Shine’s POV
Two months later…
“Hey sweetie, wake up,” nagising ako mula sa mahinang tapik at malambing na boses ni mommy. Nag-unat ako ng katawan at isa-isang binuksan ang mga mata ngunit agad rin akong napapikit ng sumalubong ang liwanag ng sikat ng araw mula sa labas ng kwarto ko ng hawiin ni mommy ang nakatakip na kurtina rito.
“Get up now, Shine, you’re going to be late, unang araw pa naman ng klase,” untag sa ‘kin ni mommy ng paglingon niya’y nanatiling nakahiga ako sa kama.
Yeah, right, it’s my first day as an official college student pero para pa rin akong grade schooler kung i-trato ni mommy. Muli kong binuka ang mga mata at nang masanay ang mga ito sa liwanag ay dahan-dahan na akong bumangon.
“Maligo ka na at magbihis nang makakain na tayo,” dagdag pa ni mommy bago tuluyang lumabas ng aking kwarto.
Tamad na tumayo ako at tinungo ang banyo.
Good days are gone. Balik sunog kilay na naman. Welcome back to sleepless nights, school works, projects, extra curricular activities! Parang ‘di man lang dumaan ang bakasyon, ‘di ko na feel, bitin na bitin ang summer.
Kailangan kong mag-aral ng mabuti nang sa ganun ay mapantayan ko man lang ang galing ni Ate Abby. She sets a high standard. Though I graduated with high honors still pakiramdam ko ‘di man lang ako nakalahati sa galing ng Ate ko. Si Kuya Rain naman, ang kinaiinggitan ko sa kanya iyong kahit na ‘di mag-aral ang tataas pa rin ng marka, iyong tipong easy peasy lang sa kanya lahat, ‘di ko makitaan na naghihirap.
Malakas akong napabuntong hininga.
“Welcome to college life, Shineecah!” Bati ko sa sarili.
Nang matapos maligo at makapagbihis ay bumaba na agad ako sa dining area. Everyone is already at the dining table. They are only waiting for me.
“Good morning, dady,” I kissed my dad's cheeks then mom.
“Good morning, sweetheart, take your seat,” saad ni Daddy.
We prayed and we started eating.
“Rain, since you will be with your sister, please look after her,” bilin ni Daddy kay Kuya Rain. Graduate na kasi si Ate Abby sa ibang school na siya pumapasok.
“Of course, dad,” tugon ni Kuya.
“Good, thanks buddy.”
“Abby.”
“Yes, dad,” sagot ni Ate Abby na hindi tumitingin kay Daddy.
“Can you distance yourself from Caleb?”
Nahinto saglit si Ate Abby sa pagkain, ako nama’y napatingin sa kanya. She looked at dad, confused.
“Why? Is there a problem with me getting close to Caleb?”
“And now you’re now calling him Kuya?” Tila may kung ano sa tono ng pananalita ni Daddy.
“I can't recall ever calling him 'Kuya'”
Si Daddy naman ang natigilan. Napatitig siya saglit kay Ate Abby. Tila nag-iisip ng sasabihin. Muli’y nagpatuloy siya sa pagkain. Maya-maya’y binaba nito ang mga kobyertos at uminom ng tubig. Nang matapos uminom ay tinukod ni Daddy ang magkabilang siko sa mesa at pinagsalikop ang mga darili. Muli niyang seryosong tinignan si Ate.
“I just don't want you to get distracted from your studies. I've noticed that you and Caleb are getting along well. Hindi lingid sa kaalaman mo na laging nasasangkot sa gulo si Caleb, ayoko lang na madamay ka,” saad ni Daddy. Saglit na napatitig si Ate kay Daddy. Nag-alis siya ng tingin at yumuko sa kanyang pinagkainan.
“Okay, Dad,” tanging tugon niya.
I and Ate Abby have our own personal drivers habang si Kuya Rain ang siyang nagmamaneho ng sarili niyang sasakyan.
Hinatid kami nina mommy at daddy sa main door.
“Bye, Dad! Bye, Mommy!” I kissed both of their cheeks. Nauna ng nagpaalam sa ‘kin si Kuya Rain sa mga magulang namin. Sumunod sa ‘kin si Ate Abby.
“Take care, honey,” mommy said.
“Bye, Dad! Bye, Mom!” Dinig kong paalam ni Ate Abby.
“Abby.”
“Yes, Dad?”
“Hope you know that I have no other desire but your well-being and welfare,” saad ni Daddy. Napalingon ako at nakita kong tipid an ngumiti si Ate Abby at tumango. Daddy kissed her forehead.
“Take care, anak.”
“WELCOME to college, Shine!” Sabay-sabay na bati ng tropa sa ‘kin.
“OA, n’yo!”
“Alam mo saan rooms mo?” Kiara asked.
“Hahanapin ko pa lang,” sagot ko.
Lumapit si Rafa at inakbayan ako.
“Nasaan study load mo?”
I took it from my bag and handed it to Rafa.
“Samahan na kita,” saad nito.
“Anong kita? Namin!” Singit ni Dos. “Tara na!”
Sinamahan nga nila akong tuntunin ang mga rooms ko. Mabilis lang naman siyang hanapin. Nahirapan lang dahil nagkakagulo ang mga freshmen sa tuwing dumadaan ang mga tropa kong lalaki. Napapailing na lamang ako.
“Hatid ka na namin sa first subject mo-”
“Wag na!” Awat ko sa kanila. Natigil sila at kinunotan ako ng noo “Magkakagulo na naman ang estudyante, naririndi na ‘ko sa tilian nila, okay lang sana kung ang tinitilian ay kamukha ni Park Hyung Sik! Mga mukhang park lang siguro, oo,” saad ko na ang tinutukoy ay ang lead male ng paborito kong Korean Series na Strong Girl Bong-Soon.
“O, Thirdy, awat, babae ‘yan,” birong pigil ni Kiro kay Thirdy. Bahagya akong natawa sa dalawa.
“Bitiwan mo ‘ko, Kiro! Walang utang na labas ‘tong babaeng ‘to!”
“Akin na nga ‘yan!” Kuya ko sa study load kong hawak ni Rafa. “Thank you sa inyo! Babye!” Saad ko sabay takbo patungo sa first subject ko.
Pagkapasok ko sa loob ay bago lahat ng mukha ang nakikita ko at katulad ng mga klaseng walang guro ang ingay nila kahit unang araw pa lang ng class. Huminto ako sa ilawang row at pangatlong column kung saan bakante ang silyang katabi ng isang babae.
“Hi, is this seat taken?” Tanong ko sa babae. Napalingon siya sa ‘kin at umiling. “Can I sit?”
“Bahala, ka,” sagot niya.
“Thank you,” saad ko at umupo.
“Hi! I’m Johanna! Ikaw?” Saad ng isang babae sa harapan ko.
“Shineeca Jasmine but you can call me, Shine,” nakangiting saad ko.
“Soledad, here, but you can call me, Sol!” Saad naman ng katabi ni Johanna.
“Hi!” Tugon ko.
“Matalino ka?”
“H-ha?” Nabigla ako sa tanong ni Johanna.
“Pakopya ako, ha? Don’t worry, i-lilibre naman kita lagi!”
“Hoy, grabe ka! Baka nga mas mayaman pa yan sa’yo,” saway ni Sol sa kanya.
“Sssh ka lang, baka lang naman masuholan, ito talaga,” saad naman ni Johanna. Napailing na lamang ako.
“Hi,” kuha ko sa atensyon ng katabi ko. “Ano pangalan mo?” Nilingon niya ako.
“Jean,” tipid niyang sagot.
“Shine-”
“Narinig ko,” bara niya sa ‘kin. Tipid na ngumiti lamang ako.
Napatingin ako sa babaeng kakapasok pa lang. Agaw pansin ito dahil sa matingkad na kulay niyang suot habang ngumunguya ng bubble gum.
“Sol! Johanna!” Napatakip ako sa tenga ko sa tilis ng boses nito sabay lapit sa mga kaklase kong nasa harapan.
“Lanielyn!” Tili ng dalawa.
“Ilang taon kaya silang hindi nagkita,” rinig kong bulong ng kaklase ko sa likod ko.
“Late ka!” Saad ni Johanna.
“Buti wala pang Prof!” Saad naman ni Sol.
“Naparami inom natin kahapon, hangover pa lola n’yo!” Saad ng babae.
Nilingon ko ang dalawang babae sa likuran ko. Napatingin sila sa ‘kin. Nginitian ko sila ng ngitian nila ako.
“Shine,” pakilala ko.
“Josephine,” saad ng isa.
“Melay,” saad naman ng isa.
“Good morning class!”
Biglang tumahimik ang buong klase at bumalik sa kani-kanilang mga upuan. Isang iglap lang ang kaninang magulo ay biglang umayos. Napatingin ako harapan, dumako ang mga mata ko sa kakapasok naming Professor. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil bahagya itong nakayuko. He took a whiteboard pen and turned to write on the board. Hindi ko napigilan ang sariling pasadahan ng tingin ang kabuohan ng likod niya.
As my gaze trails down the length of his back, starting from his broad shoulders, I can't help but notice how perfectly his shirt hugs his frame. From his shoulders down to his waist, every line and curve seems meticulously sculpted, leaving me momentarily captivated that even without seeing his face, It’s pretty obvious that he’s attractive, likod pa nga lang, ang hot na niyang tingnan, d*mn!
I'm extremely excited to see his face. Kung pwede nga lang lapitan siya at paharapin agad ay ginawa ko na but I didn't have to wait that long because right after writing his name on the whiteboard, he immediately turned to face us but only to be surprised.
Pumwesto siya sa harapan ng table. Umupo siya sa ibaba nito habang nakaslant ang mga binti niya at nanatiling nasa sahig ang mga paa. Napahawak ang magkabilang kamay niya sa gilid ng inupuang lamesa.
My lips parted slightly as I made eye contact with him. Nagdedeliryo lang ba ako ngunit nakita ko ang pagtaas ng isang gilid ng labi niya habang mariing nakatitig sa mga mata ko.
“Good morning! I am Gavin Allaric Patterson and I’ll be your professor for this subject.”
“Single ka, Sir!”
“Actually, I’m her because of my future wife,” saad niyang nanatiling nakatitig sa mga mata ko.