oras na para gamitin mo ‘yan dito sa office. Iba lang ang setting, pero alam kong kakayanin mo.” Unti-unting nawawala ang kaba ko. “Salamat, Vlad. Hindi ko in-expect na magiging ganito ang first day ko. Akala ko masyadong formal o strict.” Tumawa siya. “Relax lang tayo dito, Yelena. As long as you’re doing your job well, walang problema. Gusto ko lang na maging comfortable ka sa environment.” Nagpatuloy ang aming usapan tungkol sa mga specifics ng trabaho. Itinuro niya sa akin kung paano mag-organize ng schedules, paano makipag-coordinate sa ibang departments, at ano ang mga importanteng deadlines na kailangan kong bantayan. Habang nagsasalita siya, nakikinig ako ng mabuti, sinusubukang tandaan ang lahat ng detalye. “Don’t worry, hindi ka naman agad-agad susuong sa mga malalaking bagay. Unti-unti, matutulungan kita hanggang sa makuha mo na ang lahat ng kailangan mo.” Tumango ako. “Appreciate ko ‘yan, Vlad. Medyo overwhelming lang talaga sa umpisa.” “Normal lang ‘yan. Pero magtiwala ka sa sarili mo. Alam kong malayo ang mararating mo.” Sa mga salitang iyon, parang bigla akong nakaramdam ng tiwala sa sarili ko. Hindi ko man alam ang lahat sa ngayon, pero alam kong may suporta ako mula kay Vlad at sa mga tao dito sa office. "Okay, Yelena," sabi niya habang inabot niya sa akin ang ilang papeles. "Ito 'yung mga schedules for the week. Simple lang muna ang tasks, para makapag-adjust ka." Tiningnan ko ang mga papeles. "Sige, I'll take care of this. Salamat ulit, Vlad." "No problem," sagot niya. "Remember, I’m just here if you need anything." Bago ako umalis ng office, tumingin ako sa kanya at napansin ko ang magaan na tingin niya sa akin. Para bang may tiwala siya na kakayanin ko lahat ng ibibigay sa akin. Hindi ko alam, pero sa loob-loob ko, nagiging komportable na rin ako sa kanya. At sa trabaho. Lumabas ako ng office niya na may bagong kumpiyansa. Alam ko, mahirap ang pag-aadjust, pero alam ko rin na may suporta ako sa likod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD