Prologue
Kay lakas ng buhos ng ulan na tila ba may paparating na bagyo. Ang lakas rin ng hampas ng hangin, kumikidlat, kumukulog na para bang sinasabayan ang nararamdaman ng puso ko.
Tatlong oras na ‘kong nakaupo sa loob ng kotse ko habang nakatanaw sa kanya mula sa glass wall ng pagmamay-ari niyang coffee shop. Nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba ang planong magpakita sa kanya at makipag-usap. Nagtitipon pa ‘ko ng lakas ng loob, parang ulap, dumadagundong rin ang puso ko sa lakas ng pintig nito. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman, napakabigat, natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Hindi kasi lingid sa ‘kin ang galit at puot na nararamdaman niya sa ‘kin pero naiintindihan ko kung saan galing ang galit niya sa ‘kin...
Hindi ko hiniwalay ang mga mata ko sa kanya. Kahit saan siya magpunta, kahit anong ginagawa niya’y nakasunod ang mga mata ko. Pinagsawa ko ang sariling matitigan siya. Ni ang kumurap ay ‘di ko magawa. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na makita at mapagmasdan siya muli sa malapitan.
Ilang taon na ba ang nakalipas? Tila kay tagal ngunit yung nararamdaman ko sa kanya’y ‘di man lang nagbago, mas minahal ko pa nga siya…
I gazed at his handsome face. Despite the passage of time, he retained that timeless appeal that makes him undeniably attractive. His smile is still capable of lighting up the room. He's like fine wine, the years only adding depth and complexity to his already irresistible charm. He’s aging gracefully yet retaining that irresistible allure that makes heads turn wherever he goes, bakas iyon sa mga mata bawat babaeng nasa loob ng coffee shop na halos maghubad na lamang sa harapan niya mapansin lamang niya, halos sambahin na siya ng mga ito.
Mapait akong ngumiti, nakikita ko ang sarili sa mga babaeng humuhanga sa kanya, I am one of those women, noon hanggang ngayon… Ang pinagkaiba lang, minahal niya ‘ko.
Saglit kong sinulyapan ang oras sa dashboard ng kotse ko, it was quarter to ten already, magsasara na siya. Isa-isa na ring nag-si-alisan ang mga customers niya at ilan sa mga kasama niyang staff. Hinihintay kong maka-alis ang lahat at maiwan siya. Nagbabakasaling bigyan niya ko ng chance para kausapin siya.
Habang tumatakbo ang oras ay mas pabilis ng pabilis naman ang kalabog ng puso ko. Nakailang buga na ‘ko ng hangin sa dibdib upang ikalma ang nararamdaman ko ngunit mas lalo lamang itong naghuhurumintado. Para akong bumalik sa pagiging estudyante niya na sa tuwing tinatangka kong lapitan at kausapin siya’y tila may nag-uunahang kabayo sa puso ko sa lakas ng lagabog o kahit ang matitigan lang niya namumutla na lang ako bigla.
Hanggang sa umalis ang kahuli-huliang customer niya. Mag-isa na lamang siya. Isa-isa na niyang binaba ang mga blinds ng glass wall.
“C’mon Shine! It’s now or never!” Untag ko sa sarili nang ‘di ko pa rin magawang kumilos upang puntahan siya. “Do it, now!”
Napapikit ako. Kay higpit ng hawak ko sa magkabilang gilid ng steering wheel. Muli’y malakas akong napabuga ng hangin sa dibdib.
“Balaha na!”
Pagkasabi’y dali-dali kong binuksan ang pinto ng driver seat ng sasakyan ko. Napasinghap ako ng agad na maramdaman ang malalaking patak ng ulan. Bumalot ang lamig sa buo kong katawan.
Patakbo kong tinungo ang main door ng coffee shop. Nakayuko, inabot ko ang door handle at basta ko na lamang tinulak ang isang bahagi ng babasaging pinto ngunit tila may nakaharang at ayaw mabuksan kaya nag-angat ako ng mukha bahagya pa akong nagulat ng pag-angat ko’y malamig na titig niya ang sumalubong sa ‘kin.
Nahinto ako, dinig na dinig ko ang malakas na sipa ng puso ko, naestatwa ako bigla, parang magnet na ‘di ko magawang maalis ang tingin ko sa kanya. Kay riin ng mga titig niya sa mga mata ko, tumatagos, ngunit yung mga nakaukit sa mga mata niya’y kabaliktaran ng sa akin, kung puno nang pagmamahal, pangungulila at pananabik ang akin, sa kanya’y kay lamig, blanko, tila ‘di niya ako kilala, na para bang ‘di ako naging parte minsan sa buhay, na para bang ‘di ako naging mundo niya, na para bang ‘di niya ako kailanman minahal. . .And it sting my heart… It f*cking hurt me!
“We’re close,” malamig niyang tugon.
“I still have three minutes-”
“I can’t take order-”
“Can you just let me in, it’s really cold, please, I got a flat tire,” pagsisinungaling ko.
Saglit na ‘di siya kumibo. Tila nag-iisip. Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig.
“Please?” Pakiusap ko. “And another thing, my phone is dead, makikitawag sana ako-”
“Can’t you charge your phone in your car?”
“I left my charger,” patuloy na pagisisnungaling ko.
Natahimik siya. Muli’y walang expressiong tinitigan niya ‘ko while I was silently praying. Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibabang labi, like I was begging him.
Nag-alala ako bigla ng makita ang pagtagis ng bagang niya kasabay ng mabilis na pag-alis niya ng tingin sa ‘kin. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin ng basta na lamang niya akong tinalikuran at umalis.
Nakabukas na naman ang pinto kaya pumasok na lamang ako sa loob. I was huggingmyself nang sumalubong sa’kin ang lamig ng buga ng aircon sa loob shop. Domuble iyong naramdaman kong lamig sa katawan dahil medyo nabasa yung katawan ko sa buhos ng ulan.
Ginala ko ang paningin sa loob ng shop. Ang sarap sa mata ng kulay ng pintura at ng mga kagamitan niya sa loob nito. Nakaka-relax ngunit mas nakuha ang atensyon ko sa isang spot ng shop na may nakalagay na “Expresso yourself.”. Kung saan may isang wall na puno ng iba’t-ibang kulay ng mga sticky notes. May mga nakasulat sa mga ito. Tinangka kong lumapit upang basahin sana ang mga iyon ngunit nahinto ako ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko.
Walang pasabing inabot niya sa’kin ang puting towel. Mabilis ko iyong sinalo ng bitawan niya at umalis. Napangiti ako. Ibig sabihin concern pa rin siya sa’kin kahit papano. Binalot ko sa katawan ang puting towel.
Muli’y sinundan ko siya ng tingin. Mas aninaw ko ang gwapo niyang mukha ngayong nasa malapit lamang siya. Kay tikas pa rin niya, nagmature ang ilang feature ng kanyang mukha ngunit imbes na mabawasan ang kagwapuhan ay mas lalo lamang siyang gumwapo sa paningin ko.
Nasa loob siya ng counter, nakayuko habang may nililigpit. Kinuha ko ang pagkakataong iyong titigan siya ngunit tila ay naramdaman niya ang ginawa ko. Ginalaw nito ang mga mata at tinignan ako, nahuli niya ang paninitig ko, kay talim ng mga titig niya.
“What? What’s your plan? Do your thing now, ‘di ba tatawag ka? Do it now. I’ll close the store at ten,” malamig niyang saad ngunit bakas ng inis ang tono ng boses niya.
“Oh, sorry, t-thank you,” saad ko. “A-ahm w-where’s your telephone-”
“In front of you,” agad na dumako ang tingin ko sa harapan ko. Napapikit ako sa katangahan ko. Humakbang ako palapit sa phone na palapit rin sa kinatatayuan niya. Mas lalo akong napapikit ng malanghap ko ang pabango niya, it’s new, hindi na yung pabangong pinili ko para sa kanya but still he smell so good.
I picked up the phone. Kunwari I dialed a number pero wala talaga akong balak na tumawag na kahit na sino. Nag-iisip na ako kung kaninong pangalan ang gagamitin ko.
“Hey, Uno, It’s Shine!” Kunwari ay saad ko sa kabilang linya. Tinignan ko siya. Muli’y nakita ko ang pagtiim ng bagang niya. “Na flat yung gulong ko, can you pick me up? I’m at Safe Haven Coffee Shop. Thank you.”
Binaba ko ang phone. Muli’y sinulyapan ko siya. Abala muli siya sa kanyang ginagawa. Ewan kay hirap pigilan ang sariling titigan siya.
“You can probably wait insider your car now. Magsasara na ako,” untag niya sa ‘kin na ‘di ako tinitignan. Hindi man diretso pero ang sakit pala pag yung taong sobrang mahal mo ang magtataboy sa ‘yo.
“C-can I stay for at least five minutes until my help comes?”
Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo kong hinintay ang maging sagot niya. Lihim naman akong dumadalangin na sana’y payagan niya ‘ko.
“Five minutes,” lihim akong nagdiwang ng marinig ang sinabi niya.
Muli’y pumailanlang ang katahimikan.
Nag-iisip ako kung paano sisimulan. I shouldn’t waste time, I only have five minutes and I don’t want to spend it just staring at him.
“Kumusta ka na?”
Hindi siya sumagot.
Naghintay ako ngunit tila wala siyang balak na kausapin ako. Dama ko ang hindi niya pagka-interesadong kausapin ako.
“I miss you-”
“What do you really need?” Bara nya sa ‘kin. “So you can leave,” nag-angat siya ng tingin sa ‘kin. Inis niya ‘kong tinignan. “A flat tire right in front of my own coffee shop? What a coincidence, right?” Gumuhit ang mga linya sa noo niya. Tinitigan ko siya sa mga mata, kay riin ng mga titig niya, tumatagos sa buong pagkatao ko. Hindi ako makapagsalita. Natatalo ako sa nararamdaman kong kaba.
“What? You're just gonna stare at me, huh? You wasted your time coming here just to stare at me? Really?”
I cleared my throat at napalunok. Sinubukan kong ibuka muli ang mga labi ngunit ba’t kay hirap. Naluluha ako, d*mn! Ilang segundo ang lumipas ngunit nanatiling wala akong imik.
“What?”
Kay dami kong nais sabihihn ngunit ‘di ko alam kung paano sisimulan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
“Ano!” Nagitla ako ng lumakas ang boses niya. “Kung wala kang sasabihin pwede ba umalis ka na!”
“Mahal pa rin kita!” Wala sa sariling sambit ko. Tila kusa lamang iyong lumabas sa bibig ko. Tila presong nakawala sa kanyang selda at basta na lamang kumaripas ng takbo ang mga salitang iyon palabas sa labi ko. Mga salitang kay tagal na nakatago.
I was breathing heavily. Agad na bumalong ang luha sa mga mata ko. Iyong puso ko punong-puno, mas naramdaman ko ang bigat, ang sakit, ang lungkot, ang pangungulila.
I quickly wiped away the single tear escaping from my eye.
“Mahal?!” He laughed bitterly. “Are f*cking kidding me?!” Malutong niyang mura. Tumaas ang isang gilid ng labi niya at saglit na napapikit. His jaw clenched. Nagmulat siya ng mata at tinignan ako. He tilted his head slightly on the side. “Alam mo tahimik na buhay ko, masaya na ako,” dama ko ang galit niya. “Kaya pwede ba, utang na loob, wag mo nang guluhin!” gigil at diin niyang saad sa ‘kin. “Now, get the f*ck out of here,” taboy niya sa’kin.
Muli’y tumulo ang luha sa mga mata ko. Muli’y mabilis ko iyong pinunasan.
“I'm sorry for not being able to make it that night-”
“Oh! That f*cking night,” mahina ngunit may diin, nasa kawalan ang mga titig niya, inalala ang gabing iyon, his jaw tightened. His bloodshot eyes appeared, revealing the anger and resentment hidden in his cold gaze earlier. Ginalaw niya ang mga mata at tinignan ako, kay dilim ng mga titig niya sa ‘kin, kay layo sa kung paano niya ‘ko titigan noon na puno ng pagmamahal. “Yung gabing pinagmukha mo ‘kong tanga,” umiling ako kasabay ng muling pagtulo ng mga luha ko.
“No-”
“Shut up!” Muli akong nagitla ng muling lumakas ang boses niya. “Whatever your reasons are, I don’t f*cking care! That was f*cking eight years ago! It doesn’t matter to me right now! So please just f*cking, go! Get the f*ck out of here! Get the f*ck out of my life!”
Pinaglapat ko ang dalawang palad dinala ko iyon sa ‘king mga labi, begging him.
“Pakinggan mo muna ako, please, I’m begging you-”
“Pakinggan? Ang kapal mo!”
Napaatras ako ng lapitan niya ‘ko.
“How dare you ask me for something you once refused to give! Ako ba pinakinggan mo? Araw-araw, gabi-gabi, ulan, init, tiniis ko, nagmumukha akong tanga sa labas ng bahay niyo nagmamakaawang kausapin mo pero minsan ba pinagbigyan mo ‘ko! Ha!? Shine!” Nakatitig lamang ako sa kanya habang patuloy na lumuluha. Tinatanggap lahat ng masasakit niyang salita. Hingal nang huminto siya. “Get the f*ck out of here. We have nothing left to talk about.You ended everything the night you turned your back on me,” pagkasabi’y tinalikuran niya ako at tinangkang umalis.
Nahinto siya sa paghakbang ng mabilis ko siyang niyakap mula sa likuran.
“No, please! I tell you everything, just give me chance to explain, Gavin-” nahinto ako ng malakas niyang kinalas mga braso kong mahigpit na nakayapos sa tiyan niya. “Gavin, please! Mahal pa rin kita! Walong taon but it’s still you! Walang nagbago, sobrang mahal pa rin kita-”
“Shut up!” Tuluyan niyang nakalas ang mga braso ko. Galit niya ‘kong hinarap. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang dulog ng balikat ko.
“Gavin, please,” patuloy na pagmamakaawa ko.
“Hindi! Ayokong maging impyerno muli ang buhay ko dahil sa p*t*anginang pagmamahal ko sa ‘yo-”
Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Naputol ang anumang nais niyang sabihin. Dama ko ang pagkabigla niya. Diniin ko pa ang labi ko sa labi niya at marahas siyang hinalikan. Inasahan kong itutulak niya ‘ko, mas nabigla ako ng tinugon niya ang halik ko ngunit ang halik niya’y sobrang layo sa kung paano niya ‘ko halikan noon. Marahas ang halik niya, mariin, mapagparusa, nananakit, dama ko ang bawat galit niya bawat paghagod ng labi niya sa labi ko kahit ang gawi ng paghawak niya sa ‘kin, nanabunot, walang bakas ng pag-iingat, tila parusa sa ginawa kong kasalanan sa kanya.
I didn’t complain.
I didn’t beg.
Hinayaan ko siyang iparamdam sa ‘kin ang tinatago niyang galit sa’kin because I deserve it o dahil sabik rin akong mahalikan niya muli, madama ang init ng hawak niya, ang init ng mga palad niya kahit na ang katumbas ng bawat hagod niya’y tila latigo sa diin at higpit.
Binuhat niya ‘ko. Narinig ko ang malakas na pagbagsak at pagkabasag ng mga gamit sa sahig. Hiniga niya ‘ko. Napasinghap ako ng buong lakas niyang pinunit ang suot kong dress. Nanatili akong nagpaubaya. Tila hayok na pinagsawaan ng labi niya ang buo kong katawan. Bawat nadadantayan ng labi niya’y tiyak na nag-iiwan ng marka.
“Hmpt!” Impit ko. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang malakas na pagdaing ko dahil sa sakit, kasabay ng muling pagdaloy ng luha sa mgakabilang sintido ko ng walang ingat niya akong inangkin. Walong taon mahigit na ang lumipas simula ng huling inangkin niya ‘ko kaya sobrang sakit ng muling pagpasok niya.
Nakapikit ang mga mata ko habang patuloy niya ‘kong inaangkin. Naramdaman ko ang paninitig niya kaya nagmulat ako ng mga mata ngunit nagkamali ako. He wasn’t looking at me but I took the chance to stare at him while satisfying himself. Pinagsawa ko ang sariling titigan siya, though my mind memorize every feature of his handsome face.
Napapikit ako ng binaon niya ang sariling mukha sa balikat ko. I caressed his sweaty hair. Nararamdaman ko na ang papalapit naming dulo, hudyat na anumang oras ay matatapos na rin ang paglalapat ng mga katawan naming dalawa, ang mahawakan siya, mayakap at mahalikan. Masaya ako ngunit nababalot ng lungkot ang puso ko.
Mahigpit ko siyang niyakap kasabay ng mariin na paghalik ko sa kanyang ulo habang hinahayaan pa niya akong hawakan siya.
Parehong pawisan ang aming mga katawan at tanging ang kulog at kidlat ang saksi sa pagiisa naming dalawa.
“I love you, Gavin… I love you so much,” bulong ko kasabay ng pag-abot naming dalawa sa dulo. He didn’t answer. Hingal na umalis siya sa ibabaw ko.
Lumabas ako ng banyo suot ang mga damit niya. He let me wear his shirt and boxer short dahil sinira niya ang damit ko. Tumila na ang ulan. Hindi ko na naririnig ang pagbagsak nito sa lupa.
Hinanap ko siya. Nakita ko siya sa corner ng “Expresso Yourself”, nakatalikod siya sa ‘kin, vaping.
Humakbang ako upang lapitan siya ngunit agad nahinto ng basagin niya ang katahimikan.
“Umalis ka na,” he spoke in his icy tone. Napaaawang ang mga labi ko, tila tinusok ng isa’t libong karayom ang puso ko sa pagtataboy niya sa ‘kin. But what was I expecting? That after just one hot s*x, everything would go back to how it was? I bit my lower lip to hold back my tears.
“Umalis ka na bago ka pa madatnan ng asawa ko.”