KAPAPASOK LANG nilang tatlo sa loob ng canteen nang maramdaman ni Aliyah ang mga tinginan ng ibang mga estudyante. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hanggang ngayon ay tila hindi pa rin siya sanay mula sa atensyong natatamo niya sa tuwing kasama niya sina Celestine at Thomas.
So Celestine and matatawag na Queen B ng campus nila habang Campus Hearthrob naman si Thomas. Transferee lang si Thomas ngunit dahil sa kagwapuhang taglay nito ay kaagad na nakuha ng binata ang atensyon ng mga estudyante. Marami ang mga mag-aaral ang syang lantaran na sinasabing crush ng mga ito ang kaibigan niya.
Samantalang si Celestine, sa taglay nitong ganda, masasabi niyang perpekto itong ginawa ng Diyos. Halos nandito na ang lahat ng mga magagandang katangian sa isang tao. Marami ang naiinggit dito pero mas marami pa rin ang humahanga. Bukod sa maganda at matalino ang kaniyan bestfriend at mabait din ito.
Friendly kahit pa sabihin na may oras ito na tila isnabera. May ganoon kasi itong ugali na bagay na sanay na siya.
"Doon na tayo sa dulo," ani Thomas. "Mauna na kayo roon. Ako na lang ang kukuha ng pagkain nating tatlo." May ngiti sa mga labi si Thomas bago lumihis ng lakad sa kanila.
Nagkatinginan pa sila ni Celestine na tumango lang sa kaniya.
"Hi, Celestine!"
"Good morning, Celestine, Aliyah!"
Panay siya ngiti sa mga bumabati sa kanilang dalawa. Ganoon din naman ang ginagawa ni Celestine pero tipid lang dito. Bagay na kahit yata nakasimangot ito ay maganda pa rin.
Inayos nito ang uniporme pagkalapag ng bag sa katabing upuan. Sunod naman ay ang buhok nitong makinang bago naupong naka-dekwatro ang mga binti. Tiningnan siya nito na bahagya pa niyang kinagulat.
"Maupo ka," anito. Tinapik pa nito ang silya sa kabilang side nito.
Ngumiti na lang siya saka sumunod dito. Ginala niya ang mga mata sa kabuuan ng canteen.
"Sinong hinahanap mo?" tanong nito.
"Ha? Wala naman."
Tiningnan siya nito gamit ang nanunuring mga mata. "Aliyah, matagal na tayong magkaibigan. I know you so well kaya naman umamin ka na. May gusto ka ba kay Thomas?" Nakataas ang isang kilay nito.
Nanlaki bahagya ang mga mata niya. "Ano? Hoy, ang issue mo ah!" Lumingon siya sa paligid dahil pakiramdam niya ay may nakarinig dito. "Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan. Baka mamaya, makarating kay Thomas, nakakahiya!" mariing bulong niya rito.
Nagkibit lang ito ng balikat sana muling kumuha ng notebook at ballpen sa bag.
"Ano bang sinusulat mo?" tanong ni Aliyah dito.
"Wala naman. Nag-aalis lang ako ng pagka-bored. Ang tagal naman ni Thoma," anito saka nagsulat nang nagsulat.
Napangiti si Aliyah nang makitang ultimo penmanship nito ay maganda. Napailing na lang siya maya-maya habang napatanong sa sarili.
'Hay. Ano ba ang bagay na hindi maganda sa iyo? Lahat ay maganda at perpekto.'
Natuon ang kaniyang atensyon sa mahahaba at itim na itim nitong mga pilik-mata. Aaminin niyang isa ito sa assets ng kaibigan na siyang kinaiinggitan niya. Hindi naman siya nakakaramdam ng pagka-insecure dito pero pagdating sa pilik-mata ay iba ang nararamdaman niya.
"Dapat pala lumabas na lang tayo ng campus," anito sabay tingin sa kaniya dahilan upang maglihis siya ng tingin.
Kinabahan siya bigla nang hindi inaasahan dahil doon. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na siyang tumabing sa mukha niya. "A-ayos lang iyan. Libre naman ni Thomas, e."
Napangiwi ito. "Kung libre lang ang habol mo, kaya kita ilibre kahit araw-araw pa. Kaysa naman ganitong naghihintay tayo.
"Sandali na lang iyon. Gutom ka na ba?"
Tiningnan siya nito. "Wala nga akong gana kumain kanina, di ba at hanggang ngayon, ganoon pa rin."
Kumunot ang noo niya. "E bakit ba kasi?"
"Wala naman. Trip ko lang."
Natawa na lang siya rito. "Lakas trip ah."
Kahit ito ay natawa na rin. Maya-maya pa ay may isang babae ang siyang lumapit sa table nila. Maganda ito kahit medyo maliit sa kaniya. Mukha itong may lahing foreigner at kitang-kita iyon sa mga singkit nitong mga mata.
"Yes?" ani Celestine.
"Hello, ahm. Pwede ba ako makiupo rito?" Tinuro pa ng babae ang isang bakanteng sila. Apatan ang mesa nila pero hindi siya agad nagsalita. Tumingin lang muna si Aliyah kay Celestine.
"Yes, sure. Maupo ka," anito.
Like the usual thing. Kapag ganitong may bagong taong nakikilala si Celestine ay lumalabas ang pagiging friendly nito.
Sumilay ang ngiti sa mga labi nito dahilan upang lumabas ang mga dimples nito sa magkabilaang pisngi. "Thank you. Wala kasi akong kakilala pa rito since transferee lang ako."
"Kaya pala hindi pamilyar ang mukha mo rito."
"Oo. First day ko ngayon."
"Anong course mo?" tanong ni Celestine.
"BSComSci. Kayo?"
"BS in Mass Communication kami. Graduating na actually."
"Ay talaga? Ako rin, e. By the way, I'm Felicity nga pala." Pagpapakilala nito sa kanila. Nilahad nito ang kanang kamay.
Tinanggap iyon agad ni Celestine. "I'm Celestine and this is my bestfriend, Aliyah."
Siya naman ang sunod na nakipagkamay sa bagong kakilala.
"Nice to meet you, Celestine, Aliyah. Pasensya na kayo ha kung naiistorbo ko kayo. Nakakahiya man lumapit sa inyo pero kinapalan ko na ang mukha ko."
"Ayos lang iyon."
Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa habang siya, nakikinig lang. Mukha namang mabait si Felicity at magiliw din kasama pero may kung ano sa dibdib niya ang naiinis dahil nakikita niyang dahil dito ay ngumingiti si Celestine. Ayos lang naman iyon. Hindi lang talaga niya maintindihan ang sarili.
"Sorry, guys kung natagalan. Ang daming tao," ani Thomas na bahagyang nagulat nang makitang may ibang tao ang siyang nakikiupo ngayon sa mesa nila. "Ah... Hello!"
"H-hi," nahihiyang bati ni Felicity.
"Mabuti naman at dumating ka na. Gutom na ako," ani Aliyah. Lihim siyang nagpasalamat kay Thomas. Natigil kasi sa pag-uusap ang dalawa at kinatuwa niya iyon talaga.
Nagpakilala ang dalawa sa isa't isa. Nagsimula silang kumain ng agahan na treat ni Thomas. Nang makilala niya kahit paano si Felicity, napansin naman niyang friendly din ito kagaya ni Celestine pero may kung ano sa sarili niya ang hindi natutuwa.
Napansin niya kasi na maraming pinagkapareho ang dalawa lalo na sa bagay na mahilig ang mga ito sa pangongolekta ng mga bags.