Amoy Kanal

1213 Words
HALOS MATUMBA AKO dahil sa lakas ng pagsigaw ng lalaking kasama ko rito sa loob ng elevator, mukhang may kaaway ang lokong lalaki. Mabuti na lang at mabilis akong nakahawak. Nakiramdam din ako at baka bigla itong lumingon sa akin tapos maghinala at baka bigla akong sungaban ng sakal. Laking pasasalamat ko nang bumukas ang pinto ng elevator. Walang lingon-lingon na lumabas ang lalaki ngunit may kausap pa rin ito sa cellphone niya. Ako rin ay lumabas na at nagmamadali na pumasok sa loob ng hotel room. Ngunit nakita ko pa ang pagpasok ni Mr. Z sa kanyang silid. Agad ko namang ini-lock ang pinto ng silid ko. NGUNIT nag-iisip ako ng malalim kung paano ko mailalagay sa bahay ito ang kwintas na aking dala-dala. Hanggang sa maisip kong pasukin ang bahay ni Mr. Z. Bigla tuloy akong napapitik sa hangin. Tamang-tama pala puwede akong pumasok sa bahay ng lalaki habang wala pa ito. Ayos ‘yun, ah? Kaya naman muli akong lumabas ng hotel room at nagmamadali na akong sumakay sa elevator. Hindi nagtagal ay tuloy-tuloy na akong nakalabas ng gusali. Pumunta muna ako sa tagong lugar upang alisin ang suot kong mascot bear lalo at init na init ang buong katawan ko. Pagkatapos ay agad akong sumakay ng taxi nang may dumaan sa aking harapan. Umuwi muna ako sa bahay na inuupahan ko upang alamin ang pasikot-sikot sa bahay ni Mr. Z. May mapa na ibinigay sa akin si chief inspector. Kaya kailangan ko munang pag-aaral ‘yun ng mmayos. PAGDATING sa bahay na inuupahan ko ay agad akong pumasok sa loob. Mabilis kong kinuha ang folder na ibinigay sa akin ni inspector. Agad ko itong binasa. Mansiyon ang bahay ni Mr. Z. May 15 tao rin na kasambahay ang Mafia na ‘yun? Bukod pa ay maraming tauhan si Mr. Z. Gosh! Paano kaya ako makakapasok sa bahay ng lalaki? Ah! Bahala na nga! Muli kong itinago ng folder. Lumapit ako sa aking bag at kumuha ako ng isang lumang damit. Kinuha ko rin ang wig na kulot. Pagkatapos ay agad kong inilagay sa aking ulo. Masyadong matipid si Inspector para sa mga ganitong kasuotan. Sariling bili o diskarte namin kung papaano namin matatapos ang aming undercover. Matagal ko nang ginagamit ang aking kasuotan na ‘to. Siguro naman ay hindi ako makikilala ni Mr. Z kapag ito ang suot ko. Isang marahas na paghinga muna ang aking pinakawalan. Pagkatapos ay kinuha ko ang pentel pen ko para maglagay ng kaunting mga itim-itim sa aking mukha. Kinuha ko rin ang lipstick kong kulay itim at naglagay sa aking labi. Kinuha ko rin ang malaking salamin para sa aking mata. Okay na siguro ang ayos ko. Hindi na siguro ko makikilala ng Mafia Lord na ‘yun. Agad akong lumabas ng bahay at nagtuloy-tuloy na naglakad para pumunta sa bahay ni Mr. Z. May na daanan akong lumang kahon kaya sa tabi ng kalsada kaya agad ko itong kinuha. Naghintay ako ng jeepney. Ngunit halos isang oras na ako rito ay walang nagpapasakay sa akin. Surang-sura tuloy ako sa mga jeepney na nilalampasan lamang ako. Ang sarap tuloy kumuha ng tubig kanal at ibuhos sa mga jeepney na dinadaanan lamang ako. Kahit inis na inis ay nagtimpi ako na huwag kumawala ang galit. No choice ako kundi maglakad para lang makarating sa bahay ni Mr. Z. Kasalukuyan akong naglalakad nang matanaw ko ang isang kotse. Nakahinto ito sa gilid ng daan na kung saan ako dadaan. Malalaki tuloy ang hakbang ko para lang makalapit sa kotse. Ngunit bigla akong napahinto sa paglalakad nang bumukas ang pinto at iniluwa si Mr. Z. May kausap ito sa cellphone niya. At mukhang mainit ang ulo ng lalaki lalo at sinipa pa nga ni Mr. Z ang kotse niya. Hindi naman siguro ako makikilala nito kaya ayos lang kung dumaan ako sa harapan nito. Bakit kasi roon pa ito huminto. Kahit kabado ay tuloy-tuloy pa rin akong naglakad papalapit sa lalaking nakatalikod. Subalit kamuntik na akong matumba nang biglang itong lumingon sa akin. Tumingin din ako sa lalaki. Ngunit saglit lang itong napatingin sa akin. At muling ibinalik ang tingin niya sa unahan. Saktong daan ko sa harap nito ay agad kong kinalabit ang balikat ng lalaki. Hindi ko alam kung ano’ng pumasok sa utak ko para makipag-usap pa sa lalaking Mafia. “What?!” pasinghal na tanong niya sa akin. Hinawakan ko muna ang aking lalamunan bago ako magsalita. “Pogi, mayroon ka bang sampung piso? Pahingin naman,” anas ko at ang boses ko ay parang inipit na pusa. Kailangan kong gawain ang paliitin ang boses ko na para inipit na pusa upang hindi ako makilala ng lalaki. Hindi nagsalita ang lalaki, ngunit may dinukot ito sa bulsa ng pants na suot nito. Pagkatapos ay agad na inabot sa akin ang isang libong piso. Agad kong tiningnan ang perang inaabot ng lalaki sa akin. Sampung piso lang ang aking hinihingi ngunit ang laki naman nang binibigay niya. Iba na talaga kapag mayaman. Muli kong hinawakan ang aking leeg upang magsalita. “Pogi, hindi ko tatanggapin iyan. Saka, sampung piso lang ang aking hinihingi sa ‘yo. Ayaw ko niyan. Mga piso-piso na sampung piso lang ang gusto ko. Ayaw ko niyang papel baka pekeng pera pa ‘yan---” “What?!” galit na anas ng lalaki. Ngunit hindi ko talaga tinanggap ang isang libo. Hindi naman ako mukhang pera o manloloko ng kapwa ko pagdating sa pera, kahit pa sobrang laki ng pera na ‘yan. Hinding-hindi ko iyan tatanggapin. “Pasensya na pogi. Ngunit hindi ako tumatanggap ng ganiyan papel. Mas gusto ko pa rin ang piso-piso,” anas ko sa lalaki at nasa boses ko pa rin ang inipit ng tonog ng pusa. Pagkatapos ay agad akong tumalikod dahil pakiramdam ko’y parang nag-iba ang noto ng boses ko at naging Mich na ulit. Malalaki tuloy ang aking hakbang. Ngunit pagdating sa lubak na daan na may tubig at maingat akong humakbang upang hindi mabasa ang aking paa. Kaya lang bigla akong tinubuan ng kamalasan sapagkat lahat ng tubig kasal ay napunta sa akin dahil sa kotseng dumaan sa aking tabi at talagang pinadaan pa sa tubig kanal. Gigil na gigil kong sinundan ng tingin ang hayop na kotse at doon ko nakitang kay Mr. Z pala ang sasakyan na ‘yun. Nagalit yata dahil hindi ko kinuha ang isang libong piso. Parang nayapakan yata ang ego ng lalaking Mafia. Kahit amoy kanal ay pinilit ko pa rin na maglakad para makarating sa bahay ng hayop na Mafia Lord. Nagdaan ang mahabang oras. Sa wakas nakarating din ako sa gate ni Mr. Z. Nakita ko pa nga ang kotse ng lalaki na nakahimpil sa tabi ng gate. Bigla na namang umusok sa galit ang aking tainga. Hanggang sa umikot ang mga mata ko sa buong paligid. At natanaw ko ang sako na pinaglalagyan ng mga basura. Dali-dali akong lumapit sa isang sako na punong-puno ng basura. Pagkatapos ay agad ko itong hinila papalapit sa kotse ni Mr. Z. At walang pagdadalawang isip na ibinuhos ko ang mga basura sa ibabaw ng kotse niya. “Hey! Stop!” sigaw ng lalaking si Mr. Z. “Hindi na ako puwedeng huminto!” balik sagot ko sa lalaki. “Hulihin ang babaeng pulubi!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD