Napaunat ako ng likod nang maramdaman ko ang boses ng lalaking nasa likod ko walang iba kundi si Mr. Zion Ferrer. Peste! Ang bilis naman nitong makarating dito? Parang magic lang, ah? Nangilabot din ang katawan ko dahil sa sinabi nitong mabubutas daw ako ng maaga. Nababaliw na yata ang Mafia Lord na ito. Ngunit hindi ako magpapasindak sa lalaking ito. Mariin ko munang ikinuyom ang aking mga kamao ay nag-isip ng lamalim. Hindi rin muna ako makapagsalita. Pero nakikiramdam ako sa taong nasa likod ko. Mayamaya pa’y nadama kong lumapit ang labi niya sa aking punong tainga. “Ano’ng ginagawa mo rito sa harap ng building na pagmamay-ari ko? Pinamanmanan mo ba ako, Mich Gatchalian…?” pabulong na tanong sa akin ni Mr. Z. Magkakasunod muna akong napalunok. “Napadaan lang ako rito, Mr. Zion Ferre