bc

Undeniable Love (Tagalog Story Completed)

book_age18+
9.9K
FOLLOW
66.6K
READ
drama
twisted
sweet
mystery
scary
like
intro-logo
Blurb

Tinakasan ni Izabel ang sariling kasal nang dahil sa kagustuhan ng kaniyang ama. Na naging dahilan ng biglaang paglayo ni Red, ang lalaking sana ay pakakasalan niya.

And when he comes back, hindi na ito ang dating Red na nakilala niya. Dahil isa na itong hinahangaang may angking galing sa isang bagay, maging sa pisikal nitong katangian na talaga namang hinahabol ng mga kalahi ni Eba.

Kasabay ng pagbabago ng itsura nito ay tila nagbago na rin ang damdamin nito.

Paano niya ipaliliwanag sa dating kasintahan na hindi niya kagustuhan ang nangyari kung ang bawat buka ng bibig nito ay tila patalim na sumusugat sa kaniyang damdamin?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Kabanata 1.. ITO ANG ARAW na pinakahihintay ni Red, ang maitali ang babaeng pinaka mamahal niya sa kaniya. Maligaya ang binata sa araw na 'yon dahilan ilang oras na lamang magiging asawa na nito ang nobyang pinaka aasam. Ipinagma malaking ganoon man ang pangangatawan, halos hindi na mailakad sa kalakihan ngunit hindi nito iyon ikinahihiya, bagkus bilib pa ito sa sarili dahil may nagmamahal at may tumanggap sa pagkatao niya. Pasipol-sipol si Red sa mga oras 'yon habang nakaharap sa salamin. Maiging iniikot niya ang barong na may kuhelyo na suot para higpitan. Kung bibilangin, naka ilan na yata siya ng hawi ng buhok para kung sa ga'non sa tingin nang mapangangasawa niya ay maayos ang tindig at itsura niya. "Aba!! Nanay at itay.. Ako po yata ang pinaka guwapo sa paningin ng aking Sweetcake ngayon! Dahil ako po ang napiling pakakasalan niya." nakangiting may pagyayabang na saad ni Red sa mga magulang habang nakatunghay sa kaniya at lulan sila ng sasakyan na ni rent lang ng binata sa bayan. Napahaplos pa ang binata sa ilalim ng mukha, na animoy nagpapa-cute sa dalawang matanda na sa loob ng sasakyan. Masayang ngumiti ang mga magulang ng binata dahil sa tinuran nang anak. Hindi naman kalayuan ang simbahan kaya mabilis din nilang narating iyon. Walang sino man ang makaka pantay sa abot ngiti na namumutawi sa labi ng binata, at dahan - dahang dumulog sa loob ng simbahan, kahit na ramdam nito ang paghingal dahil sa kalakihan pero hindi nito iyon alintana. Mas lalong inigihan pa nito ang pag hakbang para agad marating ang harapan ng loob ng simbahan. Nagawa pa nitong kumaway sa mga taong naka tunghay. Kung sisipatin ng mabuti may itsura nitong si Red. Sadyang natatabunan lang ng katawan nito na halos doblehin sa laki, dahilan para iyon ang unang mapansin ng mga tao. Ngunit wala siyang pakielam kung ano man meron siya. Basta walang pag aalinlangan ang nobya at tanggap kung ano man meron siya. Sa wakas! Narinig na niya ang paparating na kotse. Hudyat na naandyan na ang mapapangasawa. Mabilis siyang humarap sa pagkakatalikod. Nakangiting pinagmamasdan niya ang pagbaba ng isang babaeng tila isang Cinderella sa suot. Sandali pa at naglalakad na ito papalapit sa kaniya. NGUNIT KABALIGTARAN naman sa kaligayahan ni Izabel. Malungkot na nakatingin ang dalaga sa harapan ng salamin, habang titig na titig ito sa sarili na tila ba binabasa ang itsura. Hindi maitatangging bakas sa mukha niya ang kalungkutan isama pa ang mga mata niyang halata din na kaga galing lamang sa pag-iyak dahil sa pamumugto. Balak na sana niyang mag make-up ng mukha ngunit natigilan siya ng masilayan ang itsura. Pakiramdam niya lutang siya sa alapaap, hindi kase niya nagawang makatulog ng maayos nakaraang gabi dahilan sa matinding pag iisip at pag iyak. Dapat nga sa mga oras na 'yon, siya ang babaeng pinaka masaya dahilan ikakasal na siya sa lalaking pinili niya at 'yun ay si Red. Pero siya ang bride na ikakasal na puno ng pag aalinlangan at may kirot na nararamdaman sa dibdib. Pinaka titigan niya ang itsura, habang hawak ang Brass ng Make- up, pero wala siyang ganang magpahid 'non dahilan isang Izabel ang nakikita niya doon. Biglang sumagi sa isipan niya ang napag usapan nila nang nobyo. Napag pasyahang nilang tanging malalapit lang na kaibigan ang iimbitahan nila at malapit lang na kamag anak nito. Samantalang siya, tanging kaibigang bakla at magulang lamang nito ang kaniyang napagsabihan na magiging bisita nila sa kasal. Na sa pagkaka alam nito ay magulang nga niya. Narinig niya ang pagdating ng kaibigan kaya awtomatikong binaba ang hawak. Nagpadesisyunan na lamang huwag ng maglagay 'non, siguro hindi na rin kailangan dahilan may natatangi naman siyang kagandahan. Si Andrew ang matalik niyang kaibigan bakla. Ang kaniyang bestfreind, hindi lang besfreind dahil para na rin niya itong isang matalik na kapatid dahil sa lahat ng bagay ito lamang ang napagsasabihan niya. "Are you ready, Beshy?" maarteng bungad na tanong nito sa kaniya. Nagawa na nitong makapasok sa loob ng kuwarto at makalapit sa kinauupuan niya, at dahil may sariling na siyang bahay nagagawa nitong maka labas masok. "Beshy, huwag ka ng mag inarte keribel ng powers mo 'yan. Lets go?" dugtong pa nito, animo'y kinakausap ang repleksyon niya dahil doon iyon nakatanglaw sa salamin. Tanging tango lamang ang isinagot niya dito at isang pilit na ngiti ang pinakawalan. Nakatitig siya ng husto sa lalaking nakangiting nakatingin sa paghakbang niya. Nababasa niyang bakas na bakas sa mukha nito ang matinding kaligayahan na pilit naman n'yang tinutugan. At pinipilit din niyang maging kalma na huwag maluha sa mga oras na iyon kahit alam niyang kanina pa nag-iinit ang dalawang mga mata sa pagbabanta na pagbagsak 'non. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang gagawin? Maraming alinlangan na bumabalot sa isipan niya dahil maraming masasaktan sa gagawin niya lalo na ang kaniyang mapapangasawa o kaniyang daddy. "Ano ba ang dapat? Kaya ko ba itong gawin?" katanungan sa isipan niya. Nakita niyang hindi na siya nito mahintay na makalapit sa kinatatayuan nito, mabilis na hinakbang na nito ang ilang hakbang ang layo sa kaniya, hirap man sa paglakad pero pilit parin nitong nilalakihan makalapit lamang kung nasaan siya. "Wow, Sweetcake! Ang ganda mo! Para 'kang si Cinderella." masayang paghanga nito sa kaniya ng makalapit. Sa boses nito tila wala ng makapag papapigil dito sa sobrang saya. Mabilis nitong hinawakan ang kamay niya at pinisil-pisil iyon. Hinayaan naman niya ito. "Salamat Cupcake.. " sagot niya na pilit pinapasigla ang boses. Binitawan nito ang kamay niyang hawak at inalalayan siya palakad sa harapan ng pari. Sandaliang tinapunan niya ito ng tingin. Naluluha talaga siya sa t'wing nakikita niya itong masaya. At alam niyang sa mga oras na iyon, siya mismo ang babasag 'non kung sakali. Magkasabay silang huminto sa harap nang pari at naupo sa tig-isang bakanteng upuan. Ilang segundo pa at nag iba na ang kaniyang pakiramdam. Tila nag uunahan na sa pagbayo ang kaniyang dibdib. Gusto nang tumulo ang nagbabadyang mga luha sa mga mata niya, pero kailangan niyang pigilan 'yon para makapag isip siya ng mabuti. Pero paano? Napakislot siya.. Narinig niyang nagsimula ng magsalita ang pari sa harapan nila, siya na rin simula ng pagwawala ng damdamin niya at hindi na niya kayang kontrolin 'yon. Dahil damay narin ang dalawang tuhod niya sa pangangatog, unti-unti na rin na naglalabasan ang liit-liit na pawis sa noo niya. Na nanalangin siyang huwag na sanang umikot ang oras, at huminto na lamang kung saan nakaturo ng sa ga'non wala na siyang magiging problema. Nais niyang yakapin ng mahigpit ang mapapangasawa dahil kailangan na niyang mag desisyon sa oras na iyon. Tumingin muli siya sa nobyo dahilan para magtama ang kanilang paningin, nginitian niya ito at binulungan. "I love you, Red." kahit papaano maibsan ng kaunti ang sinisikip ng dibdib niya, saka pilit na kinakalma ang sarili. "I love you too, Izabel." malambing na balik nito sa kaniya. Nginitian niya ito ng walang pag aalinlangan para makita nito sa mukha niya ang kaligayan kahit alam niyang may pasobilidad na malabong mangyari. Muli magkasabay silang nag balik ng paningin sa pari. Animo'y wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito habang nagsasalita. Kaya panakaw niyang tinititigan ang binata na akala niya hindi iyon mapapansin ng nobyo, kaya napatanong ito na may halong pagtataka sa kaniya ng mahuli siya. "Sweetcake, kinakabahan ka ba?" malamlam na tanong nito sa kaniya. "W-wala, C-cupcake!" kanda utal niyang sagot dito. Nagsisimula na muling mag-init ang dalawa niyang mga mata. Tila ba kadikit lang niya ang Daddy niya, dahil parang eko na naririnig niya ang boses nito sa magka-bilang tenga niya. "Buhay ko ang kapalit Izabel! Buhay ko!" Napapikit siya ng madiin, ayaw niyang marinig iyon. Sa tuwing maririnig niya ang boses ng kaniyang Daddy parang gusto na rin lumabas lahat ng pawis sa buo niyang katawan. Sandali pa at bumulagat siya ng mata, dahilan para umikot ang kaniyang paningin. Nasobrahan yata ng diin ang ginawa niya, saka bumuga siya ng hininga. Hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang luha niya, iniikom niya ang kamao habang nakayuko siya. Buo na ang kaniyang loob. "Patawad Red. Mahal na mahal kita.."mahinang bulong niya na siya lamang ang nakarinig. Pinalipas niya ang ilang sigundo at saka walang lingong tumayo siya sa pagkakaupo, at walang sabing kumaripas siya takbo palabas ng simbahan. Habang tumatakbo, nag uunahan din sa pisngi niya ang mga luha umaalpas. Luha na kailanman ay hindi na niya maibabalik, dahil luha iyon ng kahihiyan at pananakit na ginawa niya sa binata. Kitang kita niya paano matigagal ang mga taong nakatingin sa kaniya. Mga itsura'y hindi makapaniwala, na akala nila sa t.v lang 'yon makikita at mangyayari. Maging siya. Na siya pala ang magiging bida sa eksena kung bida ba o kontrabida? "Red mahal kita! Mahal na mahal kita!" saad ng isip niya habang patuloy sa pagtakbo. "Mauunawaan mo rin ako balang araw at maiintindihan. Hindi ito ang una at huling pagkikita natin. Patawarin mo 'ko, patawarin mo 'ko mahal ko! Ikaw lang ang mamahalin ko hanggat nabubuhay ako! Ikaw lang Red!" tila isang fountain ang kaniyang mga luha na sumasaboy sa gilid ng kaniyang pisngi dahil sa pagtakbo niya. Dinig na dinig niya ang malakas na tawag ni Red sa pangalan niya pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo, animo'y tila s'ya isang bingi na hindi man lang huminto sa pagtawag nito. Nang matunton ang labasan ng simbahan, parang umaayon ang nangyayari sa ginawa dahil ng makalabas siya may paparating na taxi at mabilis niyang itong pinara. Nagtatakang napatingin sa kaniya ang driver ng taxi nang huminto ito, pinasadahan pa siya ng tingin pero walang namutawi sa bibig. Mabilis niyang binuksan ang pinto saka lumulan sa loob, umiiyak s'ya na sinabi niya kaagad dito kung saan siya patungo. Magkabilang kamay na inihilamos niya ang palad sa mukha ng makalulan siya sa loob ng sasakyan. Humagulgol siya habang umaandar iyon. Nasasaktan siya dahil alam niyang marami siyang nasaktan na tao lalo na ang binatang pakakasalan sana niya.. "Red mahal na mahal kita! Alam mo 'yan! Sa muling pagkikita natin alam ko mapapatawad mo rin ako!" Hiyaw niya sa bintana ng kuwarto, nakatayo siya doon habang nakatunghay sa labas ng bahay at patuloy ang pagbagsak ng mga luha niya. Napag isipan niyang doon tumuloy sa isa nilang bahay nila sa tagaytay. Pakiramdam n'ya, tila mawawalan yata siya ng hininga dahil sa sakit na bumabalot sa dibdib niya. Isang malakas na hagulgol ang pinakawalan muli niya ng sa ga'non umalpas ang sakit na naandoon. Dahil yuon lang naman ang kaya niyang gawin, ang umiyak ng umiyak dahil hindi na niya maibabalik ang oras kung magsisi man siya o magbago ang isip niya. Ngayon masaya na ang kaniyang Daddy nagawa na niya ang ginusto nito, samantalang siya'y durog ang puso sa ginawa niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
564.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

The ex-girlfriend

read
141.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.5K
bc

Be Mine Again

read
101.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook