Magkakasunod muna akong nagbuntonghininga. Pagkatapos ay nagsenyas ako kay Jocita na ako na lang ang papasok ng aking bahay na inuupahan. Hintayin na lang niya ako rito.
“Bestfriend mag-iingat ka…” pabulong na sabi ni Jocita sa akin. Marahan akong tumango sa aking kaibigan pagkatapos ay basta na lang akong gumapang papunta sa pinto ng bahay na inuupahan ko. Dito sa likod bahay ako dadaan upang walang makakita sa akin na mga tauhan ng lalaking ‘yun.
Tumingin muna ako sa kaliwa at kanan ko upang makatiyak na hindi ako makikita ni Mr. Z. Hanggang sa kuhanin ko ang aking susi at agad na binuksan ang pinto ng aking upahan na bahay. Maingat ko ring ini-lock ang pinto nang makapasok ako sa loob.
Dahan-dahan akong humakbang papunta sa aking silid. Laking pasasalamat ko dahil mga nakasara ang mga binata ng bahay na upahan ko. Pagpasok sa aking kwarto ay agad kong kinuha ang isang bag ko. At dali-dali kong inilagay ang mga mahahalaga kong gamit sa loob ng bag.
Babalikan ko na lang ang iba kong gamit. Baka bukas ng gabi ko na lang kuhanin dito. Kinuha ko rin ang aking baril na nasa ilalim ng kama ko. Mahalaga sa akin ang baril na ito, dahil kay Itay pa ang baril na ito. Punong-puno rin ito ng bala. At nang matiyak kong nailagay ko na ang aking mga gamit na mahalaga ay muli akong humakbang para sana lumabas ng kwarto. Ngunit bigla akong napatingin sa drawer. Agad akong lumapit dito. Kinuha ko sa loob ng drawer ang maliit ng box.
Hanggang sa tumambad sa akin ang isang gintong necklace na panlalaki. Hindi ko malilimutan kung kanino ang necklace na ito walang iba kundi kay Mr. Z. Kinuha ko ito sa kanyan noon para itago upang maghanap ito nang maghanap. Ngunit hindi ko naibalik dahil hindi na ito pumasok sa school.
Talagang itinago ko ito at ibabalik ko oras na magkita kami ulit. Hindi kaya ito ang hinahabol sa akin ni Mr. Z? Magkano kaya ang halaga nito? Agad ko na lang itinago ang kwintas. Gusto ko rin alamin kung magkano ang halaga nito at baka nga ito ang kailangan sa akin ni Mr. Z.
Hanggang sa maingat ulit akong humakbang papalabas ng aking silid. Pagdating ko naman sa kusina isang marahas na paghinga muna ang pinakawalan ko bago ako magdesisyon nabuksan ang pinto. Sumilip muna ako sa labas ay baka may makakita sa akin na mga tauhan ni Mr. Z. At nang alam kong wala ng tao ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay na inuupahan ko. Muli akong gumapang papunta sa pinagtataguan ni Jocita.
Hingal na hingal akong sumandal sa puno nang makarating sa tabi ng aking kaibigan.
“Ang tagal mo, Mich. Akala ko’y nakita ka na ng mga tauhan ni Mr. Z. Labis mo akong pinakaba…” bulong ng kaibigan ko sa akin.
“Hindi ko naman hahayaan na mangyari ‘yun. Kailangan na nating makailis dito at baka may makakita pa sa atin…” bulong ko kay Jocita.
Maingat naman kaming umalis ni Jocita sa lugr na ito. Hanggang sa tuluyan kaming nakarating bahay na sinasabi ni Jocita na puwede ko raw upahan. Maganda naman ang bahay kaya hindi na ako nagdalawang isip na kuhanin ito. Ang aking mga gamit ay kukuhanin ko na lang sa sunod na araw kapag wala na ang mga tauhan ni Mr. Z doon.
Hindi ko na rin kailangan maglinis sa bahay na inuupahan ko ngayon dahil malinis naman ito. Hindi naman nagtagal si Jocita rito lalo at may trabaho pa ito. Agad naman akong pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang aking laptop. Hindi ko pa nabubuksan ang laptop ko nang mag-ingay ang cellphone ko. Nakita kong si chief inspector ang caller ko.
“Pumunta ka sa Z-Mall ngayon, dahil nandoon si Mr. Z. Mag-iingat ka sa mga galaw mo, Mich. Lalo at kaliwa’t-kanan ang mga tauhan niya,” anas ng aking chief inspector. Hindi na nga niya ako hinintay na sumagot dahil nawala na ka agad ito sa kabilang linya. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha.
Hanggang sa magdesisyon na lamang akong umalis para pumunta sa Z-Mall na pagmamay-ari ng Mafia Lord na ‘yun. Ngunit dinala ko rin ang necklace ni Mr. Z. Kailangan ko itong ibalik sa kanya. Pero dumaan muna ako sa aking kakilala upang ipakita kung magkano ang halaga nito at baka nga ito ang dahilan kaya hinahanting ako ng Mafia na ‘yun. Pagdating naman sa ginto ay alam na alam ni Bete kung mamahalin ang mga ginto o hindi.
Hanggang sa makarating ako sa bahay ni Bete at napansin kong maraming tao. Mukhang nagkakasiyahan sila? Ano kayang mayroon?
“Mich, ano’ng masamang hangin at nagpunta ka rito? Tamang-tama ang dating mo birthday ng aking bunso.”
“Mukhang busy ka Bete. Sa sunod na araw ko na lang siguro ipapakita ang aking dala-dala---” Ngunit bigla nitong pinutol ang aking sasabihin dahil agad akong hinila papunta sa loob ng library niya.
“Ipakita mo na sa akin at mukhang mahalaga ang dala-dala mo, Mich,” anas ni Bete sa akin. Agad ko namang kinuha ang maliit na box. Pagkatapos ay inilabas ko ang necklace na pagmamay-ari ng Mafia Lord na ‘yun.
“Gusto ko lang alamin kung magkanong halaga ng alahas na ito, Bete.” Sabay abot kay Bete. Kitang-kita ko ang pagkamangha ng aking kaibigan.
“Mich, tingin ko pa lang ay mamahalin ang alahas na ito. Ngunit gusto ko pa rin malaman.” Pagkatapos ay agad nitong inilapit sa parang machine. Mukhang kakaiba ito. Ngunit hindi na ako nagtanong at hinintay ko na lang ang resulta.
“Ohh! My Gosh! Tama nga ang aking hinala!” bulalas ni Bete. Dali-dali naman akong lumapit dito para alamin kung ano ang nangyayari. Agad ko namang tinanong sa babae kung ano’ng nalaman niya.
“Jusko po, Mich. Kung ibebenta mo ang necklace na ito ay aabot ito ng bilyong halaga!” bulalas ng babae sa akin. Para akong naluna dahil sa nalaman ko. Halos hindi ako makapagsalita at nakatingin lamang sa necklace na hawak ni Bete.
Gosh! Kaya ba hinahabol ako ni Mr. Z dahil sa necklace na ito? Bigla tuloy akong pinagpawisan ng malapot. Hanggang sa ibigay na sa akin ni Bete ang kwintas. Ngunit panay ang bilin nito sa akin na ingatan ko ang necklace na aking hawak-hawak. Matakaw raw ito sa magnanakaw oras na isuot ko. Ngunit hindi ko naman ito isusuot. Kailangan ko itong ibalik kay Mr. Z. Bahala na! Kahit ano’ng mangyari ay ibabalik ko ito sa lalaki.
Agad naman akong nagpaalam kay kay Bete. Ngunit bago umalis ay nanghiram pa ako ng mascot bear sa babae. May paggagamitan kasi ako. Agad naman niya akong binigyan ng mascot bear. Huwag ko na lang daw isauli, puwede ko raw magamit ang mascot bear kapag may undercover ako. Labis-labi naman ang pasasalamat ko sa aking kaibigan. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong umalis sa bahay nito.
Nang may dumaang jeepney ay agad akong sumakay. Hindi naman kalayuan ang Z-Mall. At ito lang naman ang pinakamalaking Mall dito sa lunsod at ito’y pagmamay-ari ng isang Mafia Lord.
Nang tumapat sa Z-Mall ang jeepney na sinasakyan ko ay agad akong nagbayad sa driver. Nagmamadali na akong bumaba at malalaki ang hakbang ko papasok sa Z-Mall. Ang laki talaga ng Mall na ito. Ngunit bigla akong napatago nang makita ko si Mr. Z. Naglalakad ito papalabas ng Z-Mall.
Hinintay ko munang makalabas ang lalaki. At nang makita kong nasa labas na ito ay nagmamadali rin akong lumabas. Ngunit lumapit ako sa likod ng malaking truck at dali-dali kong isinuot ang mascot bear sa aking katawan. Pagkatapos ay isinunod ko rin ang ulo ng mascot bear. Nakikita ko naman ang aking dinadaanan. Kaya hindi ako mahihirapan.
Hinanap ng mga mata ko si Mr. Z. Nakita kong papalapit ito sa kotse nito. Naghanap din ako ng taxi. Agad naman akong pinasakay nang sabihin kong magbabayad ako ng malaki. Inutos ko rin sa driver ng taxi na sundan ang kotseng kulay itim. Agad naman itong sumunod sa akin. Ngunit panay ang bilin ko na huwag masyadong lalapit at baka makita kami. Hindi nagtagal ay huminto ang kotseng sinasakyan ni Mr. Z. Sa hotel na pagmamay-ari ng lalaki.
Nakita kong pumasok ang lalaki sa loob ng hotel. Ako naman ay dali-dali na nagbayad sa taxi driver. Agad kong inalis sa aking ulo ang ulo ng mascot bear. Baka kasi hindi ako papasukin sa loob ng hotel oras na may takip ang aking mukha.
Kumuha na rin ako ng magiging silid ko. Kailangan ko ulit makapasok sa kwarto ni Mr. Z upang ilagay sa silid niya ang hawak-hawak kong necklace. Pagpasok ko sa loob ng elevator ay muli kong inilagay sa aking ulo ang ulo ng mascot bear. Baka kasi biglang pumasok si Mr. Z o ‘di kaya ay ang mga tauhan ng Mafia na ‘yun. Tapos ang maliligayang araw ko oras na mahuli ako.
Mayamaya pa’y bigla akong napatingin sa pinto ng elevator nang makita kong bumukas ‘yun. At pumasok si Mr Z. Napansin kong nag-iisa ang lalaki at wala ang mga tauhan nito. Hindi pa ito tumitingin sa akin dahil may kausap ito sa cellphone. Gos! Huwag sanang hilahin ang suot mong mascot bear.
“Yeah! Tiyakin ninyong makukuha n’yo ang babaeng ‘yun, and bring it to me!“