Tuliro

2209 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ----------------------------------                 ISANG LINGGO ang nakalipas at nakakalakad na si Meg. Bumuti na ang kanyang kalagayan. At sa isang linggong iyon, mas tumindi pa ang aking pagkalito sa aking sarili. Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman; kung bakit ako nanatili pa sa lugar na iyon sa kabila ng dulot na panganib nito sa aking buhay, sa kabila ng hirap ng kalagayan sa bukid, sa kabila ng paghihintay ng kasintahan kong si Weng. Hindi ko alam kung bakit natatakot akong may mangyaring masama sa kanya. Sa tanang buhay ko, puro kasaganahan at kumportableng pamumuhay ang aking nalalasap. Lahat ng bagay na gugustuhin ko ay nakakamit, ang lahat na puwede kong gawin ay ginagawa ng ibang tao para sa akin. Ngunit tila mas gusto ko pa rin ang doon manirahan, kasama si Meg. Gusto kong tulungan siya, alagaan, damayan sa paghihirap ng kanyang kalooban. At ang isa pang nagpatuliro sa aking isip ay ang patindi nang patinding nararamdaman kong pananabik at pagkaawa sa kanya. At ang nararamdaman kong iyon ay tila nakakabaliw. Ito ang pinakamasakit na bagay na nagpagulo sa aking isip. Minsan, habang tinitingnan ko siya, napapabuntong-hininga na lamang ako. Kapag ganyang tulog siya, tinititigan ko ang kanyang mukha. Pakiramdam ko ay napaka-hopeless ko sa aking kalagayan. Minsan nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ngunit bigla ko ring ibabaling ang paningin ko sa ibang lugar. Minsan din, siya naman itong nahuhuli kong tumititig sa akin at kapag nahuli ko, bigla rin niyang ililihis ang kanyang paningin sa ibang bagay. Hindi ko alam kung ano rin ang nasa isip niya. Iginiit ko na lang sa aking isip na baka nagtatanong lang siya sa kanyang sarili kung bakit nanatili pa ako roon, o kung ano ang motibo ko. O maaari ring dahil sa matindi kong pag-iilusyon kung kaya ay binibigyan ko ng kahulugan ang mga bagay-bagay sa kanya kahit wala itong kahulugan. Nakapagluto na ako noon ng pananghalian nang sa pagpasok ko sa kubo ay hindi ko siya mahanap. "Meg! Meg! Meggg!!!" ang sigaw ko habang inikot ang paligid ng kubo. Ngunit walang Meg na sumagot sa akin. Kinabahan na naman ako, nag-alala kung saan siya nagtungo. Pinuntahan ko ang talon at laking pasasalamat ko noong nandoon lang pala siya, nakalublub sa tubig ang kalahating katawan. "Megggg! Tinakot mo ako ah!" ang sigaw ko. Hindi siya sumagot. Tiningnan lang niya ako saglit at saka ipinagpatuloy ang paghilod sa kanyang balat gamit ang isang bato. Dali-dali kong hinubad ang lahat ng saplot sa aking katawan upang samahan siya sa kanyang paliligo. Nang nakahubad na, bumaba ako sa ilog. Ngunit sa aking pagmamadali ay nadulas ako at tumilapon ang aking katawan na nakatihaya sa paanan ng tubig. "Awwtttttttssssss!!!" ang daing ko. Hindi kaagad ako nakatayo. Nanatili akong nakahiga dahil sa sakit ng aking pang-upo. Nilingon ko si Meg. Nakita ko ang pagtawa niya habang tiningnan akong nakatihaya. Noon ko lang siya nakitang tumawa. Nang napansin niyang tiningnan ko siya, bigla niyang binura ang ngiti sa kanyang mga labi at saka tumalikod, ipinagpatuloy ang kanyang paghilod na parang wala lang nangyari. Agad akong tumayo at lumusong sa tubig, tinumbok ang kinatatayuan niya. "Pinagtawanan mo ako Meg ha?" ang sigaw ko habang nagtatakbo akong lumusong sa tubig. At noong nasa tabi ko na siya, "Bakit mo ako pinagtatawanan?" ang tanong ko. Nakahubad ang pang-itaas niyang katawan. Alam ko, wala ring saplot ang bahagi ng kanyang katawan na nakalublob sa tubig. "Para kang palaka." Ang sagot din niya na hindi nagpakita ng emosyon sa kanyang mukha habang nagpapatuloy sa paghilod. Natuwa naman ako sa sagot niya. At iyon ang nagpalakas ng aking loob upang biruin siya. "Ah palaka pala ha..." at pilit kong hinablot ang kanyang kaliwang kamay. "Gusto mo, paghahampasin ko iyang sugat mo? Sige ka, sige ka...!" Ngunit hindi niya ako pinatulan. Ngumiti lang siya at itinuloy ang paghilod sa kanyang likod. Sobrang tuwa ko sa ngiti niyang iyon. Iyon ang pinakaunang ngiti na nakita ko sa kanyang mga labi. Hindi pilit, walang bahid na pagkukunyari, at tunay na may naramdamang kasiyahan. Napatitig ako sa kanya. Na-mesmerize sa angkin niyang kagwapuhan. Doon ko napagmasdang maigi ang kanyang mukha. Ang makinis niyang balat, ang matangos niyang ilong, ang mga ngiping pantay, ang mga matang tila nakikipag-usap. At marahil ay napansin niyang nakatitig ako sa kanya, yumuko siya bagamat ipinagpatuloy ang paghihilod sa kanyang likod. "G-gusto mo... tulungan kitang hilurin ang likod mo?" nahirapan kasi siyang hilurin ang kanyang likod dahil sa sugat. At sobrang tuwa ko noong walang imik na inabot niya sa akin ang hawak niyang panghilod. Pumuwesto ako sa likod niya at sinimulan ang paghilod. Hindi ko lubos maipaliwanag ang aking nadarama. Para akong lumutang sa ulap na hindi mawari sa paminsan-minsang paglapat ng aking kamay sa kanyang balat. Nang tingnan ko si Meg, nakapikit ang kanyang mga mata, tila sinamsam niya ang sarap ng aking paghihilod. At iyon ang nagpalakas ng aking loob. Iginapang ko ang aking paghilod patungo sa kanyang dibdib. Humarap ako sa kanya. Akala ko ay papalag siya. Ngunit hinayaan pa rin niya ako. At habang ginawa ko ang paghilod sa kanyang dibdib, tinitigan ko ang kanyang mukha. Maya-maya, napansin kong iminulat niya ang kanyang mga mata. Tinitigan din niya ako. Mapupungay ang kanyang tingin. Tila nang-aakit. Nagtitigan kami habang patuloy na iginapang ko ang paghilod sa kanyang dibdib, dahan-dahan pababa patungo sa sa kanyang tiyan... Hanggang sa tila isang iglap lang, naalimpungatan ko ang paglapat ng aming mga labi. Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko na matandaan kung paano naganap ang halos simbilis ng kidlat naming paghahalikan. Nagyakapan kami, mapusok, matindi ang pananabik. Sinamsam namin ang sarap ng aming mga labi, ang tamis ng aming mga laway. Ramdam ko ang matindi naming pagnanasa, iyong pakiramdam na pareho kaming sabik na sabik sa isa't-isa, tila naghintay ng napakahabang panahon upang maganap ang pangyayaring iyon. Hanggang sa napunta kami sa dalampasigan, sa batuhan, at doon na tuluyang nangyari ang lahat. At kasabay sa ingay ng mga nagkikiskisang dahon habang hinihipan ng hangin at tilamsik ng pagbagsak ng tubig mula sa talon, humalo rin ang ingay ng aming mga ungol. Buong-buo naming inangkin ang bawat isa. Buong-buo naming nilasap ang sarap ng kamunduhan ng aming mga pagnanasa. Noong nakaraos na kaming pareho, hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari sa amin ni Meg ang lahat. Lalaki siya, lalaki rin ako. At sa buong buhay ko, ni sa pangarap ay hindi sumagi na hahantong ako sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Nanatili akong nakatulala. Mahapdi ang aking likuran, may dugong dumaloy, at tila napupunit ang kaloob-looban nito sa sakit. Ngunit sa aking puso, ramdam ko ang matinding saya. Iyon ang pinakaunang karanasan ko sa ganoong klaseng pakikipagtalik. At sa kubo ni Meg, ilang beses pang nasundan ang pangyayaring iyon... Pakiramdam ko, iyon na ang pinakamasayang sandali ng buhay ko. Pakiwari ko ay biglang nag-iba ang takbo ng aking buhay. Pakiwari ko ay biglang bumaligtad ang aking mundo. Simula noon, unti-unti nang nagtiwala sa akin si Meg. "Meg, saan na pala ang itay mo ngayon?" ang tanong ko isang araw na nakaupo lang kaming pareho sa papag sa loob ng kubo. Maulan ang araw na iyon kung kaya ay hindi kami makalabas. Naramdaman ko kasi ang kanyang pangungulila at napansin ko ang matinding lungkot sa kanyang mga mata kung kaya ay naisipan kong itanong sa kanya ang tungkol sa kanyang itay, nagbakasakaling isa iyon sa mga dahilan kung bakit napako ang kanyang tingin sa malayo. "Hindi ko na alam..." ang sagot niyang hindi man lang lumingon sa akin. "May litrato ka ba sa kanya? Natatandaan mo pa ba ang hitsura niya?" "H-hindi na... Lahat ng mga litrato niya ay itinapon ng aking inay. Hindi ko rin alam kung saan ko siya hahanapin." "Kung mahanap mo ba siya, patatawarin mo siya sa mga ginawa niya sa inyo ng iyong inay?" "Hindi ko alam. Pero gusto kong itanong sa kanya kung bakit niya kami iniwan. Kung bakit niya kami pinabayaan. Kung bakit niya hinayaang magkaganito ang aming buhay." "Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita sa paghahanap sa kanya." Ang sambit ko sabay hawak sa kanyang kamay at pinisil ito. Hinayaan niyang pisilin ko ang kanyang kamay. Binitiwan niya ang isang ngiting hilaw. "S-salamat... Ngunit kung hindi man mangyari iyan habang buhay pa ako, kahit sa ibabaw ng aking puntod, tatanggapin ko ang kanyang paliwanag." "Grabe ka naman kung makapagsalita. Hindi ka pa mamamatay ah! Ambata-bata mo pa!" "Hindi ka naman nakakasiguro talaga sa buhay, di ba?" "Sabagay..." "At sa kagaya kong hinahabol ng mga masasamang-loob at awtoridad, hindi malabong bukas o sa makalawa, wala na ako. Ngunit, ok lang iyan. Pagod na rin ako. Gusto ko nang makapiling ang aking inay at kapatid sa banda pa roon, kung san man iyan. Handa na ako." Tahimik. Ewan ko, parang tumagos sa aking puso ang kanyang sinabi. Naawa talaga ako sa kanya. "N-nakatapos ka ba ng pag-aaral, Meg?" ang pagbasag ko sa katahimikan. "High school." "Ayaw mo bang mag-aral muli?" "Noong buhay pa ang aking inay at kapatid, iyan ang pangarap ko... upang maiahon ko sila sa kahirapan. Huminto ako nang dinapuan na ng sakit ang inay." nahinto siya. "Ngayong wala na sila, nawala na rin ang mga inspirasyon ko sa buhay. Nawasak na ang aking mga pangarap." Tiningnan niya ako sabay bitiw ng isang malalim na buntong-hininga. "Wala nang halaga pa ang pag-aaral..." "Hindi Meg. Mahalaga pa rin iyan. Kasi, para sa sarili mo. P-para sa kinabukasan mo." "Wala na akong kinabukasan pa, Tob. Heto nga, tinutugis ako ng sindikato, hinahanap ng mga pulis." "Ilayo kita rito Meg. Kapag tuluyan ka nang gumaling. Dadalhin kita sa isang lugar sa Leyte. Hindi ka na mahahabol pa ng mga tumutugis sa iyo. Pagkatapos, magpatulong tayo sa mga kilala kong pulitiko para maresolba ang kaso mo." Napangiti siya. Iyong sarkastikong ngiti na may halong pag-iiling. "Matataas na pulitiko ang ulo ng sindikato Tob. Paano nila ako matutulungan?" "Ako ang maghanap ng paraan." Hindi na naman siya kumibo. "Gusto mo ba?" ang tanong ko. "A-ayokong iwanan ang inay at si Mark. Gusto kong dito kami magsama." "P-puwede nating dalhin sila at gagawa tayo ng himlayan para sa kanila doon sa Leyte." "P-paano ang magiging asawa mo kung sasama ka sa akin? Mahal mo siya di ba?" Tila hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo sa kanyang huling tanong. Hindi ako nakasagot agad. Nakita kasi niya ang aking pag-propose kay Weng bago naganap ang pangho-hold up. At tama siya, pinangakuhan kong pakasalan si Weng. At bagamat may kakaibang naramdaman ako para kay Meg, hindi pa rin nawawala ang naramdaman ko para sa aking girlfriend. At kami ni Meg, sa kabila ng nangyari sa amin, wala kaming ugnayan, wala kaming pormal na kasunduang kami na nga, wala kaming inamin na mahal namin ang isa't-isa. "Eh..." ang naisagot ko na lang. Hinawakan niya ang aking kamay. Tiningnan ang singsing sa aking daliri, iyong kapares sa singsing na ibinigay ko kay Weng noong nag-propose ako ng kasal. "Bumalik ka sa kanya Tob... May pananagutan ka. Kung ako ang nasa kalagayan ng iyong kasintahan, masasaktan ako nang labis. Maaatim mo ba na saktan ang damdamin ng isang babae? Galit ako sa mga lalaking sinasaktan ang mga mahal nila, ang mga asawa nila. Iyan ang dahilan kung bakit kami nagdusa ng aking inay at kapatid. K-kung hindi lang sana nagloko ang aking ama, marahil ay isa kaming masayang pamilya." Nahinto siya nang sandali at tiningnan ako. "H-hayaan mo na ako rito, Tob. Masaya ako rito kasi, narito ang aking inay at ang aking bunsong kapatid. Narito ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Hanggang sa huling sandali ng buhay ko, ayokong malayo sa piling nila. Sila na lang ang natitira kong pamilya. Sapat nang minsan ay may isang lalaking nagbigay ng sakit ng kalooban sa aking inay. Ayaw kong pati ako ay lalayo rin sa kanya." Nahinto siyang muli at binitiwan ang isang pilit na ngiti. "Sapat na ang naibigay mong tulong sa akin. Tingnan mo, magaling na ako. Kahit ngayon, p-puwede mo na akong iwan." Hindi ako nakasagot agad sa sinabi niyang iyon. Tila may bumara sa aking lalamunan. Matinding pagkaawa ang damdamin na nangingibabaw sa aking puso para sa kanya. Bull's-eye nga naman ang kanyang sinabi. Kapag sinamahan ko siya, iiwanan ko ang aking girlfriend. At kapag babalik naman ako sa aking girlfriend, paano naman siya? At naihambing pa niya ang kalagayan ng girlfriend ko sa paglayo ng kanyang ama sa kanyang ina. Parang nasa isang dead end akong walang malusutan. At lalo lamang akong naawa sa kanya. "Eh... ang ibig kong sabihin, ikaw lang ang ilalayo ko at tutulungan kita." Ang sagot ko na lang. "Huwag na... sobra-sobra na ang pagtulong mo sa akin. Tama na ang mga ginawa mo." "Ayaw mo bang makapag-aral?" "G-gusto. Pero..." "O... iyon naman pala eh. Wala nang pero-pero pa. Basta kapag tuluyan nang bumuti ang iyong kalagayan at kaya mo nang magbiyahe, kahit lilipat muna tayo ng tirahan sa bayan; sa isang lugar kung saan mahirap matunton ng mga sindikato." "Ayaw kong madamay ka, Tob." "Nadamay na ako, 'di ba?" "Hindi ikaw ang pakay nila. Kapag nalaman nilang tinulungan mo ako, pati ikaw ay papatayin na rin nila, pati ang pamilya mo. Masisira ang buhay mo." "Subukan nila. Mayaman at may kuneksyon ang step-dad ko. Baka mahirapan sila." "Basta ayoko..." (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD