Puno Ng Sigla, Puno Ng Saya, Puno Ng Pag-asa...

780 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ----------------------------------                 Mistulang lumutang ako sa ulap sa sagot niyang iyon. Iyon ang pinakamasayang salita na narinig ko sa buong buhay ko. Tinitigan ko siya. Tinitigan din niya ako. Nagtitigan kami. Hanggang sa naalimpungatan ko na lang ang mabilis na paglapat ng aming mga labi. Naghalikan kami. Mapusok, nag-aalab, matindi ang kasabikan namin sa isa't-isa. Tila pag-aari namin ang mundo. At sa init ng aming paghahalikan ay tila wala nang bukas pang darating. Mistula kaming mga gutom na hayop na sabik na sabik sa laman. At tuluyan naming pinakawalan ang nag-uumapaw na init ng aming mga pagnanasa... "P-parang pumayat ka? May sakit ka ba?" ang tanong niya noong nahmasmasan na kaming dalawa. "Ok lang ako, ano ka ba. Hindi lang ako makatulog sa kahihintay sa iyo. Hindi makakain, nalulungkot, nag-iisip..." hinawakan ko ang kamay niya. "B-basta palagi tayong magkasama, masayang-masaya ako." KINABUKASAN, habang magkatabi kaming naupo sa tuktok ng mataas na batong paborito niyang upuan, may iminungkahi ako. "Alam mo Meg... wala nang hadlang sa pagmamahal ko sa iyo. Tanggap na ni Weng na ikaw ang mahal ko at sinusuportahan niya ako sa aking desisyon." Tahimik. "M-mahal mo ba ako Meg?" Ang pagbasag ko sa katahimikan sabay sandal ng aking ulo sa kanyang balikat. Hindi siya sumagot. Hinawakan lang ni Meg ang aking kamay at pagkatapos, hinugot mula sa isang kamay ko ang plawta at pinatugtog ang paborito niyang kanta. May kaunting kirot akong nadarama sa aking puso sa hindi niya pagsagot sa aking tanong. Hinangad ko kasing marinig sa mismong bibig niya ang salitang pagmamahal. Ngunit inisip ko na lang din na ang mensahe ng kanta ay ang siyang sagot niya sa aking tanong. Makahulugan, puno ng pag-asa, bagamat nabalot sa lungkot at hiwaga. Sinabayan ko na lang sa pagkanta ng mga lyrics ang pagpa-plawta niya- A time for us*, someday there'll be When chains are torn, by courage born Of a love that's free A time when dreams, so long denied Can flourish, as we unveil the love we now must hide A time for us, at last to see A life worthwhile for you and me... Pagkatapos, sinubukan din naming magpatugtog nang sabay sa aming plawta. "Meg... napag-isipan kong ituloy na lang natin ang pag-alis dito at pupunta na lang tayo ng Leyte. Tutal, pumanaw na ang mommy ko, at itinakwil na rin ako ng aking step-dad. At si Weng, pinalaya na niya ako. Huwag kang mag-alala kasi, ang lupang iyon na may laking 20 ektarya ay ancestral land na pag-aari ng aking ina. Matagal nang nakapangalan sa akin ang titulo noon. Sariling atin na iyon. Iyon ang magiging mundo natin, Meg. Doon sa Leyte, magsimula tayong muli. Mag-aral ka habang ako naman ang mag-manage sa lupain. Hindi na tayo matunton doon ng mga sindikato. Sa lugar na iyon, malayang-malaya na tayo." Nag-isip siya. At binitiwan niya ang isang malalim na buntong hininga. "Iiwan natin ang inay at kapatid ko rito?" "Kapag matatag na ang ating pamumuhay, kukunin natin sila at ililipat sa bagong himlayan nila sa Leyte." Natahimik siya. "Di ba pangarap mong makatapos ng pag-aaaral? Di ba pangarap mong makahanap ng isang magandang trabaho?" Tumango siya. "So payag ka na? Tiningnan niya ako at tumango uli. "Yeeeyyy!" ang sigaw ko. Sa gabing iyon, napakasaya ko. Alam ko, iyon na ang simula ng aming pagbabagong buhay; ang buhay na kasama siya, ang buhay na inasam-asam ko, ang buhay kung saan sarili namin ang mundo. Alam kong handa na si Meg. Alam kong sa paglipat namin sa bagong lugar na iyon, hindi na siya mawawalay pa sa akin. Parang isang katuparan ito sa mga nakasaad na minimithing pangarap sa liriko ng kantang paborito niya – "A Time For Us*". Sa isip ko, iyon na talaga... Iyon na ang oras, iyon na ang tamang lugar para sa amin. Sa gabing iyon, abala kami sa pag-aayos sa aming mga dadalhing gamit, abala sa pagpa-plano sa aming mga gagawin. Ramdam ko ang excitement niya, ang nag-uumapaw na kaligayahan. "Dalhin ko pala ang ibinigay mong tanim Meg ha? Doon sa Leyte, ilabas ko na siya sa paso... palayain. Itanim ko siya sa harap ng ating magiging bahay, upang lumago, lumaya, kagaya ng ating pagmamahalan. Tumango siya, binitiwan ang isang nakabibighaning ngiti. "Meg, ipangako mo sa akin na hindi mo na ako iiwang uli ha?" sambit ko. "Pangako..." ang kaswal niyang sagot. "At ipapangako ko rin sa iyo na hindi kita iiwan, hindi kita bibitiwan, hindi kita pababayaan, kahit ano man ang mangyari. Kahit kamatayan pa ang hahadlang..." Hinawakan ko ang kanyang kamay at inilapat iyon sa aking dibdib. Natulog kami sa gabing iyon na puno ng sigla, puno ng saya, puno ng pag-asa... (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD