Nagsalubong ang kilay ng lalaki habang nakatingin sa akin. Agad ko namang ipinakita sa lalaki ang dala-dala kong warrant of arrest na mabilis naman nitong binasa. Nang mabasa iyon ng lalaki ay muling tumingin sa akin. Ngunit hindi maipinta ang mukha niya. “Tiyakin ninyo lang na tunay ang kasong isinampa ninyo sa akin, SPO 3 Gatchalian!” mariing pagbabanta sa akin ni Mr. Z. “Pasensya Mr. Zion Ferrer. Ngunit kailangan mo na pong sumama sa amin. Sa prisento na lang po kayo magpaliwanag. Saka, puwede ka naman pong kumuha ng magaling na abogado,” anas ko sa lalaki. Wala akong narinig na salita sa lalaki. Medyo kabado rin ako at baka pumalag ito lalo ay mas maraming mga tauhan si Mr. Z ang nandito sa labas ng gate niya. Kumpara sa amin na iilan lamang. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang