Parang pinagpawisan ako ng malapot dahil sa sinabi ni Mr. Z. Mukhang mas lalo akong hahantingin nito. Gosh! Ano’ng gagawin ko? Kailangan kong pagbutihan ang pagtatago ko sa lalaking Mafia Lord. Dahil nakakatiyak akong tapos ang maliligayang araw ko. Agad ko na lamang pinatay ang tv. Upang hindi ko na marinig ang mga pinagsasabi ni Mr. Z sa harap ng mga reporter. Pumunta na lang ako sa kusina upang kumain ulit. Mabilis pa naman ang oras. Baka mamaya lang ay alas-otso na pala ng gabi. Kasalukuyan akong kumakain nang marinig kong nag-iingay ang cellphone ko. Bigla kong naalalang nasa ibabaw ng maliit na lamesa ko ito inilagay. Agad akong tumayo para kuhanin ang cellphone ko. Nang makalapit sa aking cellphone ay nakita kong number lang. Parang nagdadalawang isip tuloy ako kung sasagutin ko