bc

Stone Series 1: Pusong Nilinlang

book_age18+
365
FOLLOW
2.6K
READ
HE
office/work place
affair
like
intro-logo
Blurb

Umibig ako sa taong pag-aari na pala ng iba~ Yelena Morozova

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
YELENA P.O.V Nakaupo ako sa labas ng bahay namin, hawak-hawak ang tasa ng kape. Ramdam ko ang init ng araw na dumadampi sa balat ko. May konting hangin, kaya kahit papaano ay hindi sobrang init. Naririnig ko ang usap-usapan ng mga kapitbahay na dumadaan sa harap ng bahay namin. Karamihan sa kanila, pare-parehong pinag-uusapan ang bagong mayor ng probinsya namin Dito daw sa Eldraesia province. Hindi ko alam kung sino siya. Hindi ako bumoto noong eleksyon. Wala rin akong balak makisali sa mga ganoong bagay dahil para sa akin, lahat ng nakaupo sa posisyon ay pare-pareho lang—kurap. Ang tingin ko sa kanila, mga sakim sa pera, kaya hindi umuunlad ang lugar namin. Puro pangako, pero sa bandang huli, walang nangyayari. Ganito na kami noon pa, hanggang ngayon. Kaya kahit pa may bago na raw mayor, hindi ko pinapansin. Napatingin ako sa kalsada habang umiinom ng kape. May dumaan na dalawang babae, nag-uusap tungkol sa pagdating ng mayor. “Sabi ni Aling Marites, ang gwapo raw ng bagong mayor!” tawa nung isa. “Ah talaga?” sagot nung isa, tapos sabay silang nagkatawanan na para bang mahalaga ‘yung hitsura kaysa sa kaya niyang gawin. Napapailing na lang ako. Wala akong pakialam kung gwapo man siya o hindi. Para sa akin, kahit sinong ilagay diyan, walang magbabago. Sa loob ng bahay, naririnig ko ang ingay ng mga magulang ko. Si Nanay, abala sa pagluluto. Si Tatay naman, tila may inaayos na gamit. Ang bunso kong kapatid, si Marlon, nasa eskwelahan. Ako, nandito lang sa bahay, tumutulong sa mga magulang ko sa palayan kapag walang ginagawa. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Sa hirap ng buhay, kinailangan kong tumulong sa kanila imbes na mag-aral. Pero hindi ko naman masyadong iniisip 'yun. Masaya na ako na kahit papaano ay may naitutulong ako sa pamilya. Naririnig ko rin ang bulungan ng mga lalaki kapag dumadaan sila sa tapat ng bahay namin. “Si Yelena, ang ganda talaga,” narinig ko ang isang matandang lalaki na sinasabi sa kasama niya. Alam kong sinasabi nila ‘yun, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang narinig ang mga ganoong klaseng komento. Hindi ko sila pinapansin. Minsan, pinapakita ko na masungit ako para tantanan nila ako. Hindi ko kailangan ng atensyon mula sa kanila. Habang tumatagal, parami nang parami ang mga taong dumadaan sa kalye. Parang mas maraming tao ngayon kaysa sa karaniwan. Siguro dahil sa balitang darating na raw ang bagong Mayor ng Eldraesia sa bayan namin para personal na makipagkita sa mga tao. Napabuntong-hininga na lang ako. Parang ang dami pa nilang inasahan, eh wala naman akong nakikitang mababago. Nang biglang lumabas si Nanay mula sa loob ng bahay. “Yelena, anak, bakit hindi ka maghanda? Baka dumaan dito ang bagong mayor,” sabi niya habang pinupunasan ang kamay sa apron niya. Napataas ang kilay ko. “At bakit naman ako maghahanda, Nay? Hindi naman ako interesado sa bagong mayor na 'yan.” “Naku anak, baka kasi dumaan at makita ka. Malay mo, baka mabigyan ka ng trabaho sa munisipyo.” Napangiti ako ng pilit. “Nay, hindi ako naghahanap ng trabaho, okay na ako sa pagtulong sa inyo sa palayan.” “Tsk, tsk. Kung ayaw mo, e di ‘wag,” sagot niya bago pumasok ulit sa bahay. Ma attitude talaga nanay ko. Tumahimik ulit ang paligid, pero maya-maya pa’y may narinig akong motor na papalapit. Nang lingunin ko, may huminto sa tapat ng bahay namin na lalaki. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at pantalon, mukhang may hinahanap. Hindi ko siya kilala. “Excuse me, miss,” bati niya. Tumingin ako sa kanya, hindi pa rin umaalis sa pagkakaupo. “Ano ‘yun?” “May alam ka ba kung saan banda ang plaza rito? Parang naligaw kasi ako,” tanong niya habang nangangamot ng ulo. Ininom ko ulit ang kape bago sumagot. “Dumiretso ka lang diyan, tapos sa dulo, kakanan ka. Nandun na ang plaza.” “Ah, salamat ha.” Ngingiti sana siya pero hindi ko siya pinansin. Umalis na rin agad siya pagkatapos. Ilang minuto pa, nakita ko na rin ang isang grupo ng mga tao na naglalakad patungo sa plaza. Parang may parada. May mga naka-barong at may mga babaeng naka-damit pang-okasyon. Mukhang dumating na nga ang Mayor ng Eldraesia. Kahit papaano, may parte sa akin na curious din kung ano ang itsura ng bagong mayor na ‘to, pero hindi ko na masyadong binigyan ng pansin. Ayoko talagang makisali sa mga bagay na alam kong hindi naman ako mabebenepisyuhan. Pero nang biglang sumigaw si Nanay mula sa loob ng bahay. “Yelena, labas ka nga! Andyan na yata si Mayor!” Napabuntong-hininga ako at tumayo na rin. Hinila ko ang suot kong simpleng damit at inayos ang buhok ko kahit papaano. Lumabas ako ng gate at tumingin sa direksyon ng plaza. Tama nga si Nanay. Dumaan ang convoy ng mga sasakyan, at nakita ko ang isang lalaki na nakasakay sa harap ng isang malaking itim na SUV. Siguro siya nga yung mayor. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya mula sa distansya namin, pero narinig ko ang mga tao na nagsisigawan at nag-iingay habang dumadaan siya. “Naku, ang gwapo nga, anak! Tingnan mo!” halos kiligin si Nanay habang kumakaway pa sa direksyon ng sasakyan. Napailing na lang ako. “Nay, ano naman kung gwapo siya? Hindi naman siya artista.” “Eh kasi nga anak, tingnan mo naman! Saka baka naman mabait siya. Malay mo, magbago ang takbo ng probinsya natin.” “Hmm. Sana nga,” sagot ko na lang, pero sa totoo lang, hindi ako naniniwala. Nakita ko na ang mga dati, ganito rin naman—maraming pangako, maraming salita, pero pagkatapos ng ilang buwan, wala na ulit. Sawa na ako sa mga ganoong klaseng tao. Maya-maya, dumaan ulit ang ibang tao, pawang pamilyar ang mga mukha. May mga kabataan, may mga matatanda, at iba’t iba pa. Hindi ko alam kung bakit excited na excited sila. Parang hindi sila nasasawa sa mga ganoong pangyayari. Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik ulit ako sa upuan ko sa labas ng bahay. Uminom ako ng natitirang kape ko, na medyo lumamig na. Habang tinitingnan ko ang mga tao, iniisip ko kung anong meron sa bagong mayor na ‘to. Pero sa bandang huli, wala rin naman akong pakialam. Mas gusto ko na lang magpatuloy sa buhay ko na ganito—simple, tahimik, at malayo sa mga gulo ng politika. Nakita ko na bumalik si Tatay mula sa loob ng bahay. Umupo siya sa tabi ko, dala ang maliit na transistor radio na madalas niyang pinapakinggan tuwing tanghali. “Anong balita sa bayan?” tanong ko habang pinakikinggan ko ang nagsisimula niyang buksan ang radyo. “Wala pa rin. Pare-pareho lang. Magpapakilala daw mamayang gabi si Mayor sa plaza, pero di ko na balak pumunta,” sagot ni Tatay habang nag-aayos ng antena ng radyo. “Sawa na ako sa mga gano'ng klase,” dugtong ko. Tumawa ng mahina si Tatay. “Pareho tayo, anak.” Habang nagsasalita siya, narinig ko ang usap-usapan mula sa radyo. Mga balita tungkol sa bayan namin, mga tsismis, at siyempre, tungkol kay Mayor. Pero hindi ko na inintindi. Basta para sa akin, wala na akong pakialam sa kung sino man ang bagong mayor o kung ano man ang plano niya para sa probinsya namin. Basta ako, dito lang ako. Sa bahay namin, sa palayan, kasama ang pamilya ko. ************ Dumating ang gabi, at nandito ako ngayon, nakaupo sa harap ng stage na itinayo sa plaza. Walang-wala sana akong balak pumunta rito para lang kilalanin ang bagong mayor, pero itong bunso kong kapatid, si Marlon, e mapilit. Lagi siyang nakikiusap na samahan ko siya, at ayoko namang sirain ang excitement niya. Kaya heto ako, naka-cross arms at nakatunganga, hinihintay ang pagdating ni Mayor Vladimir Sergei Ivanov—ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya. Nalaman ko na lang kanina nang i-announce nila habang hinihintay namin na umakyat siya sa stage. “Ate, matagal pa ba ‘yan?” tanong ni Marlon sa akin habang nagpapadyak-padyak ng paa niya sa lupa. “Ewan ko, Marlon. Basta hintay ka lang d’yan,” sagot ko. Hindi ko rin alam kung gaano pa katagal ang paghihintay namin, pero kitang-kita ko ang excitement sa mukha ng kapatid ko. Hindi ko naman siya masisisi. Bihirang mangyari ang mga ganitong event sa lugar namin. Ilang minuto pa, dumating na ang mayor. Parang bumuhos bigla ang sigawan ng mga tao nang makita siyang umakyat sa stage. Sinamahan siya ng ilang staff na mukhang mga importanteng tao rin. Naglakad siya patungo sa podium, nakangiti sa lahat ng tao. Napansin ko agad ang hitsura niya—oo nga, gwapo siya. Matangkad, may magandang postura, at malinis ang itsura. Mukhang nasa edad 30 na nga siya, pero ang kisig niya, parang hindi nasusuklian ng edad. Mayroon siyang aura ng kumpyansa, pero hindi masyadong yabang. Napabuntong-hininga ako. “Gwapo nga,” bulong ko sa sarili ko. Pero, sa totoo lang, wala akong pakialam sa hitsura niya. Ayokong mahulog sa mga ganitong bagay. Hindi naman siya ang tipo ng tao na dapat kong pagtuunan ng pansin. Habang nagsisimula siyang magsalita, napansin ko na tahimik bigla ang lahat. Nakinig na rin ako sa sinasabi niya. "Good evening to all of you," nagsimula siya sa English, na halatang bihasa siya. "I am Vladimir Sergei Ivanov, and I am honored to be your new mayor. I know that this province has a lot of potential, and I want to work with all of you to unlock that potential." Napakunot ang noo ko. Parang ang galing niyang magsalita, parang napaka-sincere. Pero ganito rin naman lahat, diba? Magaling magpahayag, magaling mangako, pero sa huli, walang nangyayari. Habang nagtutuloy-tuloy siya sa pagsasalita, bigla na lang nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Nakatingin siya diretso sa akin, at kahit maraming tao sa paligid, pakiramdam ko na ako lang ang tinititigan niya. Agad akong umiwas ng tingin. “Ano ba ‘to, Yelena, huwag kang ganyan,” bulong ko sa sarili ko. “Hindi ka dapat nagpapadala sa ganyang klaseng tingin.” Binatukan ko pa ng mahina ang sarili ko. “Manahimik ka, self. Twenty years old ka pa lang at malamang nasa 30 na ang mayor. At sigurado akong may asawa na ‘yan. Huwag kang assuming.” Napangiti si Marlon habang nanonood sa stage, hindi alintana ang pinagdadaanan ko sa loob. "Ate, ang galing niya magsalita, no?" tanong niya sa akin. "Oo nga, Marlon, pero huwag kang magpapaniwala agad," sagot ko, habang pinilit kong ibalik ang atensyon ko sa stage. Hindi ko na siya dapat tinitingnan pa ulit. Pero ang hirap. Para bang kahit anong gawin ko, bumabalik ang mata ko sa kanya. Nang matapos ang speech niya, bumaba siya sa stage para makisalamuha sa mga tao. Nagsimula nang magsiksikan ang mga tao, lahat gusto siyang kamayan. Tumayo si Marlon at hinila ang braso ko. “Ate, punta tayo sa harap! Baka makausap natin siya!” “Huwag na, Marlon. Masikip na masyado.” “Please, Ate! Gusto ko siyang makita ng malapitan!” Halos pakiusapan na niya ako habang pilit na hinihila ang braso ko. Napabuntong-hininga ako. “Sige na nga. Pero sandali lang tayo, ha.” Pumila kami kasama ang iba pang tao, at habang papalapit kami, naririnig ko ang mga tao na nagkukuwento tungkol kay Mayor Vladimir. "Grabe, ang bait niya!" "Sana siya na talaga ‘yung mag-aangat sa probinsya natin." Halos lahat, puro papuri. Ako, nanatili lang tahimik. Nang makarating kami sa harap, hindi ko napigilan ang mapansin ulit ang mayor. Nakangiti siya, tila walang kapaguran sa pakikipagkamay sa mga tao. Nang ako na ang kaharap niya, naramdaman ko ulit ang kakaibang pakiramdam na para bang huminto ang oras. Nakatingin ulit siya diretso sa akin. “Good evening,” bati niya, habang iniabot ang kamay niya sa akin. Napatingin ako sa kamay niya, at may parte sa akin na gustong umiwas. Pero dahil naririnig ko si Marlon na excited na excited, wala akong nagawa kundi abutin ang kamay ni Mayor. “Good evening din po, Mayor,” sagot ko, pinipilit kong gawing casual lang ang boses ko. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtitig sa akin. Parang may iniisip siya habang hawak ang kamay ko. Sandali lang ‘yun, pero ramdam ko ang bigat ng moment na ‘yun. Naramdaman ko na bumilis ulit ang t***k ng puso ko. “Anong pangalan mo?” tanong niya bigla. “Y-Yelena,” sagot ko, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. “Nice to meet you, Yelena,” sagot niya, sabay ngiti. Bumitiw siya ng dahan-dahan sa kamay ko at bumaling na sa ibang tao. Pagkatapos ng ilang sandali, kinaladkad na ako ni Marlon palayo, nag-eexcite pa rin. “Ate, nakita mo ba ‘yun? Nakipagkamay ka kay Mayor!” “Ah... oo nga, Marlon,” sagot ko, habang tahimik na iniisip kung bakit parang may kung anong kakaiba sa mayor na ‘yun. Nang makauwi kami, naramdaman kong hindi pa rin ako makakawala sa isipan ko. Si Mayor Vladimir Sergei Ivanov. Ano bang meron sa kanya at parang may hatak siyang ganun sa akin? Nakakalito, at hindi ko gusto ang pakiramdam na ‘to. Mali ‘to, Yelena. Umiwas ka na. Pero, sa totoo lang, kahit pilitin kong itigil ang pag-iisip, hindi ko maialis sa isip ko ang mga mata niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
92.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook