Kabanata 3..
WALANG hinto ang pag wawala ng puso ni Izabel. Hindi siya napapagod maghihiyaw mula pa kanina. Mailabas lang ang sakit na naandoon. Naputol ang pag iyak niya ng tumunog ang cellphone niya, mbilis niya itong tiningnan. Ang kaniyang ina hindi niya sinagot iyon. Pero kung ilan beses niyang tinatapunan ng tingin ang cellphone, ganoon din ilang beses ang pagtunog 'non. Hindi rin siya naka tiis, sinagot narin niya iyon.
"Iha, where are you?" sa boses ng in a niya puno ito ng pag aalala sa kaniya, "Anak nagkita na ang Daddy mo at si Red."
Biglang nabuhay ang isip at dugo niya dahil sa narinig. "M-mama, a-ano po ang ginawa ni Daddy kay Red?" mabilis niyang tanong na may piyok na boses ang pinakawalan niya. Dahil malalaman na ni Red ang lahat, lahat ng pagpapanggap niya tungkol sa magulang at sa buhay niya.
"I'm sorry iha, pero hindi ko mapigilan ang Daddy mo." anito, na halata na rin umiiyak dahilan halata sa boses nito.
Hindi niya mapigilan, walang paalam na ibinaba niya ang cellphone, pakiramdam niya sasabog ang puso niya. Ngayon alam na ni Red ang pagpapanggap na ginawa niya. Ginawa lang niya iyon para maramdaman nito na mahal niya iti, maipakita na wala siyang itinatago at tanggap ito ng magulang niya, ginawa niya iyon dahil ayaw niyang mag isip ito, pero ang pagmamahal niya kay Red, ay talagang totoo.. Noon pa man alam na niyang takot siyang ipakilala sa magulang niya ang binata pero dahil mahal niya ito ipinagpatuloy niya ang sikretong iyon.
"Red...." sambit na lamang niya sa pangalan nito na patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata.
Binalikan niya ang mga ala-ala kung gaano katamis sila ng binata at walang inaalalang problema.
Flashback...
Sa Coffee Shop ito ang madalas nilang puntahan. Dahil ito na talaga ang tambayan nila ng kaibigang si Andrew.
"Hoy bruha! may nag iwan na naman ng bulaklak d'yan sa pwesto mo!" ani Andrew sa kaniya, na may halong kilig ang boses habang nakatingin sa bulaklak na naka patong sa lamesa.
Sa araw-araw nilang magkakasamang nagkakape ng mga kaibigan, araw- araw din sa lamesa na 'yon na mayroon siyang bulaklak na rosas na natatanggap doon. Hindi niya alam kung kanino ba ito nanggagaling dahil tanging bulaklak at isang sulat ngunit walang pangalan na naka paloob doon.
Marami siyang mga mangliligaw, pero ni isa wala siyang magustuhan. Ayaw kase niya ng mayabang, higit sa lahat 'yung itsurang may pagnanasa lamang sa katawan niya. Dahil hindi naman maitatangging may katawan siyang katangi-tangi at kagandahan. Kahit nga maraming tumitingin sa kaniya at kumukuha ng numero sa tuwing naandoon sila hindi niya iyon binibigay.
Isang umaga naka ramdaman siyang gusto na niyang makita kung sino ba 'yung lalaking romantiko na nag iiwan lagi ng rosas sa paboritong nilang lamesa. Hindi niya alam na naka isip na pala ng plano ang kaibigang bakla kung paano mahahanap at makikilala ang lalaki.
"Maghintay ka Beshy, malalaman at malalaman din natin kung sino ba ang bago mong stuitor." nakangiting saad nit saka kumindat pa sa kaniya.
"So, anong gagawin mo?" Interesado niyang tanong.
"Secret beshy! Lets go.. Baka ma late pa tayo." at nagpatiuna na itong lumabas. Nag-aaral pa lamang sila 'non.
BS Engenireeng ang kurso niya at sa kaibigan naman niya ay Tourist. Natawa na lang siya sa tinuran ng kaibigan.
Kinabukasan, bumalik sila sa coffee shop, pero tila himala dahil walang naiwan na rosas sa upuan sa paborito nilang lamesa. Sa isip niya baka nagsawa na ito at sayang naman at hindi pa niya ito nakikilala. Pero ilang segundo, may lumapit sa kaniya na isang Delivery Man, ito mismo ang nag abot sa kaniya ng mga Fresh Roses ng umaga na 'yon bumalaty sa mukha niya ang pagkagulat matapos napalutan ng pagkakilig. Nakangiti siyang pinagmamasdan ang bulaklak habang hawak niya iyon. Hinahaplos niya ang bulaklak at paminsan-minsan at inaamoy. Nawala sa sarili niyang tumayo ang kaibigan at wala siyang kamalay-malay na hinarang pala ni Andrew ang Delivery Boy at tinanong kung sino ba ang lalaking nag padala ng rosas sa kaniya.
Pasimpleng itinuro ng Delivery Boy ang matabang binata na habang nagpupunas ng lamesa sa 'di kalayuan. Hindi makapaniwala si Andrew sa nakita. "Oh my god.. H-hindi ganito ang gusto 'kong katawan para sa magiging boyfie ng best freind ko, nasobrahan yata sa kain at napakawalan sa kusina kaya lumaki ng ganito?" nangingiwing sabi ni Andrew sa sarili dahil sa natuklasan, kasabay ng biglaang pagtutop sa sariling bibig.
"Hoy bakla! Anong pinaggagawa mo d'yan? 'Yung kape mo dito!" sigaw ni Izabel. Nakangiwing nagkukumahog na lumapit si Andrew nang marinig ang boses ng dalaga.
"Look Izabel.. If siya ba, what do you think?" turo nito sa binata. Hindi na nito nagawang makaupo sa harap na tig-isang banko ng tawagin niya ito.
"Sino?" Kunot noo niyang tanong, kung ano ba ang ibig sabihin ng kaibigan niya. Tumingin siya sa itinuro nito, isang lalaking nagpupunas ng lamesa sa 'di kalayuan ang nakita niya...
Napangiti siya, isang lalaki na hirap sa paglalakad dahil sa kalakihan ng katawan pero may kasipagan. Pero, nagtataka siya kung ano bang ibig sabihin ng pagturo ng kaibigan niya sa lalaking iyon? Napangisi siya. Mabilis niyang naintindihan ang ibig sabihin ng kaibigan sa pagturo nito sa binata.
"Well.." Bulong ng isip n'ya.
MASAYANG may halong kilig ang nararamdaman ni Red habang pinagmamasdan niya kung paano amuyin ni Izabel ang ibinigay niyang bulaklak. Magkadaop palad habang tinitingnan niya ang ginagawa ng dalaga.
Hindi namamalayan ni Red na, kitang-kita ng bakla ang mga ngiti niya habang nakatingin sa dalaga.
Kinabahan si Red ng mapansin niyang nakatingin si izabel sa kaniya, hindi niya kase matiis na hindi tumingin muli sa dalaga, pero hindi niya iyon pinahalata. Napalunok siya ng makita niyang humahakbang na ito sa kinaroroonan niya.
Kinakabahan s'ya na baka magalit ito sa ginawa niyang pagpapadala dito ng bulaklak kung sakaling alam na nga nito, dahil kanina pa nakatingin sa kaniya ang palaging kasama nito na bakla. Dahil nahuli niyang nakatingin ito sa kaniya.
"Hello!" nakangiting saad ni Izabel..
Luminga siya sa magkabilang tagiliran niya, sinisigurado kung siya ba ang kinakausap nito. Napansin yata ng dalaga ang pag linga niya sa magkabilang gilid niya kaya ito na ang sumagot sa tanong ng isip niya. "Ikaw po 'yung kinakausap ko." malambing na wika ng dalaga aa kaniya tila musika,ang pagkakadinig niya sa mga binabnggit nito. Hindi niya inaasahang siya pala ang lalapitan nito at kakausapin. Napa tingin siya sa dalaga.
"H-hi..." nauutal niyang sagot sa dalaga na hindi maituloy ang gustong isagot.
"Ikaw ba 'yung nag-iiwan ng mga bulaklak sa lamesa?"
"H-hindi po! H-hindi M-ma'am." kanda utal niyang tanggi sa wakas nasabi din ang gustong itanggi.
Ngunit natawa ito sa magiing pagtanggi niya, "Huwag ka ng mahiya at itanggi pa, ako nga pala si Izabel, sure naman kahit 'di 'ko magpakilala at sabihin ang pangalan ko eh' kilala muna 'ko?" sabay lahad nito ng palad sa kaniya.
"Sorry.. " saad niya kay Izabel awtomatikong napakamot pa siya ng ulo segundo at t inabot din niya ang palad nito.
"For where?" Takang tanong nito sa kaniya.
"Dahil sa Rose.. " wika ni Red na may halong kaba pero pilit kinakalma ang sarili.
"Hindi ah! By the way, What your name?"
"A.. e.. Redjel, pero tawagin mo akong Red for short." sa itsura niya may kilig na naka bakas doon, sa wakas nakilala na rin siya ng crush niya.
"Nice to meet you Red, salamat sa araw-araw na pagbibigay mo ng Rose sa akin."
Ito na ang simula ng pagkakakilala nila. Simula kung paano sila maging matalik na magkaibigan ni Red.
Sa araw- araw nilang nagkikita sa loob ng coffee shop, maging sa labas man, nagkakilalahan sila ng lubos ng binata, pero hindi niya inaakalang pag gising na lang ng umaga, mahal na pala niya ito. Hindi rin nagtagal sinagot niya ito dahil umamin din ito na may pagtingin sa kaniya kahit matagal na niyang alam. Hindi naman niya ito ikinahiya sa mga ibang kaibigan niya, hanggang sa umabaot ng taon ang naging relasyon nila at nadagdagan pa, hanggang sa naisipan na nilang mag pakasal kahit alam nilang wala pa sila sa hustong edad.
Nagulat siya sa biglang pag tunog ng kaniyang cellphon upang maputol ang pagmumuni Muni niya s anakaraan nipa ng binata.
Tiningnan niya kung sino ang tumawag sa kaniya ng abutin niya ang cellphone, ang makulit niyang baklang kaibigan.
"Kumain ka na ba? Nasaan ka ba? Sabihin mo sa 'kin Beshy, nasaan ka ba? At pupuntahan kita." bungad nito ng sagutin niya ang tawag nito, nababakas na ang inis sa boses nito.
"Andrew, mahal ko si Red pero mahal ko rin si Daddy." sagot niya.
"Alam ko naman Beshy, lahat naman tayong mga anak mahal natin ang mga magulang natin, p-pero paano si Red?"
"Beshy.. nagkita nasi Daddy at Red' alam na ni Red ang lahat! Ang pagpapanggap ko at ang kasinungalingan ko! Lahat lahat alam na niya!
Sa oras na ito, sigurado kinakasusuklaman na niya ako!" napahagulhol muli siya.
Natahimik na lamang si Andrew sa narinig ayaw talaga niyang sabihin sa kaibigan na nagkita na ang ama at ang nobyo nito. Dahilan sa oras na malaman nito ang tungkol doon, tiyak madadagdagan lamang ang sakit na nararamdaman nito.
"Alam ko Beshy. Sorry," aniya at tumahimik sandali. "Hindi ko nagawang sabihin sa'yo kase ayokong madagdagan 'yung paghihirap ng dibdib mo." paliwanag nito.
"Kamusta si Red? Anong ginawa ni Daddy sa kaniya?"
"Hindi ko alam Beshy, binanggit lang sa akin ni Tita."
Wala na siyang masabi sa kaibigan, kaya walang paalam niyang pinatayan muli ito ng cellphone, saka humagulgol siya habang mahigpit niyang hawak ang cellphone.
Ramdam na ramdam niya ang sakit at awa sa kaniyang nobyo. Nagawa na niyang sakstan ito tapos nalaman pa nitong nagsinungaling siya.
Ngayon, lumalarawan sa mukha niya kung anong itsura ng kaniyang Daddy pag nakaharap ang dalawa. Tiyak lait at panghuhusga ang ibabato nito kay Red.
"Hindi muna ako binigyan ng kahihiyan Izabel! Hindi kita pinalaki para magpakasal sa isang nakakadiring lalaki na 'yon! Bakit ka naglihim sa amin? Tell me! Tell me the truth, Izabel?! Youre already engaged to the uglly man?! Ganoon ka na ba ka bobo para pumili ng isang lalaki at tila nauubusan?! Na halos maging unan muna at imaging kama dahil sa laki ng katawan!! You're so stupid, Izabel! Tandaan mo Izabel! Oras na magpakasal ka sa lalaki na 'yon, buhay ko ang kapalit!! Buhay ko!!"
Hindi niya makakalimutan ang mga katatagang pagbabanta ng kaniyang Ama ilang araw bago ang kasal nila ni Red, apaka sakit isipin na sa dalawang mahal niya sa buhay na kailangan niyang mamili.
Sinekreto ko ang lahat. Kinunsyaba ko si Andrew. Pero wala palang lihim na hindi mabubunyag, dahil sa pagkakaalam ko nalaman ni Daddy sa isang matalik na kaibigan ang sekreto namin ni Red, hindi ko alam kung paano nito nalaman ngayong ingat naman ako sa bawat galaw. Mabilis nitong pinaabot sa aking ama, ganoon na lang ang paghihinagpis ni Daddy ng malaman at mabilis akong kinompronta.
Nagpapasalamat ako dahil sa laki ng problema ko hindi nadamay ang pagkakaibigan namin ni Andrew dahil kasabawat ko ito, at kung nangyare man na nadamay ito, siguro wala na akong masasandalan pa.
Madilim na ng mga oras na 'yon, pero tulala pa rin siya sa isang sulok at walang pagbabago. Patuloy parin siyang lumuluha.