Hindi ako nagsalita ngunit nakatutok pa rin aking baril sa lalaki. Hindi ko rin inaalis ang tingin sa kamay nito na may hawak ng baril at nakatutok sa ulo ng kawawang matanda.
Ako naman ang naawa para sa matanda lalo at umiiyak ito habang nakatingin sa akin. At nakikiusap ang mga mata niya na tulungan ko siya. Marahan akong tumango sa matanda. Kaya nga ako naging alagad ng batas para tulungan ang mga taong inaapi ng taong makasalanan.
“Maawa ka sa akin, tulungan mo ako!” sigaw ng matanda habang panay ang agos ng luha nito.
“Sinabi nang huwag kang maingay, tanda---” Sabay taas ng kamay nito na may hawak na baril at balak na hampas ang matanda sa ulo. Ngunit mabilis kong kinalabit ang gatilyo ng aking baril. Kitang-kita ko naman ang pagtama ng baril ko sa kamay ng lalaki, dahilan kaya tumalsik ang hawak niyang baril. Nagmamadali naman akong lumapit sa matanda lalo at nabitawan na ito ng lalaki.
Agad kong inilayo sa lalaki ang matanda. Ramdam ko ang takot nito. May lumapit naman sa matanda ng isang lalaking may edad na rin. Baka ito ang asawa niya dahil nakikita ko sa mukha ang pag-aalala. Pinainom na rin nito ng tubig ang matandang babae.
Mayamaya pa’y may mga dumating na mg pulis. At isa-isang kinuha ang mga lalaki. Nakilala naman ako ng isang pulis. Napag-alaman kong mga takas pala sa kulungan ang limang lalaki. Mga isang linggo na pa lang pinaghahanap ang ito. At kahapon lang pala nakulong ang limang lalaki dahil sa salang pagnanakaw sa isang bangko, jewelry shop. At kagabi rin tumakas ang mga animal.
Iiling-iling na lamang ako. Hanggang sa tuluyang umalis ang mga pulis. Lumapit ako sa matandang babae at kitang-kita ko pa rin ang takot sa mukha niya. Agad ko namang inalo ito at sinabi kong ligtas na siya. Kumuha ako ng limang libo para ibigay sa matanda para bayad sa mga nasirang gamit sa karinderya. Ito lang ang kayang kong ibigay, hindi naman kasi ako mayaman.
“Pasensya na po kung ito lang ang mabibigay ko sa ‘yo, pandagdag po iyan sa mga nasira na gamit dito sa loob ng karinderya.” Sabay lagay ko ng pera sa palad ng matanda. Subalit muli niya iyong ibinalik sa akin.
“Huwang na Ineng. Alam kong kailangan mo rin iyan. Sapat na sa akin ang niligtas mo ang aking buhay. Sobra-sobra akong nagpapasalamat sa ‘yo,” anas ng matandang babae sa akin.
“Ngunit baka kailangan mo itong pera Manang. Lalo at marami ang basag na gamit dahil sa pagtama ng mga bala ng armalite---”
“Huwag na Ineng. Baka hindi na ako payagan ng aking anak na buksan ang karinderya na ito dahil sa nangyari sa akin. Maraming salamat ulit sa ‘yo, hija. Palagi kang mag-iingat,” anas sa akin ng matanda. Hindi ko na lang ito kinulit pa. Hanggang sa magalang akong nagpaalam sa matanda.
Tuloy-tuloy na akong lumabas ng karinderya. Dumaan muna ako sa tindahan para bumili ng tubig dahil hindi man lang ako nakainom. Mga siraulo kasi ang mga lalaking ‘yun. Natakot tuloy ang matanda dahil sa kagaguhan nila.
Isang marahas na buntonghininga ang aking pinakawalan. Hanggang sa sumakay ako ng jeep. Tiyak na sasabunin na naman ako ni chief inspector dahil late na naman ako sa usapan namin.
Pagdating sa head quarters ay agad akong pumasok sa pinakang opisina ni chief inspector. Agad kong binuksan ang pinto at kitang-kita ko ang pagkainip sa mukha nito. Nahilot ko tuloy ang aking noo. At para mawala ang galit nito sa akin ay agad kong inilabas ang aking cellphone upang ipakita rito ang video na aking nakuha. Kitang-kita ko naman ang pagngisi nito ng mala-demonyo.
“Maasahan talaga kita, SPO 3 Gatchalian. Tamang-tama para may dagdag tayong ikakaso kay Mr. Z. At nakakatiyak akong ngayon araw ay makukulong na rin siya,” biglang sabi ni inspector. Kumunot ang aking noo sa tinuran nito na ngayon araw ang makukulong na rin ang lalaking Mafia Lord.
“Chief inspector, wala pa tayong matibay na ebidensya. Paano natin siya magpapakulong? Saka ang video na aking nakuha ay hindi pa rin sapat upang maipakulong si Mr. Z. Wala pa rin tayong warrant of arrest para sa Mafia Lord na ‘yun,” anas ko sa aking chief inspector.
Malakas namang tumawa ang lalaki. Pagkatapos ay iiling-iling na ngumisi sa akin.
“Wala kang bilib sa akin SPO 3 Gatchalian. Nagawan ko na nang maparaan ang lahat. Paparating na rin ang warrant of arrest para kay Mr. Zion Ferrer.” Pagkatapos ay agad na inabot sa akin ang isang papel. Agad ko naman itong binasa. Isa siyang drug lord. Siya rin ang nagmamay-ari ng mga pekeng baril at pera. Hindi lang ‘yun isa rin siyang rapist. Totoo bang lahat ito? Nagsalubong tuloy ang kilay ko. Pagkatapos ay tumingin kay chief inspector.
“Chief, tunay bang lahat ito?” tanong ko sa aking boss. Para kasing may mali. Ang gwapo ni Mr. Zion Ferrer. Ngunit babansagan lang na rapist? Kung walang matibay na ebidensya laban kay Mr. Z. Tapos lumabas pa ang mga ito sa social media tiyak na kami ang delikado rito oras na mapatunayan na mali lahat ng mga akusa namin sa lalaki.
“Huwag kang mag-alala may mga ebidensya na ako. May mga babae na rin ang magsalita. Kaya mamaya ay lalabas na ang balitang iyan. At itong video na nakukuha mo ay lalabas din. Magpalit ka ng uniform mo dahil ikaw mismo ang huhuli kay Mr. Zion Ferrer. Hintayin na lang natin ang warrant of arrest para sa kanya,” anas ng lalaki. Pagkatapos ay binuksan ang drawer. Mas nagulat ako nang makita ko ang perang hawak-hawak nito. Sabay ibaba sa ibabaw ng lamesa.
“Heto ang bayad ko sa ‘yo, SPO 3 Gatchalian. Dalawang daang libong piso iyan. At oras ba mahuli mo si Mr. Zion Ferrer madadagdagan pa ‘yan. Sige na kuhanin mo na. Para sa pamilya mo,” anas no chief inspector sa akin. Hindi ako nagsalita nakatingin lamang ako sa perang nasa ibabaw ng lamesa.
May mali talaga kay chief inspector. Saan ito nakakuha ng ganoong kalaking pera? Ano kayang ginawa nito? Nakakapagtaka rin na ang bilis nitong makakuha ng warrant of arrest. Tapos ang mga nakasulat sa papel na hawak ko ay mali talaga. Parang ang naging tama lang ay ang video na aking nakuha.
“Magsuot ko na ng uniform mo bilang alagad ng batas. Huwag kang mag-alala, katulad ng napagkasunduan natin ay gagawan ko ng paraan ang pag-angat ng posisyon mo. Itago mo na itong pera, SPO 3 Gatchalian---”
Agad kong inangat ang aking kamay para hawakan ang pera. Ngunit hindi ko ito kinuha at muli kong inurong pabalik kay Chief inspector.
“Hindi ko po ito matatanggap, okay na po ako sa nakukuha kong sahod bilang alagad ng batas, Inspector.”
Kitang-kita ko namang nagsalubong ang kilay ni chief inspector. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagbalik ko ng pera sa kanya. Para sa akin ay sobrang laki ng dalawang daang libong piso. Saka parang may mali talaga. Kaya hindi ko kukuhanin ang perang iyan.
“Masyadong ka namang ma-pride. Saka. Alam ko naman na isa ka ring mahirap. OKAY! Hindi kita pipilitin kung ayaw mong tanggapin ang pera. Sige na lumabas ka na para magpalit ng uniform, dahil mamaya-maya lang nandito na ang warrant of arrest!” Bago umalis ay nagbigay galang muna ako kay chief inspector. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na akong lumabas ng opisina nito.
May locker room naman dito at may uniform din ako rito. Nagdadala talaga ako lalo na kapag kailangan ko. Nang matapos akong magbihis ay pumunta ako sa mga kasamahan ko. Nakita ko agad si SPO 2 Carlos. Ngumiti ito sa aking nang makita ako. Ngunit nagulat ako nang hilahin niya ako papunta sa tagong lugar.
“Ano’ng gagawin natin dito, SPO 2 Carlos?” tanong ko sa lalaki.
“Ako ang magiging kasama mo sa paghili kay Mr. Z na isang Mafia Lord. Ngunit hindi lang ako ang magiging kasama mo may ibang mga pulis din. Lalo at mabigat na tao si Mr. Z. Para sa akin ang isang paa natin ay nasa ilalim ng hukay…” bulong niya sa akin.
Marahan akong tumango sa aking kasamahan na pulis. Ngunit sinabi rin sa akin ang tungkol sa mga kasong isinampa sa Mafia Lord na ‘yun. At sinabi nito na may mali rin. Akala ko ay ako lang ang may kakaibang kutob sa mga kaso na ‘yun. Pati rin pala ang akin kasamahan.
Hanggang sa umalis na rin kami rito. Lalo at pinatatawag na raw kami ni Chief inspector. Agad kaming pumunta sa opisina nito. Nakita ko pa nga ang isang lalaki na kausap ni chief. Balbas sarado ito. At base sa tabas ng mukha ay mukhang ‘di gagawa ng maganda. Nang makita rin kami ni SPO 2 Carlos ng lalaki ay agad itong tumungo at nagmamadali umalis sa opisina.
Agad namang ibinigay sa aking ang warrant of arrest. Pagkatapos ay umalis na rin kami ng opisina niya. Ilang mga pulis din ang mga kasama namin.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa tapat ng gate ni Mr. Z. Bigla namang kumabog ang aking dibdib. Dahil tuluyan na kaming magkakaharap ng lalaking dating kong binu-bully. Nagmamadali kaming lumabas ng sasakyan ni SPO 3 Carlos dahil nakita namin si Mr. Z. Lumabas ito ng gate. Napansin ko rin ang mga tauhan nito sa paligid. Mukhang dito na yata kami matitigok ni SPO 2 Carlos.
“You’re Under Arrest, Mr. Zion Ferrer.” Sabay taas ng posas kong hawak para ipakita sa lalaki.