WALANG KLASE kinabukasan nang magising sina Celestine ay Aliyah kaya naman kahit tanghali na ay naksahiga p;a rin sila sa kama. Tamad na tamad silang dalawa bumangon pero aaminin ni Aliyah na kinakabahan siya. Hindi naman kasi kagaya noon na ayos lang sila manatili sa ganoong pwesto habang nasa iisang kama lang sila. Mayroon kasi sa isang parte ng pagkatao niya na kabado siya sa hindi malamang dahilan. Narinig niya ang pag-ungol ni Celestine nang gumalaw siya. Naramdaman din niya ang pagyakap ng mga braso nito sa kaniyang baywang kaya nahigit niya ang hininga. Kanina pa siya dilat pero tinatamad lang na bumangon. Gusto pa niyang matulog pero ang diwa naman niya ay nasa babaeng nakayapos sa katawan niya. Muling umungol si Celestine kaya naman nilingon na niya ito. Hindi na siya nagula