MAGTAGO KA NA

1304 Words
MARIIN kong naikuyom ang aking kamao. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit niya ako pinahuhuli dahil nakilala niya ako, kaya pala bumagal ang takbo ng sasakyan nito kanina nang tumapat sa amin ni Jocita. Nakilala pala ako. Grabe naman ang memorya ng Mafia Lord na ‘yun, ang talas, samantalang ako hindi ko agad siya nakilala. Sabagay matalino ito noong nag-aaral kami. Kaya alam kong tandang-tanda niya ako--- ang babaeng bully sa kanya noon. Nahilot ko tuloy ang aking noo. Nakakainis naman! Bakit ba ang bully ko noong nag-aaral ako? May humahanting tuloy sa akin na isang mafia lord ngayon. Mariin ko ring ipinikit ang aking mga mata dahil sa inis. Mayamaya pa’y biglan ko ring natakpan ang bibig ko dahil naalala kong pati pala pagkain ni Zion noon ay kinukuha ko rin. Kaya ang labas ay hindi ito nakakakain dahil ako ang kumakain. Pati bag nito ay tinatago ko rin sa loob ng banyo. Kahit ganoon pa naman ay wala akong narinig na galit o pagmumura mula sa lalaki. Ngunit alam kong galit ito sa akin at tinatago lamang. Naku naman! Huwag sanang masira ang plano namin ni chief inspector, baka hindi matuloy ang nakatakdang pag-angat ng posisyon ko bilang alagad ng batas. Para mawala ang stress ko ay nahiga na lamang ako. Kailangan kong magpahinga dahil may gagawin pa ako bukas. Agad kong pinikit ang aking mga mata para nakatulog. Ngunit bigla akong napabalikwas nang bangon nang marinig kong biglang bumukas ang bintana ng kwarto ko. Subalit nanlalaki ang mga mata ko nang makita ng mga mata ko si Mr. Z. Dahan-dahan din itong lumapat sa akin habang ang kamay nito ay may dala-dala maliit na kutsilyo. Mabilis tuloy akong napa-urong. “Nakita rin kita babae. At titiyakin kong mamamatay ka sa aking mga kamay!” malamig ang boses ni Mr. Z nang sabihin ang katagang iyon. Lalo naman akong nataranta dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko, ngayon lang din nangyari sa akin na walang pumapasok na matino sa aking utak. Parang hindi ko rin mailagaw ng tama ang aking buong katawan. Tila ba may nagpipigil sa akin na labis kong pinagtataka ng sobra, kahit gusto ko itong sipain ay ayaw namang sumunod ng mga binti ko. “You’re dead, woman!” Sabay bato nito sa akin ng kutsilyo na hawak nito. Nanlalaki naman ang mga mata ko. Gusto kong umiwas sa kutsilyong tatama sa aking leeg, subalit parang tuluyan na akong dumikit sa kinatatayuan ko. “Hindi!” tanging malakas na sigaw ko na lamang. “Ahhh!” bulalas ko at agad din akong napabangon mula sa pagkakahiga ko, kinapa ko rin ang aking katawan upang tiyakin kung may tama ba ako ng kutsilyo. At nang matiyak kong wala ay dali-dali akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pinahid ko rin ang pawis sa aking noo. Akala ko’y totoo nang tinarget ako ng kutsilyo ni Mr. Z. Gosh! Panaginip lamang pala. Nang makainom ng tubig ay muli akong bumalik sa aking kwarto. Kinuha ko rin ang aking cellphone at baka nagtext sa akin si Jocita. Nakita ko naman may nagpadala ng minsahe sa akin, kaya naman dali-dali ko itong binasa. “Nakita rin kita Mich Gatchalian! Oras na para maningil ako sa mga kasalanan mo sa akin,” marahang bigkas ko. At nanlalaki rin ang mga mata ko dahil sa text sa akin. Hindi puwede ito! Paano niya nalaman ng cellphone number ko? Jusko po! Bakit hinahabol ako ng nakaraang ginawa ko na pang-bubully? Baka ang labas ko ay sa ilog pasig. Kailangan kong magpalit ng cellphone number. Para hindi ako maitext ng Mafia Lord na ‘yun. Balak ko na sanang i-off ang cellphone ko nang muling may nagtext akin. Kahit nag-aalangan ay napilitan kong basahin ang text sa akin. “Hindi-hindi mo na ako mapagtataguan, Mich Gatchalian, lahat ng ginawa mo sa aking pambu-bully noon ay ibabalik ko sa ‘yo nang sagad na sagad. At titiyakin kong magdurusa ka, babae!” muling basa ko sa text sa akin. Agad ko na lamang ini-off ang cellphone ko para hindi ko na mabasa ang mga text ng Mafia Lord na ‘yun. Pansin ko ring galit ang nagtext sa akin dahil sa caps lock na sulat nito sa mensahe sa akin. Nahilot ko tuloy ang aking noo. Parang bigla akong na-stress. Ngunit hindi ako magpapatalo rito. Kung kinakailangan ay magtago ako ay gagawin ko. Bahala na si Batman o superman. Hanggang sa muli kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi naman nagtagal ay muli akong nilamon ng antok lalo at alas-dos pa lang ng madaling araw. Kinabukasan nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko. Tumingin din ako sa orasan at nakita kong alas-diyes na ng umaga. Mabilis tuloy akong tumayo at nagtatakbo papunta sa loob ng banyo. Nagmamadali akong maligo lalo at may pupuntahan ako ngayon. Minuto lang ako rito sa loob ng banyo at muling lumabas. Agad akong naglagay ng damit. Isang malalim na buntonghininga na lamang ang ginawa ko dahil puno ng alalahanin ang dibdib ko. Hanggang sa lumapit ako sa harap ng salamin para suklayin ang aking buhok. Kinuha ko rin ang cellphone ko para buksan ito at baka tumawag si Chief inspector sa akin. Mayamaya pa’y nag-ring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Chief. Agad ko naman itong sinagot. “Na saan ka, SPO 3 Gatchalian?” bungad na tanong sa akin ng Chief ko. “Papaalis na po ako ng bahay para sundan si Mr. Z, chief inspector,” sagot ko rito. “Pumunta ka sa, Z’s Hotel, na pagmamay-ari ni Mr. Z. Kailangan mong pasokin ang room niya sa hotel na ‘yun. Baka may makita ka roon. At ang number ng room ni Mr. Mafia ay 6970. Private room iyon kaya mag-iingat ka.” “Chief, hindi kaya ako mahuli ako kapagpumasok ko sa Z’s Hotel?” “Hindi, dahil magpapangap kang guess sa hotel. Kukuha ka rin ng kwarto roon. Huwag kang mag-alala dahil may nagaganap na party roon ngayon. Doon ka na agad pumunta ngayong araw, SPO 3 Gatchalian.” “Sige po, Chief,” sagot ko rito. At tuluyan na rin kaming natapos sa usapan namin. Nagmamadali naman ang mga kilos ko. Nang makalabas ako ng bahay ay agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa Z’s Hotel. Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin ako sa tapat ng gusali. Nagmamadali akong lumabas ng taxi nang makapagbayad ako sa driver ng sasakyan. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng hotel, agad naman akong nakakuha ng kwarto ko. Pa-simple pa nga akong ngumiti dahil ang magiging kwarto ko ay katabi lang ng kwarto ni Mr. Z. Medyo yumuko rin ako dahil sa mga cctv camera sa paligid. Hanggang sa tuluyan akong nakarating sa harap ng pinto ng magiging silid ko. Ngunit hindi na ako nag-abala pa na buksan ang pinto. Dahil kailangan kong makapasok sa loob ng kwarto ni Mr. Z. Sa gilid ako dumaan at payuko-yuko pa ako para hindi mahagip ng cctv camera. Agad ko ring kinuha ang aking hairpin sa buhok. Hanggang sa wala na akong sinayang na oras. Gamit ang hairpin ay nabuksan ko ang kwarto ni Mr. Z at tuluyan akong nakapasok sa loob. Mabilis na gumalaw ang aking katawan upang maghanap ng mga ebidensya upang maipakulong ito. Oras na makulong ang Mafia Lord na ‘yun, tiyak na tatahimik ang buhay ko. “Kapag pumalag, iligpit ninyo!” Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na ‘yun, walang iba kundi si Mr. Z. Naku po! Lagot ako nito! Taranta tuloy ako at hindi ko alam kung saan ako magtatago. Hanggang sa makita ko ang malaking cabinet at isiniksik ko talaga ang katawan ko rito. Bahala na! Huwag sana akong makita ng Zion Ferrer na ito, ang lalaking dati kong binu-bully.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD