NAPAIGTAD PA si Aliyah nang maramdaman niya ang marahang tapik ni Thomas sa kaniyang balikat. Nang tingnan niya ito ay napangiti na lang ito na animo nahihiya. "M-may sinasabi ka ba?" tanong niya rito. Nasa loob sila ng bookstore at namimili ng mga librong babasahin. "Ayos ka lang ba?" "O-oo naman. Bakit?" Pinilit niyang ngumiti nang hindi na ito mag-alala ngunit nababasa yata talaga nito kung ano man ang nakikita sa mukha niya "Kanina pa kasi ako nagsasalita rito pero parang may iniisip kang malalim. May problema ba?" Halata sa mukha nito ang pag-aalala. Kaagad naman siyang ginapangan ng hiya. "W-wala. May naisip lang ako." "Sigurado ka?" Tila hindi ito naniniwala sa kaniya. Binitiwan nito ang hawak na aklat saka siya hinarap. "Gusto mo bang bumalik na lang sa campus?" "Napili m