MASAYA NAMAN kausap si Felicity at magaan ang pakiramdam ni Celestine dito kaya naman hindi niya napansin na oras na upang magtungo sila sa mga classrooms nila. Hindi na siya nagtaka nang kuhanin nito ang number niya. Handa naman siyang makipagkaibigan dito at alam niya ayos lang iyon kay Aliyah na ngayon ay may magandang ngiti sa mga labi dahil giliw na giliw itong kausap si Thomas.
"I-text ko kayo mamayang lunch ha? Pasensya na kung sasama muna ako sa inyo." May hiya siyang nababasa sa mukha ni Felicity.
"ANo ka ba! Wala iyon. Kaibigan mo na kami mula ngayon, di ba, guys?" aniya sa dalawang mga kaibigan.
"Oo naman," sagot agad ni Thomas sa kaniya.
Napalingon naman siya kay Aliyah na nakangiting tumango.
"See? Ayos lang iyon."
"Salamat sa inyo. Mauna na ako, ah! Text ko na lang kayo," anito saka kumaway at tumalikod sa kanila.
HUmarap siya sa dalawang kasama na nakatanaw pa rin hanggang ngayon sa papalayong si Felicity. "Ang cute niya, no?" tanong niya.
"Mas cute pa rin si ALiyah," ani Thomas.
Nagulat naman si Aliyah dahil sa tinuran ng kaibigan nilang lalaki. "Hoy, grabe ka. Mas cute si Felicity. ANg cute ng height niya," anito saka sinundan iyon ng tawa.
Kahit siya ay napatawa. "In fairness, ha? Mas mataas ka sa kaniya nang bahagya."
Ngumuso naman ito dahilan upang mas matawa siya. 'Grabe, ang ganda mo, ALiyah, kahit nakanguso ka,' aniya sa isip.
"Mauna na rin ako at baka ma-late ako sa try out maya-maya. Kapag may oras kayo, manood kayo sa gym, ha?" aniya Thomas.
"Okay. Babye!" ani ALiyah.
Nang maiwan silang dalawa ay nagkatinginan sila. "Mukhang close na kayo kaagad ni Felicity, ah," anito.
"Oo kahit ang daldal niya." Muli siyang natawa. "Pero seryoso, ang bait niya kausa saka alam mo iyon, nakakatuwa kasi parehas kami ng hilig na mag-collect ng mga bags," magiliw niyang wika. Nagsimula na silang maglakad patungo sa silid-aralan nilang dalawa.
"Ayos iyon para kahit paano, may nakakasabay sa trip mo," anito.
Hindi kasi hilig ni Aliyah ang mangolekta ng mga bags lalo at branded. Lumaki kasi ito sa lola nito na walang ibang tinuro sa kaniyang kung hindi ang magtipid which is okay din naman. Wala na itong mga magulang at tanging lola na lang nito ang kasa-kasama nito sa buhay. Naiwan ng mga magulang niya ang negosyo sa palengke na inalagaan naman ng lola nito.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya rito nang mapansin niyang tila hindi na ito ulit nagsalita. malapit na sila sa classroom nila.
"Oo naman. Dahil yata ito sa puyat," ani Aliyah na tumawa pa.
"Iwasan mo magpuyat," aniya rito. Alam niyang nakakatawang isipin na siya pa mismo nagsasabi niyon gayong siya rin ay hindi halos nakatulog agad noong nagdaang gabi.
Tiningnan lang siya nito saka tumango makalipas ang ilang sandali. "Okay, sabi mo e."
Kumunot ang noo niya. "Aliyah, okay ka lang ba?"
"Oo nga. Para kang sira," napapailing nitong wika. Tinapik pa nito ang braso niya saka ito naunang pumasok sa classroom nila.
Napailing na lang siya. Kilala niya kasi ito. Alam niyang wala ito sa mood makipag-usap kapag ganoon ang mga sagutan nito sa kaniya. Kumunot na lang ang noo niya at napatanong sa sarili. 'Anong problema no'n?'
SA MAGHAPON na klase ay nanatiling wala masyadong kibo si Aliyah at napansin na talaga iyon ni Celestine. Nakumpirma niya iyon nang minsang alukin niya ito kanina ng KitKat at tumanggi ito sa kaniya. Paborito kasi nito iyon at sa oras na tumnggi ito, alam niyang may mali or may problema ito.
Magkatabi lang sila ng upuan kaya humarap siya rito. Nagbabasa ito ng liibro habang tutok na tuok sa binabasang aklat.
"Aliyah."
"Hmm?" anito lang pero hindi man lang siya nito nilingon at nanatiling nasa binabasa ang mga mata.
"Okay ka lang ba talaga?" tanong niya. makulit na siya kung makulit pero hindi talaga siya mapakali. "Nag-away ba kayo ng lola mo?"
Noon binaba ni Aliyah ang aklat. "Ha?" Nagtataka ang tingin na binigay nito sa kaniya. "Wala nga iyong oras sa akin, tapos mag-aaway pa?" natatawa nitong wika. "aka alam mo na hindi kami nag-aaway no'n."
Nakaramdam siya ng awa para dito. Pagdating kasi sa pamilya, opposite na opposite silang dalawa. Kung siya ay super close sa kaniyang magulang at kapatid, si Aliyah at ang lola nito ay hindi gaano. Hindi rin naman iyon nakapagtataka dahil sobrang busy nito sa negosyong iniwan ng mga magulang nito rito pero kapag may oras naman ay nakakapag-usap naman ang dalawa.
Mabait din ang lola nito at apo na rin ang turing sa kaniya. Hindi lang din niya masisi si ALiyah kung bakit ganito ito magsalita. Alam niyang nangungulila ito sa atensyon ng pamilya kaya nga sabi niya sa kaniyang mga magulang ay ituring na rin na anak ng mga ito si Aliyah na siya namang sinang-ayunan ng mga ito. Pati ang kuya niya ay kapatid na rin ang turing sa kaibigan niya.
"E, bakit kasi wala ka sa mood?" tanong niya.
TIningnan niya nito. "Wala ako sa mood? Paano mo naman nasabi? Nagbabasa lang ako rito," anito saka natawa.
"Totoo naman. Wala ka naman talaga sa mood." Pinagkrus niya ang mga braso saka napanguso.
Narinig niyang natawa ito ulit. "Paranoid ka lang."
Narinig nila ang bell hudyat na tapos na ang pang-umagang klase nila. Inayos na nila ang mga gamit saka naunang tumayo si Aliyah. Tiningnan niya ito. "Wait lang." Nilabas niya ang press powder saka nag-retouch panandalian.
"Bilisan mo dahil magsisimula na ang try out nila Thomas."
Natigilan siya sandali. "Wait. Hindi mo sinabi na manonood tayo ngayon sa gym."
"Now you know kaya bilisan mo na," anito saka naupo ulit. Tiningnan lang siya nito kahit sa paglalagay ng lipgloss.
"Okay na ba ang itsura ko?" tanong niya rito.
Tinitigan siya nito. Alam niyang tsinetsek lang nito ang ayos ng mukha niya pero tila may kung anong mahika ang napatianod sa kaniya. kahit siya ay napatitig sa maganda at simple nitong mukha. Ang ganda rin kasi nito kahit hindi nagmamake-up. Simpleng pusod, pulbo at liptint lang ay ayos na. Ang kilay naman nito ay natural nang makapal kaya hindi na kailangan pang i-tream.
Kung hindi pa tumunog ang cellphone nito, hindi siya mtitigil sa kakatitig dito.
"Okay na. Wait lang sagutin ko lang itong tawag ni Thomas," anito saka ganoon nga ang ginawa nito.
Siya naman ay pinagpatuloy ang pag-aayos. Kinuha rin niya ang cellphone saka tinest ang numero ni Felicity na agad namang nag-reply kaagad.
"Paalis na kami. Magkita na lang tayo sa labas ng gym," ani Aliyah. Ilang sandali pa ay tinapos na nito ang tawag saka siya hinarap. "Are you done?"
Tumango siya saka sila umalis ng classroom.
NAKASIMANGOT na si Celestine dahil mainit sa napwestuhan nila. Gamiy ang isang palad ay pinang papaypay niya ito sa kaniyang mukha. Salubong na ang mga kilay niya dahil alam niyang baka nakakalat na ang make up niya sa mukha.
"Wala bang mas iiinit pa rito?" Eksaheradong tanong niya kay Aliyah na panay ang linga sa paligid. "Ano bang ginagawa mo?" tanong niya sa kaibigan.
"Humahanap ako ng pwesto na medyo malamilamig."
"Bakit kasi hindi naka-on yung aircon?" Iritableng tanong niya.
"Siguro ay dahil hindi naman nila alam na maraming manonood ngayon kahit try out lang naman?" tanong din ni Aliyah.
Namataan nila si Felicity na papasok ng gym. Luminga ito sa gawi nila kaya naman kumaway siya. "Dito!" ngumiti pa siya rito.
"Anong ginagawa niya rito?" tanong ni ALiyah habang nakamata kay Felicity na naglalakad palapit sa kanila.
"Inaya ko siya. Wala rin naman siyang gagawin at ibang pupuntahan." Tumingin sa kaniya si Aliyah na nakakunot ang noo. Napangiti si Celestine saka niya tinaas ang isang kamay saka hinawakan ang noo ng bestfriend niya. Magaan niyang hinaplos iyon. "Huwag na iyan kumunot."
"Ha?" Umiwas ito sa kaniya dahilan upang matawa siya rito.
HIndi na siya nakasagot dito dahil nasa harapan na nila si Felicity na naupo kaagad sa tabi ni Celestine. "Try out lang ba talaga ito? Bakit ang dami na yatang mga tao?" tanong nito na ginagala ang paningin sa kabuuan ng gym.
"Oo nga, e!"
"Sikat kasi si Thomas sa dati nitong school kaya naman nang nalaman ng mga estudyante dito sa atin na mag-try out siya, dinagsa siya."
"Ibig mong sabihin ay fans niya lahat nga mga ito?" namamangha na wika ni Felicity.
Sumingit siya bago magsalita si Aliyah. "Hindi ako fan niyan. Nandito lang ako because of her," aniya sak tinuro ang kaibigan.
"Ahh..." Tumango naman ito. Tumingin ito kay ALiyah. "Boyfriend mo ba si Thomas?"
Kumunot ang noo ni Celestine. "Hindi ah!"
Natawa si Aliyah habang si Felicity naman ay nagulat sa sagot niya. Kahit siya ay nagulat sa sinagot dito. Natawa na lang silang mag-bestfriend pati na rin ang bagong kaibigan kahit na lihim siyang naiirita sa tanong na iyon.
Kahit pa sabihin na nagsbai si Aliyah na 'hindi pa' nito boyfriend si Thomas, hindi maalis ang tyansa na baka nga maging magnobyo ang mga ito. May kumirot sa isang parte ng puso niya dahil sa kaalamang iyon ngunit pinilit pa rin niyang huwag maipahalata sa mga ito.
"I mean, hindi 'pa' raw," aniya saka tumingin kay Aliyah na mas nagulat sa dinugtong niya lalo sa salitang binigyan niya ng diin.
"Hoy! Baka maniwala iyang si Felicity," anito saka tumingin dito. "Huwag ka maniwala rito. Wala akong balak."
"Talaga ba? Baka asahan ko iyan," aniya rito.
"Siraulo ka!" Natawa nang tuluyan si Aliyah at nakitawa naman din sa kanila si Felicity.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang try out nila Thomas. Medyo lumalamig na rin ang buong gym ngunit naiinis pa rin si Celestine dahil nakikita niyang tila masaya si Aliyah habang pinanood ang kaibigan. Napapaismid na lang siya sa tuwing mag-chicheer ito lalo na kapag sumisigaw.
NAGPAALAM SI Celestine kina Aliyah na lalabas na muna upang magtungo sa banyo. Isa pa, gusto na rin muna niya mapahinga ang mga tainga niya dahil grabe makasigaw si Aliyah kapag ni-chicheer nito si Thamas. 'Akala naman girlfriend siya nito?' aniya saka napailing.
Naghugas iya ng mga kamay saka bahagyang inayos ang buhok na nakalugay. Nagulat pa siya nang makitang pumasok din ng banyo si Felicity. "Oh, bakit di ka pa sumabay sa akin kanina. Wala ka tuloy kasama. Si Aliyah pala?" tanong niya
"Naiwan doon. Lumapit kasi si Thomas," anito na nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.
Wala sa sariling napairap siya. Pinagpatuloy niya ang pagsusuklay na ngayon ng buhok. Napalingon siya kay Felicity nang hindi ito tuminag upang pumasok sa isang cubicle. Magkakrus ang mga braso nito at may ngisi sa mukha. "Bakit?"
Humarap ito sa salamin saka inayos ang suot na uniporme. "You like her." Kalmado nitong wika dahilan upang natigilan si Celestine.
"A-anong sabi mo?" kabado na niyang tanong. Ganoon ba siya ka-obvous kaya nahalata nito ang bagay na iyon?
Humarap ito sa kaniya. "You like your bestfriend. Tama ako, di ba?" Tila siguradong wika nito.
"Ano bang pinagsasabi mo, Felicity. Alam mong hindi pwede ang bagay na iyan."
"Ang alin?" Kumunot ang noo nito. "Yung magmahal ka ng kapwa mo babae?" Huminga ito nang malalim bago muling nagsalita, "Alam ba niya na may nararamdaman kang ganiyan sa knaiya?" tanong nito.
"Felicity, ano bang sinasbai mo? Mag-bestfriend lang kami ni Aliyah."
Ngumiti ito pero halatang hindi naniniwala sa knaiya. "Ano ka ba! Huwag ka na mag-deny. Kung akala mo na isusumbong kita kay Aliyah, nagkakamali ka. Secret lang natin ito."
Nakahinga siya nang maluwag nang sabihin nito iyon. "S-salamat."
"So tama ako, di ba?"
Tumango siya nang marahan. "Oo pero please, huwag mo sasabihin sa knaiya. Ayaw kong magalit siya sa akin tapos lalayuan niya ako. Felicity, please..." pakiusap niya rito. Ang isipin pa lang ang bagay na iiwanan siya nito ay sobra na siyang natatakot. Parang malaking parte ng pagkato niya ang mawawala kapag nangyari ang bagay na iyon.
Ngumiti si Felicity sa kaniya. "Oo naman. Alam ko ang pakiramdam na maiwanan ng bestfriend na minahal ko. Don't worry. our secret is safe with me," anito saka ngumiti. Nakaramdam naman siya ng awa rito. Tinapik siya sa braso nito. "CR lang ako."
Pumasok na ito sa loob ng cubicle at naiwan siyang napatitig na lang sa sariling repleksyon sa salamin.