bc

YOU'RE UNDER ARREST, MR. Z: MAFIA LORD SERIES 10 ( SPG R-18)

book_age18+
4.9K
FOLLOW
51.3K
READ
dark
bold
city
like
intro-logo
Blurb

Mich Gatchalian, isang babaeng may

paninindigan at hindi basta nasisilaw sa pera. Isa rin siyang alagad ng batas at kakampi ng mga mahihirap at naaapi.

Mr. Z, isang lalaking taglay ang makamandag na karisma. Siya rin ang taong may sariling batas. At walang puwedeng humadlang sa lahat ng mga gagawin niya, masama man o mabuti.

Ngunit paano kung magkrus ang landas ng dalawang tao na magkaiban ng pananaw sa buhay. Magkasundo kaya sila? O ang isa sa kanila, sa kulungan ang bagsak?

Abangan

chap-preview
Free preview
UTOS 1
Kasalukuyan akong nakatunganga sa harap ng television at nanonood ng balita. Hanggang sa makarinig ako nang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng bahay ko. Tamad na tamad akong lumapit sa pintuan para buksan ‘yun. At ang tumambad lang naman sa aking harapan ay ang mukha ng aking kaibigan na si Jocita. “Naligaw ka yata, babae?” tanong ko rito. At muling bumalik sa sofa na kung saan ako nakaupo kanina lang. “Hindi ako naligaw, talagang dito ang punta ko, Mich. Teka, may pagkain ka ba rito? Kanina pa ako ginugutom, eh.” Napapailing na lamang ako habang sinusundan ko ng tingin si Jocita. Isa ito sa matalik kong kaibigan kahit noong nandoon pa kami sa Probinsya namin. Ito rin ang tumulong sa akin noong unang salta ko rito sa Maynila. Dito ako nadestino bilang isang alagad ng batas. Si Jocita rin ang naghanap ng bahay na matitirhan ko. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa babaeng ito. “Mich, wala ka bang trabaho ngayon?” tanong sa akin ni Jocita. Lumingon ako sa babae at nakita kong may dala-dala itong plato. Ngunit ga-bundok naman sa taas ang kanin nito. At halos ‘di matalon ng pusa. “Day off ko ngayon. Teka, ilang taon ka bang hindi kumakain, Jo?” mapang-asar na tanong ko sa babae. “Mga tatlong taon na yata, Mich. Mabuti nga at mayroon ka ritong pagkain,” baliw rin na sagot sa akin ng babae. Malakas tuloy akong tumawa. Pagkatapos ay umalis na ako mula sa pagkakaupo ko para pumunta sa aking kwarto. “Gusto mo bang sumama, Jocita?” “Saan naman, Mich?” “Diyan lang sa tabi-tabi at maglalakad-lakad. Magbibihis lang ako. Saka, nakakainip kasi rito sa bahay. Bukas na naman ay may pasok na ako sa trabaho,” mahabang litanya ko sa aking kaibigan. “Okay, game ako riyan. Basta libre mo ako, Mich,” bulalas ni Jocita at nasa mukha rin nito ang katuwaan. Natatawang umiling na lamang ako sa babae. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na akong pumunta sa aking kwarto para magbihis. Napatingin naman ako sa aking cellphone nang makita kong tumunog ‘yun. Nabungaran ko ka agad ang chief inspector ko ang nagpadala ng minsahe sa akin. Agad kong binasa ang message nito. At sinasabing pumunta muna ako sandali sa opisina nito. Agad naman akong nagreply sa kay chief. Pagkatapos ay nagmamadali na akong nagbihis. Hanggang sa muli na namang may nagpadala ng message sa akin. Muli kong binasa ito. At nakita kong ang kapatid ko ang nagtext sa akin at kinakamusta ako. Napapangiti ako dahil halos araw-araw nagtetext sa akin ang bunso kong kapatid para kamustahin ako. Dalawa lang kaming magkapatid. At ang bunso kong kapatid ay nagtatrabaho sa Probinsya namin sa Isla Holland. Ito ngayon ang kasa-kasama ng Inay ko roon sa bahay. Wala na akong Ama. Maaga itong kinuha sa amin. Datin ring pulis ang Itay ko. At noong may holdapan sa isang groceries storie ay nagkataong nandoon si Itay. At ito ang tinamaan ng bala imbes na mapunta sa sa isang babae. Ika nga nila ay sadyang oras na ng aking Ama. Halos hindi matanggap ni Inay ang nangyari kay Itay. Kaya palagi kaming nasa tabi nito upang alalayan ito. Taon din bago unti-unti natanggap ng Nanay ko ang pagwala ng mahal kong Ama. Kaya nang sabihin ko kay Inay na ang gusto kong course ay criminology ay halos hindi matanggap ni Inay noong una. Buwan din akong hindi kinausap nito, dahil sinuway ko raw siya. Naiintindihan ko naman ito. Dahil nag-aalala ito sa akin. At baka matulad ako sa aking Ama. Nangako naman ako sa aking Inay na palagi akong mag-iingat. Ngunit para sa aking ay kung oras ko nang mamatay wala na akong magagawa roon. Hindi ko na lang isinatinig ang katwiran ko sa aking Inay. At baka lalong magtampo sa akin ni Inay. At nang madestino naman ako rito sa Maynila ay halos ayaw akong payagan. At ang sabi ay humanap na lang daw ako ng ibang trabaho. Ngunit sadyang makulit ako at gusto ko talaga ang aking trabaho. Kaya ayon, labis-labis ang pagtatampo ng mahal kong Ina sa akin. Ang tigas na raw ng ulo ko, katulad na katulad daw ako ni Itay. Iyon ang sermon sa akin ni Inay noon bago ako punta rito sa lunsod. Buwan ulit bago ako kina-usap ng Inay ko dahil ayaw talaga akong papuntahin dito. Kailan lang kami nagkausap ng Inay ko. Kung hindi ko pa nilambing-lambing noong tumawag ako ay hindi talaga ako kakausapin nito. Napangiti na lamang ako sa tuwing naiisip ko ang pagtatampo sa akin ng Inay ko, nauunawaan ko naman ito dahil nag-aalala lang sa akin si Inay. Maharan na lang akong napabuntonghininga. Pagkatapos ay nagdesisyon na akong lumabas ng kwarto. Nakita kong naghihintay na sa akin si Jocita at tapos na pa lang kumain ang kaibigan ko. “Dadaan muna ako kay Chief inspector. Mayroon lang daw itong sasabihin sa akin,” anas ko sa aking kaibigan. “Okay,” sagot nitong may ngiti sa labi niya. Hanggang sa tuluyan na kaming umalis. Baka naiinip na sa akin si Chief lalo at mainipin pa naman ‘yun. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa aking patutunguhan. Iniwan ko muna sa labas ng opisina ni Jocita. Hanggang sa tuluyan na akong pumasok sa loob. “Chief,” anas ko, sabay saludo rito. “SPO 3 Gatchalian, mabuti at nandito ka na, sit down.” Agad naman akong naupo sa harap nito. Nakita kong may kinuhang folder ang Chief ko. Hanggang sa ilabas ang mga pictures ng isang lalaki. Masasabi kong gwapo ito. At kung hindi ako nagkakamali ay babae ang maghahabol dito. Ngunit may kakaiba rito. Lalo na kapag tumingin. “Siya si Mr. Z. At isang Mafia lord,” anas ni Chief. Napangiwi tuloy ako. Mukhang hindi ko gusto ang plano ng Chief ko. Minsan ay pasaway rin ito. Hanggang sa muli itong nagpatuloy sa pagsasalita. “Gusto kong subaybayan mo siya ng palihim. Baka may baho siyang tinatago at iyon ang dapat nating malaman, SPO 3, Gatchalian.” “Chief inspector, seryoso ka ba? Pader ang babanggain natin?” anas ko ka agad. My Gosh! Ano bang nangyayari sa taong ito? “Makinig ka sa akin, SPO 3, Gatchalian. Oras na may malaman tayo sa kanya. Tayo rin mismo ang huhuli sa Mafia Lord na ‘yan. Huwag kang ma-alala akong bahala sa ‘yo. Malaking isda ‘yan kung magkataon,” anas pa nito. Shit! Papayag ba ako o hindi? Delikado ang buhay ko rito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.5K
bc

EASY MONEY

read
178.3K
bc

Dangerous Spy

read
309.9K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.1K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.8K
bc

YOU'RE MINE

read
901.0K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook