Shine’s POV
Nasaktan ako ng slight, slight lang naman, parang kagat lang ng langgam pero hindi nabawasan ang nararadaman kong crush sa kanya. Ewan, gustong-gusto ko talaga siya. Wala naman sigurong maling magka-crush sa may girlfriend, ang mali ay kahit na alam mong may girlfriend ay nilalandi mo pa rin, ganun! Pero hindi rin naman ako sigurado kung girlfriend niya iyon, pwede rin namang kaibigan o kapatid kung ang pagbabasehan ko ay ang pag-akbay nito dahil ganun din naman ang mga tropa ko sa ‘kin. Hala, Shine, i-justify mo pa! A basta! Hindi magbabago ang nararamdaman ko, crush ko pa rin siya!
Second day of school, of course ma-aga akong nagising. Unang beses na naunahan ko pa ang pag-alarm ng alarm clock ko sa pag gising ko. Malamang inspired, eh! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako sobrang excited pumasok sa klase. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig– Pagibig! Sigaw ko sa isipan.
I was drying my hair when my mom came in. Tinignan ko siya mula sa salamin sa vanity table ko sa harapan ko kung saan ako nakaupo habang inaayos ang buhok ko. I saw the surprise in Mom's eyes when she saw that I was already awake and dressed for school.
“Good morning, mommy!” Masiglang bati ko sa kanya.
“Milagro at ang aga mong nagising, iyan ba ang nagagawa ng first day of school mo kahapon?” saad ni mommy sa ‘kin. Kung sana’y pwede kong sabihin sa kanyang inspired ako sa bago kong Prof kaya excited akong pumasok pero wag na lang at baka ma-share niya sa tatay kong nagiging beast mood pagdating sa mga ganito.
“Of course mom, I'm in college now, I realized that I’m not a kid anymore, that I should be more responsible with myself,” saad ko pero ang totoo, excited lamang makita si Sir Allaric.
“Awe…You’re really not a baby anymore, ” Napahawak sa dibdib niya si Mommy. Humakbang siya at lumapit sa ‘kin. I turned off the blower when she hugged me from behind, I tilted my head on the side when she kissed my cheeks. Nakangiting napatitig ako sa mga mata niya sa reflection nya sa salamin, nakalapat ang pisngi niya sa pisngi ko, kita ko ang magkahalong saya at lungkot sa mga mata niya.
“But for me, you will be forever my baby,” I smiled, just what my dad said to me as he danced with me during my debut.
“Wag ka munang mag-boyfriend, utang na loob, wag mong gayahin si mommy,” bahagya siyang natawa.
“Why mom? Did you ever regret marrying Daddy at a very young age?” Nahinto si Mommy, napatitig siya sa mga mata ko. She smiled.
“Never… It will never happen. Marrying your dad was the best thing I ever did regardless of my age, ” I could see in her eyes that she was telling the truth; her eyes were happy as she answered my question. I also felt that her response came from the heart. “Pero may mga bagay na labis kong pinagsisihan dahil naging mapusok ako pero hindi kailanman ang makasal sa Daddy mo. I was just really young when I married your dad. I don't regret it, but there are many things I didn't get to do because I married early. I could have enjoyed my teenage life, but you were the ones I got in return, you and your siblings. I would never trade the happiness you brought into my life for the years I should have been enjoying my youth. It's not easy to get married at a young age, anak. It was a huge adjustment for me, especially since I was the princess in the family. Maraming mga araw na napagod rin ako, I'm just really lucky that it was your dad I married because he gave me his very best. Iyong mabibigat, nagiging magaan, ang mahirap nagiging madali dahil may katuwang ka.”
“So, it doesn't really matter how young or old you are when you get married; what matters is who you marry, right, mom?” Muli’y napatitig siya sa mga mata ko. From the reaction in her eyes, I knew I had made my point.
“Oo, pero mas maigi pa rin iyong handa ka nang yakapin ang responsibilidad sa pagiging asawa at pagiging ina. It's important to have enjoyed everything you wanted before settling down kaya utang na loob wag muna, okay? Hintayin mo muna na makapag-move on ang mommy na hindi ka na bata at matanggap na dalaga ka na,” puno ng paglalambing niyang saad.
“I love you, Mommy,” tugon ko sabay ngiti.
“I love you more, baby.” Napapikit ako ng muli niyang hagkan ang pisngi ko.
“Thank you, Kuya Ben!”
Saad ko nang pagbuksan niya ako ng pinto sa backseat ng sasakyan. Bumaba ako, lumapit si Kuya Rain sa ‘kin at inakbayan niya ‘ko. Sabay naming tinungo ang tambayan.
“Good morning, guys!” Bati ko sa kanila. Tumayo si Uno upang makaupo ako. Nanatiling nakatayo naman si Kuya Rain dahil wala ng upuang bakante.
“Thanks, Uno!”
“No problem, gentleman tayo, e,” mayabang nitong saad.
“Gentleman pero nangwawasak,” singit ni Kuya Rain.
“They ask for it, Rain! As a gentleman, I simply gave them what they wanted. Parang ‘di mo gawain no?- Aw!” Impit ni Uno sabay sapo sa tiyan niyang natamaan ng pitikan iyon ng likod ng palad ni Kuya Rain.
“Gago!” Mura ni Kuya Rain sa kanya.
Nilabas ko ang cellphone mula sa bag ko at nagsimulang mag-scroll sa Instabook. Katabi ko si Rafa, hinayaan ko siya ng ilagay niya ang baba sa balikat ko at nakinood sa pinapanood kong video.
“Ang gwapo talaga ni Sir!”
Nag-angat ako ng tingin ng marinig ang malakas na boses ng mga estudyanteng babae. I followed where they were looking and then I saw him walking, Sir Allaric. It was just a regular walk, but I could feel the power of his presence, effortlessly drawing the attention of everyone around him. He had a natural charisma that seemed to magnetize people and make heads turn and conversations pause. He suddenly glanced in my direction. It felt like my world stopped spinning when our eyes met. Then his gaze shifted again to Rafa beside me, his gaze sharpened, his jaw tightened, and his brows furrowed.
Napaayos ako ng upo, I suddenly distanced myself from Rafa. Ewan, but his gaze conveyed that he didn't like Rafa being close to me as if he's ordering me to keep my distance.
“Bakit?” Rafa asked. Nag-alis ako ng tingin kay Sir Allaric at nilingon si Rafa sa tabi ko.
“Huh? Anong bakit?”
“Ba’t ka lumayo bigla, muntikan pa ‘kong masubsub,” masyado ba ‘kong obvious at nakahalata agad si Rafa?
“Hala sorry, biglang sumakit likod ko kasi,” pagsisinungaling ko.
“Uno,” napatingin kaming lahat sa babaeng tumawag sa pangalan ni Uno. Saglit kong nilingon si Sir ngunit wala na siya sa kung saan ko siya nakitang naglalakad kanina.
“Lusutan mo nga pagiging gentleman mo ngayon,” panunukso ni Kuya Rain.
“You’re doomed, Uno!” Tukso ni Rafa kay Uno.
“Kilala n’yo siya?” Tanong ko kay Rafa.
“Si Uno, tanungin mo,” sagot nito.
“Can we talk?” The girl asked.
Saglit na sinulyapan ni Uno ang wrist watch niya, marahil ay tinignan kung may natitira pa siyang oras bago ang unang klase.
“Sure, come here,” nauna si Uno maglakad, sumunod ang babae. Huminto sila sa malaking kahoy ilang metro mula sa tambayan upang doon mag-usap.
Huling tiningnan namin sila nag-uusap pa ngunit nang tingnan naming muli nagyakapan na.
“Mukhang, nalusotan na naman ng gago pang-gagago niya,” natatawang saad ni Kuya Ian ngunit ang sunod na nangyari ay nagpatayo at nagpaalerto sa mga kaibigan kong lalaki ng biglang sinugod si Uno ng tatlong lalaki.
“F*ck!” Anas ng tropa sabay takbo ng simulan itong suntukin ng isa sa mga lalaki. Natumba si Uno, hinawakan ito ng dalawa pa at pinatayo.
“Hoy, tigil n’yo yan!” Sigaw ni Rafa.
“Walang manununtok, aawat lang!” Paalala ni Kuya Rain. “Nasa campus tayo mga pre!” Dagdag pa nito.
“Girls, you stay!” Utos ni Kuya Ian. Nahinto kaming apat ng harangin kami nina Kiro at Kuya Ian. Pagganitong may rambulan, ayaw nilang nasa malapit kami at baka madamay pa.
“Stop it, Van!” Rinig kong sigaw ng babae sabay hila sa damit ng lalaki.
“Ito ‘yong pinalit mo sa’kin?” Galit na sigaw ng lalaki sabay turo kay Uno.
“Ito ‘yong iniyakan mo? Mukhang tsonggo?” Banat ni Uno.
“Hoy, Uno, powtah!” Sita ni Rafa.
Mas lalong nagalit ang lalaki. Aawat lang ang plano ng tropa ngunit ng makawala ang lalaki at muling sinugod si Uno ay kay bilis na lumipad ng kamao ni Thirdy sa pisngi nung lalaki na ikinatumba nito.
“Hoy, gago! Aawat lang tayo!” Anas ni Kuya Rain.
“Sorry pre, inunahan ko na, baka maging tsonggo tulad niya utol ko,” saad ni Thirdy.
“Gago ka talaga, Thirdy!” Anas ni Uriel.
“Dean's Office is waving again!” Anas naman ni Zap.
Tumayo ang lalaki ngunit napaatras ito ng makita sina Thirdy, Dos, Kiro, Uriel, Zap at Kuya Rain nakatayo sa harapan niya.
“Wag mo nang subukan, ayaw namin ng gulo,” saad ni Zap.
“Pakawalan n’yo yan,” utos naman ni Kuya Ian sa dalawang lalaki.
Pinakawalan naman ng dalawang lalaki si Uno ng makita ang tropa at dinaluhan ang natumbang kasama. Sinapo ni Uno ang pangang tinamaan kanina.
“Van, agrabyado tayo, mas marami sila,” saad ng isa sa humawak ni Uno. Galit na binalingan ng tinatawag nilang Van si Uno tapos si Thirdy.
“Mas agrabyado naman kami pagnakipagsuntukan sa inyo, sa gwapo namin kumpara sa mukha niyong tila dumaan sa digmaan, hindi pa nga nasuntok namamaga na-”
“Thirdy! Awat na!” Sita ni Kuya Ian. Dama ko ‘yong inis ni Van at ang nais nitong sugurin si Thirdy pinigilan lang siya ng mga kasama niya.
“Ayaw namin ng gulo lalo na sa loob tayo ng campus. Maybe we can discuss this outside after class,” saad ni Kuya Ian. Tinignan lamang si Kuya Ian sa nagngangalang Van saka galit na umalis kasama ang tropa ngunit nag-iwan ng nagbabantang tingin.
“Hoy ba’t ang sama mo tingnan– este, ang sama mo tumingin-hmpt!”
“Awat na nga, Thirdy! Kulit!” Tinakpan ni Kuya Rain ang bibig ni Thirdy sabay hila nito pabalik sa tambayan.
Mabuti na lang at hindi umabot sa Dean’s Office ang gulo pero mukhang madaragdagan na naman ang mga galit sa tropa.