Kabanata 4

2208 Words
Kabanata 4.. PALUBOG na ang araw ng mauwi si Red galing simbahan, na akala niya ay darating si Izabel ngunit magulang nito ang nahintay niya, na akala niya ay pagbibiro lang ang lahat at panaginip ang nangyayare at gusto na niyang magising sa isang malagim na bangungot pero isang malaking akala lang pala niya iyon. "Napaka sinungaling mo Izabel! Ang sabi mo tanggap mo 'ko! Ang sabi mo mahal mo 'ko! Ang sabi mo alam ng magulang mo ang lahat! Pero 'yung pinakilala mo sa akin, sa amin nang magulang ko! Pagpapanggap lang pala! Napaka walanghiya mo! Ngayon alam ko na, niloko mo lang ako! Manloloko ka!" sa pangalawang pagkakataon, lahat ng maabot niya sa kuwarto hindi niya pinalagpas iyon, sinabog niya muli ang bagong ayos na kuwarto niya. Sinira niya ang mga upuan at tinaob lahat ng maitataob niya. Galit siya! Galit siya kay Izabel dahil sa pangloloko nito sa kaniya! Nanginginig siya ng mapa upo sa kama. Kasabay ng pag agos ng dugo sa kamao niya. Muli kasi niyang pinagsusuntok ang dingding ng kuwarto. Ang sugat sa katawan madaling gamutin. Pero ang sugat sa puso walang gamot na makapag papagaling. 'Di niya maiwasang maalala ang mga nadinig na mga boses ng palabas siya ng simbahan, hanggang ngayon naandoon pa rin ang pang aakusa ng mga tao sa kaniya. Pakiramdam niya naka dikit na iyon sa magkabila niyang tenga. "Sino naman kase ang papatol sa lalaking 'yan Kumare? Aba! Kahit ako ang magulang ng babae hindi ko hahayan maikasal sa anak ko ang matabang lalaki na 'yan!" "Aba! hindi lang Kumare! Akalain mong pumili pa ng isang mayaman! Suwerte niya, maganda 'yung babae at sexy, pero hindi sila bagay! Nakakadiring tingnan kumare! Talagang kahit tayo ang magulang hindi tayo papayag." at pasimpleng sumulyap sulyap pa sa kaniya, at hindi pa nasiyahan tiningnan pa siya nito magmula ulo hanggang paa. "Ano ba kayong dalawa! Kung ako 'yung magulang ng mataba na 'yan suwerte ko, maiiahon ko ang anak ko sa kahirapan." sabay tawa pa nito ng masabi ang gustong sabihin. Pakiramdam niya ang liit niya sa mundong inaapakan. Wala siyang magawa habang naririnig iyon. Hinayaan niya ang sarili na pakinggan ang gusto nilang sabihin. "Tama naman sila, nangarap ako ng mataas ng babae at si Izabel 'yon pero 'di ko inaasahang ganito ang mangyayari." Gustong niyang sumigaw, pero hindi na niya magawa. Pakiramdam niya tila na isang siyang bato dahil sa mga narinig at pinaratang nila sa kaniya. Awtomatikong napatayo siya at humarap sa bintana, tumingin sa kalangitan. Gusto niyang wakasan ang kaniyang buhay. Masyado siyang nasaktan sa nangyari. Isa lang ang nasa isip niya wala siyang maipag mamalaki dahilan sa kabuhayan nila, sa itsura nila. Nasa kaniya na lahat! Napakuyom siya ng kamao. Isipin man na niloko siya ng dalaga, pero sa puso niya mahal pa rin niya ito. Nakarinig siya ng isang katok na nanggling sa labas ng pinto, kasunod ang boses ng kaniyang ina. "Tuby, anak! Kumain kana!" tawag ng ina niya. Saka dinalasan pa ang pagkatok sa pinto ng 'di siya sumasagot. "Tuby, anak! Lumabas ka na diyan at kakain na.. Mula pa kaninang tanghali ka pa hindi kumakain!" hiyaw muli nito. "Anak! Buksan mo nga itong pinto!" Pagpupumilit nito at hindi rin siya nakatiis sumagot siya. "Nay, ayoko pong kumain!" hiyaw niyang sagot. "Anak lumabas ka na d'yan! Mag usap tayo! At ng Tatay mo! Sige na anak.." Pero hindi niya 'yon sinagot dahilan wala siyang gana, gusto niyag mapag isa. "Anak tanggapin muna 'yung nangyare. Hindi talaga kayo para sa isa't isa ni Izabel!" dagdag pa nito. Doon tila kusang lumakad ang kaniyang dalawang paa, binuksan niya ang pinto saka dinaanan lamang ang kaniyang Ina na nakatayo sa harapan ng pinto, at walang kibong naupo siya sa upuan na gawa sa kahoy na nasa sala saka mabilis naman sumunod ang kaniyang ina at tumabi sa kaniya. Tulalang bumuka ang labi niya saka ikinuweto ang nangyari sa loob nh simbahan at tahimik naman na nakikinig ang ina niya sa kaniya. Matapos niyang sabihin. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita sa mga nasabi niya. Hinayaan niya ito.. "Noong una palang Tuby malakas na ang kutob ko kay Izabel 'nung ipakilala mo siya sa amin." panimulang kuwento ng kaniyang Ina, "Oo, sinabi niyang mayaman siya. Pero naisip ko, ang mga magulang kaya nito? Pero nawala iyon ng may ipakilala siya sa atin na magulang niya. Mabait si Izabel anak. Pero hindi ko inaasahang gagawin niya ito," iniharap nito ang mukha niya sa mukha nito para magtama ang kanilang paningin, "Huwag kang magmukmok sa loob ng kuwarto mo anak. Ipakita mo sa amin nang Tatay mo na kaya mo." matapos binitawan nito ang mukha niya, at nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. "Noong nilait ka ng magulang ni Izabel at inukasahan ka, parang ako na rin anak ang pinagsabihan, pinalaki kita ng maayos at namuhay tayo ng walang tinatapakang tao, kaya masakit sa 'kin 'yung sabihan ka ng mukhang pera," nakita niyang tumulo ang luha ng aking Ina, nakaramdam siya ng pagsisisi kung bakit pa naikuwento pa niya ang pagkikita nila ng magulang ni Izabel. Walang nagawang niyakap na lamang niya ang Ina, ayaw din niya na pati ito'y masaktan. Hanggang sa kapwa sila'y lumuluha. "Nay hindi ko po alam bakit nagawa sa 'kin ni Izabel 'yon? Paano ako makakalimot 'Nay? Sa dami ng masasayang araw na kasama ko siya, paano? Gusto 'kong makausap at sabihing magpaliwanag siya, na sabihing mahal na mahal ko siya, na hindi ko kayang mawala siya at kaya 'kong maghintay para sa kaniya, pero hindi ko alam kung nasaan ba siya? Pero may galit dito 'Nay." saka tinuro ang puso niya. "Tuby anak kung ipagpapatuloy mo 'yang gusto mo, masasaktan ka lang lalo. Bata ka pa anak, marami ka pang makakahalubilong tao. Tapusin mo ang pag aaral mo, tatagan mo lang ang sarili mo naandito lang kami ng Tatay mo, kalimutan muna 'yung nangyare anak. Dahil oras na may nangyare sa'yo na masama, hindi namin alam ng Tatay mo ang gagawin. Iisa ka lang Tuby, tulad ni Izabel nag-iisa lang siya kaya ganoon na lang kagalit ng Ama nito na ikakasal ang anak niya sa katulad nating mahihirap. Anak kaya mo 'yan. Nakaya nga ni Izabel na iwan ka, maging ganoon ka rin, sana.." Kalimutan? Paano? Sa dami ng magagandang kasiyahan na nangyare sa kanila paano siya makakapag simula? KAHANAGALAN MAN SINUBUKAN niyang tinawagan si Red habang nakaupo sa kama. Ngunit sarado ang cellphone nito. Mis na mis na niya ito. Parang isang panaginip ang lahat at siya ang nagwakas. "Patawad Red! darating din ang araw na magkikita ang landas natin! At mapapatawad mo rin ako! Maiintindihan mo rin kung bakit ko nagawa iyon saiyo! Babalikan kita pag okay na ang lahat, babalikan kita Red!!" malakas niyang hiyaw na kahit ilang ulit niyang sabihin okay lang, basta mawala lang ang sakit na nararamdaman niya. Hanggang sa 'di niya namalayan nakatulog na pala siya dala sa pagtulog ang lungkot at pangamba sa binata. Nagising na lamang siya nang sikatan ng araw ang kaniyang mukha. Napamulagat s'ya. Kauna unahang pumasok sa isipan niya si Red. Lumamlam na naman ang kaniyang mukha at nagbabadya na 'agad ang pagluha ng maisip ang ginawa. Sumagi din sa kaniyang isipan ang kaniyang Daddy. Kaya napagdisisyunan niyang umuwi na lang ng bahay, iniisip na baka atakihin ito dahil pag iisip at pati sa paghihintay sa kaniya. Naisipan muna niyang tawagan ang kaniyang ina at mabilis namang sinagot iyon. "Thanks God! Tumawag ka rin anak! Kamusta ka iha? Nasaan ka ba?" "Sorry po 'Ma, mahal na mahal ko po kayo ni Daddy." Matamlay 'kong sabi habang nakasandal ako sa kama. "Sorry iha, sana mapatawad mo kami ng Daddy mo." Hindi na siya sumagot pa, ini off na niya ang cellphone dahil ayaw niyang marinig ng Ina ang tuluyang paghikbi niya. Naisipan munang niyang tumuloy sa bahay ng kaibigan, kila Andrew. Bago umuwi ng bahay. At ng makita siya nito, mabilis siya nitong niyakap at inakay sa loob ng bahay at pinaupo, saka mabilis na inabutan nang maiinom. "Andrew, puwedeng pakipuntahan mo naman si Red sa bahay nila, please' gusto 'kong malaman if ok siya. " bungad ko kaagad dito ng matapos 'kong makainom ng juice. "Para ano Izabel? Sigurado hindi okay 'yung tao na 'yon ngayon, sigurado nagwawala 'yon at umiiyak at pagkain ang pinagtutuunan ng pansin 'non." pagbibiro pa ni Andrew sa akin. "Andrew naman, Please.." "Ewan ko sa'yo! Pagkatapos ng lahat, kakamustahin mo?" asik nito. Kasabay ng pag ismid nito sa akin dahil sa gusto 'kong ipagawa dito. "Matanong kita bruha ka? Kamusta ka? Sa nangyare ngayon, ano paba ang balak mo? Ngayong alam na nila Tito at Tita, anong gagawin mo? Ikaw ba naman kase, sa dinami-dami ng lalaking mamahalin mo, eh' bakit sa lalaking alam muna magkakaproblema ka? Hindi ako nangungutya ng tao Izabel, may itsura naman si Red, katawan lang talaga ang diperensya sa kaniya. Maging ang pamumuhay nito." "Ang dami mong sinabi. Pupuntahan mo ba o hindi?" diretsya 'kong tanong na may pagka inis sa kaibigan, dahil alam ko lagot ako sa Daddy ko pag nalamang ganito pa ang gusto ko. "Oo na! Naku, Izabel! Kung hindi lang kita kaibigan, bahala ka sa buhay mo! Igayak mo 'yung kabaong ko beshy! Baka mamayang pag uwi ko wala na akong ulo pagka galing ko doon! Lalo na pag nalaman ito ni Tito, tiyak lagot ako!" saka umirap ito. "Salamat Beshy! Ipaalam mo kaagad sa akin, ha? Kaagad mong itext sa 'kin kung anong balita sa kaniya. Salamat, ha." niyakap niya ito. Kahit sa ganoon man lang ma-kamusta niya ang nobyo. Kinorte lang ng kaibigan ang bibig nito na parang hindi sang ayon sa pinapagawa ko. *** "TUBY anak, malalim na naman ang iniisip mo?" nag aalalang tanong ng aking Ina. Nakita kase ako nito na nasa loob ng kuwarto na tulala habang nakatingin sa harap ng bintana. "Hirap na hirap na po ako 'nay..." malamlam niyang tugon sa Ina. "Tuby anak, marami pang darating baka hindi lang talaga kayo ni Izabel, may darating 'yung kaya kang tanggapin at mamahalin ng totoo," naglakad ito papalapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Anak maraming paraan para makalimot, at alam namin ng Tatay muna makakaya mo 'yon, naandito lang kami." pagpapaliwanag nito na pilit pinapaintindi ang mga bagay-bagay. "Nay..." yuon lang ang nasambit ko, ang pangalan nito. Nilingon ko ito sa uluhan ko, tila ako isang batang humihingi ng tulong dito para makalimot sa masirableng pangyayari. Hinawakan ni Inay ang aking dalawang kamay at humarap sa akin. "Ang gwapo ng anak ko, tiyak may mahahanap ka pa na mas hihigit kay Izabel." nakangiting sabi ni Inay. "Kahit ganitong mataba po ako 'Nay?" Tanong ko na tila bata, at 'di bilib sa sarili. "Oo naman! May magmamahal sa'yo, iyong tanggap ang pagkatao mo dahil mabait ka anak." sabay kaming napalinga ni Nanay nang biglang may kumatok sa labas ng pinto, at sinabayan pa ng paghiyaw. Kilala niya ang boses na iyon. Naitanong niya sa sarili. Anong dahilan nang pagpunta ng kaibigan ni Izabel dito? Tumitig muna sa mata ko si Inay bago ito lumabas ng kuwarto. Nababasa ko sa mga mata nito ang pakiki-usap. Nakuha ko ang ibig sabihin nito. Ngumiting tumango ito sa akin saka tinapik ang balikat ko. "Kaya mo 'yan anak," at tinalikuran na ako nito. Naiwan akong nakaupo sa upuan habang nakatanaw sa bintana ng aking kuwarto. "Bakit naandito ka Andrew!" Kunot noo na tanong nito sa bagong dating na bakla, "Anong kailangan mo?" "Hello po Mother! Ka-kamustahin ko lamang po sana si Red." maarteng sagot nito, saka bumeso sa matanda. "Pasensya na po Mother sa nangyare." at inakbayan pa ni Andrew ang Nanay ni Red habang papasok sila sa loob ng bahay. "Hindi okay si Red.." Malungkot nitong sagot. "Asaan po si Red?" Paghahanap ni Andrew sa binata at nilinga ang bawat palibot ng buong bahay. "Si Izabel ba ang nagpapunta saiyo dito?" malayo ang sagot ng Ina ni Red sa tanong ng bakla dito. At nauutal na sumagot ang bakla. "H-hindi n-naman po Mother, p-psensya na po, alam k-kong malaking kahihiyan ang ginawa ng kaibigan ko sana mapatawad pa rin siya ni Red." Nagpakawala ng mahabang buntunghinga ang Ina ni Red at saka umiling-iling bago nagsalita, "Alam mo ba na nilait nang magulang ni Izabel si Red?" "Hindi ko po alam!" tanggi ng bakla, kahit alam nitong ganoon nga ang mangyayari oras na magkita ang dalawa. "Totoong mahal ni Izabel ang anak po ninyo, magpapaliwanag naman po talaga siya kaso naunahan lang siya ng Daddy n'ya." pagpapaliwanag nito, "Bigyan n'yo lang po ng pagkakataon si Izabel, Mother." "Ano ang ipapaliwanag niya? Yuong nagpanggap 'yung magulang mo, na magulang niya? Bakit mo hinayaang maging ganoon, iho?" madiing napalunok ang bakla sa tinuran ng matanda. "Ok na 'yung ganito Andrew, hayan n'yo na si Red at huwag na kayong lalapit sa kaniya! Dahil kung magkakaayos man sila magiging hadlang nila 'yung magulang ni Izabel, at hindi rin naman kayang ipagtanggol ni Izabel ang anak ko dahil sa pangalawang pagkakataon ayoko ng mangyayare na lalaitin nila ang anak ko, dahil mabuting tao si Red! Sabihin mo sa kaibigan mo, kayang- kaya ng anak ko na kalimutan siya, at hinding-hindi na niya makikita si Red, kahit kaylan, Andrew!" mahabang wika ng matanda. Hindi maitatangging may galit ang tono ng Nanay ni Red na pinakawalan. At walang magulang na matutuwa sa kasalan na ginawa ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD