Oras-Oras, Araw- Araw

1416 Words
Halos kumabog ang aking dibdib ng mga oras na ito. Maingat ko ring inilapit ang aking mata sa maliit na butas dito sa pinto ng malaking cabinet na ito. Nais ko kasing makita kung ano ang ginagawa ni Mr. Z. Subalit biglang nanlalaki ang aking mga mata nang makita kong isa-isang inaalis ng lalaki ang kayang kasuotan Mabilis ko tuloy inalis ang mga mata ko sa butas upang hindi ko makita ang bagay na ‘yun. Gosh! Ayaw kong makakita noon. Dahil hindi pa ako handa. Bigla ko ring hinawakan ang aking dibdib para kasing sobrang lakas ng kabog nito. Ilang minuto ang lumipas nang muli akong sumulip at nakita kong papasok ito sa loob ng banyo. Kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon habang nasa loob pa ito ng banyo. Para akong ipo-ipo na lumabas ng kwarto ni Mr. Z. Tuloy-tuloy akong pumasok sa kwarto nakalaan sa akin. Agad ko rin ini-lock ang pinto ng silid na ito. Hanggang sa napasandal ako sa pintuan. My Gosh! Tama ba itong aking gagawin? Paano kung sa pagsunod ko sa Mafia Lord na ‘yun ay kataposan ka na pala? Ngunit kailangan kong sumugal para sa pagtaas ang aking rango. Bahala na nga si kamatayan sa akin! Lumapit na lamang ako kama at pabagsak akong nahiga. Kaya lang paglapat ng aking likod sa kama ay agad akong binalot ng antok. Dahan-dahan kong ipinipikit ang aking mga mata at tuloy-tuloy na naglakbay ang kaluluwa ko papunta sa dako pa roon. Nagising lang ako sa cellphone kong nag-iingay kaya naman dali-dali ko itong kinuha at nakita kong si chief inspector ang tumatawag sa akin. Agad kong sinagot ang call niya. Ngunit antok na antok pa rin ako. “SPO 3, Gatchalian, ano’ng balita sa pinag-uutos ko sa ‘yo? Nasundan mo ba ng maayos si Mr. Z? May mga nalaman ka ba tungkol sa kanya?” sunod-sunod na tanong sa akin ni inspector. Biglang nanlalaki ang aking mga dahil sa tanong ni inspector. Mabilis ko ring tiningnan ang oras at doon ko nakitang alas-otso na pala ng umaga. Napangiwi tuloy ako. “Inspector, ang totoo niyan ay wala pa aking mahanap na baho ni Mr. Z. Masasabi ko lang ay maingat siya sa kanyang mga galaw. Dapat lang naman ganoon ang gawin niya lalo at isa siyang Mafia Lord. Ang hirap makalapit sa kanya Inspector, kaliwa’t kanan ang mga tauhan niya,” palusot ko sa aking Inspector. Kung alam lang nito ang ginawa ko kagabi--- Ang matulog lang magdamag, imbes na sundan ang Mr. Z. Ano’ng magagawa ko, eh, inaantok ako. Ngunit ngayon araw ano babawi ako. Kailangan ko nang sundan ang aking target. Hanggang sa marinig kong magsalita si Inspector. “Oo nga pala isang Mafia Lord ang target mo kaya alam kong mahihirapan ka. Sa aking pagkakaalam ay marami siyang mga tauhan kaya palagi kang mag-iingat. Pilitin mo na hindi ka niya makita ko mahuli, SPO 3 Gatchalian,” paalala ni Inspector sa akin. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ng lalaki. Agad kong ibinaba ang aking cellphone. Pagkatapos ay nakipagtitigan pa ako sa kisame ng matagal. Mahaba ang tulog ko magdamag kaya alam kong magagawa ko ng maayos ang aking trabaho. Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama. Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas ng silid na ‘to. Kinuha ko rin ang jacket at sombrero ko. Hanggang sa magdesisyon na akong lumabas ng hotel room. Tuloy-tuloy akong sumakay ng elevator. Ingat na ingat ang mga galaw ko nang makarating ako sa labas ng hotel baka kasi bigla kong masalubong si Mr. Z. Nang may dumaan na jeep ay agad akong sumakay. Kailangan ko munang umuwi sa bahay na inuupahan ko. Agad naman akong nagbayad sa jeepney driver nang huminto ito at kailangan ko nang bumaba. Hindi na ako nagsakay ng tricycle para lang makarating sa aking bahay na inuupahan. Sayang ang pamasahe kaya naglakad na lamang ako. Saka, hindi naman kalayuan ang aking bahay na inuupahan. Ngunit biglang kumunot ang aking noo nang makita ko si Jocita nagmamadali itong tumatakbo papalapit sa akin na labis kong pinagtataka. Nagulat pa nga ako nang hilahin ako ni Jocita papunta sa likod ng malaking truck. Kitang-kita kong hingal na hingal ang kaibigan ko dahil sa bilis ng pagtakbo nito. “Hey, ano’ng nangyayari sa ‘yo? Bakit para kang nakakita ng multo?” tanong ko sa dalaga. Isang marahas na buntonghininga ang pinakawalan ni Jocita. “Hindi ka puwedeng umuwi sa bahay na inuupahan mo, Mich. Dahil nandoon ang mga tauhan ni Mr. Mafia Lord. Heto na nga ang aking sinasabi sa ‘yo, eh. Babalikan ka talaga noon. Ano bang kasalanan mo sa kanyan at ganiyan kung habulin ka? Paano kung maabutan ka niya o ‘di kaya ay mahuli? Diyos ko naman ako ang natatakot para sa ‘yo,” tuloy-tuloy na litanya ni Jocita at nasa mukha nito ang pag-aalala sa akin. Agad kong hinawakan ang kamay ni Jocita at ramdam ko ang panginginig ng babae. Pinakalma ko muna ito at baka mahimatay pa ito. Kailangan ko na ring sabihin kay Jocita kung bakit ako hinahabol ng lalaki. Dahil ako lang naman ang bully ni Mr. Z noon. “Hey, relax ka lang Jocita. Saka, ako rin naman ang may kasalanan kaya hinahabol ako ng mga nakaraan ko…” bulong ko sa aking kaibigan. Napasandal din ako sa truck habang panay ang hilot ng aking noo. “Mich, ano bang ginawa mo kay Mr. Z at ganiyan na lang kalaki ang galit sa ‘yo ng lalaking ‘yun? Ako ang natatakot para sa ‘yo, best friend ko,” anas ni Jocita at labis ang takot niya sa kanyang mukha. Agad ko namang sinabi kay Jocita ang lahat-lahat na ako ang bully ni Mr. Z noon. Lahat ng klase ng pang-bu-bully ay ginawa ko sa lalaki. Kaya hindi na ako magtataka kung balikan ako nito at patayin. Dahil noong nag-aaral kami ay puro kahihiyan ang sinapit ng lalaki dahil sa akin. “Oh! My Gosh! Totoo ba ‘yun? Ano’ng gagawin natin. Ako ang natatakot para sa ‘yo, Mich. Paano kung mahuli ka niya?” tanong ng babae at mas lalo itong natakot para sa akin. “Iwan ka ba, ngunit hindi ako magpapahuli sa kanya. Remember isa akong pulis kaya hindi ako magpapasindak sa lalaking ‘yun. Ang kailangan kong gawin ay umalis sa bahay na inuupahan ko,” anas ko kay Jocita. “Mayroon akong nakita room for rent malapit lang doon sa bahay na inuupahan ko. Baka magustuhan mo ‘yun, Mich. Ngunit kailangan muna nating makuha ang mga gamit mo sa loob ng bahay mo,” anas ng babae sa akin. “Yes, tama ka. At dito tayo dadaan sa may kakahuyan upang walang makakita sa atin,” anas ko sa aking kaibigan. Agad ko itong niyaya sa daan na aking tatahakin. Maingat kaming humakbang nang malapit na kami sa likod ng bahay na inuupahan ko. Nagsenyas ako kay Jocita na huwag maingay at dahan-dahan lang siya sa paghakbang. Payuko-yuko rin kami upang walang makakita sa amin ni Jocita. Ngunit mabilis ko itong hinila papunta sa likod ng puno dahil may narinig kaming papalapit dito. “P’re, mukhang hindi uuwi ang babaeng pinahahanap sa atin ni Lord Z. Balik na lang tayo bukas,” narinig kong anas ng isang lalaki. “Hindi tayo puwedeng umalis dito hangga’t hindi natin nakikita o naisasama ang babaeng ‘yun kay Lord Z. Ang sabi ni Lord Z ay malaki raw ang kasalanan ng babaeng ‘yun sa kanya. Oras na raw para maningil siya.” “Ano kayang gagawin ni Lord Z sa babaeng ‘yun? Saka ano kaya ang kasalanan niya sa aking Lord Z?” “Baka papahirapan din katulad noong nga taong nakagawa sa kanya ng kasalanan, ikinulong sa bartolena at araw-araw hinampas ng kadena hanggang sa mamatay. Kilala mo naman si Lord Z. Galit sa mga taong may atraso sa kanya.” Mariin kong ikinuyom ang mga labi ko dahil sa aking narinig. “Ano’ng gagawin mo, Mich? Paano nga kung patayin ka niya...?” bulong na tanong sa akin ni Jocita. “Hindi ako papayag na mangyari ‘yun, Jocita!” mariing anas ko sa aking kaibigan. Talagang hindi ako papayag na mamatay mula sa mga kamay ng Mafia Lord na ‘yun. Kailangan kong makakuha ka agad ng mga ebidensya para maipakulong ko ang pesteng yawang Mafia Lord na ‘yun. Kung kinakailangan ay susundan ko ito oras-oras, minu-minuto o araw-araw ay gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD