MAGHAPON NA wala sa mood si Aliyah at halatang-halata iyon ni Celestine. Kung hindi siguro siya naaawa kay Felicity ay baka ankulit na niya ito. Hindi kasi niya maiwan ang kaibigan. Madalas niya kasi ito mahuling nakatulala lang kaya naman pinagkakakausap niya ito upang huwag naman ito masyado mag-isip ng mga kung ano-ano. "Natanong mo na ba kung bakit wala sa mood sa Aliyah?" tanong ni Fel sa kaniya. nasa loob sila ng comfort room ng isang fast food chain na malapit lang sa university nila. Doon kasi nila naisipan na mag-lunch after ng morning classes nila. Umiling siya. "Magsasabi naman iyon kung may problema siya. Kapag ganiyang wala iyon sa mood mas gusto noon na tahimik lang. Ayaw niyang inuungkat kung ano man ang dahilan." "Ganoon? Bakit kasi feeling ko, may kinalaman sa iyo?" tan