Kabanata 2

2037 Words
Kabanata 2.. HALOS mamaos na siya katatawag sa pangalan ni Izabel. Pero tila isa itong bingi at walang lingon nitong ginawa sa kaniya. "Izabel kaya 'kong maghintay!" pumipiyok niyang sabi, "Ano ba ang dahilan Izabel? Kaya ko namang maghintay kahit anong araw o taon, h'wag lang 'yung ganito!" sapo ng dalawang palad ng binata ang sariling mukha na puno ng mga luha habang dumadaus us ang katawan paupo sa bangkuan. Naupo ito, at hindi rin nagtagal kumilos ito at nagmamadali itong humakbang kahit nahihirapan, lumabas ito ng simbahan habang ang mga tao ay titig na titig sa kaniya. Nanlulumong nilisan niya ang binata ang simbahan. Pinaharurut nito ang kotse papalayo. Wala siyang pakielam kung ano man ang mangyari sa kaniya sa oras na 'yon. Malalim ang katanungan kung bakit iniwan siya nito sa kalagitnaan na kanilang kasal? Ganoon wala naman siyang alam kung ano ang malaking dahilan nito, dahil wala naman silang naging tampuhan o pinag awayan ng nobya mga nagdaang araw. Natatandaan niya ng huling pagkikita nila ni Izabel. Hindi siya nito kayang iwan dahil kahit ano pa man ang mangyari, mahal daw siya nito. Pero nasaan ito ngayon? Ha'yon at iniwan siya sa kaligitnaan ng kahihiyan! "Ano ba ang problema Izabel? Kaya ko naman tanggapin na hindi ka pa handa, pero 'yung ganito? Bakit mo nagawa?" lumuluhang tanong niya sa sarili ng malakas niyang buksan ang sariling pinto ng kuwarto. Sandali pa at nahagip ng dalawang mata nito ang mga gamit na naandoon sa loob. Napag diskitahan iyon at doon nito itinuon ang galit. Nagwala ito at pinag sisira ang mga bagay na nakikita, maging ang gamit niya sa pag aaral ay pinag pupunit niya, maging ang picture frame nila ng nobya na magkayakap naka display sa harap ng table, dinampot niya at binasag. Hinihingal siya ng matapos. At pabagsak na inihiga sa kama ang katawan. "Walang dahilan para gawin iyon ni Izabel!" malakas niyang hiyaw. Saka lupaypay na napaupo sa gilid ng Pinto habang salo ng daoawang hita ang kaniyang muha at ang kamay ay nakapatong. Naghahanap parin siya ng kasagutan sa mga katanungan ngunit wala siyang makapa. Pinunasan niya ang luha gamit ang magkabilang kamay. Tumayo siya at tinungo ang pinto kung saan palabas ng kuwarto. Nabungaran niya ang kaniyang ina na may halong pag aalala na naka bakas doon ng makita siya. Sa tansiya niya kararating lang nito sa bahay. "Saan ka pupunta anak?" bungad nito sa kaniya, pero walang sagot s'yang iniwan dito, akma na sanang lalabas siya ng pinto pero muli nagsalita ito sa kaniya, at natigilan naman siya habang hawak parin ang pinto. "Anak saan ka ba pupunta?" ulit g ina niya na siyang kumurot sa kaniyang puso dahilan sa boses nito na narinig nniyang pumiyok ang boses. Humarap siya dito, mas minabuti niyang sagutin iyon. "Alam ko po 'nay, babalik si Izabel! Walang dahilan para gawin niya ito sa akin." hindi na niya hinintay ang magiging sagot pa ng Ina, mabilis na niyang tinalikuran ito palabas ng bahay. "Tuby anak!" hiyaw nito sa palayaw niya. Pero patuloy parin siya sa paghakbang na tila ba walang tumawag sa kaniya. Pinaharurut niya ang sasakyan. Isipin man niya, balik baliktarin man niya, wala talaga siyang maaalala na pinag awaynlan nila ng nobya para gawin iyon sa kaniya. Kaya naisipan niyang bumalik ng simbahan. Alam niya babalik ang dalaga, ano man oras maghihintay siya para matuloy ang naudlot nilang kasal. NANG lisanin ni Izabel ang simbahan, halos hagulgol na lamang ang maririnig sa apat na sulok ng kuwarto at boses na paulit-ulit na hinihiyaw ang pangalan ng binata. Panlulumo at dalamhati ang nakasiksik sa dibdib niya. Naitanong niya sa sarili, kung kakayanin pa ba niyang mabuhay kung wala ang binata? Na kahit ganoon ito, hindi 'man perpekto ang katawan at itsura, ito na yata ang lalaking pinaka perpekto sa buong mundo na nakilala niya. May angking ugali ito na hindi puwedeng ikumpara sa iba. Kompleto na! Compare sa iba. "Red, mapapatawad at maiintindihan mo rin ako kung bakit ko 'to ginawa at balang araw sa oras na mag krus ang landas natin mag papaliwanag ako! At sana oras na magkita tayo, s-sana ok kana. S-sana Red mapatawad mo pa rin ako sa ginawa ko. S-sana ako pa rin ang mahal mo.." pumipiyok na hiyaw niya. Gusto niyang mawalan nang ulirat at huwag ng magising pa para matakasan ang sakit na nakapaloob doon. Naiisip pa lamang niya na may mamahalin na itong iba pakiramdam niya sinasaksak ng sampung kutsilyo ang puso niya. Bukod tanging ang kaibigang bakla lamang niya ang nakakaalam sa lahat ng problema niya, pero wala rin itong magawa dahil kilala nito ang mga magulang niya. Lalo ang kaniyang Daddy. Sumagi sa isipan niya ang usapan nila ng kaibigang si Andrew, 'nung lulan sila ng kotse nito kanina. "Anong balak mo Beshy? Itutuuloy mo ba ang binabalak ni Tito?" seryoso ang boses nito sa pagtatanong, hindi nito nagawang tapunan siya ng tingin dahil naka tuon ang atensyon nito sa minamaneho. Napa sulyap siya ng bahagya sa kaibigan, ngunit mabilis din binawi ang tingin saka nagsalita. "Hindi ko alam.. Masakit. Mahirap. Bahala na kung gagana ba ang puso ko o isip ko, alam mo kung gaano ko kamahal si Red.." bakas na bakas sa tono niya ang lungkot. Isang malakas na tunog ang nakatawag pansin sa kaniya. Kaya napawi ang pag pukaw niya sa usapan nila ng kaibigan kanina. Inabot niya ang telepono para tingnan kung sino ba ang nasa kabilang linya. Ang kaniyang kaibigang bakla. Hindi siya nagdalawang isip. Sinagot niya iyon. "Beshy!! Nasaan ka ba? Ayos ka lang?" bungad nito sa kaniya ng sagutin niya ang tawag nito. Sa tanong ng kaibigan, nag init na naman ang dalawa niyang mga mata kasabay ng mabilis na pagbagsak 'non. Walang umaalpas na sagot sa kaniyang labi kung 'di isang hagulgol. "Pupuntahan kita, naasaan ka ba? Tumawag ako sa n'yo wala ka daw d'on. Saan ka ba kase tumuloy?" bakas na bakas sa boses nito ang pag-alala sa kaniya. Pero ginawa na lamang niyang babaan ito ng cellphone, dahil alam niyang makulit ang kaibigan at gusto niyang mapag isa muna. "ALAM ko Izabel darating ka, ok lang na maghintay ako ng matagal dito, basta darating ka Sweetcake!" saad ni Red. Kahit pawisan at nahihirapan na parit-parito sa loob ng simbahan. Nangangalay man ang kaniyang hita kakalakad sa loob habang naghihintay sa dalaga, hindi niya 'yon iniinda. Bagkus lagi niyang bukam-bibig na darating ang mapapangasawa. Minsan sinisilip din niya ang pinto na baka may pumasok at si Izabel iyon. Kalahating oras ang lumipas. Napalingon siya. Nadinig niyang may sasakyan na huminto sa labas. Sumungaw sa bibig niya ang isang ngiti, na tila agarang nawala ang sakit na nasa dibdib niya.Hindi na siya makapag hintay makapasok doon ang mapapangasawa. Sasalubungin na niya ito. Tama siya, babalik nga ito! Babalik si Izabel at itutuloy ang aknilang kasal. Mabilis siyang humakbang papalabas ng simbahan. Pero agaran 'din na napahinto ang dalawang paa ng ilang hakbang ang layo dito. Hindi niya inaakalang isang matandang babae na hindi naman katandaan pero sumisilay pa rin ang kagandahan sa mukha ang inuluwal sa pinto ng kotse. At 'di nagtagal may sumunod pa na lumabas at inalalayan ng babaeng matanda sa pagbaba ng kotse ang isang matandang lalaki na may dalang tungkod. Napatitig siya dito at hindi sinasadyang nag abot ang kanilang paningin ng matandang lalaki ng makababa ito ng kotse na ngayon at nakatayo na ilang hakbang sa kaniya.Hindi siya nagkakamali may nakapaloob na galit sa dalawang mga mata nito at isama pa ang mga titig nito na nakakapaso na tila gusto siyang tupukin sa kinatatayuan niya. Hindi nagtagal naglakad ito papalapit sa kaniya na parang sasakmalin siya. Napatda siya ng biglang marahas na magsalita ito ng pahiyaw sa kaniya. "Ikaw ba si Red?!" madiin na tanong ng matandang lalaki na 'di na kalayuan sa kaniya at idinuro pa nito ang hawak na tungkod sa kaniya ng huminto ito sa paglalakad. May kabog sa dibdib siyang naramdaman. Ibang kabog sa dibdib na hindi maipaliwanag. Marahan siyang tumango. Hindi niya mahulaan kung sino ba ang mga taong kaharap niya ngayon. Nagtataka siya kung bakit tinatanong nito ang pangalan niya. "Anong ipinakain mo kay Izabel?!" umalingawngaw ang boses nito sa loob ng simbahan ng magsalita ito, nagulat siya ng agarang tanong nito. Pagkatapos baba taas na pinasadahan siya ng tingnan na may pang uuyam, "Pagmasdan mo nga ang iyong sarili? Tila ka isang bulugang baboy dahil sa katabaan! Hindi ka ba nahihiya sa iyong sarili? Hindi kaba nahihiya kay Izabel? Hindi ka nababagay sa anak ko!" nasindak siya sa tinuran ng matandang lalaki sa kaniyang harapan. Ngayon alam na niya kung sino ang kaharap. Hindi ito ang ipinakilalang magulang ng nobya. Narinig na naman niyang nagsasalita muli ito patungkol sa kaniya, hinayaan niya ang sarili pakinggan iyon kahit nagsisimula ng natatapakan ang pagkatao niya at idagdag pang winawasak ang puso niya. "Hindi ka nababagay sa anak ko! Hindi kayang mabuhay ni Izabel sa ganitong buhay!" gusto niyang kumibo sa mga naririnig, ngunit ayaw makisama ng bibig niya. Ikom iyon habang nakatitig lamang siya sa ama ng dalaga. "Anong ipapakain mo sa anak ko? Damo?! Lupa?! Isa kang hampas lupa!" Umaalingawngaw muling turan nito sa kaniya. Pinaikot nito ang paningin sa loob ng kabuuan ng simabahan habang siya ay nakatitig lamang dito at walang masabi. Gusto niyang ipahayag dito ang sa loobin. Pero, paano kung wala naman siyang ipagmamalaking katangian? "Nag-iisa naming anak si Izabel, ibinigay namin ang luho, lahat sa kaniya tapos saiyo lang siya mapupunta? Hindi ka pakakasalan ng anak ko!! At hinding- hindi ako papayag! Tandaan mo 'yan! Dahil hindi ka niya mahal!" tila isang malakas na bomba ang pagkakarinig niyang pinagkadiinan ng ama ni Izabel. Gusto niyang maglumpasay sa kinatatayuan, gusto niyang saktan ang sarili para lumabas ang sakit na tumutusok doon. Inipon niya ang sakit na naandoon para tibayan ang sarili. "Di' ka pakakasalan nang anak ko." madiing ulit nito, kasabay ng pangalawang beses na pagduro nito sa kaniya gamit ang hawak na tungkod nito. Kung sisipatin niya, nabubuhay lamang ito sa gamot at kung hindi, ikamamatay nito ang sobrang galit sa dibdib. Dahil kitang kita niya ang sobrang galit nito sa mukha. Nakita na naman niyang gumalaw ang bibig nito, kaya pinagka titigan na naman niya ito, hinihintay ang muling ipupukol nito sa kaniya. "Oh.. Izabel anong kahihiyan ito?" nakita niyang napahawak pa ito sa noo ng mabanggit ang sariling pangalan ng anak. Ngayon naka kuha na siya ng lakas ng loob para magsalita, kailangan na niyang sabihin ang nasa loobin, kailangan niyang ipagtanggol ang pagmamahal niya sa dalaga.. Pero naunahan naman siya nitong magsalita. "Ilang pera na ba ang nakuha mo sa anak ko, ha? At ilan pa ba ang gusto mong idagdag? Magkano? Para layuan mo lang ang anak ko?!" dire-diretsyong tanong nito. "Kung tinakasan ka man ni Izabel, dahilan iyon ay tama.. Hindi ka nababagay sa kaniya," pa angil na bumuga ito ng hininga, "Sino ang tatanggap sa'yo? Bukod sa hampas lupa ka na.. Pati 'yung itsura mo! Anong klaseng damo ang ipinakain mo sa anak ko at humantong kayo sa ganito?! Kaya tigilan mo si Izabel, dahil kami ang magulang n'ya! At malabong ma ikasal ka sa anak ko, dahil may gusto kami para sa kaniya. At hindi ikaw iyon!" kitang kita niya ang panginginig nito. Hindi na niya kailangan sabihin ang gustong tanungin sa matanda, maliwanag na kusa na itong nagsalita tungkol sa gusto niyang itanong dito. Kung dati'y kanina at puno siya ng luha pero kabaligtaran na ngayon, dahil ni isang patak wala ng umagos sa kaniyang mukha. Tila siya isang manhid sa mga binabato sa kaniya. Isa lang ang kaniyang masasabi. Niloko siya ng nobya! Niloko siya ni Izabel! "Daddy hindi ito ang usapan natin, kakausapin natin si Red ng mahinahon, hindi 'yung ganito." nadinig niyang saway ng babaeng matanda sa asawa. "Lets go, nasabi muna ang lahat ng gusto mong sabihin." dinig niyang anyaya ng Ina ni Izabel sa asawa. Wala na siyang narinig na anumang biannggit nito at kusang sumakay na ito ng sasakyan pero bago muna ito umalis sa kinatatayuan tumingin muna ito sa kaniya ng matalim. Nagbabantang mga tingin. Dahan-dahan na lamang napa upo sa bakanteng upuan si Red ng makatalikod ang magulang ng dalaga. "Malinaw na Izabel, alam ko na.." nanlulumong anas niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD