Tumingin muna ako kay Mr. Z. At kitang-kita ko ang galit na galit na anyo nito. Tumingin din ako sa mga tauhan nitong papalapit sa akin at balak nga akong hulihin. Kaya naman mabilis akong umalis sa harap ng kotse na punong-puno ng basura dahil nilagyan ko ito.
Ngunit bago ako umalis dito ay agad kong kinuha ang maliit na box na naglalaman ng kwintas na pagmamay-ari ni Mr. Zion.
“Oh! Ibabalik ko na sa ‘yo! Kaya tigilan mo na ako, Mr. Zion!” Sabay hagis ko sa ng box papunta kay Mr. Z. Kitang-kita ko namang nasalo ng lalaki ang box na aking hinagis. Pagkatapos ay nagmamadali na akong tumakbo papalayo sa lalaki. Ngunit bigla akong napalingon dahil may mga humahabol pa rin sa akin ng mga tauhan ni Mr. Z.
Anak ng putakti naman, oh! Akala ko ba’y titigilan na ako ng lalaking ‘yun dahil binalik ko na rito ang kwintas na nagkakahalaga ng bilyong halaga. Ngunit mukhang balak pa rin akong hulihin ng tinamaan ng kulog na Mafia Lord. Nakakainis naman!
Kaya naman mas matulin akong tumakbo papunta sa kaliwang daan. Muli akong lumiko papunta sa kanang daan. Hanggang sa may makita akong malaking truck. Dali-dali akong umakyat papunta sa ibabaw ng bubong at nagpakadapa-dapa rito upang hindi makita ng mga humahabol sa akin ng tauhan ni Zion. Hingal na hingal tuloy ako.
Nagpalipas muna ako ng ilang minuto rito sa taas ng bubong ng truck. Nang tangka na sana akong babangon nang maramdaman kong bumukas ang pinto ng truck. Kaya naman nanlalaki ang aking mga mata ng maisip kong baka tumakbo na ang sasakyan. Nagmamadali tuloy akong gumapang para sana bumaba, subalit biglang tumakbo ng sasakyan. Kaya no choice ako kundi humawak nang mahigpit upang hindi mahulog.
Hihintayin ko na lang na huminto ang truck bago ako bumaba rito. Tumihaya na lamang ako at tiningnan ang kalangitan, ngunit doon ko lang napansin na sobrang dilim na pala ng langit at mukha babagsak ang malakas na ulan. Mayamaya pa’y kitang-kita ko na ang mga malalaking patak ng ulan mula sa itaas. Mariin ko na lang ipinikit ang aking mga mata upang samdamin ang unti-unting pagkabasa ng aking katawan.
Ngunit naramdaman kong parang bumagal ang pagpapatakbo ng truck. Narinig ko ring ang pagbusina ng sasakyan. Saglit ding huminto ang truck ngunit muling tumakbo at para bang pumasok sa isang gate. Kaya naman maingat akong gumapang upang alamin kung na saang lugar na ba ako. Ngunit alam kung nasa lunsod pa rin ako dahil sandali pa lang tumatakbo ang sasakyan.
Kaya lang biglang nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko kung kaninong mansiyon ang pupuntahan namin. Walang iba kundi sa bahay ni Mr. Mafia Lord. Peste! Bakit ako nandito? Gosh? Paano ako rito makakaalis. Mabilis tuloy akong umalis sa aking pwesto nang makita ko ang mga tauhan ni Mr. Z. Namataan ko rin si Zion.
Ngunit muli akong sumulip at nakita kong may isang tauhan itong nasa likuran niya habang pinapayungan ang Mafia Lord na ‘yun. Sana lang ay hindi ako makita ng lalaking ‘yun. Mayamaya pa’y narinig kong bumukas ang pinto ng sasakyan dito sa likuran.
“Lord Z, nakatakas ang tatlong hudas. Kaya lima lang ang nahuli namin,” anas ng tauhan ni Mr. Z.
“Lagyan ng kadena. At dito ultimo sa harap ng bahay ko sila papahirapan!” galit na sabi ni Mr. Z.
Narinig ko naman ang pagmamakaawa ng limang lalaki. Ngunit tila bingi ang Mafia Lord. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone. Pagkatapos ay inilagay ko sa video. Medyo sumilip ulit ako. At nakita kong nakatalikod si Mr. Z, habang panay ang hampas ng latigo sa mga kawawang tao.
Kahit kabado ay kinuhanan ko talaga sila ng video. Para maging ebidensya upang maipakulong ang Mafia Lord na ‘to.
Kitang-kita rin sa video na halos tumalsik ang dugo ng limang lalaki sa tuwing lalapat sa kanila ang latigo na hinahampas ni Mr. Z. Labis din akong naaawa sa mga lalaking pinahihirapan nito. Kung tama rin ang aking nakikita ay may matatalim na bagay ang nasa gilid ng latigo kaya agad na dumabaon sa katawan ng limang lalaki. Hanggang sa medyo humarap si Mr. Z kaya kitang-kita sa video ang mukha nito.
Hindi pa na siyahan si Mr. Zion. May inabot pang bakal ang tauhan ni Mr. Z sa kanya. Ang bakal na ‘yun ay bilog ang dulo. Kitang-kita rin na galing sa apoy ang bagal pagkatapos ay basta na lang inilagay ni Mr. Z sa balat ng mga lalaki. Dinig na dinig ko ang daing ng mga lalaki dahil sa labis na sakit nito. Napakawalang puso ng lalaking ‘to.
Sobrang gulat na gulat ako sa aking nakikita. Ibang-iba kasi si Zion noong batang palagi kong binu-bully. Tahimik ito noon sa isang gilid lamang habang may hawak ng libro. Kahit panay ang pangbu-bully ko sa lalaki ay hindi ako niya pinapatulan. Kumpara ngayon na tila ito isang halimaw na tao. Agad kong itinago ang aking cellphone. Lalo at nakita kong para itong haharap.
Maingat din akong gumapang sa ginta ng bubong ng truck. Ngunit abot-abot ang aking kaba. Paano kung makita ako rito ni Mr. Z? Hampas ng latigo at paso rin ba sa aking katawan ang aabutin ko mula sa kamay ng lalaking ‘yun? Ngunit hindi ko hahayaan na mangyari ‘yun. Kailangan kong makaalis dito.
Mayamaya pa’y narinig kong may pumasok sa pinto ng truck. Hanggang sa tumakbo na ito paalis dito. Muli akong gumapang papunta sa tabi ng truck upang alamin kung saan kami pupunta. Hanggang sa nakita kong lumabas ng gate ang truck. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Mayamaya pa’y biglang huminto ang sasakyan. Hinintay ko munang bumaba ng sasakyan ang driver.
At nang matiyak kong wala nang hadlang sa akin ay nagmamadali na rin akong bumaba ng truck. Walang lingon-lingon na naglakad ako papalayo. At agad akong sumakay ng jeepney nang may huminto sa aking harapan. Napansin kong habang nakasakay ako sa loob ng jeepney ay nakatingin sa akin ang mga pasahero dahil siguro sa aking itsura.
At nang huminto ang jeepney ay nagmamadali na akong bumaba. Narinig ko pa nga ang mga sinasabi ng mga pasahero na ang pangit ko raw at nakakadiri raw ako. Ang mga tao talaga madali lang sa kanila ang manghusga ng kapwa tao nila. Magkakasunod na lamang akong napailing ng ulo ko. Hanggang sa makarating ako sa bahay na inuupahan ko. Sa banyo ako unang nagpunta lalo at nabasa ako ng ulan.
Nang matapos maligo at magbihis ay muli akong lumabas ng bahay na inuupahan ko. Kailangan kong pumunta sa opisina ni chief inspector upang dahil ang video na aking nakuha. Ngunit dumaan muna ako sa karinderya para kumain. Gutom na gutom na rin ako. Dahil simula kaninang umaga pa ako hindi kumain.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng karinderya. Agad akong bumili ng pagkain ko at pumunta sa table na available. Kasalukuyan akong kumakain nang may dalawang lalaki ang basta na lang naupo sa bakanteng silya kung saan ako naka-pwesto. Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang akong kumain. Ngunit bigla akong napahinto sa pagsubo ko nang biglang kuhanin ng isang lalaki ang lumpiang shanghai ko.
Salubong ang kilay ko na tumingin sa lalaking kumuha sa aking ulam. Ngunit ngumisi lamang ito sa akin. At muling kinuha ulit ng lumpiang shahghai na aking ulam.
“P’re, mukhang hindi nagustuhan ng babae ang pagkuha mo sa ulam niya. Mukhang balak kang saksakin ng tinidor,” anas ng isang lalaki.
“Babae, hindi mo ako basta matatakot sa titig mong papatayin mong nakakamatay. Ano kaya mo ba akong labanan, ha?” At muling kinuha ang aking ulam na lumpiang shanghai. At dahil sa labis kong inis sa lalaki ay agad kong kinuha ang pinaglalagyan ng suka na puro sili ang laman. Pagkatapos ay walang habas kong ibinuhos sa mukha niya. Malakas naman itong sumigaw dahil maanghang ang sili.
Mabilis din akong umalis mula sa pagkakaupo ko. Lalo at balak pa akong lapitan ng isang lalaki. Napansin ko rin na kumuha ito ng kutsilyo at balak akong saksakin sa aking tagiliran. Kaya naman mabilis kong kinuha ang plastik na upuan at ito ang ginawa kong panggalang. Kaya ang kutsilyo ay tumama sa gitnang upuan. Ngunit mabilis kong inangat ang aking paa upang sipain ang tuhod niya. Kaya mabilis itong napa-urong.
Ngunit hindi pa rin nagpapaawat ang lalaki at balak pa rin akong saksakin. Kaya naman sa labis na gigil ko ay ubod lakas kong ibinato rito ang upuan na aking hawak-hawak. Kitang-kita ko naman ang pagbagsak nito dahil tinamaan sa ulo.
Ang kasama nitong lalaki at patuloy pa ring nakahawak sa mukha nito dahil sa suka na punong-puno ng sili. Narinig ko rin ang sigawan ng mga tao rito sa loob ng karinderya. Takot na takot sila habang papalabas. Ngunit bigla akong napatingin sa pinto ng karinderya nang makita ko ang tatlong lalaki na nagmamadali na pumasok dito. At kung tama ang aking hinala ay kakampi sila ng dalawang lalaking nakalaban ko.
Ngunit bigla akong napatingin sa armalite na hawak nila. Hanggang sa sabay-sabay nilang itinunok sa akin ang mga baril nila. Mabilis akong tumalon papunta sa likod ng malaking lamesa. Agad ko rin itong pinatagilid upang ito ang gawing panang-galang ko upang hindi ako matamaan ng mga bala ng armalite. Agad ko ring kinuha ang aking baril na dala-dala. At habang nakadapa ako’y medyo sumilip ako upang alamin kung na saan naka-pwesto ang aking mga kalaban. Lalo patuloy pa rin nila akong pinapuputukan ng baril.
Hanggang sa nakita ko ang hita ng isang lalaki. Kaya naman agad kong itinutok dito ang baril na aking hawak-hawak, pagkatapos ay agad kong kinalabit ang gatilyo. Mayamaya pa’y bigla itong bumagsak. Muli ko ring binaril ang binti ng isa pang lalaki. Ngunit biglang huminto ang putok ng baril.
“Lumabas ka sa pinagtataguan mo, kung gusto mong patayin ko ang matandang ito sa ‘yong harapan!” siagw ng isa ko pang kalaban.
Dahan-dahan naman akong tumayo mula sa pagkakadapa ko. Ngunit nakatutok pa rin ang aking baril sa lalaking may hostage na matandang babae. Sa aking pagkakaalam ay ito ang may-ari ng karinderya na ‘to.
“Ibaba mo ang baril mo babae, kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo ng matandang ‘to!” utos sa akin ng lalaki.