Chapter 5
Shine’s POV
“Aaaaaack!”
Tili ng mga classmate kong babae habang ako’y nanatiling nakikipagtitigan sa kanya. Assuming lang ba talaga ako pero bakit pakiramdam ko ako iyong tinutukoy niyang future wife? Hala! Asa ka! Agad na sita ‘ko sa sarili.
“Sir, baka ako ‘yan!”
“Ay! Ako na yan!”
“Luh! Asa kayo, e ang papangit n’yo!” Bara ng babaeng nasa harapan ni Johanna kahanay ko. “Can't you see?It's too obvious–Nakatingin lang naman si Sir sa ‘kin! Kaya wag na mangarap ng gising, ha! Saka na kayo mangarap pag napantayan n’yo na ganda ko,” maarteng saad nito.
“Napakafeeling maganda talaga nitong si Shainor,” rinig kong bulong ni Melay sa likod.
“Dati na talaga siyang ganyan, highschool pa lang,” saad naman ni Josephine.
“Sa’ng banda?” Napalingon ako kay Jean ng magsalita ito. Sinadya talaga nitong lakasan ang boses upang marinig ni Shainor.
“Anong sa’ng banda? Bulag ka ba? Kita mo sa direksyon ko nakatingin si Sir!”
“Sa’ng banda ‘yong ganda,” bara ni Jean. Napaawang naman ang labi ng babae habang kay lakas ng tawanan ng mga kaklase ko.
“Have your eyes checked! Libre ko na sa pagmamay-ari ng pamilya kong eye clinic,” saad ni Shainor.
“No, thanks, I just had 20/20 vision surgery on my eyes kahit na pores mo klarong-klaro. I suggest you better change your foundation nagmamantika mukha mo,” nakagat ko ang pang-ibabang labi parang ako iyong nasasaktan sa mga binitawang salita n Jean. Grabe naman ng bibig nito. Kakatakot kalabanin, saad ko sa isipan.
“You b***h-”
“Stop it!” His deep voice resonated through the room, commanding attention with ease. Natahimik naman ang mga kaklase ko. “Let me remind you, you're no longer in high school; you're already a college student, so please stop being childish and act your age,” dagdag pa niya.
How about maging baby, Sir? Maging baby mo? Nais ko sanang isatinig pero nasa tamang katinuan pa naman ako.
He stood up. Walang hindi mapapasunod ng tingin, the power that he holds just f*cking strong! He rolled up the sleeves of his white long sleeve polo shirt to his elbows. Sinunod niyang kalasin ang unang tatlong botones ng polo shirt, and I noticed how effortlessly he did it, ang swabe ng galawan niya, nakakatuyo ng lalamunan. Bawat galaw niya’y tila napapasunod ang mga mata ko, admiring how he carries himself.
Muli siyang nagsalita ngunit wala akong maiintindihan sa sinasabi niya. Every gesture, every glance, only made him more captivating. It was clear that he held everyone's focus but for me, it was more than that— I was completely mesmerized
“Get one fourth sheet of paper and write down your expectations for your classmates, your subject,” muli’y nagawi ang mga mata niya sa 'akin at sa tuwing magtatama ang mga mata naming dalawa, I felt a rush of excitement just like how I felt on our first met, It was like everything else disappeared and there was just us, sharing a moment. It made me feel both excited and a little vulnerable, but I couldn't help but crave more, more attention from him… “and of course for me…” He added. I unconsciously licked my lower lip as his gaze shifted slowly from my eyes down to my lips, I noticed the tightening of his jaw as he saw what I just did.
Kay bilis niyang nag-iwas ng tingin na para bang may kung anong nagawa akong ‘di niya dapat makita. Nanatiling nakasunod ang mga mata ko sa bawat galaw niya na kahit ang paggalaw ng adam’s apple niya’y hindi nakaligtas sa mga mata ko ng mapansin ang paglunok niya. It was a simple gesture, yet it held a power over me, igniting a fire within that I couldn't quite extinguish.
D*mn him! Ano ba ‘tong ginagawa niya sa ‘kin, kay layo ng distansya naming dalawa ngunit nagagawa niyang painitin ang katawan ko…
“Start now!” Pagkarinig ng sinabi niya’y nakagulo muli ang klase. May naririnig akong humihingi ng papel, humihiram ng ballpen, kung anong isusulat.
“Soledad, gawan mo rin ako bayaran kita limang libo,” napangiwi ako ng marinig ang sinabi ni Johanna. Is she serious? Tanong ko sa isipan.
“Ang dali lang naman gawin n’yan, your own thoughts lang naman ‘yan!”
“Duh! As if I didn’t know, piece of cake, kapagod lang magsulat,” saad ni Johanna.
“Ang tamad-tamad mo talaga! Bahala ka d’yan!”
“May lifeline ba rito? Pwede bang call a friend? Tawagin ko bodyguard ko to write,” napapailing na lamang ako habang naririnig ang mga hinaing ni Johanna. “Sir,” she raised her hand.
“Yes, Misssss…”
“You can call me, Darling, Sir,” pilya nitong sagot. Natawa ang buong klase.
“Luh, asa!” Singit ni Shainor.
“What’s your question?” Tanong ni Sir.
“Can I just send it your email, I’m not in the mood to write-”
“No.” Bara ni Sir.
“Sabi ko nga. Madali naman akong kausap,” tanging nasabi ni Johanna.
Nagsimula na akong magsulat. Ang bilis kong naisulat ang mga expectations ko para sa mga classmates ko at sa subject pero pagdating sa teacher ba’t ang hirap? How will I write that I am expecting him to fall in love with me too, aaack! Sh*t kinikilig ako, bwesit! Nakagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling ngumiti mabuti na lamang at nakayuko ako ngunit nahinto ako ng maamoy ko ang isang pamilyar na pabango, napapikit ako nang manuot ito sa ilong ko, d*mn, ang bango niya talaga!
“Do I have my name on your paper?”
“Sir?” Sa gulat ko’y napatingala ako sa kanya bahagya kong naiatras ang ulo ng mapansing ang lapit na lamang ng distansiya ng mukha niya sa ‘kin. Tila nakukuryenteng napaiwas ako ng dumikit ang likod ko sa kamay niyang nakahawak sa sandalan ng umpuan ko ng maramdaman ko ang pag-spark. How the hell didn’t I notice him getting closer?
“You’re smiling, I wish I was the reason” he said softly. My lips parted slightly, I was at a loss for words. Did I hear it right, or was it just part of my hallucination? Kay lakas ng bawat sipa ng puso ko, nakakabingi, sumasakit. His gaze was intense, unwavering, as if he was trying to read every thought and emotion written on my face and with each passing moment, I found myself drawn deeper into his stare, losing track of time and space as if nothing else mattered in that instant except for the connection we shared through our locked gazes.
“Sir! One fourth, Sir!”
Sobrang pasalamat ko sa sigaw na ‘yon dahil baka kung hindi’y tuluyan na ‘ko nalunod sa mga titig niya. I noticed the annoyance in his eyes as he looked away from me; I felt the sudden pang of disappointment as he abruptly broke our eye contact.
“Yes,” I sensed the frustration he was holding back. Umayos siya ng tayo.
Muling napayuko ako sa sinusulat ko, I closed my eyes and exhaled. I let out the breath I didn't realize I was holding, d*mn!
“Time’s up! Let's start with the first row. Please stand at the front and introduce yourselves, then read out your expectations.”
Muling umupo siya sa harapan ng table kagaya kanina, arms crossed in front of his chest. Isa-isang tumayo ang mga kaklase ko upang ipakilala ang sarili at basahin ang expectations. While waiting for my turn, I discreetly steal glances at him. Every time he glances in my direction, I quickly shift my gaze to the student standing in front pretending as if nothing happened.
Nasa classmate ko ang tingin ngunit wala roon ang atensyon ko kung hindi kay Prof, naghahanap ng tyempo upang matitigan siya muli. Pinalipas ko ang limang minuto at muling sinubukang tingnan siya ngunit sing bilis ng kidlat ng magtingin ko’y nakatitig siya sa ‘kin.
“Hi! I’m Shainor, to know more about me just follow me on my Instabook Shinorprettygorgeous, I have 328 thousand followers, there are still a lot of rooms for you guys. Search me now and start stalking, as in now, na!” She demanded. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nangti-trip lang.
“Galing ba ‘tong mental,” singit ni Jean.
“GGSS grabe,” saad naman ni Johanna.
“My expectations from my classmates, of course all of the boys are into me and all of the girls want to be like me, simple,” napapailing na lamang ako.
“Ipasok niyo na ‘yan ulit!” Rinig kong komento ng isa sa mga kaklase ko.
“I think she forgot to take her meds,” saad naman ng isa pa ngunit tila walang narinig si Shainor.
“With the subject, nothing but with the teacher, I expect us to get married soon, that’s all, thank you!”
Until it’s finally my turn. Tumayo ako at humakbang patungo sa harapan, kinakabahan, nakayuko ako dahil iniiwasan kong mag-tagpo muli ang mga mata naming dalawa, dama ko kasi ang paninitig niya. Sinadya kong tumayo malayo sa kanya dahil pakiramdam ko ang sikip kapag malapit kami sa isa’t-isa, nahihirapan akong huminga.
“Hi! I’m-” Nahinto ako ng magsalita siya.
“You’re quite distant. Could you please come closer?”
Mas lumakas ang kaba ko. Napilitan akong sundin ang sinabi niya. Lumapit ako at huminto sa tabi niya, nasa likod ko siya, isang pulgada lang siguro ang layo ko sa kanya dahil dama ko ang init ng hininga niya sa batok ko and it gives me goosebumps…
“Perfect,” he whispered.
“H-hi! I’m Shineecah Jasmine Hernandez, you can call me Shine–”
“Hi Shine!”
“I wish you’re single!”
“Crush name, unlock!”
“If only it’s legal to rip all their necks,” yung sinabi niya parang sumabay lang sa hangin, sa hina ako lang yata ang nakarinig ngunit dama ko ‘yong inis.
“My expectations are… I expect my classmates to be respectful and supportive. I hope we can all work together, share ideas and help each other succeed. I expect the subject to be challenging yet interesting, providing valuable knowledge and skills that I can apply in real life. And to our teacher...." I paused for a second. "I expect him to be approachable and encouraging, offering guidance and support whenever needed."
“Thank you, Ms. Shineecah.”
I was about to go back to my seat when he extended his hand. Nahinto ako at napatingin sa kamay niya.
“You’re paper,” saad niya.
“Oh,” saad ko sabay bigay sa kanya sa hawak kong papel. Kay bilis kong binawi ang kamay ng sadyain niya itong hawakan, hindi dahil ayokong hawakan niya ‘ko kung hindi dahil muli kong naramdaman ‘yong kuryente. Sinadya man niya o hindi, nagulo nito ang mga nilalang sa tiyan ko.
Kay laki ng hakbang ko pabalik sa upoan ko. Insaktong pag-upo ko ay ang pagtunog ng bell hudyat na tapos na klase.
“Pass the papers to everyone who hasn't introduced themselves yet, the rest you can go.”
“Can I stay, Sir?” Shainor asked.
“Of course you can,” sagot ni Sir.
“With you?”
Napailing si Sir.
“Sino sila? Ang gagwa-gwapo!” Paglingon ko sa labas ng classroom napaismid ako ng makitang ang pinagkakaguluhan nila ay ang mga tropa kong lalaki.
Kinuha ko ang bag at sinukbit sa balikat ko. Ang plano ko’y nanakawan ko ulit ng tingin si Sir but little did I know he was already staring at me, our eyes locked again, walang nais mag-alis ng tingin, tila ba’y nagkakaintindihan ang mga mata naming dalawa, pakiramdam ko dama niya ang nararadaman ng puso ko. Kay raming estudyanteng nasa harapan niya ngunit sa ‘kin lamang ang mga mata niya, nakasunod hanggang sa lagpasan ko ang table niya.
I bit my lower lip as I discreetly smiled. It seems like this whole semester is going to be fun.