WALANG GANA pumasok si Aliyah ng araw na iyon dahil masakit ang kaniyang ulo. Maaga pa naman kaya naisipan niyang dumiretso na lang muna sa garden. Sigurado siyang nandoon na ang bestfriend niyang si Celestine. Sa kanilang dalawa kasi ay ito ang una palaging pumapasok at kapag maaga pa, doon ito tumatambay sa paborito nilang spot. "Aliyah!" Napalingon sa ALiyah nang may tumawag sa pangalan niya. Si Cindy iyon na kaklase niya. May hawak itong papel. "Bakit?" "Busy ka ba? Samahan mo naman ako," anito. "Ibibigay ko lang ito kay Mrs. Gamboa. "Bakit sa akin ka pa magpapasama?" Nakangiti niyang wika. "E, paborito ka no'n. Late na kasi itong assignment ko pero alam ko na kapag ikaw ang na-abot nito, hindi iyon magagalit." Sinamaan niya ito ng tingin saka umiling. "Tara na nga pero samaha