Chapter 6

1399 Words
“Kumusta first day?” Rafa asked habang naka-akbay sa ‘kin. “Walang katapusang introducing your name and writing your expectations!” Anas ko. “Kami rin naman,” saad ni Kiara. “Paano ‘yong introduction, Thirdy?” Untag ni Ian kay Thirdy. “Juan Theodore Fernandez, 69, Philippines! You can call me Thirdy, you can call me baby but I will never be your honey! Naniniwala ako sa kasabihang ang batang makulit tinitira sa pwet!” “Hoy!” Sita ni Kuya Rain. Napalingon ang iilan sa mga nakasalubong namin, ang lakas pa ng boses ng ayop. Nagsilayuan kaming magto-tropa kay Thirdy, iyong tipong kinakahiya makita ng iba na kasama namin siya pero syempre biruan lang namin “Hoy! Shuta kayo! Nang-iiwan kayo sa ere!” Tawang-tawang nagpatuloy kami sa paghakbang na ‘di siya pinapansin. Kasalukuyang naglalakad kami sa hallway ng mall patungo kaming magbarkada sa isang korean restaurant kung saan naisipan naming mag-lunch. Ilang saglit lang ay narating na namin ang Korean restaurant at kumakain na ng tanghalian. Tumatahimik lang talaga ang tropa pag kumakain na. “Daan muna akong department store, nasira dining table ko, palitan ko lang,” saad ni Rafa. Kakatapos lamang naming kumain ng lunch. Napakunot ang noo ko ng maliksing napalingon sa kanya ang mga kaibigan naming lalaki, sabay-sabay pa na para bang may bombilyang nag-pop up sa tabi ng ulo nila ng marinig ang sinabi ni Rafa. Pinanliitan nito ng tingin si Rafa kasabay ng nakalolokong mga ngiti tila ba may pinapahiwatig, kung ano man ay silang mga lalaki ang nakakaalam, hindi ko lang alam kung may idea ang ibang kaibigan naming mga babae o sadyang ako lang talaga itong inosente. “Gago! Dumi ng utak niyo!” “Why? What’s with the dining table para maging madumi ang utak?” Singit ko. “You don’t need to know. Bawal sa bata,” sagot ni Kuya Rain. “Bata?! I just turned eighteen-” “You’re still a kid.” I pouted my lips. Hindi na ako nakipagtalo pa kay Kuya Rain kapag ganyan ang mga sagutan niya seryoso na siya. “Ewan, ko sa mga ayup na yan! Kung ano-ano iniisip parang bibili lang ng dining table,” dagdag pa ni Rafa. “Ang tanong bakit nasira?” Tanong ni Uno. “Ewan, basta nung kumain ako nasira,” sagot ni Rafa. “Ano ba kasing kinain mo?” Singit ni Ian. “Talaba,” sagot ni Rafa tapos bigla na lang siyang ngumiti. Naiharang nito ang braso ng batuhin ito ng tisyu ni Rain. Natawa na lang rin ako ng magtawanan sila, ang hirap sumabay kapag inosente at walang alam. “Boys! Nasa hapag kainan tayo,” sita ni Ate Amber sa kanila. “Sila kasi kung ano-anong iniisip. Malinis ang utak ko hinahaloan niyo,” reklamo ni Rafa. “Weeh? Mamatay?” Tukso ni Kiro. “Hilig n’yong mamunas ng mga gawain n’yo tularan niyo si Thirdy nagbalik loob na kay San Pedro,” saad naman ni Rafa. “D’yan na nga kayo!” Pagkasabi’y tumayo ito at humakbang palayo. “Sama kami, Tol!” Hindi umimik si Rafa at patuloy lamang sa paghakbang. Isa-isa kaming nagsitayuan at hinabol si Rafa. Sumama na rin lang ako, ganito kami parang mga buntot ng isa’t-isa, kung nasaan ang isa kailangan nakabuntot ang lahat. Sarap ‘din kasi kasama ang mga gago, nakakawala ng stress. Laging may baong kagaguhan. Sumakay kami ng escalator. Nasa pinakataas ng mall ang floor ng mga furnitures. Hindi kami gumamit ng elevator dahil hindi kami magkasya lahat. Nauna kaming mga babae, sa gilid ko si Rafa, hinayaan ko siya ng akbayan niya ‘ko. “Uno! Dos! Thirdy! Zap! Ian! Rafa! Rain!” Napalingon ako sa kabilang escalator na pababa may mga grupo ng mga babaeng estudyante ang kilig na kilig habang nakatingin sa gawi namin. They waved at our direction. Halus mangisay ang mga ito ng lingunin sila ng mga kaibigan ko, napapailing na lamang ako. Kung saan-sang banda ng mall namin naririnig ang mga pangalan nila. Minsan meron kina Uriel at Kiro pero ‘yong mga alam na may mga karelasyon na ang dalawa ay umiiwas ng magpacute sa kanila. Wala rin naman silang makukuha sa dalawang ito dahil kahit anong tawag ang gawin nila hinding-hindi niyo sila makikitang lumilingon lahat ng atensyon nila ay nasa kani-kanilang mga girilfriend lamang. "Why do they act like that? Artista kayo?" Ewan, hindi ako masanay-sanay sa mga babaeng nagkakagusto sa kanila, iyong tipong mababaliw kapag napansin ng isa sa mga kaibigan ko. I find it really weird like what's so special about my friends? Katulad nila'y mga ordinaryong mga estudyante lang rin naman itong mga kasama ko na nag-aaral sa kaparehong school. “Naappreciate kasi nila kagwapuhan namin, kayo kasi naumay na,” natawa ako sa sagot ni Rafa. “Sinong hinid? When we've been together since we were kids.” “See?” Nakatatlong escalator pa kami bago narating ang pakay na floor. “Why do you need to shop here if you can order online? Less hassle pa,” I asked. “Kailangan pa kasing subukan kung matibay, ‘di ba Rafa?” Saad ni Uno sabay siko kay Rafa. Pagilid lamang siyang tiningnan ni Rafa at nagpatuloy sa paghakbang. “‘Di mo naman iyon magagawa thru online,” dagdag pa nito. Nagpatuloy kami sa paglalakad. May lumapit na isang staff ng mall. “Yes Ma’am, Sir, how may I help you?” She approached us. Nakita kong nagsikuhan ang ilan sa mga tropa ko. Akala mo’y ngayon lang nakakita ng maganda. “I’m looking for a dining table,” sagot naman ni Rafa. “Dito po, Sir,” sumunod kami ng igiya niya kami. “We have four to ten seaters, sir, ano po ba ang hinahanap niyo?” “Ikaw,” singit ni Uno. Sabay-sabay na napa-rolled eyes kami ni Kiara at Amber ng marinig ang diskarte ni Uno habang iyong babae’y namumula ang pisngi. Tsk, if she only knew. “Four seaters will do,” sagot ni Rafa. “I want a durable one,” dagdag pa nito. Sumunod kami ng lumapit ang babae sa isang dining table na gawa sa muwebles. “This one, Sir, siguradong matibay, po,” saad nito. “Hoy Thirdy, anong ginagawa mo d’yan?” Untag ni Kuya Ian. Napalingon kami kay Thirdy na tila tinatantya ang haba ng mesa. My forehead creased while figuring out what he was trying to do. Bahagyang nakataas ang dalawang palad nito na para bang hinahawakan ang invisible na bagay na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Maya-maya’y tinaas tinukod nito ang dalawang kamay sa mesa, tinaas nito ang isang tuhod sabay sampa sa gilid ng mesa at nagsimulang bumayo. “Hoy, gago!” “Thirdy, kadiri!” Sita ni Amber. Napa-facepalm ako when I got his point. Ito pala iyong sinasabi nila kanina, oh gross! “Ito tol, sakto lang ‘yong haba, matibay rin, kaya gang 69 rounds!” Anas ni Thirdy.. “Gago!” Nang makapili si Rafa ay binayaran na niya ito agad sa cashier at habang hinihintay siya ay napalingon ako sa bandang kaliwa ng mapansing tila may nakatingin sa ‘kin. Napasunod ako ng tingin ng mahagip ng mata ko si Sir Allaric, he isn’t alone, he’s with someone else. Mula sa kanya’y nalipat ang tingin ko sa kasama niyang babae, sa tangkad at hubog ng katawan nito ay malalaman mo agad na isang modelo, nakaakbay siya rito habang nakikipag-usap ang babae sa isang sales staff. Napadako ang tingin ko sa tinitingnan nilang gamit, it’s a queen size bed. Napatingin siya sa babae ng tila may tinatanong ito sa kanya. Tumango siya sabay abot ng hawak niya sa sale’s staff na hula ko’y isang credit card. “Damn, is he married?” Wala sa sariling saad ko. Muli’y naramdaman ko iyong pamilyar na kirot sa puso ko, mas dama ko nga lang ngayon. “Who?” Untag ni Rafa. Tapos na pala itong magbayad. Muli niya ‘kong inakbayan sabay giya sa ‘akin paalis. “Wala,” tanging saad ko. “Let’s go,” saad niya. Napasunod ako kay Rafa, nakita ko ang pag-angat ng tingin si Sir Allaric sa ‘kin, muling nagtagpo ang mga mata naming dalawa, nakita ko ang pagdilim ng mga iyon ng lumipat ang mga ito sa braso ni Rafa na nakaakbay sa ‘kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD