YELENA P.O.V Habang abala ako sa pag-aayos ng mga papeles sa mesa, naramdaman ko ang biglaang pagtigil ng isang tao sa likuran ko. Napatingin ako at nakita ko si Anna, isa sa mga staff dito sa municipal hall. Naka-smile siya, pero parang may kakaiba sa tingin niya. “Uy, Yelena,” bati niya na may halong ngiti, “paano mo ba napapangiti nang ganon si Mayor?” Nagulat ako sa tanong niya, at natigilan saglit. “Ha? Ano'ng ibig mong sabihin?” tanong ko, hindi sigurado kung paano sasagutin. Tumawa si Anna nang mahina, pero may halong pagka-intriga sa boses niya. “Kasi, napansin ko lang, parang iba ‘yung mood ni Mayor tuwing kausap ka. First week niya rito sa Eldraesia kasi, alam mo na, medyo cold siya. Pero ngayon, parang ang saya-saya niya kapag nandiyan ka.” Napakamot ako ng ulo at napaisip.