NAGPUPUNAS NG buhok si Celestine nang lumabas siya ng banyo. Naabutan niya si Aliyah na hawak ang cellphone nito habang may magandang ngiti sa mga labi. Tumaas ang isang kilay niya.
"Anong tinitingnan mo?" tanong niya rito.
Bagaman at sinulyapan siya ng kaibigan ay hindi pa rin nawalan ang ngiti nito sa labi. "Wala naman. Pinalitan ko lang yung lockscreen at wallpaper ng phone ko."
"Talaga?"
"Oo. Look!" anito saka pinakita rito ang screen ng gadget nito.
Wala sa sariling napangiti siya. May mga munting paru-paro ang siyang tila nagliliparan sa kaniyang tiyan. Napaiwas siya ng tingin saka dinampot ang suklay sa ibabaw ng vanity mirror.
"Tayo iyan, ah!" Tumingin siya sa salamin at doon nakitang niyang dinampot ni Aliyah ang cellphone niya.
Tumingin ito sa repleksyon niya. "Oo nga. Ginaya lang naman kita para parehas tayo." Tiningan pa nito ang dalawang cellphone na nasa ibabaw na ngayon ng kama.
Napailing na lang siya pero ang ngiti sa mga labi ay hindi na nawala. "Maligo ka na nga. Gagabihin ka na masyado niyan."
"Okay." Akma na itong tatayo ngunit sumabit ang paa ni Aliyah sa kumot kaya naman na-out of balance ito.
Mabuti na lang at mabilis ang katawan ni Celestine kaya kaagad siyang napaharap dito saka nasalo ang katawan ng kaibigan. Iyon nga lang ay kapwa sila bumagsak sa malambot na kama.
Napapikit silang dalawa. Ramdam niya ang bigat ni Aliyah dahil ito ang nakaibabaw sa kaniyang katawan. Nakasubsob ang mukha nito sa gawing dibdib niya.
Ilang sandali yatang bumagal ang ikot ng mundo para kay Celestine. Ngayon ay nakadilat na ang mga mata niya at nakatitig sa katawan ni Aliyah na nasa ibabaw pa rin niya.
Rinig na rinig na ang lakas ng pagtibok ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung sa kaniya ba iyon o kay Aliyah. Kaya naman sa takot na baka maramdaman nito ang kaniyang puso ay nagsalita na siya.
"A-Aliyah, hindi ako makahinga," sabi na lang niya rito saka bahagyang tinapik ang magkabilaang mga braso ng kaibigan
Tiningala siya nito. "Ay sorry!" Kaagad na kumilos si Aliyah upang umalis sa kaniyang ibabaw. Gumulong ito upang mapahiga sa tabi niya.
Naupo siya pagkaraan. "Ayos ka lang lang?" Sinulyapan niya si Aliyah.
Mabilis din itong umupo saka sinalubong ang tingin niya. "Oo. Pasensya ka na. Sumabit kasi yung paa ko rito." Dinampot at tinaas pa niya ang kumot.
"Ikaw talaga. Ang clumsy mo. Sige na at maligo ka na. Oh, baka naman madulas ka pa sa banyo, ah!" aniya saka ngumisi kay Aliyah.
Tumayo na ito. "Hindi naman siguro." Pumasok na ito sa loob ng banyo kaya naman naiwan siya sa silid habang nakaupo sa kama.
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang damputin niya ang cellphone nito. Parehas sila ng lockscreen at wallpaper kay para silang couple. Dahil sa naisip ay nailapag niya agad ang mga gadget.
Umiling siya saka huminga nang malalim. Inalis niya sa isipan ang bagay na iyon dahil mapapaasa lang niya ang sarili na pwede sila kahit pa alam niyang malabo iyong mangyari.
"MABUTI NAMAN, hija at naisipan mo ritong matulog ngayon. Nabitin ako sa kwentuhan natin nung dumaan kayo ni Thomas dito," ani Mommy ni Celestine. Kumatok ito kanina sa kwarto ng bestfriend niya upang ayain sila maghapunan at ngayon, nasa harapan na sila ng lamesa kasama ang Papa at Kuya Carl nito.
Napangiti naman siya. "Oo nga po, tita, e."
"Ayaw pa niyang kanina, mommy. Pinilit ko lang din." Sumubo si Celestine pagkasabi niyon. Nakaramdam siya ng hiya dahil sa sinabi ni Celestine kaya napayuko na lang siya.
"Bakit naman ayaw mo, hija e dati ka namang dito natutulog?" tanong ng papa ni Celestine na nakapwesto sa kabisera ng mesa.
"Baka po ayaw na makatabi si Celestine," ani Carl saka tumingin sa kaniya. "Pasensya ka na, Aliyah ha? Malikot ba siya matulog?" Sinundan nito iyon ng tawa lalo na nang magprotesta si Celestine.
"Oy! Hindi ako malikot matulog, no?" dipensa naman nito.
Kahit siya ay natawa na lang sa magkapatid pero lihim siyang naisip. Hindi naman kasi ito malikot matulog. Bagkus ay siya pa nga ang mas malikot dahil nagagawa niyang mahulog sa kama sa sobrang likot. Napailing na lang siya nang maaalala na minsang kinailangan pa nilang iusog sa gilid ng pader ang kama upang hindi siya mahulog. Kaya siguro hindi na naisip ni Celestin na ibalik sa dati ang ayos ng kama nito ay dahil baka mahulog na naman siya.
Napalingon siya kay Celestine. "Bakit?" tanong niya nang makitang may ngisi ito sa mga labi.
"Nakikitawa ka talaga sa kanila?" anito na handa na siyang atakihin.
"Hoy, wala akong ibang ibigsabihin doon, Tine!" Nagtawanan silang lahat dahil sa reaksyon niya.
"Tama na iyan. Puro kayo kalokohan, e!" ani mama nito kahit nakikitawa rin. Muli siya nitong hinarap. "Sa susunod, bumalik ka rito tapos isama mo si Thomas. Ang gwapo ng batang iyon. Nanliligaw ba iyon sa iyo?" tanong nito dahilan upang matigilan siya sa pagkain.
"H-hindi po!" tanggi niya agad.
"Talaga? Parang ang imposible namang hindi ka no'n nililigawan. Ang ganda-ganda mo kaya."
"Hala. HIndi po talaga, tita. magkaibigan lang po kami ni Thomas."
"Actually, nanlgaw iyon sa kaniya dati, ma kaso di niya sinagot. Ewan ko lang ngayon kung nagbago na ba yon or what," ani Celestine na gamit ang kutsara at tinidor ay halatang pinaglalaruan ang karneng nasa pinggan. Doon ito sa pagkain nakatingin ngunit tumaas ang tingin nito sa kaniya maya-maya.
Gumapang ang kaba sa kaniyang puso. Hindi siya sigurado pero ang tingin na iyon ni Celestine, alam niyang hindi iyon tingin ng isang nagbibiro. Tila seryoso na ito ngayon. Napayuko siya ng ulo. "Wala naman po akong balak na saghutin si Thomas. Noong una pa lang ay sinabi ko na agad sa kaniya na hanggang magkaibigan lang po kami," aniya saka tumingin sa ina ni Celestine.
"Bakit naman, hija?" tanong ng mama niya. Lumingon pa ito sa anak na babae saka muling tnuon ang atensyon sa kaniya. "Gwapo naman si Thomas at mukhang mabait at magalang din naman."
Alam naman niya iyon pero hindi niya kasi talaga nakikita ang sariling makikipagrelasyon dito sa hinaharap. Masaya na siyang magkaibigan lang sila nito.
Sandali siyang napaisip sakla umiling. "Wala po talaga siyang pag-asa, e. THough nag-usap naman na kaming dalawa tungkol sa bagay na iyon. pumayag at tinangga[ naman po niya ang desisyon ko pero ayon nga lang po. Sabi niya ay hayaan ko lang daw po siya na ipakitang sincere siya sa akin."
"Ohh... ang sweet naman ni Thomas. Alam mo, bagay na bagay pa naman kayo. Kung ako ang tatanungin ha? Bilang pangalawang ina mo, boto ako sa kaniya.
Nahihiya siyang ngumiti rito ngunit pare-parehas silang napahinto sa pagkain at pag-uusap nang bigalng tumunog nang malakas ang silya ni Celestine. Napunta roon ang atensyon nila at biniogyan ng nagtatakang tingin ang kaibigan niya.
"Sorry. Tapos na po ako," anito saka dinampot ang isang basong may laman na tubig. Sinulyapan siya nito bago ito humakbang paalis sa kusina.
Nagkatinginan silang mga naiwan sa mesa.
"May dalaw ba ang anak mo?" tanong ng daddy ni Tine sa misis na nagkibit naman ng balita.
"Hindi ko alam." Lumingon pa sa kaniya ito.
Napalingon sila sa kapatid nitong lalaki na nagsalita, "baka naman nagseselos?" Uminom ito ng tubig pagkaraan saka tumingin sa kaniya.
Natigilan siya sa sinabi nito. Oo nga pala. Minsan nang pumasok sa isip niya na baka may gusto ito kay Thomas. Bagay na may kaunting kirot sa kaniyang puso. Hindi niya alam kung saan galing iyon pero sure siyang nasasaktan siya sa bagay na iyon. Simula nang marinig ang bagay na iyon ay nawalan na siya ng gana. paubos naman na rin ang nasa pinggan niya kaya pin ilit na lang niya iyong ubusin. Nang matapos ay nagpaalam na siyang pupunta na sa silid ni Celestine na kaagad namang sinang-ayunan ng mga ito.
Kabado siya habnag naglalakad papanhik ng hagdan. HIndi niya alam kung paano kakausapin ang bestfriend niya. Baka kasi galit ito o baka tama ang Kuya Carl nito na nagseselos ito. Pero wala naman itong dapat na ikaselos dahil gaya nga ng sinabi niya sa mga magulang nito, walang pag-asa si Thomas sa kaniya. Tumindi ang kirot sa isang parte ng puso niya nang ma-imagine sa isip na magkahawak ng mga kamay ang dalawa kaya naman nailing siya agad upang maialis sa isip ang bagay na iyon.
Nasa tapat na siya ng pintuan ngunit hindi pa rin siya pumapasok. Magkahawak ang mga kamay niya habang nag-iisip kung paano ang gagawing paghingi ng sorry dito
Bumilang muna siya hanggang lima saka huminga nang malalim bago kumatok sa pinto. Pagbukas niya ay naabutan niya itong nakadapa sa kama habang nakapikit. May earphone itong suot sa magkabilaang tainga at mukhang tulog na. Nahiya naman siyang kausapin o gising ito kaya dahan-dahan siyang sumampa sa kama. Napahinto lang siya nang bigla itong dumilat saka nilingon siya.
"H-hi," bati niya rito.
"Anong ginagawa mo?" tanong nito saka inalis ang isang earphone sa tainga.
"Akala ko kasi, nakatulog ka na. Hindi na kita ginising, kaso gising ka naman pala." Tinuloy niya ang paghakbang sa bandang paanan ito upang mapakawesto siya sa bandang dingding.
Tumihaya ito ng higa saka tinanggal nang tuluyan ang earphone. "Hindi pa naman ako tulog. Nagpapaantok pa lang." TIningnan siya nito.
Hindi siya agad nahiga. Umupo lang muna siya saka niyakap ang mga binti. "Akala ko g-galit ka," aniya.
Naging blangko ang ekspresyon nito lalo sa mga mata. "Bakit naman ako magagalit?"
"E-ewan ko."
Umiwas ito ng tingin sa kaniya. Tumitig ito sa kisame. "HIndi naman ako magagalit kahit sabihin mo pang sasagutin mo si Thomas."
Kumunot ang noo niya. "Celestine, seryoso ako kanina nang sabihin kong walang pag-asa si Thomas."
BIgla siya nitong nilingon. "Bakit sabi mo noong nakaraan, 'why not kung sagutin mo ito or maging kayo', di ba? Aos lang naman sa akin. Don't worry."
Tiningnan niya ito. Oo, nasabi niya iyon noong nakaraan pero hindi naman siya seryoso sa bagay na iyon. Ilang sandali silang nagkatitigan magkaibigan. "Umamin ka nga. may gusto ka ba kay Thomas?" tanong niya. Umayo siya ng upo paharap dito.
"Ano?" Kunot ang noo na tanong nito. Hindi makapaniwala ang mababasa sa mukha nito. "Ano bang sinasabi mo?"
"May gusto ka ba kako kay Thomas?" tanong niya ulit. Hindi niya sigurado pero tila hindi niya kakayanin ang sagot nito. KUng ano man ang dahilan ay hindi niya alam. Parang gusto na niya maiyak.
Naupo na rin ito saka hinawi ang mahabang buhok. "Aliyah, anong pumaosk sa isip mo at naisip mong may gusto ako kay Thomas?"
Napayuko na lang siya. Alam niyang wala namang dahilan pero pinangiliran na siya ng luha sa mga mata. Ayaw niyang makita nito ito tapos magtatanong ito. Wala din naman kasi siyang isasagot kung bakit. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha saka tumingin dito. "Wala naman."
Sandali siya nitong tiningnan. "Umiiyak ka ba?" Bahagyang lumambot ang ekspresyon nito saka lumapit sa kaniya.
Hindi niya lam pero nang magtanong ito sa kaniya nang ganoon, mas lalo siyang naiyak. Hindi niya alam kung paano tatahan dahil sa ganoong bagay. Gamit ang mga kamay ay tinakip niya ang mga iyon sa kaniyang mukha. Ilang sandali pa ay niyakap siya nito.
"Sorry na, sorry na," anito habang yakap-yakap siya.
NANG MAKITA niyang umiiyak si Aliyah ay tila kinurot ang kaniyang puso. Ang inis at iritasyong nararamdaman niya kanina ay biglang nawala at nayakap na lang ito basta. Ayaw niya sa lahat ay yung makikita itong umiiyak at dahil pa sa kaniya. Gusto niya batukan ang sarili dahil siya pa talaga ang nagpaiyak dito.
"I'm sorry. Tahan na," aniya rito.
Tumingin ito sa kaniya. "Bakit kasi ayaw mo pa umamin na may gusto ka kay Thomas. Wala naman akong gusto sa kaniya," anito saka bumitiw mula sa pagkakayakap niya rito.
Tila nalulusaw ang puso niya ngayon dahil ang cute nitong tingnan. Namumula ang mukha nito pati ang ilong. Nakanguso pa ito kaya naman hindi niya napigilan ang sarili na kurutin ang pisngi.
"Aray ko naman!" ani Aliyah. Masama ang tingin na pinukol nito sa kaniya. "Huwag mo ako daanin sa ganiyan-ganiyan mo. Pinaiyak mo ako."
"Hala. Hindi ko nga alam kung bakit ka umiyak, e."
Tinitigan siya nito. "Feeling ko may gusto ka talaga kay Thomas." Tila sinisipat nito kung ano ang magiging reaksyon niya.
Natawa siya rito. "Huwag mo ako tingnan nang ganiyan, Aliyah. Wala akong gusto kay Thomas. Hindi siya ang type ko."
Mabilis na nagbago ang ekspresyon nito. "Hindi mo siya type? E sinong type mo? Wait... May hindi ka ba sinasabi sa akin na ibang type mo?" Sunod-sunod na tanong nito.
Umiling siya. "Alam mo, matulog na tayo. Masyado kang maraming tanong." Nahiga na siya patalikod dito.
"Hey! Nag-uusap pa tayo. Sino nga kasi iyon? Ano? Gwapo ba? Kilala ko? Isa sa mga naging escort mo dati?" Dumagan ito sa kaniyang tagiliran.
Hindi siya kumibo. Nakapikit lang ang mga mata niya.
"Uy ang daya nito. Sabihin mo na nga. Magtatampo ako sa iyo." Lumayo ito nang kaunti sa kaniya.
Nilingon niya naman ito. "Basta sabi mo ah. Wala kang gusto kay Thomas. Promise?"
Nagtaas pa ito ng kamay. "Oo nga. Promise! E ikaw, wala ka ring gusto sa kaniya, ah!"
Umayos siya ng higa. "Promise, wala rin akong gusto sa kaniya."
"Sige."
"Tara matulog na tayo," aniya.
"Oy, teka! Sino muna yung type mo? Gwapo ba? Matangkad? Bakit mo siya nagustuhan at bakit hindi ko iyan alam?" Kunot ang noong tanong nito.
Natawa siya. "Alam mo, Aliyah, matulog na tayo. Wala akong type, okay? Wala sa isip ko ang mga ganiyan." Muli siyang tumagilid ng higa patalikod sa kaibigan.
"Daya naman nito."
Naramdaman niya na nahiga na ito. Napangiti na lang siya dahil sa kakaibang kakulitan din nito. Tipong kusang mapapagod at titigil. Ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang maramdaman ang braso nitong yumakap sa kaniyang tiyan.
Naidilat niya ang mga mata at nawala ang ngiti sa mga labi. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya at ang t***k ng kaniyang puso, tila abnormal na naman. Parang gusto lumabas sa kaniyang dibdib.
"A-Aliyah?" tawag niya rito.
"Hmm?"
Iyon lang ang tangin sinagot nito pero ang iba-iba ang dating sa kaniya. Mas dumoble ang kaba sa dibdib niya at natakot siya bigla na baka mahalata nito iyon.
"B-bakit wala kang gusto kay Thomas?" tanong niya rito. Curious na curious na siya pero natatakot siyang itanong iyon dito. Baka kasi masaktan sya sa ano mang pwede nirong isagot.
Ilang sandali pa ang dumaan bago ito sumagot. Akala niya pa ay tulog na ito. "Hindi ko alam. Basta hindi ko siya gusto. Siguro kung sa ibang panahon o pagkakataon, baka magustuhan ko siya. Ngayon, mas gusto ko na lang muna matulog." Tumawa silang dalawa. "Ikaw bakit hindi mo siya type?"
"Basta hindi ko siya type. Tapos ang usapan. Walang tanong-tanong." Napakislot siya nang maramdamang tinapik nito ang braso niya. "Aray ah!" Nilingon pa niya ito.
"Ang damot mo sa sagot. Kainis ka!" Tumalikod na ito sa kaniya.
Nagsisi pa siya na ganoon ang sinagot dito. Inalis tuloy ni Aliyah ang pagkakayap sa kaniya.