Chapter 8

2183 Words
Shine’s POV “Mukhang reresbak mga ‘yon, ingat tayo,” paalala ni Kuya Ian. “Wag lang talaga silang magkakamali may paglalagyan sila,” pagbabanta ni Kuya Uno. “Namukhaan ko yung babae, hindi ba siya yung naloko mo kagabi?” Tukso ni Rafa. Natawa si Rafa ng masama siyang tinignan ni Uno. “Landi pa more!” Kantyaw ni Thirdy. “Pakyu!” Mura ni Uno, nanatiling sapo nito ang mukhang may pasa. “Ayan! Yan napapala n’yo sa pangbabae n’yo!” Kastigo ni Ate Amber sa kanila. “Damay na naman mga civilian!” Reklamo ni Dos. “Kung makapambabae kayo akala n’yo may paligsahan, ano ‘to paramihan? Paunahan?” nilingon nito si Uno. “Patingin nga-” “Aray! Ingat naman,” Reklamo ni Uno sabay iwas ng mukha niya ng hawakan ni Ate Amber ang mukha niya. “Ingat mo mukha mo, pantayan ko ‘yan, kita mo!” Inis na saad ni Ate Amber. Muli n’yang hinawakan ang pisngi ni Uno ngunit ngayo’y mas maingat na. Masuring tinignan ni Ate Amber ang natamaang mukha ni Uno ngunit nahinto siya saglit ng may makakuha sa kanyang atensyon at nang sundan ko ang tingin niya dumako ang mga mata ko sa galit na mga mata ni Kuya Kian na mariing nakatitig kay Ate Amber. I quickly understood the reason behind those stares, he’s jealous of Uno. Napaisip rin ako bigla when I realized that Kuya Kian's reaction was very similar to Sir Allaric's earlier reaction when he looked at Rafa. No way! Don't tell me that Sir Allaric was also jealous of Rafa as I interpreted Kuya Kian's reaction? Mabilis kong pinilig ang ulo, parang masyadong assuming ako sa part na 'yon at bakit naman siya magseselos 'di ba? Malabo! “Sino may cotton at alcohol?” “I have,” agad na binuksan ni Kiara ang bag niya upang kunin ang hiningi ni Ate Amber. “Akin na,” saad ni Ate Amber. “Halikan mo na lang, gagaling ‘yan-” “Tahimik!” Bara ni Ate Amber, saktong paglingon ko pabalik sa dalawa ay ang paglagapak ng palad niya sa pisngi ni Uno. Gulat na napasapo si Uno sa kabila niyang pisngi na tinamaan ng palad ni Ate Amber. “Ang sakit, ha!” Reklamo ni Uno. Natawa ako sa reaksyon ni Uno, maging ang buong tropa. Napa-peace sign si Ate Amber habang tumatawa. “Sorry!” “Wag na nga!” Tumayo si Uno at lumayo kay Ate Amber. “Sorry na nga! Drama mo parang sampal lang-” “Wow! Pero yung sampal pre, daig pang chicharon sa lutong!!” Muling natawa si Ate Amber. “Halika na rito, para malinis ko sugat mo!” “Okay na ‘ko, Amber! Salamat na lang sa lahat,” saad ni Uno. “Bahala ka!” “Salamat sa concern, damang-dama ko, shuta! Mukhang bumakat pa fingerprints mo sa mukha ko, ang sakit,” daing ni Uno. Sinandal ko ang likod sa sandalan ng bench. I lowered the brightness ng phone ko para sakaling may mapasulyap ‘di nila makita gagawin ko. Kagabi in-stalk ko account ni Sir kaso nakalock. Gustong-gusto ko na pindotin ang friend request button pero baka masyado na akong halata. Ngayon in-stalk ko siya ulit baka sakaling open to all na kaso ganun pa rin, sarap na talagang pindutin ng friend request button pero pinigilan ko pa rin ang sarili. Napa-buntong hininga ako. Sana magmilagro, add niya ‘ko. Luh! Asa ka pa! Sita ko sa sarili. “Is there any problem?” Napalingon ako kay Rafa at napatuwid ng upo kay bilis kong pinindot ang power button ng phone ko. “H-ha? Wala, why asking?” “Ang lalim kasi ng buntong hininga mo,” napansin pala n’ya ‘yon. “Wala, naisip ko lang mga upcoming activities, makakaya ko kaya?” Pagsisinungaling ko. “Kaya mo ‘yan! Hernandez ka, e.” “Wow, ha! Ano na lang ang Ferrer?” “Ganito na lang, kaya mo yan, anak ni Justine,” biro niya. “Siraulo!” Anas ko. “Hoy, gago!” Napamura rin si Kuya Rain ng marinig ang sinabi ni Rafa. Natawa na rin ako. Ginagawa na talaga nilang biro at pang-tukso sa ‘min ang pagiging anak namin ni Daddy. Kapag kasi anak ni Daddy siguradong matalino raw, magaling, tapos mataas ang standard. Kaya nga apelyido pa lang namin nakaka-pressure na. Dagdagan pa kung kaninong anak kami. Maya-maya nga’y kanya-kanya na kaming punta sa classroom ng unang subject. Masyado yata akong mahal ni Lord, akalain mo ‘yon si Sir Allaric pa rin ang Prof ko para sa Discrete Mathematics kong subject for my TTH schedule! Ibig sabihin Lunes hanggang Biyernes makikita at makakasama ko siya, exciting! Tiyak magiging maganda ang buong araw ko sa buong semester at mas lalong gaganahan pa sa pag-aaral. Paanong hindi, kung umpisa pa lang ng umaga makikita ko na ang mukha ng magpapakumpleto ng araw ko! Isn’t it amazing? Isn’t it exciting? Isn’t it? Char! Nakahalubaba ako sa arm chair habang titig na titig sa kanya. Ang gwapo niya talaga. He was wearing black v-neck t-shirt, black pants at leather shoes, something very simple but still stood out. He sat on top of his desk again while twirling the marker with his fingers. “I’ll create a group chat for this class. Please add my Instabook account Gavin Allaric Patterson, then DM me, introduce yourself so I know who to add to the group chat and which group chat to add you to, am I clear?” Napaayos ako ng upo, lihim akong ngumiti nang marinig ko ang sinabi niya. Nakagat ko ang pangibabang labi upang itago ang nararamdamang kilig nang biglang napalingon siya sa gawi ko. Kay bilis kong nag-alis ng tingin at yumuko sa nakabuklat kong notebook. I pretended to be writing something, but I was just randomly scribbling with my pen. Akalain mo ‘yun siya na ang humanap ng paraan para i add ko siya sa Instabook. I have a reason now to add him without him getting suspicious. Finally, I can stalk his profile, I'll start with the girl he was with at the mall. “Sir, I sent you a DM last night, you haven’t read it yet,” saad ni Shainor. “Luh, VIP ka?” Singit ni Jean. Napalingon si Shainor kay Jean, tinaasan niya ito ng kilay. “Inggit ka? DM mo rin si Sir!” Mataray nitong saad. “Stop it, girls!” Saway ni Sir sa kanila. Hindi na sumagot si Jean at tinaasan lamang ng kilay si Shainor. “I also sent you a photo of mine sir for your eyes only,” dagdag pa ni Shainor. “Apaka landi talaga,” rinig kong bulong ni Johanna. “Iba rin trip nitong si Shainor,” bulong naman ni Melay. “Wala bang add as Jowa rito?” Singit ni Lani. “Wag nang mag-illusion, in a relationship na ‘ko kay Sir,” sabay muli ni Shainor. “Nakaligtaan mo na naman gamot mo,” natawa ang buong klase sa banat ni Lani. “Sir, already add you po,” saad ni Pinpin. “Ako rin po, Sir,” singit naman ni Soledad. “Na-add na rin kita, Sir! Nakasend na rin ng DM,” saad naman ni Hernel. Kinuha ni Sir ang phone nitong nakapatong sa ibabaw ng desk. “I’ll check your friend request and DMs,” he said while looking at his phone. His brows furrowed while scanning. “Has everyone added me already?” Pagkasabi’y napatingin siya sa ‘kin, kay bilis kong nag-alis ng tingin sa kanya. “Yes, Sir!” Sabay-sabay nilang sagot. Mamayang gabi ko na lang i add si Sir para tuloy-tuloy pang-stalk ko, ayaw ko kasing mabitin saad ko sa isipan. Muli’y nag-alis ako ng tingin sa kanya ng muli siyang napalingon sa gawi ko. “I guess this is a block section since I saw the same faces from yesterday. Who wasn't in my Algebra 1 class yesterday?” He asked. Saka lamang ako nag-angat muli ng tingin sa kanya. Nakatayo na siya ngayon. Walang sumagot mula sa klase. “No one, okay! Let's continue with those who haven't introduced themselves yet, and share their expectations.” Muli ay isa-isang nagpakilala ang mga kaklase kong hindi pa nakapagpapakilala kahapon. Narinig kong tumunog ang phone ko mula sa shoulder bag na dala ko ngunit ‘di ko iyon pinansin. May isang oras lang ako para titigan si Sir, ayokong ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko. Pasulyap-sulyap lamang ako kay Sir na ngayo’y abala sa kanyang cellphone, marahil ay gumagawa na ito ng GC at nang-a-add na ng mga estudyante sa gagawing GC, saad ko. Okay na rin sa ‘kin atleast malaya akong titigan siya. Napanguso ako ng marinig ko ang pag tunog ng bell, hudyat na tapos na ang klase niya. Kay bilis natapos ang araw na ‘to. Nakauwi na ‘ko ng bahay. I charge my phone. Nagligo ako at nagbihis. I was blow drying my hair nang kumatok ang isa sa mga kasambahay namin upang tawagin ako para sa dinner. Bumaba ako agad dahil ayaw ni Daddy na paghintayin ang hapag. “How was your day?” Daddy asked. We’re currently having dinner. “Okay lang, simula pa naman ng class,” I answered. “Same, here,” sagot naman ni Kuya Rain. “Same,” sagot ni Ate Abby. Marami pang mga tanong si Daddy. Ganito siya lagi, laging kinukumusta ang araw namin. Lagi niyang sinisiguro that we’re doing well. He’s a very busy man but he always allocates time for us, his family. Pagkatapos kumain, nagpaalam na ako sa mga magulang kong umakyat ng kwarto upang matulog pero ang totoo ay excited na akong i-stalk si Sir. I used the elevator to go up to my room's floor. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko. Tinanggal ko sa pagkaka-charge ang phone at umupo sa gilid ng kama ko. I opened my instabook, as usual sumalubong ang 99+ users na nagsend sa akin ng friend request at 99+ notification.Una kong binuksan ang notif ko dahil baka may importante. I started to scrool down ngunit ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko kasabay ng malakas na kalabog ng puso ko ng makita ko ang pangalan ni Sir. Gavin Allaric Patterson sent you a friend request. Napatili ako ng wala sa oras ngunit walang boses na lumabas sa bibig ko, mahirap na at baka mabulabog ko ang buong bahay. “You're gonna be kidding me!” Bulalas ko habang sinisiguro kung siya nga itong nag-send ng friend request sa ‘kin. Muli akong napatili na walang boses ng makumpirma kong siya nga ang nag-add sa ‘kin. Hindi ko na pinatagal, I accepted his friend request. Hiniga ko ang kalahating katawan sa kama habang nanatili sa sahig ang mga paa. I started stalking him. Ang lamig ng kwarto ko ngunit ang init ng pakiramdam ko habang inisa-isa ko ang mga larawan niya. He’s a party goer, marami siyang tagged photos na stolen shots, na naka summer shorts lang at walang suot pang-itaas, ang hot niya grabe! Sinong mag-aakalang professor siya? Mas bagat sa kanyang maging model. Napapakagat ako sa ibabang labi ta’s zino-zoom ko. Mula sa pagkakahiga dumapa ako. Hindi pa rin ako tapos mag-stalk, lahat ng photos niya tinignan ko, ang gwapo niya talaga, nang-gigil na napadutdut ko ng ilang beses ang hintuturo sa screen ng phone, nanlaki ang mga mata ko ng nag-pop up ang heart. “s**t! Na like ko!” Bulalas ko. Mabilis kong binawi ang heart. Sa lahat pa ng na like ko iyon pang shirtless siya, baka sabihing apaka landi ko! Kay lakas ng pintig ng puso ko, lihim akong dumadalangin na sana’y ‘di magnotify sa account niya o kaya’y ‘di niya mapansin. ‘Di naman siguro, sa rami naming nag-add sa kanya at notification baka ‘di na niya papansinin ang akin. Napahinto tuloy ako sa kaka-stalk. Tumihaya ako muli at nilagay ang phone sa dibdib ko. “Sh*t! Apaka clumsy mo talaga Shine!” Sita ko sa sarili. My phone beeps, it’s an Instabook message alert tone. Muli kong tinignan ang screen ng phone. I clicked the Instabook Messenger Icon, ganun na lamang muli ang panlalaki ng mga mata nag makita sa unahan ng inbox ko ang profile pic niya. Napaupo ako muli at kinakabahang binuksan ang mensahe niya. He sent me a photo, I clicked the photo to view, halos malaglag ako sa kama ng makitang screenshot iyon ng notifications niya. Shine Jasmine Hernandez reacted to your photo 5 seconds ago. Iyon ang nakasulat. Ang sarap magmura! Mukhang kakapindot ko lang nakita na niya agad, pahamak na five seconds ago. Then, he sent me a message. “Saw it, hmmm…” “Kaso binawi agad, ouch!” Pisti na! Napamura na talaga ako. I didn’t reply. “By the way, kumain ka na?” Tuluyan na nga akong nalaglag sa kama pero nauna syempre puso ko sa kanya, d*mn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD