NANG MATAPOS sa pagligo si Aliyah ay wala sa loob ng kwarto si Celestine. Bumagsak ang mga balikat niya dahil sa panlulumo. Iniisip niya kung galit ba ito dahil sa napag-usapan nila kanina bago siya maligo. Aaminin niyang masama ang loob niya rito kanina pero nang maibuhos niya ang malamig nabig sa kaniyang katawan ay nahimasmasan siya. Nabawasan ngunit may kaunting tampo pa rin siyang nararamdaman. May kirot pa rin sa puso niya dahil [akiramdam niya ay walang tiwala sa kaniya si Celstine kahit pa alam naman nitong noong una pa lang ay tinapat na niya si Thomas, Wala siyang gusto sa binata at tanging pagkakaibigan lang ang kaya niyang i-offer dito. Si Celestine ang mahal niya at walang iba. Naupo siya sa ibabaw ng kama habang dahan-dahan na pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok. Napap