Inis na tumingin ako kay Mr. Z. Akala ko talaga ay nahimatay ang Mafia Lord na ‘to. Hindi pala at nag-iinarte lamang. Marahas ko na lamang hinila ang aking pulsuhan mula sa pagkakahawak nito. Subalit mahigpit ang pagkakahawak nito at ayaw talaga akong bitawan. Nagulat pa nga ako nang bigla akong hilahin ng binata para lang ilapit sa kanya. “Ano kayang unang parusa ko sa ‘yo, Mich Gatchalian? Tingin mo anong maganda kaya?” Pagkatapos at mataman akong tiningnan nito sa aking mukha, pababa sa aking labi at doon nagtagal na pagkakatitig. Mabilis ko namang inilayo ang aking mukha mula kay Mr. Z, lalo at nakikita kong dahan-dahan itong lumapit sa akin. “Bitawan mo nga ako, Mr. Z. Kailangan ko nang umuwi!” galit na sabi ko sa lalaki. Ngunit tila bingi ito at talagang mas lalo pa rin nitong h