Kabanata 5..
AFTER TEN YEARS
"Yeheey! Izabel!” masiglang sambit ni Andrew sa pangalan niya, “‘Di ba nga ang sabi ko sa'yo makakapasok tayo sa trabaho na ‘to? Heto na nga Beshy flight attendant na tayo! I hope na magkasama pa rin tayo!" bakas na bakas sa mukha ng bakla ang kaligayahan.
Maging siya ay 'di maka paniwala dahil natanggap sila bilang isang Flight Attendant sa isang sikat na Pilot State Airplane. Noon pa man ‘yon na ang kaniyang pangarap at nahadlangan lang ng kaniyang ama.
"Oh, ano pa ang hinihintay Beshy? Celebrate na natin ‘yan! Matagal na nating pangarap ‘to ‘di ba? And now.. This is it!! Kaya, taya ka ngayon bakla, ilibre mo 'ko ng hamburger! Okay na ‘yon sa’kin." naka ngisi niyang turan habang naka upo sila sa sala.
"Sige, pero puwedeng boys na lang ‘yung para sa ‘kin Beshy?” maarteng request nito sa dalaga.
"Ang landi mo! Hamburger lang ang usapan, bakit na punta tayo sa lalaki?" natatawang sagot niya dito na may halong tapik balikat.
"Izabel matagal na, pero kung ilalakad mo ako kay fafa Jeo, aba!! Kahit sampung hamburger pa ang hilingin mo, okay lang!" kinikilig pa nitong sambit at napapahawi pa ang kamay sa sariling tenga.
"Sayong-sayo na bakla! Alam mo nam—"
"Si Red pa rin ‘yang nasa puso mo?" dugtong nito sa sasabihin niya. Saka lumabi ito sa kaniya, napatingin siya sa kaibigan.
Si Jeo ay isa 'kong masugid na manliligaw at isa natin matalik na kaibigan, dahil kahit anong pilit sa sarili ko, hindi ko magawang ibaling ang pagmamahal ko para dito? Ganoon na guwapo naman ang binata at may sinasabi naman ang pamilya, kung tutuusin habulin ito ng mga dalaga.. Dahil gusto ng mga magulang namin na kami ang magkatuluyan, dito na nag aral si Jeo ng kolehiyo sa bansa kung saan ako nag aaral. Para kesyo daw madalas kaming magkita at ‘di mapalalayo sa isat- isa. May time na nangungulit si Jeo, pinagbibigyan ko ito sa alok nito paminsan-minsan pag nagyayang kumain sa labas, pero bilang kaibigan at wala ng hihigit pa. Naiirita man ako minsan pero wala akong magawa, madalas ako nitong sinusundo ng sariling kotse, papayag na lamang ako para wala ng maraming usapan.
Pero ilang beses ko na itong diniretsyo na kaibigan lang talaga ang kaya ‘kong ibigay. At laging tango lamang ang nakikita ‘kong sagot nito.
Hanggang sa lumipas ang mga taon magkakaiba man ang aming kurso, sabay-sabay kaming nakatapos ng pag aaral.
Ilang minuto bago s’ya sumagot dito, "Change the topic nga tayo, Andrew! Ayoko maging malungkot! ‘Di ba nga ti-treat mo ako ngayon? Then lets go?! Baka kung saan Pa mapunta ‘yung usapan natin." pag iiwas niya. Tumayo siya sa kinauupuan. Ayaw niyang simulan pag usapan ang dating nobyo.
Matagal ng nangyari ‘yon at ganoon narin siya katagal na umaasang magkikita parin sila nito kahit alam niyang malabong ng mangyari.
Sa sampung taong nakalipas marami na ang nangyare, naka tapos na 'ko ng kursong BS Engineering labag man sa kalooban ko dahil 'yon ang kagustuhan ni Daddy at pitong taon naring wala ito sa piling namin ni Mama.. Kami na lang ni Mama ang magkasama sa isang malaking bahay na iniwan sa amin, tuluyan ng narimata ang isang bahay namin na nakasangla noon at ang ibang paupahan namin naibenta na rin. Ang naging reason lalong tumindi ang sakit ni Daddy na halos araw-araw itong inaatake ng sakit. Nagka konplikasyon ito at hanggang sa hindi na nakayanan sumuko na rin ito. Masakit man tanggapin, wala kaming nagawa ni Mama kung hindi tanggapin iyon. Hindi ako nagtanim ng galit kay Daddy kung bakit nagka ganoon ang buhay namin ngayon? At hindi rin ako nagtanim ng galit sa kanila dahil sa nangyare about sa amin ni Red. Sa mga nakalipas na taon, hindi ko pa rin maiwasang maalala ang binata, sa bawat ala-ala, sikretong tumutulo ang luha ko sa dalawa ‘kong mga mata, at hindi ‘din ga’non kadali makalimot na kahit hanggang ngayon ito pa rin ang nilalaman ng puso ko. Naghinihintay na sana magtagpo ang aming landas kahit alam ‘kong malabong mangyare. Mabilis ang pangyayare, umusad ang lahat, ganoon din ang biglang pag gising ko pati pag mumukha ni Red ay di’ ko na nasilayan dahilan palihim ko itong minamasyagan. Sobrang lungkot ko, sa tingin at tanaw ko na lamang sana siya nakikita pero ngayon ni anino malabong masilayan ko pa. Nahihirapan man tinuon ko na lang sa pag aaral ang lungkot para makalimot kahit ang sarili ko'y gusto na rin sumuko. Hanggang sa sumapit ang limang taon, wala pa rin akong balita kay Red, sinusubukan ‘kong maki balita pero wala parin! Wala akong impormasyong masagap mula dito dahil ang mga magulang nito ay tila nawala na rin. Hindi ako sumuko na baka sa mabilis nitong paglaho, ganoon din kabilis ang pagsulpot nito na baka sakali makita pa ito.
"Hoy! Ang layo ng iniisip mo?!" Sabay dunggol nito sa kanang siko ko. Nabasag ang pag mumuni-muni ko. "Yung hamburger mo! Panis na! Bruha na 'to, nagpalibre tapos itetengga lang ‘yung pagkain!" anas nito na sinabayan pa ng isnab sa akin.
"Sus.. Naglibre lang, ang dami mo ng sinabi! Alam mo Andrew, excited ako sa work natin.." sabay kumagat na ako sa hamburger na nasa harap ko, nakalimutan ko pala na may hamburger ako.
"Ako din Beshy, i hope na magkasama tayo. Oo nga pala ‘di ba Engineering ‘yung natapos mo? Bakit hindi iyon ‘yung gamitin mo?”
"Sa palagay mo gusto ko ‘yon? Alam mo naman na same tayo ng gusto 'di ba? At alam mong si Daddy lang may gusto 'non." matapos naisipan niyang tumayo sa kinauupuan at walang kahiya hiyang tumayo sa pagkaka at umakto na tila isang stewardess sa harap ng kaibigan saka nagsalita na tila ba nasa loob na sila ng eroplano.
"All passengers.. Ilagay na po ang seatbelt para sa ating kaligtasan.. Dahil lalapag na po ang eroplano. Siguraduhin nakalagay ito para maging safety ang lahat." nakatingin na nakangiti si Andrew sa ginawa ko, matapos nakangiting pumalakpak ito.
“Beshy! Ang galing galing. Ikaw na, Beshy! Pak!!"
"Nakaka excite!" anas ko. Nararamdamn niyang may halong kaba at excite ang nasa dibdib niya dahil first time nila ng kaibigan magtatrabaho.
Ito na ang pinaka hinihintay nila ang unang araw nila ng kaibigan na aakyat ng eroplano. Kapwa sila excited kaya maaga siyang nagising para iayos lahat ng kaniyang dadalhin sa unang pagpasok. Nanlalata man dahil hindi niya nagawang makatulog ng nakaraang gabi dahil sa excitement pinilit pa rin niyang bumangon ng maaga.
Noong araw na natanggap sila, kinabukasan napag alaman din nila magkasama sila ng kaibigan sa isang eroplano. Kaya lalo silang nagdiwang ng kaibigan. Bago sumapit ang unang araw nila sa trabaho, humanap mula sila ng mauupan malapit sa trabaho. Sumang ayon naman ang kaniyang Mama, maging ang kaibigan niyang si Andrew, sumunod din ito kasama ang pamilya nito. Nilisan nila, niya ang probinsya na puno ng ala-ala.
Piiittttttt..... ppiiitttttt!!
Busina niya sa kaibigang bakla ng umaga na ‘yon. Ilang kalye lang ang layo ng bahay nila sa kaibigan. Gamit niya ang sariling sasakyan ng sunduin niya ito, pasalamat siya dahil hindi iyon naisamang naibenta.
"Andrew bilisan mo! Late na tayo!!" hiyaw ko dito habang naandito ako sa labas ng bahay nito, "Ano ba!! Huwag ka ng mag ayus mas maganda ka na kesa sa’kin!!" hiyaw ko pang muli.
"Ano kaba..? Heto na.. Heto na, palabas na!!" kumekendeng na palabas nito sa gate.
"Ang tagal mo.. ‘Di ba nga sinabi ko na sa’yo what time ang pag alis natin?" bungad niya dito ng makapasok ito sa loob nang sasakyan niya.
"Oo na, sorry na Beshy! Napuyat lang kase." nginusuan niya ito dahil ayaw niyang ma-late sa unang araw sa trabaho. May pagka malandi kase ang kaibigan niya. Nasahulan pa yata siya.
"Rumampa ka, ano? Tapos ng lalaki ka, ga’non?" hinampas niya ito sa pang upo nito. Sinadya niya talaga iyon para mapaharap ito sa kaniya, dahil pagpasok nito sa loob ng kotse niya tinalikuran siya nito kaagad. Alam na kase nitong sesermunan niya ito. Pero hindi niya sinasadyang masasaktan pala ito.
"Aray!! Beshy! Ha? Masakit kaya ‘yon.” agarang na pa harap ito sa kaniya at hinihimas himas ang puwitan.
Napangiwi siya at napasulyap sa kaibigan. Malay ba niyang may milagro itong ginawa kagabi, "Yuck!! Ang landi mo talga Andrew!!" sigurado ‘syang kalandian mga pinaggagawa nito nung nakaraang gabi.
"Gaga, tingnan mo nga ‘yung minamaneho mo." natatawang utos nito.
Tumawa muna siya bago makuhang magsalita dito. “Alam mo Beshy? Bakit kasi hindi kana lang naging totoong babae? Sure kung naging babae ka, tiyak sandamakmak na ang mga anak mo! Promise."
"Ok lang, basta si fafa Jeo na lang magbibigay sa’kin ng maraming anak.” anas nito.
“Ewan ko sa’yo Andrew! Manahimik ka sa bahay mo sa tuwing gabi, kung ayaw mong mapadali ang buhay mo.” pananakot niya dito.
Pinandilatan siya ng mata nito bago magsalita ito. “Grabe ka Izabel!” Nginisihan naman niya ito na may pang aasar at ngumuso naman sa kaniya ito ng magtalikod at itinuon ang paningin sa gilid ng bintana. Natatawa siyang napapa-iling sa kaibigan habang nag da-drive.
***
"GOOD morning Tito."
Nagtitimpla ito ng kape ng maabutan niya sa kusina. Maaga s'yang nagising ng mga araw na ‘yon, iyon kase ang araw ng pag uwi niya ng pinas para ayusin ang pag lipat niya sa ibang eroplano.
Saka sabik na rin siyang makasama ang mga magulang. Ilang taon na rin siyang nawala sa sariling bansa at oras na para bumalik siya dahil nakamit na niya ang pangarap.. Pinagsumikapan niya ang lahat, ginawa ang makakaya, kaya’t heto siya. Isa na s’yang tinatanyag na magaling na piloto sa ibang bansa.
"Sure kana ba sa pag uwi mo, iho?" sagot sa kaniya ng matanda. Sumimsim muna ito ng kape bago naupo sa harap niya.
Nagawa ko na rin makapag timpla ng sariling kape ng humarap ako sa kaniya, saka sumimsim ng kape bago sumagot dito. “Sure na po Tito.”
"Mag iingat ka. Ikamusta muna lang ako sa Tatay at Nanay mo. Balitaan mo ako sa pag akyat mo sa eroplano sa bansa natin, mas masarap talagang magtrabaho doon kesa dito. Makakasama mo pa ang mga magulang mo." Pagkasambit ‘non, lumamlam ang mukha nito. May lungkot sa boses nito na hindi nito maitatanggi sa kaniya.
"Tito, don’t worry papasyalan naman kita dito!" nakangiti ‘kong sagot sa kaniya. At ‘di maiwasang ma excite sa pag uwi na nadarama.
"Ano ba ang mga balak mo pag naandoon kana sa pinas, Red?"
Bumuga siya ng hininga bago sumagot, "I dont know..." Gumalaw ang aking isang balikat sa pagkasabi ‘non. Matapos sumimsim muli ng mainit na kape.
"How about Izabel?" diretsyo nitong tanong sa akin. Muntik pa ako masamid sa tanong nito. Bago ko na pag desisyunan na umuwi nang pinas, hindi din maitatanggi na naitanong ko din sa sarili ko. What if magkasalubong nga ang aming landas ng dating nobya?
"For what Tito?" nagtataka niyang tanong kung bakit nabuksan ang topic about sa dati niyang nobya? Alam nito ang bawat detalye sa dalaga dahil naikwento niya dito ang lahat. At sunod-sunod na siyang napa-higop ng kape.
"Lets say... What if magkabanggaan kayo muli ng landas, what did you do?"
"I dont know Tito, i dont know what can i do. Sa tagal namin hindi nagkita, siguro wala na ‘yon.. " aniya na humuhugot ng sagot sa bawat tanong ng Tito niya.
"Oh, really?” Napangisi ito na tila may kahulugan ng magtanong ito sa kaniya, “Wala ka na bang balak ipakita sa’min ang magiging lahi mo? Kailan ka ba hahanap, pag wala na kami?" saka umiling ito. Hindi lang iyon ang unang nagtanong ito ng ganoon sa kaniya. Maraming beses na.
"Of course not, Tito! Darating din tayo sa gan'yan mga usapan." saka napatingin sa pulsuhan, sinipat kung anong oras na at ng matanto, "Tito I’m leaving, time na at mukhang napaseryoso ang usapan natin. By the way ‘yung gamot, ah? Huwag kalilimutan!" paalala ko sabay pisil sa balikat nito. Hindi na’ko magtataka kung bakit sa dinami-dami naming magpipinsan ako ang napili nitong tulungan, kaya malaking utang na loob ko ito sa kaniya.
Nang makapasok siya sa loob ng kuwarto inayos niya muna ang mga bag na de-gulong at saka itinayo niya matapos saka humkabang at kinuha sa kama ang isang bag at ‘di katamtaman ang laki. Pero bago siya lumabas ng kuwarto ginawa muna niyang sumulyap sa salamin at hindi mapigilan iyon.. Pinaka titigan ang sarili. Ibang iba ang Red na nakikita niya doon, isang malaking pagbabago! Wala na ‘yung Red na iyakin, 'uung sobrang kalakihan ng kataean na nilalait nila noon. Malayo na sa itsurang Red na iniwan ang probinsya, at ilang taon na nanirahan sa States..
***
"BESHY! Puwede ba na picturan mo naman ako?" Nasa loob sila ng eroplano ng mga oras na ‘yon. Nais niyang magkaroon ng suvineer kaya naisipan niyang magpakuha ng litrato sa kaibigan habang wala pang masyadong tao.
"Ok, pero bilisan mo Izabel, ha? Pumapasok na kase ‘yung mga ibang passengers.” dinukot nito sa bag ang cellphon nito, “Alam mo Izabel ang ganda mong stewardess." nabbakas sa mukha nito ang paghanga at kagalakan sa mukha, muli sinipat ulit siya ng kaibigan ng mula ulo hanggang paa ng matapos siyang picturan nito.
"Salamat, okay na beshy baka masesante pa tayo at alam ko naman na ‘yan ang sasabihin mo oras makita mo akong nakasuot ng ganito. ‘Di mo lang masabi kanina.” saka nilabian niya ito.