PANSIN NI Celestine ang pananahimik ni Aliyah mula nang kausapin ito ng lola nito sa cellphone at kahit hindi ito magsabi ay alam niyang iyon ang dahilan. Tinitingnan lang niya ito habang nakamata sa mga players sa court.
Naramdaman niya ang pagtama ng siko ni Felicity sa isang braso niya. Nilingon niya ito. "Bakit?" Nagtataka niyang tanong dito.
"Makatitig ka naman. Huwag ka naman masyadong obvious, girl."
Mabilis niyang sinulyapan si Aliyah saka binalik ang atensyon kay Felicity. "Ang ingay mo naman! Huwag ka maingay at baka marinig ka niya."
Natawa ito nang mahina. "Okay okay. Chill ka lang," anito.
Umayos siya ng upo paharap kay Felicity. "Kilala ko kasi itong si Aliyah. Alam ko na may iniisip iyan kapag ganiyan ang mood niya."
"Kausapin mo."
Huminga siya nang malalim. "Kahit kausapin ko iyan, for sure naman na itatanggi niya kung ano man ang tingin ko sa kaniya." Lumingon siya kay Aliyah at nagulat pa na nasa kaniya pala ang atensyon nito. Pumihit siya paharap dito. "Bakit?"
Hindi ito sumagot bagkus ay tiningnan lang silang dalawa. Maya-maya pa ay umiling ito. "Wala." Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya.
Magsasalita pa sana si Celestine ngunit narinig nilang nagsigawan ang mga players na nasa court. Kabilang na si Thomas na napa-yes pa. Lumingon ito sa kanila partikular kay Aliyah saka kumaway. Nang lingunin niya ang kaibigan, may malapad itong ngiti sa mga labi saka gumanti ng kaway kay Thomas.
Tumayo si Aliyah. "Siguro nakapasok siya! Tara!" anito saka naunang bumaba.
Nagkatinginan sila ni Felicity na napailing na lang. "Sigurado ka bang wala silang relasyon? I mean, look at them."
Kahit siya ay napatingin na lang din sa dalawa. Sinalubong pa ni Thomas ang bestfriend niya. Kapwa may malapad na ngiti sa mga labi ang mga ito at ganoon na lang ang gulat niya nang yakapit ni Thomas si Aliyah.
Humakbang siya nang isang beses ngunit naramdaman niyang hinawakan siya ni Felicity sa kaniyang braso. "Kalma. Natatakot kang baka malaman niya ang totoong nararamdaman mo, hindi ba?" anito na tiningnan pa siya nang mariin.
Muli niyang sinulyapan ang dalawa na ngayon ay masayang nag-uusap na sa isang gilid. Kahit ba hindi na magkayakp ang dalawa, may kirot pa rin siyang nadarama sa kaniyang puso. Naikuyom na lang niya ang mga palad. Maya-maya pa ay binawi niya ang braso mula sa pagkakahawak ni Felicity.
"Bumaba na rin tayo," aniya saka nagpatiunang bumaba. naramdaman niyang kasunod niya ang bagong kaibigan hanggang sa makababa sila kung nasaan sina Thomas at Aliyah.
Pinagkrus niya ang mga braso saka nakinig sa usapan ng dalawa. Nagsisimula na rin siyang makaramdam ng pagkairita para sa binatang si Thomas.
"Sabi na, suswertihin ako kasi nandito ka, e!" ani Thomas kay Aliyah.
"Oy, hindi ah. Magaling ka talaga maglaro. Saka alam ng commitee na varsity player ka roon sa inalisan mong university."
"Well, naniniwala ako na ikaw ang lucky charm ko."
Inis na napairap na lang si Celestine. Hindi niya nagugustuhan ang mga sinasabi ng dalawang nasa harapan.
"So ano? Pasok ka nga?" tanong niya kay Thomas. Bahagyang tumaas ang kilay niya nang lingunin siya nito na tila nagulat sa presensya niya.
"Ah, oo. Thanks to Aliyah."
"Really? That's good for you. Congratulations."
"Sala--"
"Let's go, Aliyah? Nagugutom na ako, e!" aniya. Hindi niya gusto maging rude kay Thomas pero wala naman siyang pakialam kung ano man ang isipin nito sa kaniya. isa lang ang gusto niyang gawin ngayon. Iyon ay ang ilayo si Aliyah sa lalaking ito.
"Ah, oo. Paano, Thomas? Mauna na kami, ha?"
"Sure sure. Tawagn mo na lang ako kapag nasa bahay na ninyo ikaw, okay?"
Tumango naman si Aliyah saka muling kumaway sa kaibigan. Siya naman ay tumango lang dito habang si Felicity naman ay kumaway binata.
HABANG NAGLALAKAD sila palabas ng campus ay hindi niya maiwasang tanungin si Aliyah. "Ayos ka lang ba?" tanong niya.
Sinulyapan siya nito. "Oo naman."
"Gutso mo bang sa amin ka muna matulog ngayong gabi? Sleep over ka?" aya niya rito. Normal naman sa kanila ang ganoon.
Tila nag-isip naman ito at napalingon pa kay Felicity na parang hinihintay na pati ito ay ayain niya. Mabuti at abala ito sa pagkalikot sa cellphone nito kaya nang lapitan niya si Aliyah ay bumulong siya sa kanang tainga nito.
"Aliyah, don't tell me na gusto mos iyang isama sa sleep over natin?"
Tumingin ito sa kaniya. "Gusto mo ba? Sa akin ay ayos lang naman."
'Ayos nga lang ba talaga sa iyo?' tanong sa isip ni Celestine ngunit hindi na lang niya iyon isinatinig pa.
"Girls, I think I have to go. Nag-text kasi ang daddy ko. Susunduin daw ako," ani Felicity sa kanilang dalawa.
Nakahinga naman siya nang maluwag dahil sa sinabi nito. Napangiti siya nang malapad. "Sure sure, Fe. Ako na ang bahala rito kay Aliyah."
"TUmingin ito nang makahulugan sa kaniya saka ngumiti. "Okay. Bye, Aliyah. THank you ha? Nice to meet you two. See you tomorrow!" wika nito saka naglakad pauna kanila.
Nang lingunin niya ang bestfriend niya ay nandoon pa rin sa likod ni Fe ang tingin nito. "Hey? Ano? GO ka? Wala naman ang lola mo, di ba?"
"Celestine, gagabihin lang ang lola ko, uuwi pa rin naman siya mamaya kahit late," anito saka sila nagsimulang humakbang palabas ng campus. Tumigil lang sila sandali nang may mga kapwa nila estudyante tumawag sa kaniya. Gumanti siya ng kaway sa mga iyon.
Ilang sandali pa ay tumingin siya ulit dito. "E, oo nga pero wala ka kasing kasama sa bahay ninyo." Bumangon ang pag-alala sa kaniyang dibdib para dito.
"Wala namang bago roon, di ba? Saka nakakahiya naman kina Tito at Tita."
Dahil sa narinig ay napanguso siya sabay hawi ng magandang buhok. "Wala naman kina mama at papa ang bagay na iyan, Aliyah. Anak ka na rin nila kung ituring kaya halika na sa amin." Humawak siya sa braso nito saka nagpa-cute sa betsfriend niya.
Ilang sandali pa ay matagumpay siyang napangiti nang tumango si Aliyah. Sa wakas ay napapayag na niya itong sa kanila na ito matulog.
KADARATING LANG nina Aliyah sa bahay nila Celestine nang makaramdam siya ng gutom. Napahawak siya sa sariling tiya n at napansin iyon ni Celestine. Natawa ito habang nilalagay ang bag nito sa sofa. "Gutom ka na ba?"
Nahihiya siyang ngumiti sa kaibigan. "Oo."
"Tara sa kusina. Tingnan natin kung anong pagkain ang pwedeng kainin," anito saka naglakad.
Nilagay din niya ang sariling bag sa sofakung saan nakalagay ang bag din ni Celestine sakla siya sumunod dito. Sanay na siya sa bahay nito at kabisado na niya kung saan nakalagay ang mga gamit. Hinayaan lang niya itong mahalungkat sa kusina habang siya ay kumuha ng baso at nagtungo sa raf. Kumuha siya ng orange jiuce na nasa pitsel at nagsalin sa baso na hawak.
Gumapang ang lamig sa kaniyang lalamuna at ang tamis nito ay tamang-tama lang. Nakailang lagok pa siya nang mapagtantong nakatingin sa kaniya si Celestine. Binababa niya ang baso saka anpangiti rito. Pinunasan niya ang bibig saka nagtanong sa kaibigan. "Gusto mo ba?" tanong niya rito.
"Pahingi nga ako. Parang ang sarap niyan, e!" Kukuha sana siya ng bagong baso ngunit nagsalita ulit si Celestine. "Diyan na lang ako iinom sa basong ginamit mo. Hugasion pa," anito habang nakatuon ang atensyon sa pagsasandok ng kanin sa pinggan. "May Pork adobo rito sa kawali. Alam kong paborito mo ito kaya ito ang kakainin natin ngayon." natawa pa ito.
Siya naman ay kaagad na natakam lalo na nang sumama sa hangin ang ulam na ininit pala nito kani-kanina lang. "Ang bango. Sana maanghang ang luto ni Tita," aniya sabay napalunok pa.
"Alam mo naman magluto si mama. Mahilig kaming lahat dito sa spicy food at syempre, alam niyang gusto mo nito."
"I know. Nasaan nga pala ngayon sina Tita at Tito? Sinabi mo bang dito ako matutulog?" tanong niya saka anupo sa bakanteng silya.
"Oo naman. Alam mo kahit hindi nga tayo magpaalam o magsabi sa kanila ay papayag naman sila. Anak ka naman din ng mga iyon." Nilapit nito sa tapat niya ang pinggan na may kanin. Hindi pa ito kaagad naupo dahil ang ulam naman ang isasalin nito sa mangkok.
"E, si Kuya Carl?"
"Baka may practice ng Liga ngayon. Malapit na kasi magsimula ang Liga dito sa atin. Ou know naman na kinukuha pa nga akong muse no'n, di ba?"
"Oo nga pala, no? So, pumayag ka na ba?" tanong niya. Nang mapansin niyang wala pa silang mga kubyertos ay tumayo na siya at saka siya na ang kumuha ng mga ito.
"Pinag-iisipan ko pa kaso parang ayaw ko na talaga."
Natawa siya nang bahagya. Nilalagyan na niya ang mga kutsara at tinidor ang mga pinggan nila. "As if naman na may magagawa ka. You know naman si Tita."
Naupo ito sa katapat na silyang pinuwestuhan niya kanina. "Kaya nga."
"Alam mo, pumayag ka na. Bagay naman sa iyo ang maging muse, e." Naupo na rin siya saka sila nagsimulang kumain.
Tiningnan siya nito dahil sa unang subo niya ng kanin na may adobo, napapikit pa siya sa sobrang linamnam ng pagkain. Narinig niyang natawa ito nang mahina.
"Dahan-dahan naman, oy!" anito.
Hindi niya ito pinansin at nagsunod-sunod nag subo niya. Ngunit napahinto siya kaagad nang may bumara sa kaniyang lalamunan. Napalingon siya sa mesa at nanlaki ang mga mata niya nang walang makitang tubig doon. Hindi sila nakapaghanda kanina.
Napatayo si Celestine kanina nang makita siyang nabibilaukan. Nagmadali itong kumuha sa ref saka lumapit sa kaniya. "Oh, tubig. Sabi nang dahan-dahan, e!" Bahagyang tinapik-tapik nito ang likod niya.
Ilang sandali pa, nakaramdam na rin siya nang kaginhawahan. Nailapag niya ang baso saka sumandal sa silya. Tumingin siya kay Celestine saka ngumiti.
Ito naman ay napasimangot saka bumalik sa pwesto nito. "Ikaw talaga. Pinakaba mo ako tapos ngayon ngingiti ka riyan." Inirapan siya nito.
Nag-peace sign siya rito. "Sorry na.ANg sarp kasi ng luto ni Tita."
"Understood na masarap ang luto no'n pero magdahan-dahan ka naman. Nag-aalala ako sa iyo, e." Muli siya nitong tingnan nang masama saka muling pinagpatuloy ang pagkaing naudlot.
"Sorry na. Sige next time mag-iingat na ako. Huwag ka na magalit," aniya.
Tumango na lang ito nang marahan sa kaniya. "Kumain ka na. Kapag ikaw nabilaukan pa ulit, bahala ka na diyan!"
Napangiti na lang siya dahil dito at muling kumain nang masarap na pagkaing nasa mesa.
TINAWAGAN NI Aliyah ang kaniyang lola ngunit walang sumasagot. Marahil ay sobrang abala nito kaya hinid man lang masagot ang tawag niya. Binaba niya ang cellphone sa kama.
"Hindi mo nakausap?" tanong ni Celestine habang namimili ito ng pwede nilang suotin sa loob ng closet nito.
Umiling siya. "Hindi. baka busy pa rin sa shop," aniya saka inihilata ang likod sa malambot na kama. Napatitig siya sa kisame na kulay puti.
"Alin ang mas gusto mo sa dalawang ito?" tanong ni Celestine habang hawak nito sa magkabilaang mga kamay ang dalawang hanger na may nakaabit na mga pantulog. Halos parehas lang ng disenyo ang mga iyon ngunit nagkaiba lang sa kulay. Naupo siya saka tinuro ang kulay dilaw. "Iyo iyang dilaw kasi I hate yellow. At iyang isang kulay green ang sa akin," aniya saka muling nahiga.
Hinagis sa kaniya ni Celestine ang napili niyang pantulog at napunta iyon sa kaniyang mukha. Inalis niya iyon kaagad. "Ano ba?" tanong niya sa malambing na paraan. TIningnan niya ang kaibigan,
"Maligo ka na kung maliligo ka. usunod ako pagkatapos mo," anito saka nagsimulang magtanggal ng mga alahas na nakasuot sa katawan sa harapan ng vanity mirror nito.
Tamad na tamad siyang tumayo at dinampot ang pantulog na inabot nito kasama na ang underwear na bago. Dumiretso siya sa loob ng banyo saka naligo. Nang matapos siya lumabas din siya agad habang pinupunasan ang basang buhok. Naabutan niyang abala ang kaibigan sa hawak nitong cellphone at napapangiti pa.
Naupo siya sa kama dahilan upang lumndo iyon nang bahagya. lumingon sa kaniya si Celestine. "Ang bilis mo naman?" tanong nito saka naupo.
"Mabilis lang naman talaga ako maligo, ah!"
"Mas mabilis ngayon, e!" ngumisi ito saka pinatong ang cellphone sa nighstand bago dinampot ang towel saka tumuloy sa banyo.
Magsusuklay na si Aliyah ng buhok nang biglang tumunog ang cellphone ni Celestine. Sinilip niya kung sino ang caller at nabasa niyang si Felicity ang caller. Hinawakan niya iyon saka humakbang palapit sa pinto ng banyo. Rinig niya ang lagslas ng tubig mula sa loob. Kumatok siya ng tatlong beses.
"Tine, tumatawag si Felicity!" bahagyang sigaw niya sa pinto.
"Pakisagot na lang," utos naman ni Tine.
Ganoon na nga ang sunod niyang ginawa. "Hello?"
"Ang tagal mo namang sagutin ang tawag ko. So ano? Ano na nag ginagawa ninyo ngayon?" tanong nito.
"Felicity, it's me Aliyah. Nasa banyo pa si Celestine, e!" aniya rito.
"Oh, I'm sory. So naliligo pa siya ngayon?"
"Oo. Bakit? May ipagbibilin ka ba?"
"Ay wala wala! Don't worry. Hindi lang kasi siya nag-reply kanina kaya ako napatawag. Sige na. Ba-bye na, Aliyah," anito bago putulin ang tawag.
Nagtataka naman siyang napatingin sa cellphoen ni Celestine. Ang pagtataka ay napalitan ng kakaibang pakiramdam nang makita niya ang lock screen at wallpaper nito. Silang dalawa iyon. Gumapang ang hiya niya para dito dahil iba ang kaniyang lockscreen at wallpaper. Kaya naman agad niyang kinuha ang phone upang palitan ng larawan nilang magkaibagan kagaya ng sa gadget nito.